"He's the man of my dreams" Sorry.... I badly want to say sorry. Gustong gusto kong magsorry kay Lance pero hindi ko na magagawa pa. Kinaumagahan paggising ko ay may kakaiba sa bahay. Tahimik. Malungkot.. Walang nakahandang kape. Walang Tinapay. Walang makulit. Walang Lance na nakangiti at Naggugoodmorning sakin. Where is he? "Nathalie"tawag sakin ni Mom nakauwi na pala sila . "Are you looking for Lance?"kahit naiilang ay tumango ako kay Mommy. Napabuntong hininga si Mommy at halatang nalungkot sya ng mabanggit ang pangalan ni Lance. "Umalis na sya anak"nanlaki ang Mata ko.. "M-mom what do you mean?"tanong ko kay Mommy . Pero ngumiti lng siya . Si lance? Umalis? "He left early this morning, I tried to wake you up Pero pinigilan ako ni Lance maiistorbo ka lang naman daw

