Chapter 5

1351 Words
"Napakasaya ko dahil hindi tayo tunay na magkapatid" Nakangiting ibinalik ko kay Lance ang Laptop nya . Nagkusot kusot pa sya ng mata sa inakto ko. "Anong kaluluwa ang sumapi sayo nathalie?" Inirapan ko sya pero sa pabirong paraan. Gusto ko lang kasing magthankyou. 100 ang grades na nakuha nmin ng mga kagrupo ko mula sa striktong teacher namin sa English. Wala na din kaming Periodical Exam sa kanya dahil Perfect score narin daw kami dun. Masyado syang natuwa sa Concept namin which is Idea ni Lance. "May sasabihin ka ba?"nakangiting tanong nya sakin. Na parang nang aasar pa. Nandito ko ngayon sa tapat ng pintuan ng kwarto nya. "Thankyou"sabi ko at paalis na sana ng hablutin nya ang braso ko. "Thank you lng? Walang kiss sa kuya?"tinuro nya ang pisngi nya at ngumiti ng kay tamis! "Lance!!"sigaw ko. Bat ba feeling ko nagiinit na ang pisngi ko ? He's just wearing a boxer and a white T-shirt. Halata rin na kagigising nya lang dahil gulo gulo pa ang buhok nya at sa pagkahusky ng boses nya. "Joke lang!"ginulo nya ang buhok ko . Kay aga aga ang lakas nyang mangasar. Hindi ko na kasi naibalik yung laptop nya kagabi dahil hindi sya nakauwi ng maaga at nakatulog na ako. "You're not a good joker Lance " napairap ako at paalis na sana ulit ng hablutin nya nanaman ako sa braso argh! Pagkaharap ko ay malapit na ang katawan nya sa katawan ko. "Thankyou is not enough"he grin . Napalunok naman ako ng magawi ang mata ko sa mapupula nyang labi. hinawakan nya ang baba ko papunta sa pisngi ko. Dahilan para kilabutan ako. Dapat sa mga oras na to tinutulak ko na sya dapat naiinis na ko sakanya. Pero hindi eh. Hindi ko magawa. "L-lance"nasambit ko dahan dahan nyang hinawakan ang pisngi ko at ngumiti. Tinititigan nya ko sa mata na parang nahihipnotismo ako. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa pwesto naming dalawa. Napatingin akong muli sa mga labi nya. "Cute mo!"bigla nya namng kinurot ang pisngi ko kaya halos mamura ko sya kakasigaw ko. "Aray!! Bitaw lance!"sigaw ko habang pilit kong tinatanggal yung kamay nya sa pisngi ko. "Pasyal muna tayo para tanggapin ko thankyou mo" aniya pagkabitaw sa pisngi ko . Inirapan ko lng sya . Umabsent ako ngayon dahil wala namang masyadong gingawa. Hindi pa papasok ang tatlong teacher namin. "Akala ko ba walang kapalit?"nakataas kilay kong tanong sakanya. " yung tulong wala Pero yung thankyou meron "napairap nlang ako. "wow magkaiba pala yun"napairap ako"Fine! pero isang beses lng to ah? "Lumawak ang ngiti sa labi nya tsaka ako niyakap. "Wow ang sweet ng mga Anak ko ah?" singit ni mommy ng nakangiti. Napahiwalay naman ako kay Lance. Nanlaki pa nga ang mga mata ko sa inakto nya. " Goodmorning po" nakangiting bati nya kay Mommy ang baliw talaga nitong si Lance. Nang matapos ang almusal ay agad nakong naligo para makapamasyal narin kami ni Lance. Simpleng white na v-neck at black short shorts at bonet at simpleng rubber shoes lang ang napili kong isuot . Pagkababa ko ay naabutan ko pa silang dalawa na naguusap ni Mommy. Seryoso ang mukha ni Lance pero ng makita nya ko ay napangiti rin sya. "Bakit hindi mo pa kasi sabihin sakanya siguradong mamimiss ka nun--" "Sabihin ang alin?"natigil si Mommy. Napaubo naman si Lance kaya napataas ang kilay ko. " ah eh , yun ba anak ano--" " Wala lang un. Malakas lng trip ni mommy , crush daw ako nung kapitbahay natin miss na daw ako" at humagalpak sya ng tawa si Mommy naman parang ewan na tumango nalang. Napili naming magpunta sa Mall ni Lance. Bumili kaagad sya ng Ice cream na agad ko Ding kinain. "Gwapo nung Boy oh, gf nya kaya yung kasama nya?"tanong mgs isang babae sa kaibigan nya. Kaya ayokong kasama tong si Lance eh lakas ng hatak sa mga babae. Napairap nalang ako. " hindi mukhang bata pa, baka kapatid lang nya" natawa si Lance at inakbayan ako. Naisipan naming manuod ng sine . Dahil nangungulit si Lance na parang bata. "Sige na pera ko naman eh"aniya umirap nalang ako bumili na sya ng dalawang ticket at ng mga kakainin namin sa loob. Comedy yung pinili nyang panuorin namin.Lakas din ng trip ni Lance eh. Dahil sabi nya gusto nya nun. Pagpasok namin sa sinehan kakastart palang nung Movie. Malamig sa loob at madilim umupo kami ni Lance sa medyong gitnang parte ng sinehan. Nang magsimula ang palabas ay may mga nagtatawanan na . Tinignan ko si Lance kung natatawa ba sya pero seryoso lang syang nanunuod. Napahikab nalang ako at kukuha sana ng popcorn ng kamay ni Lance ang mahawakan ko. Nagkatitigan pa kami saglit bago sya ngumiti. " P-pahinging popcorn"ngumiti sya bago inilapit ang popcorn sakin. Kumuha naman ako at kumain. Ilang beses pakong humikab dahil sa dala ng lamig at antok ko 6:00 am palang kasi ay gising nako kanina. Papasok tlga dapat ako pero ng marecieved ang text ng kaklase ko ay umabsent nalang ako. May mga nagdatingan na grupo ng mga lalake at tumabi sa gilid ko. Agad na kinuha ni lance jacket nya at itinakip sa Legs ko. Hindi na ako tumanggi dahil alam ko naman ang dahilan non. "Inaantok ka ba?"tanong nya ng nakangiti tumango naman ako tsaka naghikab. Nagtaka naman ako ng bigla syang umakbay sakin at pinahiga ako sa balikat nya. "You can sleep in my arms Nathalie"ngumiti sya sakin. Dala nalang marahil din ng pagkaantok ay sumandal ako sakanya at hindi ko namalayan nakatulog na pala ko. Nakaramdam ako ng kung anong mainit na hininga malapit sa labi ko at ng imumulat ko na ang mata ko ay ang mukha ni lance at mapupulang labi nya ang nakita ko . "L-lance"tawag ko sakanya kaya bigla syang napamulat at napatayo. Nakaramdam din ako ng hiya. "G-gising kana pala, Gigisingin na dapat kita eh"aniya at ngumiti . "Kain nalang muna tayo, my treat"aniya kaya sumunod nalang ako. Ayoko ng alalahanin yung senaryo kanina. Nakakailang eh. Habang kumakain ay ramdam ko ang mga tingin sakin ni Lance. Dapat pag malditahan ko na sya or what pero di ko magawa dhil kahit ako naiilang. Nang matapos kumain ay pumunta kami sa may fountain dito sa Mall. Naghulog pa ng barya si Lance at pumikit. Pagkamulat nya ay ngumiti lang sya sakin. "Weird mo payatot"natawa lang sya sa Sinabi ko. Minsan tlga naiisip ko wala yatanh tnatagong sama ng loob si Lance. Naupo kami sa pinakamalapit na Bench ang peaceful ng ambiance. Napangiti ako ng maglabas sya ng bubble gum. Mahilig kasi ako sa bubble gum. "Alam mo nung bata tayo gustong gusto ko na maging tunay na magkapatid tayo"nilingon ko sya habang pinapalobo yung bubble gum ko. "And you think papayag ako,?"I asked in sarcastic tone"Ayoko sa lampayatot na kuya"natawa naman sya sa sinabi ko. "Buti nga hindi tayo magkapatid kungdi kinutusan na kita"He laughed. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Subukan mo lang lance"simpleng pagkakasabi ko. Pero may bahid ng pagbabanta sa tono. "Easy"ngumiti siya"But Honestly napakasaya ko dahil hindi tayo tunay na magkapatid"agad naman akong napabatok sakanya. Anong ibig nyang sabihin swerte sya kasi hindi niya ko tunay na magkapatid!? "Baliw ka lance ah!" Natawa naman sya. "Parang luging lugi ka ah?"grabe talaga . Asa din naman syang gusto ko siyang maging kapatid! "Its not what I mean "aniya ng tumatawa hinawakan pa nya ang kamay ko na pumapalo sakanya."and im so damn serious masaya ko na hindi tayo tunay na magkapatid" Tinignan nya ko sa mga mata at dahan dahang hinalikan ang noo ko. "You're so Beautiful Nathalie" parang may kung anong nagkarambulan sa loob ko dahil sa sinabi nya. He's smiling and looking at me na parang napakaganda ko nga. Napaiwas ako ng tingin . "Just let me look at you Nathalie" napaharap ako sakanya . Kaya ng magkatitigan kaming muli ay umiwas na talaga ako ng tingin. "U-uwi na tayo"sabi ko at nauna ng tumayo at naglakad. hindi ko maintindihan kung bakit parang natitinse ako. My heart is beating so Fast.. Damn you Lance bakit ganito ang epekto mo sakin ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD