Buong araw akong nagmukmok sa kwarto ko at umiiyak. Bakit ba kasi napakasakit?! Hindi rin ako makatulog kaya ang mata ko ay mugto na tapos ang laki pa ng eyebug ko. Natinig kong may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Hinayaan kolang ito. Nilock ko kasi ang pinto dahil ayaw kong maistorbo. Bumabalik sa isip ko kung gaano kami kasaya ni Marcus noon na parang kahit sino ay hindi kami mapaghihiwalay. HIndi ko inaasahan na ganito ang ending ng love story namin. May narinig akong mga yapak na papalapit sa akin. "Ate, kanina pa kasi ako kumakatok pero hindi mo binubuksan ang pinto. Pasensiya kana kung nakapasok ako ha, kinuha ko kasi ang susi kay Mama tsaka sobrang nag-aalala na ako sa iyo!" sabi ni Jane. Hindi lang ako umimik. Patuloy lang ako sa pag-iyak. "Pati sina Mama at Papa nag-aalal

