(Marcus POV) Sa tuwing nakikita ko si Aliison ay gusto ko siyang sakalin. Nakakainis talaga ang ginawa nila kay Ella at kay Ate. Ngayon nandito naman siya sa opisina kahit saan ako pumunta ay lagi siyang nakabuntot sa akin. "Marcus! Hey, kanina pa kita kinakausap bakit parang wala kana naman sa sarili mo?!" tanong niya. Umiling lang ako. "Bakit? Ano ba ang sinasabi mo?" tanong ko naman sa kanya. She rolled her eyes ang sarap dukutin ng kanyang mga mata. "Ang sabi ko magbaby shower tayo bukas. Gusto ko dito sa opisina para maraming tao," aniya. "Okay!" sagot ko lang. Ayaw ko ng makausap pa siya. Ang dami-dami niyang alam. Napansin ko rin na may umbok na ang kanyang tiyan. Ano kaya ang inilagay niya sa kanyang tiyan? Foam? Unan? Akala niya siguro wala akong alam sa mga kasinungalingan n

