"I still Hate you, at Mas sasaya ko kung wala ka dito"
Inis na mukha ang ibinungad ko kay Lance sa sala kinaumagahan. Hindi ko kasi maintindihan ang dahilan ng inakto nya.
At ang mas lalong hindi ko maintindihan ay yung nararamdaman kong ito para sakanya.
"Goodmorning"bati sakin ni Lance at inabot ang tinimpla nyang kape para sakin. Tinignan ko lang yun tsaka umirap sakanya. May nakahanda na ding sandwich sa harapan ko.
Days have passed.
Pinagpatuloy ko lang ang pag iwas sakanya ibinabalik ko lang yung dating ugali ko.
Dapat galit lang ako sakanya at wala ng iba pa.
Lumipas ang ilang mga araw pero hindi ko pa din pinapansin si Lance kahit sila mommy ay nagtataka narin.
Ayoko lang kasi talagang maramdaman yung pakiramdam na yun.
Ang weird..
Kaya kung pwede ay hindi ko sya makausap o makasama.
Pero yun ang malabo..
Isang araw Umalis sila Mom and Dad para sa isang Business trip. Kaya No choice kundi kaming dalawa lang ni Lance ang magkasama sa bahay.
Napahawak ako sa dibdib ko . Nang makitang papalapit si Lance. Parang may kung anong nagkakarambulan sa loob ko.
" nathalie may problema ba tayo?"tanong ni Lance akma na sana kong papasok sa kwarto ko ng pigilan nya ko . Saglit akong napatingin sa mata nya kaya inilihis ko nalang iyon at tumingin sa bandang ibaba.
Pero bakit parang gusto ko nalang tumingin sa mata nya..
"W-wala"sabi ko nalang at papasok na sana ko ng bigla nya kong hatakin at palingunin sakanya.
"Pls naman nathalie oh? Sabibin mo kung may mali hindi yung iiwasan moko ng ganito" nacorner nya ko sa may pader kaya wala akong Ibang nagawa kundi tumingin nalang rin sa mga mata nya. "Ang hirap eh"
Halata sakanyang mga mata na gusto niua talagang magkaayos kami.
Napalunok ako at kinabahan..
Parang mas napasama pa ang pag iwas ko sakanya.
"W-walang mali"sabi ko at lumihis ng tingin.
Ito nanaman ang pakiramdam na ayaw kong maramdaman .
Saglit ay natahimik kami sa ganong pwesto. Natatakot pa ako na baka makita kami ng ilang nga maids namin at iba pa ang isipin.
Walang nagsasalita kaya nagulat ako ng bigla nyang binasag ang katahimikan sa aming dalawa.
"Iniiwasan mo ba ko kasi alam mo na?"napataas ang isang kilay ko sa sinabi nya.
Anong alam ko na?
Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nya pero hindi din nagtagal dahil napalitan yun ng lungkot.
Ilang beses pa syang napalalim ng paghinga.
"Nathalie mahal kita,"Bigla akong napalingon sakanya dahil sa sinabi nya. "Mahal na mahal kita"dagdag pa nya.
Bumilis ang t***k ng puso ko.
Animoy parang naestatwa ako.
epekto ng sinabi nya para akong nawawala.
"W-what?"nauutal na tanong ko baka kasi namali lang ako ng rinig.
"Shit... "napailing sya naramdaman kong lumalim ang bawat paghinga nya at dahan dahang humarap sakin.
"I love you Nathalie and dont ask me to say it again or else Ill prove it"parang tangang napatulala nalang ako kay Lance .
"H-Hindi kita maintindiha--"
"From the moment I saw you Nathalie gusto na kita"dahan dahang ibinaba nya ang mga kamay nya sa pisngi ko .
Inilapit nya ang noo nya sa Noo ko upang magkapantay kami.
"Mahal kita Nathalie"Aniya. Titig na titig sya saakin na parang pinapasok nya ang buong pagkatao ko.
Inilapit nya ang mukha nya sakin at halos isang pulgada nalang ang pagitan namin.
I close my eyes. Unti unti ay nararamdaman ko na ang hininga nya..
God...
Ang bango ng hininga nya.
Nagulat ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng malambot nyang mga labi sa labi ko.
Ito ba ang pakiramdam ng hinahalikan?
Tama nga sila para akong kinukuryente.
Parang may hinahalukay sa tiyan ko.
He's kissing me passionately.
I should push him ...
But I cant.
Para kong nauubusan ng Lakas.
I dont know what to do.
I dont know what to think.
Or I dont want to stop?
"Kiss me back nathalie"he says between our kisses."Give me signs if I should stay"hindi ko na alam ang gagawin ko para akong tanga . I was about to kiss him back ng biglang magring ang Phone nya.
"s**t"aniya at humiwalay sakin.Narinig ko pa ang ilang mahinang pagmura nya.
Pagtapos patayin ang tawag halos mamula naman ang buong pisngi ko ng saglit na magkatitigan kami.
Kaya dali daling pumasok ako ng kwarto ko at inilock yun.
Did he just stole my first kiss?
"nathalie"aniya at kumatok."buksan mo to pls lets talk"narinig ko pa ang pagpihit nya sa doorknob buti nalang talaga at nailock ko yun.
Dali dali akong sumandal sa pinto ng marinig kong wala na sya.
Napahawak ako sa mga labi ko at napapikit. Shit.... Shit.... Naghalikan kami..
Kinagabihan ay hinatiran ako ng pagkain ng mga maids namin. Gutom na rin kasi ako dahil kanina pa ko hindi lumalabas sa kwarto ko. Natatakot pa kong buksan ang pinto pero ng marinig kong boses ng Maid namin ay binuksan ko ang pinto.
Isasara ko na sana ang pinto hawak ang pagkain ko ng makita ko si Lance na nagmamadaling lumapit sa pintuan ko.
Huli na bago ko masara ang pinto dahil nakapasok na sya . Siya na ang nagsara kaya napalunok ako.
"Nathalie"aniya at tinitigan ako lumapit sya sakin kaya nabitawan ko yung Tray na may lamang pagkain.
"Nathalie"tawag nya sakin.
Halatang nagulat siya.
Pinulot ko yung mga bubog sa lapag at kalat.
"ako na "aniya pero hindi ko sya inintindi naiilang ako kaya dito ko itutuon ang pansin ko.
"natha---"
"auch!"sigaw ko ng mabubog ako. Sige nathalie ang tanga tanga mo.
Nagmamadaling lumapit sakin si Lance at hinawakan ang kamay kong dugo ng dugo.
Kaya kahit nabubog ako ay parang nakuryente ang pakiramdam ko.
"sabi ko namang ako na"hinipan nya yung dumudugo kong kamay. Tsaka kinuha Yung malapit na first aid kit sa Table ko .
Pinaupo nya ako sa kama ko atsaka sya lumuhod upang gamutin yung kamay ko.
"ako na Lance"inagaw ko yung Bulak at alchohol sakanya.
"Ako na nathalie"
"No need Lance!"
"natha---"
"Just leave me alone!!"halatang nagulat sya kaya napayuko ako. "just...Just get out of my room Lance . I can handle myself"sabi ko at pinagpatuloy nalang ang paggamot sa sarili ko. napabuntong hininga sya bago tumayo.
"Nathalie it kills me to see you Bleeding ,"agad akong natigilan sa sinabi nya.
"m-maliit lang na sugat to Lance lumabas kana" sabi ko nalang kahit ang totoo nagwawala na ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito.
"sorry about earlier, Hindi ko napigilan yung sarili"aniya at tinititigan ako.
Pilit ko syang inignora at tinatanggal sa sistema ko pero hindi ko magawa.
"its okay you can leave ---"sabi ko ng naiilang.
"But I didnt regret It" "You were about to kiss me back ng magring ang phone ko. Nathalie , you want me to stay"aniya at lalapitan pa sana ko pero hindi ko na sya pinayagan ayokong bigyan nya ng meaning yung nangyari kanina masyado lang akong nabigla. Thats all.
bigla namang nalungkot ang ekspresyon ng mga mata nya.
"Y-you're wrong Lance"inilihis ko ang tingin ko sakanya dahil ayokong makita ang ekspresyon ng mga mata nya.
"What do you mean?"hinawakan nya ang isang kamay ko na walang sugat
I hate what i feel right now.
I HATE LANCE FOR MAKING ME FEEL LIKE THIS!
marahas na inagaw ko ang kamay ko sakanya.
"I-I dont want you to stay"Sinikap kong buuin ang salita ko ng hindi inililihis ang tingin sakanya.
"Natha--"
"I dont want you to stay Lance I want You to fvcking leave ! I never Liked you Lance"ngumiti ako.
dapat ko tong gawin para na din sakin at para sakanya.
nalungkot ang mga mata nya habang tinititigan ako. Yung parang gusto nya na bawiin ko yung sinabi ko.
"Na-nathalie wag ganito pls, Do you really want me to leave ganon ka ba kagalit sakin?"aniya na nakikiusap huminga ko ng malalim at tintigan sya sa mga mata.
"Simula ng dumating ka dito ikaw na ang napansin nila mommy Lance"Naisigaw ko.
Totoo naman eh.
"Sor---"
" and I still hate you , At mas sasaya ko kung wala ka dito" Lumihis nako ng tingin at tinawag yung mga maids namin para linisin yung mga kalat.
Naiwan naman si Lance sa pwesto nya .
Nang makatayo sya ay nginitian nya ako.
I doubt that smile.
"Fine"hinawakan nya ang ulo ko at ginulo gulo ang buhok ko He's still smiling.
"Kung saan ka Masaya doon na din ako" aniya at niyakap ako.
Sorry Lance...
Sorry...
I want to say Those words.
pero wala akong nagawa. nanatili lang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa makalabas na sya ng kwarto ko at mawala sa paningin ko.
--