"Bakit ginawa mo iyon?" tanong ni Nicolas sa akin. "Ang alin?" sabi ko. Alam ko na ang tinutukoy niya ay ang paghalik ko sa kanya pero nagmaang maangan lang ako. Pagkatapos namin na umalis sa party na iyon ay dumiretso ako dito sa bahay nina Nicolas. Pinahiram niya ako ng damit ng Ate niya mabuti naman at kasya sa akin. Nandito kami ngayon nakaupo sa sala. "Yung kiniss mo ako sa harap ni Marcus," sabi niya. "Hindi ako makapaniwala na si Marcus pala ang boyfriend mo," dagdag pa nito. Napatingin naman ako sa kanya. "Bakit? Sa tingin mo mahirap bang magustuhan niya ako?" sabi ko naman. "Hindi naman sa ganon, basta sobrang nagulat ako Ella," sabi naman niya. "Ako nga din eh, si Allison pala ang tinutukoy mong ex mo na bumalik sa ex niya. Pero hindi naman sila nagkakabalikan kasi hanggan

