'Tatanga tanga ka kasi kaya madali kang masaktan"
I hate him . I hate him very much.
I am an only child. Ofcourse pag nagiisang anak kalang nakukuha mo ang lahat , attention,toys,gadgets at kahit ano pang mga luho dahil sa ikaw lang at wala kang kapatid.
Sanay akong saking ang lahat .
sanay ako na sakin lang sila natutuwa kapag pinapakita ko ang grades ko. kahit na mababa pa . Basta makapasa lang ako.
Im a spoiled brat. Kaya naging maldita ko.
But not until he came .
"Tara na lance wag kanang mahiya"tawag ni daddy sa lalakeng payatot na nasa labas parin.
Lumapit ako sakanila at tinignan yung payat na lalake.
"Hey payat ! Bagong maid ka ba namin?" I asked. kaya pinagalitan ako ni daddy.
"Hindi sya maid nathalie. Aampunin ko na sya kaya magging kuyakuyahan mo na sya" tinignan ko si mommy. Nginitian nya ko na parang sinsabing maging masaya ko.
Pero pano ko magpapakasaya?
I dont like that guy.
I was 6 yrs old ng ampunin sya ni dad . Samantalang sya ay 11 yrs old.
Lahat ng attention nakuha nya kahit ako ang tunay na anak. Sya ang pinapansin sya ang laging napupuri mapagrades o ano man. He's an honor student. Lagi pang top 1. Kaya lagi na nila kaming pinagkukumpara.
Dahil dun mas nagalit ako sakanya .
I hate him.
Naiinggit ako sakanya kahit hindi naman dapat . Dahil ako ang tunay na anak.
Alam ko namang una palang gusto ng anak nila mom at dad ay lalake pero ako ang nabuo. Tapos hindi na daw kayang makagawa ng baby nila mommy so wala silang choice.
Kaya lahat ng pagmamahal napunta kay Lance. Lahat ng pinangarap nila para sa isang anak na lalake ay nakuha nya.
Kahit hindi pa sya kadugo.
"Nathalie kumain kana baka malipasan ka ng gutom"tawag sakin ni lance ng nakangiti. Hindi ko sya tinatawag na kuya . Hindi ko naman sya kapatid eh.
"Kakain ako pagtapos kana ayokong makasabay kang payatot ka"lagi kaming sabay sa pagpasok dahil same school lang kame.
Alam nyang inis ako sakanya dahil pinapamukha ko talaga sakanya yun.
Pag nasa school ay pinaaasar ko sya sa mga kaibigan ko. They call him payatot.
Hindi man ako matalino academically like him.
Pero mas utak ako pag sa mga gantong bagay.
Im pretty I know that kahit bata palang ako ay may mas ahead sakin akong kaibigan sa school kaya pinapabully ko sya.
Lampayatot kasi sya.
Minsan naman pag nasa bahay tinatapunan ko sya ng kape . Kunwari di sadya pero ang totoo sinasadya ko talaga.
Nilalagyan ko ng langgam ang briefan nya . Sinisilihan ang mga kinakain nya binabasag ang pinggan at sisihin sya .
Pero hindi sya magpapaliwanag aakuhin nya yung kasalanan at ngingitian ako.
Kaya mas naiinis ako kasi hndi sya naiinis.
Lagi lang syang ngingiti at pagpapasensyahan ako .
Isang araw ay sabay kaming umuwi galing school.
Walking distance lang naman kaya hindi na kami nagpapahatid at sundo.
Madulas ang daan dahil kauulan lang .
Bigla akong napangiti sa plano ko.
"Lance!"tawag ko sakanya . Nilingon nya naman ako na parang gulat na gulat sya kasi ngumiti ako.
Lumapit sya sakin kaya mas napangiti ako . Umarte ako ng umiiyak kaya bigla syang nagpanic.
Lagi naman syang ganyan eh. Nagpapanic pag umiiyak ako.
"Ba-baki----"
Then tama nga ako nadulas sya.
"HAHA! Tanga!"tumatawang pinunasan ko yung luha ko pero naluluha nanaman ako sa kakatawa kasi mukha na syang basahan .
Nakita kong ininda nya ang sugat sa tuhod nya na medyo malaki rin. Psh. Para naman syang bakla kung umasta hugasan lang yan mawawala din yan eh.
"Bakit ka ganyan?"he look at me.
Sa loob ng dalawang taong nagkasama kami ngayon lang sya nagseryoso.
"Anong ginawa ko sayo?"I roll my eyes. Im already 9 yrs old likas na cguro ang kamalditahan sakin. Matured na din ako mag isip simula ng dumating si lance sa pamilya namin. Naisip ko na kung hindi nila ko mamahalin mamahalin ko nalang ang sarili ko.
"Bakit gusto mokong nasasaktan?" Tanong nya . Parang nasasaktan pa ang mga tingin nya sakin. Kaya umirap nalang ako
"Tatanga tanga ka kasi kaya madali kang masaktan"diretsong pagkasabi ko.
Parang may kung anong kumirot
Sa Puso ko .
Wala sa sariling naglakad ako palayo . Nakokonsensya ba ko? Asa! Hindi no. Narinig ko pa ang tawag nya sa may likuran ko.
Pero hindi ko siya nilingon.
Ayoko..
Nagulat nalang ako ng biglang may humila sakin.
Kasabay ng pagharurot ng isang motor sa gilid ko. Muntik na kong masagasaan!!
Nang mabalik ako sa realidad ay doon ko lang narealize na nakayakap sakin si lance. Nakatayo sya tinignan ko ang sugat nya at malaki nga talaga yun na dugo parin
ng dugo.
Mabilis ang t***k ng dibdib ko. Mas matangkad sya sakin kaya naririnig ko dn ang saknya . Kinabahan ba sya?
"Nathalie. Pls, magingat kanaman"aniya at mas hinigpitan ang yakap sakin.
Puro putik na sya kaya puro putik narin ako. Sa sandaling yun parang napanatag ang loob ko . Parang naramdaman kong safe ako.
Pero mali to.
Galit na galit naitinulak ko sya at naglakad palayo. Sinikap kong wag lumingon sakanya. Galit ako sakanya. Galit ako at wala na kong ibang dapat pang maramdaman.
Ano bang akala nya kailangan ko ang tulong nya ? Pwes asa sya.
Nang makauwi ay nagtanong ang ilang mga maids namin kung napaano ako imbis na sagutin ay dumiretso nalang ako sa kwarto ko para makaligo at makapagpalit na .
Pagkababa ko sa may sala nandun lang si lance nakaupo sa may sofa ata kausap ang ilang maids namin.Ginagamot nya ang sugat nya. Nakapaglinis na din sya ng katawan.
Nang makita nya ko ay ngumiti lng sya na parang walang nangyari kanina. Plastic..
I rolled my eyes.
Nagdiretso ako sa kusina para sana kumuha ng tubig ng maramdaman ko ang presensya nya sa likod ko sinundan nya pala ko .
Kaya nilingon ko sya.
"Ano?"
Ngumiti sya.
"Tanga nga siguro ko kaya ako nasasaktan pero "tumigil sya at seryosong tinitigan ako sa mata.
"Kung san tayo tanga dun tayo masaya"aniya naguluhan man ako ay hindi ko na sya tinanong pa.
Ayoko naman syang kausapin ayokong palawakin pa ang pag uusap namin.
Pero pag naalala ko kung gaano sya nag aalala sakin kanina parang kumikirot ang puso ko. Which is hindi ko dapat maramdaman.
I hate him yun lang dapat