Chapter 2

2206 Words
Maagang nagising si Marcus para pumasok sa kanyang opisina. Nagshower ito at pagkatapos ay isinuot ang kanyang uniporme na toxido. Maya-maya may kumatok sa kanyang pintuan. "Marcus babe are you awake?” tawag ng babae sa likod ng aking pintuan. “Yeahh!” pasigaw kong sagot sakanya. “Common let’s eat our breakfast,” sabi pa nito. “Ok i’m coming,” sagot sa kanya. Heto na naman siya. Tinatrato niya parin ako na parang bata. Simula ng mamatay ang mga magulang ko dahil sa car accident ay si Ate Celine na ang tumayong ama’t ina ko. Yes, si Ate Celine yung babaeng tumawag sa akin. Dali-dali akong lumabas sa kwarto at pumunta sa dining area. Habang papalapit ako sa dining table matatanaw ko si Ate Celine na nakaupo at naghihintay sa akin. “Goodmorning,” bati nito sa akin. “I’ve heared na mayroon ka na namang bagong Sekretarya?” tanong pa niya . "Yeahh,” tipid ko lang na sagot. "So can i see her?” tanong nito sa akin. "For what?” tanong ko sa kanya. “I just want to know kung maganda ba siya, malay mo magustuhan mo rin siya kagaya ni-,” hindi na niya natapos mag salita dahil bigla akong tumayo at lumakad palabas ng bahay. “Hey, why are you so serious? Im just kidding i know that no one can replace her in your heart!” pahabol nitong sigaw habang papalayo ako sa kanya. Nagmamaneho na ako ng aking kotse ng bigla ko siyang naalala. Ang babaeng sobrang minahal ko. Ang babaeng nagbigay sa akin ng sobrang saya. Ngunit ang kapalit ng pagmamahal na binigay ko sa kanya ay panloloko niya sa akin. Biglang kumirot ang puso ko sa sakit. Kamusta na kaya siya. Simula ng hiwalayan ko siya hindi na ako nakarinig ng balita tungkol sa kanya. Sa sobrang pag-iisip ko tungkol sa kanya hindi ko namalayan na nasa parking lot na ako ng aking kompanya. Papasok na ako ng napansin kong may dalawang babaeng empleyado na nag-uusap sa may daanan. Hindi nila ako napansin. Ang ibang mga empleyado ay nag yukuan na ng makita akong papalapit. "Hey! Kayong dalawa ang aga-aga tapos makipagchismisan kayo dito sa kompanya ko!” sigaw ko sa kanilang dalawa. Bigla silang namutla. “Im sorry sir hindi po namin sinasadya,” ani ng isang babae. “Please forgive us Sir,” sabi din ng isa. So dahil sa mabait ako tinanggap ko ang sorry nila. “Its okay, don’t cry,” sabi ko habang nakangisi. "Maraming salamat po sir,” sabi naman ng isang babae. “But make sure na hindi ko na makikita ang pagmumukha ninyong dalawa dito bukas!” bulyaw ko sa kanila sabay lakad ko palayo. Lahat ng mga empleyado ay nagsitinginan. Well, wala akong paki sa kanila. Kasalanan nila yon kung bakit ko sila sinasante! Walang rule sa kompanya ko na pweding makipagchismisan sa kapwa nila empleyado. Papasok na ako sa sarili kong opisina ng matanaw ko ang aking Sekretarya. Ang tanga-tanga kong Sekretarya. “Goodmorning Sir,” bati niya sa akin. Syempre hindi ko siya babatiin pabalik bakit naman diba? Im the boss here. Dumiretso lang ako sa paglalakad at umupo na sa aking swivel chair. Ngayon ang pangalawang araw niya bilang Sekretarya ko at mas lalo ko pa siyang pahihirapan ngayon. Tingnan natin kung makatiis kapa. “Ahmm… Sir Marcus ito na po yung mga papel na pinacheck nyu sa akin kahapon.” Sabay abot niya ng mga papel. “Just put it on my table,” sagot ko sa kanya habang nakatingin laptop ko. Nilapag niya ang mga papel at tumalikod na siya sa akin. Bumalik ulit siya sa kanyang upuan. Hindi ko maiwasang tumitig sa maamo niyang mukha. Ang ganda niya morena, matangos ang ilong at higit sa lahat nakakaakit. Ngunit hindi pa rin siya katulad ni-." biglang tumunog ang telepono sa mesa ko. "Hello!” pasigaw kong sagot. "Hello babe! Im on my way to your office. See you!” sabi ng nasa kabilang linya. Sino pa nga ba, wala na namang ibang tumatawag sa akin kundi si Ate Celine. Nakaupo lamang ako sa aking upuan ng marinig kung may kausap si Sir Marcus na may kausap sa kanyang telepono. Pasigaw niya itong sinagot. Napaka sungit talaga nito. Akala mo naman siya na ang pinaka poging lalaki sa mundo. Well pogi naman talaga siya. Yun nga lang saksakan sa sama ang ugali. Napaka matapobre. Maya-maya biglang bumukas ang pintuan at may pumasok na isang babae. Maganda, matangkad, maputi, makinis at halatang mayaman. Pakiramdam ko ito siguro ang girlfriend ni Sir Marcus. Kunsabagay gwapo naman si Sir kaya hindi impossibleng magkagustuhan silang dalawa. “Hello babe,” nakangiting bati niya kay Sir Marcus. Tumango lang si Sir sa kanya at hindi umimik. So tama ang hinala ko ito nga ay girlfriend niya. Tumingin sa akin ang babae at ngumiti ito. “Hi I’m Celine, Ate ni Marcus.” Sabay lahad ang kanyang kamay para makipag shake hands sa akin. So Ate niya pala ito. Akala ko ito na yung girlfriend ni Sir Marcus dahil tinawag siya nitong “babe”. “Ella Reyes po Maam,” sagot ko sa kanya sabay ngiti ko rin at nakipag shake hands dito. “Nice name,” sabi nito. “Nice to meet you,” dagdag pa niya. "Nice to meet you po Maam,” sagot ko naman sa kanya. “Ang ganda mo naman Ella.” Sabay lingon niya kay Sir Marcus. “Diba Marcus?” sabi pa nito. Hindi ito pinansin ni Sir Marcus at nagpatuloy lang sa ginagawa niya. Tumingin naman sa akin si Maam Celine at ngumiti ito. Ngumiti lang din ako sa kanya. Ramdam ko na nagblush ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Sobrang ganda ng kapatid ni sir Marcus. Nasa dugo na siguro ng mga ito ang magkaroon ng may mala dyosang itchura. “By the way i have to go,” sabi nito habang nakatingin kay Sirr Marcus. “Buti pa nga,” sagot naman nito sa kanya. “Ella, alagaan mong mabuti si Marcus,” sabi niya sakin na may pang-aasar sa kanyang kapatid. "If you want to leave, then leave andami mong sinasabi e!” galit na sigaw ni sir Marcus. Tinawanan lang ito ni Maam Celine at kinindatan ang kanyang kapatid at dali-daling lumabas sa loob ng opisina. Tiningnan kolang si sir Marcus pag kalabas ni Maam Celine. Halatang naiinis ito sa kanyang kapatid. “Why are you staring at me huh?! Baka gusto mong sumunod sa kanya!” pagbabanta nito sa akin. Yumuko lang ako at hindi umimik. “Napaka OA naman nito akala mo pinapatay kapag tinitingnan e,” sabi ko sa utak ko. Nasa kalagitnaan ako ng pang gigil kay sir Marcus ng biglang tumunog ang telepono na nasa harapan ko. “Hello goodmorning! I’m Ella Reyes how may i help you?” ani ko dito. “Please inform Sir Marcus that Mr. Lim is waiting for his approval para sa pag invest nito sa kompanya niya,” sabi ng babae sa kabilang linya. “Ok Ma’am, sandali lang po at sasabihan ko si Sir Marcus,” sagot ko naman sa kanya. “Okay,” sagot nito. Dali-dali akong lumapit kay Sir Marcus na sobrang busy sa laptop niya. “Excuse me po Sir Marcus, naghihintay daw po si Mr. Lim para po sa approval niyo sa pag invest niya po dito sa kompanya niyo,” sabi ko sa kanya habang nakayuko. “Don’t disturb,” matipid lang na sagot nito. “Pero sir-” hindi ko na natapos ang sasabihin ng bigla itong sumigaw. "I don’t care!” sigaw nito. “Pag sinabi ko na ayaw ko ng istorbo wag ka ng pumilit!” dagdag pa nito. “Pa-pasensiya na po sir, hi-hindi na po mauulit,” nauutal kong sagot sa kanya sabay talikod. Agad-agad ko namang binalikan ang kausap ko sa kabilang linya. “Sir Marcus is very busy today. He don’t want to disturb po,” sabi ko naman sa babaeng nasa kabilang linya. “Okay but don’t forget to remind him,” sagot naman nito. Pagkatapos namin mag usap ng babae ibinaba ko na ang telepono. Maya-maya tinawag ako ni Sir Marcus. “Miss Reyes,” tawag nito. “Yes Sir?” malumanay ko namang sagot sa kanya. “Check my schedule for tommorow,” utos nito sa akin. “Sige po Sir,” matipid ko namang sagot. Kinuha ko ang booklet sa gilid ng drawer niya at tiningnan ito. “Mamayang 10:30 po may meeting kayo with the investors po,” sabi ko sa kanya. Hindi ito umimik. “And next day po may Business Travel po kayo sa Iloilo kasama po ang H.R para sa another meeting po ninyo,” sabi ko pa sa kanya. “Gusto ko na ikaw ang sasama sa akin,” sabi nito. “Pero Sir wala naman akong magagawa doon e,” sagot ko sa kanya. “You are my Secretary of course may magagawa ka para sakin,” seryoso nitong sabi. “At wag ka nang magreklamo kung ayaw mong mawalan ng trabaho,” dagdag pa nito. Tumahimik nalang ako at nag patuloy sa pagbasa sa mga schedule niya. Maya-maya pa nagligpit na ito ng mga gamit niya para pumunta sa conference room para sa meeting ng board. “Come with me,” sabi nito sa akin. Sumunod ako sa likuran niya hanggang makarating kami sa conference room. “Goodmorning Sir Marcus,” sabi ng mga ito sa kanya. Syempre hindi sumagot si Sir Marcus. Ang yabang talaga nito at ang bastos. Tsk! Umupo si Sir Marcus sa chivel chair at isa-isang nag discuss ang mga investors. Tamang upo lang ako sa gilid habang naghihintay na matapos ang meeting. Pagkalipas ng isang oras tapos na ang kanilang meeting. Pabalik na kami sa kanyang opisina. Habang lumalakad kmi iniisip ko ang sinabi sa akin ni sir tungkol sa travel niya sa Iloilo. “Sigurado ba siya na ako yung isasama niya?” ani ko sa sarili ko. “Miss Reyes, mag book ka ng flight natin papuntang Iloilo,” sabi niya sa’kin. Umupo siya sa chivel chair niya at nirereview ang mga papers ng mga investors. “Sigurado po ba kayo Sir na ako po yung isasama niyo?” ani ko dito. “Mukha bang hindi?” hysterical niyang sagot. “Sige po Sir, aasikasuhin ko na po yung flight natin,” sagot ko at tinaasan siya ng kilay. Tiningnan niya ako ng masama ng makita niya ang awra ko. Ngunit tinalikuran kolang ito at nagpatuloy sa paglalakad. (*Marcus POV*) “Sige po Sir, aasikasuhin ko na po yung flight natin,” nakataas kilay na sagot ni Miss Reyes sa akin. Ang kapal ng mukha niyang pagtaasan ako ng kilay niya ha. Kaya tiningnan ko siya ng masama at tinalikuran ako nito. Mag-isa nalang ako ngayon dito sa opisina. Nakakaantok, unti-unting tumitiklop ang aking mapupungay na mga mata. Hanggang sa hindi ko na nararamdaman tuluyan na akong nakatulog. “Paano niyo nagawa sa akin to?! Napaka walanghiya ninyo!” sigaw ko habang humahagolgol sa iyak. “Patawarin mo ako hi-hindi ko sinasadya,” sagot ni Allison sa akin habang umiiyak din. “Ikaw tinuring kita na parang kapatid pero ginago mo ako! Napaka walang hiya mo!” galit na galit kong sigaw kay Nicolas. “I’m sorry Marcus, but we love each other kaya mas pinili naming itago sa iyo ang namamagitan sa amin kasi ayaw naming masaktan ka,” pagpapaliwanag naman ni Nicolas. "At sa tingin niyo hindi niyo ako nasaktan ngayon?! Lahat binigay at ginawa ko para sa iyo Allison! How dare you to hurt me!" Sabay suntok ko sa mesa. “Patawarin mo ako hon, hindi ko sinasadyang saktan ka! Im really sorry,” sabi ni Allison. “You know how much i love you Allison, but you hurt me so much too! Tinaraydor niyo ako! Mga walang kwenta!” galit na galit kong sigaw sa kanila. "And you asshole! Get out in my face! I don’t want to see you anymore! Ahas ka!” Sabay suntok ko kay Nicolos. Natumba ito at napasandal sa pader. "Look Marcus i don’t want to hurt you! But i already did! Alam kong mali ang ginawa ko kaya pakiusap, kung hindi mo ako kayang patawarin si Allison nalang ang patawarin mo,” nagmamakaawang sabi ni Nicolas sa akin. Sobrang sakit ang ginawa nila sa akin, walang kapatawaran. Kahit mahigit isang taon bumabalik pa rin ang sakit sa aking puso. Naalingpungatan ako ng may yumuyugyog sa balikat ko. Si Miss Reyes andito na pala siya. “Sir ginising ko po kayo kasi humahagolgol po kayo sa iyak habang natutulog, okay lang po ba kayo sir?” nag- aalalang tanong nito. “Yes i’m fine.” Sabay tayo ko at pumasok sa comfort room. Pag dating ko sa cr agad-agad akong nanalamin. Halos namaga ang aking mata sa kakaiyak. Ito na naman minumulto uli ako ng aking nakaraan. Hanggang kailan matatapos ang kalbaryo ko sa kanila? Bakit kailangan ko pang maalala ang lahat ng ginawa nila sa akin. Panahon na siguro para muli akong magmahal para makalimutan ko si Allison. Ang babae na naging dahilan kung bakit ako nasaktan ng sobra-sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD