Ngayon ang araw na byahi namin ni Sir Marcus papunta sa Iloilo para sa kanyang Business Trip. Andito ako ngayon nakaupo sa Airport habang hinihintay ko siya.
Maya-maya dumating na ito sakay ng mamahalin niyang kotse. Si kuya Erwin ang humatid sa kanya.
Halos lahat ng mga babae nagsitinginan kay sir Marcus nang bumaba na ito. Ang gwapo niya talaga.
Dagdag pa ang kanyang porma naka polo shirt with matching a leather jacket. Naka pantalon at naka sapatos.
Naka suot pa ito ng sun glasses . Halos makalaglag panty ang kagwapohan nito. Hindi ko namalayan naka nganga pala ako habang nakatingin sa kanya.
“Alam ko na gwapo ako, pero hindi mo kailangan ngumanga ng ganyan habang nakatingin sa akin, nakakadiri ka! Oh ito panyo ipunas mo sa laway mo.” Sabay tapon ng panyo sa mukha ko.
Halos matunaw ako sa hiya sa sinabi niya. Agad ko namang pinunasan ang laway ko kuno na tumutulo.
Nakaupo na kmi ngayon sa loob ng eroplano. Buti nalang magkatabi kami ni Sir ng upuan. Takot pa naman akong sumakay dito.
Well i want to tell to everybody na may phobia ako sa matataas na lugar. And good for me kasi katabi kami ni Sir ngayon sa upuan. May makakapitan ako.
Pagkaraan ng ilang segundo nag salita na ang stewardess regarding sa mga safety protocols sa loob ng eroplano. At sabay pinaandar na ang makina nito.
Kinakabahan ako na may halong excitement. Dahil syempre first time ko pumunta ng Iloilo tapos kasama ko pa ang napaka yaman at napakapogi kong amo.
“Mag jowa ba sila? Wow ha ang swerte naman ni Ate girl,” sabi ng babaeng nasa likuran namin. “Kaya nga e, napaka pogi naman ng darling niya. Mapapa sana all nalang talaga tayo,” sagot naman ng isa pang babae.
Ramdam ko naman na hindi naging komportable si Sir Marcus sa mga pinag sasabi ng mga ito. Ngunit hindi nalang niya pinansin at naglagay siya ng earphone sa tenga.
Maya-maya lumipad na ang eroplano, hindi ko maiwasang hindi kumapit sa braso niya. Hinahayaan lang ako nito at walang kahit anong sinasabi, hindi ito umiimik.
Pagkaraan ng ilang segundo dumating na kami ng Iloilo. Agad kaming nagderetso sa Richmond Hotel na tutuluyan namin.
“Goodmorning Sir how may i help you?” sabi ng receptionist sa kay Sir Marcus habang nag papacute ito.
May iniabot si Sir Marcus na I.D sa babae at iniscan nito sa isang machine.
“Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng to ha! Magtatanong nga lang magpapa cute pa, akala niya siguro bagay sa kanya,” bulong ko sa sarili ko.
“May sinasabi ka?” tanong ni Sir Marcus sa akin.
“Ha? Ahmm… Wala sabi ko nahihilo pa kasi ako e parang gusto ko nang magpahinga,” sabi ko naman dito.
Hindi ko napansin na nakatingin pala siya sa akin kanina. Kaya narinig niya ang sinabi ko kahit na hininaan ko ang aking boses.
“Kayo po pala si sir Marcus,” sabi nito habang nakangiti. “Welcome to Iloilo Sir,” dagdag pa nito.
Ngumiti lang si sir Marcus sa kanya. First time ko siyang nakita na nakangiti and he is so gwapo. Nakita ko na pati yung receptionist kinilig sa ngiti niya.
“Actually nag pa book na ako ng dalawang room bago kami pumunta dito,” sabi ko sa babae.
“Pasensya na po talaga Ma’am pero puno na po lahat e, isang vacant nalang po yung natira ngayon,” pagpapaliwanag pa ng babae.
"What? But i already paid the two room na napa book niya!” sigaw ni Sir Marcus sa babae.
Bigla namang nagulat ang babae sa pinakita niyang ugali.
“Haytsss basta masama talaga ugali mo kahit anong takip mo lalabas talaga,” sabi ko sa isip ko.
“I’m sorry Sir, its our mistake. Dont worry Sir were going to refund your money as soon as possible,” sabi pa ng babae.
“No problem Maam,” sabat ko naman sa usapan nila. “Pasensya na po kayo sa sinabi ng asawa ko ha, mainitin lang kasi talaga ang ulo nito.” Sabay kilabit sa kabilang braso nito.
Halos nanlaki ang mata ni Sir Marcus sa sinabi ko at sa ginawa ko. Pati na rin ang babaeng nasa harapan namin halos hindi makapaniwala.
“May i have the key para makapag pahinga na kami ng aking bebe?” nakangiti kong sabi. "Honeymoon kasi namin ngayon e kaya naexcite lang siya siguro dahilan para pagtaasan niya kayo ng boses,” sabi ko pa.
“Here.” Sabay abot ng babae sa’kin ng susi.
Agad-agad ko namang hinila si Sir Marcus pasakay ng elevator. Pagkasakay bigla niyang tinabig ang braso kong nakapulupot sa brason niya.
"Do you think that’s funny huh!” ani nito na may galit na boses.
“Eh kasi Sir nakakahiya naman po yung ginawa ninyo kanina,” pagpapaliwanag ko pa.
"Stop explaining! Don’t do it again or else i will kill you!” pagbabanta pa nito sa akin.
Nakakabwesit naman nito siya na nga yung niligtas sa kahihiyan, siya pa yung galit! Wala talagang utang na loob.
“Wala naman akong ginawang masama e,” pagtatanggol ko pa sa sarili ko.
"Wala huh! How dare you to call me your husband? And what is it the honeymon? My gosh!” galit na galit na sabi nito.
Hinayaan ko nalang siyang magtatalak habang sa hindi ko namalayan nasa harap na kami ng kwarto namin. Bigla nitong kinuha ang susi sa akin at agad binuksan ang kwarto.
Nagulat ako ng biglang pagbukas nito agad niya akong hinila papasok at itinulak sa kama.
"You want a honeymoon huh!” Sabay ngisi niya.
“Sir a-ano pong gagawin niyo?” nauutal kong tanong sa kanya.
Hinubad nito ang kanyang damit. Tumambad sa akin ang six packs abs nito. Halos nakalaglag panty ang katawan ni sir Marcus.
Parang hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Nakatitig lamang ako sa kanya . Unti-unting lumalapit sa akin si Sir Marcus.
Ilang segundo ang nakalipas ramdam ko na ang mainit na hininga ni Sir Marcus. Magkalapit na ang mukha namin at kunting-kunti nalang magkaka first kiss na ako.
Agad kong ipinikit ang aking mga mata. Hinihintay ko ang paglapat ng kanyang mga labi ng biglang humalakhak ito sa tawa.
"Gusto mong halikan kita? You wish,” sabi nito habang hawak hawak ang tiyan niyang sumasakit sa tawa.
“You wish too, hindi ko hinihintay ang kiss mo no! Napuwing lang ako at kailangan kong pumikit,” pag tatanggol ko naman sa sarili ko.
Bigla naman nagbago ang expression ng mukha niya dahil sa sinabi ko.
"Makashower na nga, ampangit mo.” Sabay takbo niya papasok ng banyo.
Nang makaalis na siya ramdam kong namula ang mukha ko dahil sa hiya. Tangina naman oh akala ko makaka first kiss na ako, hindi pa pala.
(*Marcus POV*)
"Maka shower na nga, ampangit mo.” Sabay takbo ko sa cr.
Halos hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil sa ginawa ko. Nang maglapit ang aming mga mukha biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Ramdam ko ang mainit nitong hininga na mas lalong nagpainit sa aking katawan. Gustong gusto ko siyang halikan ngunit hindi ko itinuloy.
Ayaw kong mabastos siya sa gagawin ko kaya pinigilan ko ang aking sarili.
Makalipas ang ilang minuto tapos na akong magshower. s**t! Nakalimutan ko pala ang tuwalya ko.
"Miss Reyes!” tawag ko sa kanya ngunit hindi ito sumasagot.
"Miss Reyes!” ulit ko pa.
"Miss Ella Reyes!” pangatlo ko nang tawag ngunit wala talagang sumasagot.
Lumabas ako ng banyo na naka brief lang at tiningnan kung nasaan si Miss Reyes. Nakahiga ito sa kama at mahimbing na nakatulog.
Dahan-dahan akong lumapit sa cabinet na nasa paanan niya para kumuha ng tuwalya. Pero hindi ko napansin ang vase na nakalagay sa gilid ng cabinit.
Natabig ko ito at biglang nahulog. Sinubukan kong saluhin ngunit hindi ko na naabot.
Tuluyan na itong bumagsak sa sahig at nagsanhi ng malakas na ingay, dahilan para magising at naalingpungatan si Miss Reyes.
"Ahhhh tulong! May magnanakaw na rapist dito! Gagahasain ako! Tulong!” malakas na sigaw nito.
"Hey shut up!” saway ko sa kanya.
"Tulong may rapist dito! Tulungan niyo ako!” malakas niya pa ring sigaw.
Agad-agad ko siyang nilapitan at niyakap sabay takip sa maingay niyang bunganga.
“Its me Ella.” Sabay lapit ng mukha ko sakanya.
Tinitigan niya ako at unti-unti kong kinuha ang kamay ko sa bibig niya.
“Sir Marcus bakit ka nakaganyan? Bat ka nakahubad?” sunod -sunod na tanong nito. “Pasensya na po di kasi kita nakilala agad kasi nakatalikod ka tsaka naalingpungatan kasi ako,” pag papaliwanag pa nito.
"Okay fine pero sa susunod ha bago mag sigaw sigaw jan siguraduhin mo muna kung sino ang kaharap mo!” singhal ko sakanya. Nakakahiya pag marinig ng ibang tao,” sabi ko pa.
“Sige po, pa-pasensya na po Sir,” sabi niya. “Pero pwedi po ba binitawan niyo muna ako? Hindi kasi ako makahinga sa higpit ng yakap mo po,” sabi pa nito habang tinatanggal ang mga braso ko sa beywang niya.
Agad ko naman itong tinanggal. At agad lumapit sa kabinet para kunin ang tuwalya. Pagkatapos agad akong kumuha ng mga damit ko sa maleta ko.
Bumalik ulit sa tulog si Miss Reyes. Siguro baka nagka jetlag ito. Hinayaan kolang siya at lumabas ako para magpasyal at para matanaw ko ang paligid.
Habang lumalakad ako napapansin ko anh mga babaeng nakatingin sa akin. Sabay kilig ng mga ito.
“Ang pogi naman niya, akin ka nalang po,” sabi ng isang babae na may pakindat pa sa akin.
“Baka ikaw na yung prince charming ko na matagal ko ng hininhintay,” sabat naman ng isa.
Hindi ko na pinansin ang mga ito at nagpatuloy lang sa aking paglalakad.
“Tssss, mga kawawang nilalang naman hanggang tingin lang ang mga ito sa akin,” bulong ko sa sarili ko.
Libang na libang ako sa aking natatanaw sa paligid. Nang biglang may babaeng kumalabit sa aking braso.
“Sir Marcus, kung saan-saan kita hinanap andito kalang pala.” Sabay pulupot ni Ella ng braso niya sa braso ko.
“Hey, anong ginagawa mo! Don’t touch me.” Tinabig ko ang kanyang braso.
“Ano kaba Sir Marcus mag-asawa tayo ngayon diba?” sabi pa nito sabay ngiti.
“Tumigil ka nakakasuka.” Inirapan ko siya .
Lumakad ako palayo rito ngunit tumakbo ito at sumunod sa aking likuran. Halos lahat ng mga babae nagsitinginan sa amin.
Tuwang-tuwa naman ang gaga habang pinag titinginan kami. Hinayaan ko nalang ito at hindi pinansin.
(*Ella POV*)
Nakasunod ako ngayon sa likuran ni Sir Marcus. Halos lahat ng mga babae lumuluwa ang mata sa kakatingin sa aming dalawa.
Alam kung naiinis na siya ngunit wala siyang choice kundi pabayaan lang ako. Pabalik na kami ngayon sa aming silid.
Agad itong nagpalit ng damit para pumunta sa restaurant para sa aming dinner. Pagdating namin sa restaurant lumapit ang waiter sa amin.
Nag order na kami ng aming masasarap na pagkain. Totoo palang masarap magluto ng mga Ilonggo.
Busog na busong kaming dalawa sa aming nakain. Agad kaming bumalik sa aming silid para makapag pahinga na.
Pagdating ko agad akong nagderetso sa banyo para makapagshower na.
“Bilisan mo jan at magsho shower na rin ako,” sabi ni Sir Marcus sa labas.
“Teka lang po Sir mga five mìnutes pa tapos na po ako,” sagot ko naman sa kanya.
Agad namang nawala ang boses niya sa likod ng pintuan. Pagkaraan ng ilang minutos lumabas na ako ng banyo.
Naka tuwalya lamang ako sapagkat nakalimutan ko magdala ng damit sa loob ng banyo.
(*Marcus POV*)
Lumabas na si Ella sa banyo. s**t! Nakatuwalya lamang ito. Lumilitaw ang hubog ng katawan nito na nakabalot sa tuwalya. Kitang-kita talaga ang sexy at ang kinis nito.
“Sir Marcus nakalimutan ko kasi na magdala ng damit ko sa banyo,” sabi niya.
Hindi na ako sumagot at dali-daling pumasok ng banyo para makapag shower na rin. Pagkaraan ng ilang minutos lumabas na ako.
Nakita ko si Ella na nakalatag ng kanyang higaan sa couch.
“Hey what are you doing?” tanong ko sa kanya.
“Dito po ako matutulog Sir,” sagot naman niya.
“Doon ka matulog sa kama at ako diyan sa couch,” sabi ko sabay kuha ng unan.
"Naku Sir wag na po, sanay na po ako sa ganito kaya kayo nalang po ang humiga diyan sa kama,” sabi pa niya.
Hindi na ako nagsalita pa at hinila ko siya papunta sa kama. Inihiga ko siya dito. Unti-unting inilapit ko ang aking katawan sa katawan niya.
Ramdam ko ang init ng katawan nito. Nalalanghap ko ang kanyang mainit na hininga. Gustong gusto ko siyang halikan sa pangalawang pagkakataon pero pinigilan ko ang aking sarili.