Itinulak ko si Sir Marcus. Awkward kasi masyado eh. Bakit kailangan niya pang lumapit. Napatawa naman siya. "I'm just kidding! Ikaw naman masyado kang seryoso," sabi niya. "Hindi kasi ako sanay sa ganito Sir," sabi ko. Ramdam kong namula ang aking pisngi. Tatlong bote nalang ang natira niyang alak. "Ang cute mo naman kapag nagbublush," sabi niya sabay pisil sa pisngi ko. Hindi na ako sumagot at pinilit na ngumiti sa kanya. Ang oangit naman niyang malasing napaka kulit. "Alam mo Ella, kahit sinong babae ay kaya kong gawin na prinsesa basta mahalin lang nila ako. Iyon lang naman ang hinihingi ko eh na maging faithful sila sa akin. Mahirap ba iyon?!" sabi niya sabay inom ng alak. "Kahit sino naman iyon ang gusto Sir, na mahalin at hindi lolokohin. Pero hindi kasi magkakatulad ang minds

