bc

Loving Your Flaws

book_age18+
1.5K
FOLLOW
5.0K
READ
others
drama
comedy
sweet
lighthearted
mystery
like
intro-logo
Blurb

Sa maikling panahon na nagkakila si Marcus at Ella ay nagustuhan na nila ang isa't isa. Si Marcus ay isang mayaman at nagmamay-ari ng kompanyang tinatrabahuhan ni Ella. Siya rin ay saksakan ng kapogian ngunit napaka suplado. Si Ella naman ay kanyang Sekretarya. Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang pag-ibig kung mayroong humahadlang? Halina at abangan ang kanilang kwento!

chap-preview
Free preview
Chapter 1. Meet Ella Reyes and Marcus Alexis Grey
"ELLA?! Gumising ka na anak tanghali na! Ngayon pa naman ang unang araw mo sa iyong trabaho,” sigaw ni Mama sa pintuan ng aking kwarto. Ngayon ang unang araw ko sa trabaho bilang isang Sekretarya. Nang magkasakit si Papa ay humanap ako ng trabaho para makatulong sa kanila ni mama. Dati kaming may negosyong tinapayan, subalit tuluyan itong nalugi at nabenta. Kahit ang aming munting lupain ay nabenta na rin dahil sa kahirapan. Sobrang nalubog na si Mama sa utang. Tanging ang natitira nalang sa amin ay ang lupang tinitirikan namin ng aming bahay. Agad akong bumangon. “Opo Ma.” Dumiretso na ako sa c.r para makapag shower na. Pagkatapos kong magshower ay pumunta na ako sa kusina at nagtimpla ng kape. Maya-maya pa ay lumabas na sa kwarto nila ang aking dalawang kapatid na sina Ken at Jane na naka uniporme. Sabay bati sakin. “Good morning Ate,” bati ni Jane at ngumiti. “Good morning,” sagot ko naman sa kanya. “Ate, ngayon ang first day mo sa trabaho? Good luck ha!” sabi ni Ken at naka-thumbs up pa ito. “Kayang-kaya mo 'yan!” dagdag pa niya. “Oo naman ako pa ba? Wala pa akong hindi kinaya no.” Sabay kindat ko sa kanya. “Kaya dapat mag-aral kayong mabuti ni Jane para balang araw makahanap din kayo ng trabaho at makatulong kay Mama at Papa,” sabi ko pa habang nakangiti. Habang kumakain kami napansin ko si Mama na nakatulala na naman ito. Laging lutang ang isip at wala sa sarili. “Ma, samahan mo kaming kumain,” tawag ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin. Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa balikat. Nagulat si Mama at dali-daling pinunasan ang tumutulong luha sa kanyang mga mata. “Ay anak nand'yan ka pala, tapusin mo na ang iyong almusal nang sa gano'n ay makaalis ka na baka malate ka sa iyong trabaho,” sabi nito sa akin at ngumiti. Kahit pilit tinatago ni Mama ang kanyang nararamdaman alam kong malungkot siya dahil sa nangyayari sa Pamilya namin. “Ma wag kang mag-alala maging masipag ako sa aking trabaho para makatulong sa inyo ni Papa,” sabi ko sa kanya. “Salamat anak,” sagot nito sa akin. Nakikita ko ang luhang namumuo sa mata ni Mama na pilit niyang pinipigilang tumulo. Sobrang naaawa ako sa kanila ni Papa. “Mama naman wag ka nang malungkot, pinapangako ko sa iyo na ang lupang nabenta natin ay ibabalik ko at pati ang ating tinapayan.” Sabay yakap ko sa kanya na may pag lalambing. Niyakap ako ni Mama ng mahigpit at hinalikan sa noo. “Salamat anak at nanjan ka para amin ng iyong Papa at para sa mga kapatid mo,” sabi nito. “Oo naman Ma, tandaan po ninyo na nandito lang ako para sa inyu,” sabi ko din sakanya. Maya-maya ay nag paalam na si Ken at Jane na aalis. “Mama alis na kami Jane,” ani ni Ken. “Sige anak, mag ingat kayo ha. Ingatan mo ang kapatid mo,” sabi ni Mama kay Ken. Tumango lang si Ken at humalik sa pisngi ni Mama. Ganon din ang ginawa ni Jane. Maya-maya nag paalam na rin ako kay Mama para pumasok na sa trabaho. Pasakay na ako ngayon sa taxi papuntang Skyfrieght Grey Building. Na eexcite ako na may halong kaba. Ano kaya ang magiging itsura ng boss ko? Mabait kaya siya?? Hayyy sana magustuhan niya ako bilang Sekretarya niya. Kailangan ko talaga ng trabaho kaya lahat ay gagawin ko para sa pamilya ko at para sa pangako ko kay Mama. Nandito na ako ngayon sa harap ng Skyfrieght Grey Building. Sobrang laki ng Building at ang ganda nito. Habang papasok ako sa Building ay may tumawag sa akin. "Maam! Maam!” tawag ng lalaki sa akin. "Bakit po?” tanong ko naman sa lalaki. “Ano po ang kailangan niyo dito Maam?” tanong ng lalaki. “Ahmm... ako po yung bagong Sekretarya ng may-ari dito, at tsaka ngayon po ang unang araw ko na papasok,” sagot ko naman sa kanya. “May I.D po ba kayo? Paki suot nalang po,” sabi nito. May I.D nga pala ako at nakalimutan ko itong isuot. Kinuha ko ito sa bag ko at ipinakita kay Kuya. “Sige po Maam, sumunod po kayo sa akin.” Sabay lakad niya. Sumunod din ako sa likuran nito. Habang lumalakad kami sa loob ng building halos mabingi ako sa katahimikan. “Mga pipi ba ang mga tao dito?” sabi ko sa isip ko. Lahat ng mga empleyadong dinaanan ko ay nakatingin lamang sa kani-kanilang mga gawain at sa computer na nasa kanilang harapan. Hanggang sa hindi ko napansin nakarating na kami sa aming paruruonan. Kumatok ang lalaki sa isang pinto ng tatlong beses. “Come in,” sabi ng lalaki sa loob. Binuksan ni Kuya ang pinto at pumasok kaming dalawa. May isang lalaking nakaupo sa swivel chair. “Mr. Grey andito na po ang iyong bagong Sekretarya,” sabi ng lalaki. Unti-unting pinaikot ng lalaki ang swivel chair paharap sa amin. Halos luluwa ang aking mata ng makita ko ang lalaki. Napaka gwapo nito makisig at kissable lips. Masasabi ko na ito na talaga ang pinaka gwapong lalaki na nakita ko bukod sa Papa ko. “Anghel ba ito na bumaba sa lupa?” bulong ko sa sarili ko. “What is your name?” sabi nito sa akin. “Ako po si Ella Reyes,” sabi ko naman habang nakangiti. Tiningnan lang niya ako mula paa hanggang ulo. Kahit anong reaksyon sa mukha niya wala akong nakikita. Napakaseryoso nito at hindi ko mabasa kung ano ang laman ng kanyang isip. “Miss Ella Reyes, meet Mr. Marcus Alexis Grey siya ang iyong amo at ang nag mamay-ari ng building na ito,” sabi ng lalaki sa akin. Nginitian ko si Sir Marcus ngunit umiwas ito ng tingin at humarap sa kanyang laptop. “Thank you Kuya Erwin sa paghatid dito sa kanya,” sabi nito ngunit sa laptop pa rin nakatingin. “Walang anuman po,” sabi ng lalaking tinawag niyang Erwin. “You can leave now,” ani ni Sir Marcus sakanya. Agad namang lumabas si Erwin sa silid. Si Erwin ay isang driver ni Marcus. Mahigit dalawang dekada na itong naninilbihan sa pamilya ng lalaki. Si Marcus lamang ang tumatawag sa kanya na Erwin sapagkat ayaw niya itong tawagin na kuya. Nang makalabas si Erwin tinawag ako ni Sir Marcus na may malakas na boses. “Miss Reyes i want a black coffee now. Make sure within 1 minute madala mo ito sa akin!” pagalit niyang utos. “Hah?! Within 1 minute? My god. Okay pa ba siya?” sabi ko sa aking isip. Dali-dali naman akong pumunta sa corridor ng kanyang opisina. Hindi ko na siya tinanong kung gusto ba niya ng matamis o hindi. Pagkatapos ko magtimpla dinala ko agad ito sa kanya at nilapag sa kanyang mesa. “Ito na po yung kape niyo Sir,” sabi ko habang nakayuko. Hindi manlang ito tumingin sa akin. Nakatingin lang siya sa kanyang laptop. Akma na sana akong tatalikod ngunit bigla itong nagsalita. "Diba sabi ko sayo kailangan madala mo na sa akin pagkatapos ng isang minuto?!” sabi nito na may mataas boses. “Opo,” sagot ko naman sa kanya. “At bakit umabot ka ng tatlong minuto aber?” galit na singhal ni Sir Marcus. “Eh kasi Sir-“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla itong nagsalita ulit. “At sumasagot kapa?” sabi nito habang naka smirk. “So since you are new here, bibigyan kita ng list tungkol sa rules ko rito sa kompanya,” sabi nito at may kinuhang papel sa drawer niya. “Here read it for me,” sabi niya. Kinuha ko ang papel sa kanya at binasa ito sa kanyang harapan. Habang binabasa ko ito ay nakikinig lang siya at nilalaro ang ballpen na nasa kanyang kamay. Kinakabahan ako habang binabasa ko yung mga rules niya. Nakikita kong walang rights ang mga empleyado dito at walang freedom pag nasa kompanya. “Ngayon alam mo na kung ano ang ayaw ko, its your choice if your going to stay or leave,” sabi nito. Kailangan na kailangan ko ng trabaho para sa aking pamilya kaya kahit anong mangyayari ay magtitiis ako kahit gaano ka hirap. “Im going to stay Sir,” sagot ko. “Good! Tingnan natin kung makakatagal ka.” Ngumisi ito ng nakakaloko. Halos kinabahan ako sa kanyang sinabi at sa pag ngisi niya. Pero handa akong kayanin ang lahat para sa pamilya ko. Yumuko ako habang nag hihintay sa kanyang iuutos sa akin. Isa doon na nakalagay sa rules na bawal siyang titigan. “Ang damot naman niya hanggang titig na nga lang ako pinagbabawal pa,” sabi ko sa aking sarili. “Miss Reyes,” tawag ni Sir sa akin. “Bakit po Sir?” sagot ko at ngumiti. "Can you just clean the floor, mag mop ka at mag floorwax.” Sabay ngisi niya. “Po??” Gulat ko namang sagot sa kanya. “Yes, yan ang gagawin mo sa unang araw mo,” sabi pa nito. “Pero Sir sa pag kakaalam ko po Sekretarya po ang trabaho ko dito at hindi janitress,” sabi ko pa. “Im the boss here! So i’m the one who can decide kung ano ang ipatrabaho ko sayo, naintindihan mo!” sigaw nito. “Or else kung ayaw mong sumunod sa gusto ko makakaalis kana,” sabi pa nito sa akin. Yes, tama siya. Siya ang boss kaya wala akong ibang gagawin kundi sumunod sa kanya kung ayaw kong mawalan ng trabaho. “Ikaw talaga Sir di ka naman mabiro.” Sabay ngiti ko ng pilit sakanya. “Ito lang ba sir? Baka gusto niyo po pati mesa niyo punasan ko na rin kasi napaka kapal na talaga ng alikabok dito,” mariin kong sabi. Bigla namang nagbago ang expression ng mukha nito. Hindi ko maintindihan at mabasa kung ano ang nilalaman ng utak niya. Bigla ito naging seryoso. “Gawin mo na ngayon din!” sigaw pa niya. “Opo Master.” Sabay ngisi ko sakanya. "What did you say? Ako ba pinag loloko mo!” sigaw niya parin sa akin. “Po? wala po sabi ko na nga po mag sisimula na po ako sa pag lilinis,” sagot ko naman sa kanya. Dali-dali ko namang kinuha mga kailangan ko para makapag linis na ng sahig. Nakakainis talaga ang lalaking to. Kung hindi ko lang talaga boss sarap niyang sakalin. Pagkatapos kong maglinis sa sahig sinunod ko naman ang banyo. Pagkatapos nag punas-punas ako sa mesa at upuan niya. Si Sir Marcus ayun sobrang busy niya sa laptop niya. Lunch time na. Kinuha ko yung baon ko na kare-kare at kanin sa bag ko. Bumaon nalang ako para hindi ko na kailangan pa mag bili ng pagkain. Lumabas si Sir Marcus at agad naman itong bumalik. May bitbit itong Jollibee. Wow nag padeliver talaga si Sir. Habang kumakain ako pasimple akong sumusulyap kay sir Grey. Sobrang pogi talaga nito ngunit nuknukan sa sama ang ugali. Pati sa kung paano siya kumain nakapa pogi. Parang model siya kung kumain. Nalulunod ako sa kapogian ni sir. Hindi ko napansin nakatitig na pala siya sa akin. "Hey! Anong tinitingin-tingin mo!” sigaw nito sa akin. Hay ito na naman galit na naman siya. Si Sir Marcus yung tipong may mala anghel na mukha ngunit mala demonyo ang ugali. “Ahmm… wala po Sir Marcus,” sagot ko. “Ayaw mo palang tinititigan ka ha, pwes aasarin pa kita lalo para quits na tayo sa ginawa mo sakin ngayon,” sabi ko sa isip ko. Inirapan lang ako nito. Maya-maya tapos na siyang kumain ganon din ako. Nililinis ko ang napagkainan ko ng biglang. "Outch!” nagulat ako ng may tumama sa likod ko. “Bilisan mo jan at may ipapagawa ako sayo,” sabi ni Sir Marcus habang nakangisi. Napaka walang hiya talaga nito. Tinapunan ba naman ako ng balat ng saging, makakaganti din ako sa taong ito. “Sir tapos na po ako,” sabi ko sa kanya. Nakangisi pa rin ito habang nakaupo sa mamahalin niyang swivel chair. “Check this paper kung napirmahan ko na lahat,” ani nito. Halos humaba ang nguso ko sa sobrang kapal ng papel na ipa check niya sa akin. My god! Ang sarap niya talaga sakalin. “Kalma self kaya mo yan!” Sabi ko sa sarili ko. “Okay po Sir no problem po,” sagot ko naman sa kanya. Sa sobrang kapal ng mga papel na tinatrabaho ko hindi ko namalayan na uwian na. Niligpit na ni Sir Marcus ang kanyang mga gamit syempre yun na din ang ginawa ko. Kinuha ko yung bag na dala ni Sir Marcus at dinala ko ito. Agad itong lumakad na palabas ng kanyang opisina. Sumunod ako sa likuran ni Sir Marcus, habang lumalakad kami palabas ng building napansin kong lahat ng mga empleyadong madadaanan namin ay nagsiyukuan. Ganon nila nirerespeto si Sir Marcus. Mayroon ding ibang empleyado na nakatingin sa akin. Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy nalang din ako sa paglalakad. Nang makarating na kmi sa parking lot ay binigay ko ang bag niya. Sumakay siya sa mamahalin niyang kotse at pinaandar ang makina nito. “Bye Sir mag ingat po kayo,” sabi ko sa kanya habang nakangiti. Hindi ito umimik at pinatakbo na ang kanyang sasakyan. Nag-abang ako ng taxi para magpahatid sa amin. Pagdating ko sa bahay tulog na lahat ng tao. Pasado alas otso na ng gabi kaya nag papahinga na ang dalawa kong kapatid na estudyante ganon na rin si Mama at Papa. Dumiretso na ako sa aking kwarto at nag shower na rin. Pagkatapos kong mag shower ay pinatuyo ko ang aking buhok at bumulagta sa kama. Sobrang napagod ako ngayong araw. Habang nakahiga ako hindi ko maiwasang isipin si sir Marcus. Sobrang pogi talaga nito. Napangiti nalang ako sa nangyari sa unang araw ko. Hindi nagtagal ay dinalaw na ako ng antok. Unti-unti nang pumipikit ang aking mga mata. At tuluyan ko na ngang itinulog ang aking pagod.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook