_______________________________
••••MEIZK POV••••
"Ano ba itong nagawa natin! Mabuti na lang stable na ang kalagayan ng kaibigan natin" saad ni Gle na nasa tabi ko lang habang nakatingin sa kawalan.
Ako ang unang nakakita kay Jio kagabi. Duguan na ito at wala nang malay. Mabuti na din dahil dumating agad yung tatlo pero may mga sugat din sina Nuz at Arki, agad kaming lumisan sa lugar na iyon at nandito na nga kami ngayon sa hospital.
"Tama nga talaga yung kutob ko. Sana talaga hindi na tayo nagpunta doon eh!" saad ni Nuz, nagamot na din mga sugat niya.
"My friend Mei, saan ka pala napadpad kagabi?" kilala niyo na ang nagtanong, si Arki at gaya ni Nuz nagamot na ang mga sugat nito.
Nakatingin lang silang tatlo sa akin at hinintay akong magsalita.
"May nalaman ako mga dre, pero hindi pa ako sigurado" saad ko
"Huh?"
"Ano?"
« FLASHBACK »
Naiwan ko si Nuz at pumasok ako dito sa family room ata ito. Dahil na siguro sa kuryosidad kung anong meron dito, nakita ko kasi ito kaninang nakabukas ang pinto.
May konting library din, mga luma at inalikabok na mga libro. Napunta naman ako dito sa mga cabinet sa baba. Lumuhod ako para mapantayan ito ng tayo tsaka ito binuksan at tiningnan kung ano ang nasa loob.
Mga albums ito, family pictures ganun, mga souvenirs sa weddings, birthdays and etc. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sakin na kunin yung isang album.
Inilayo ko muna ito mula sa mukha ko para tanggalin ang dusk. Hindi ko naiwasan ang dumi kaya medyo inuubo-ubo ako. Pagkatapos ay dahan dahan ko na itong binuksan.
Taka at lito agad ang reaksiyon ko nung makita ang una pa lang na larawan. 'No no! Hindi ito maaari!' Tiningnan ko ang lahat ng larawan, silang-sila nga!
Nakaramdam naman ako ng malamig na hangin kaya agad akong lumingon sa mga bintana pero sirado naman ito. Hindi ko na lang ito pinansin.
« END OF FLASHBACK »
______________________________
••••JIOHR POV••••
"PINATAY MO'KO! PINATAY MO'KO!"
******
'Anong ibig sabihin niya? Never in my life nakapatay ako ng tao. Wala akong balak na gawin yun'
Unti-unti kong binuksan ang dalawang mata ko.
"Look what you done to my son!. As the school director, you guys suspended for 3 weeks. At huwag na huwag niyo na ulit idadamay ang anak ko sa mga pinaggagawa niyo!"
"Bakit ba pinapakialaman mo buhay ko?" sulpot ko sa usapan nila at dahan dahang bumangon. Nakuha ko naman ang atensyon nilang lahat.
"Tol!"
"Jio!"
"My friend!"
"Dre!"
Hindi ko sila pinansin dahil nagfocus lang ang tingin sa taong ito na ngayon ay humahakbang papalapit sa akin "Tatay moko. Normal lang na pakialaman m
ko buhay ng anak niya"
"Anak mo pa pala ako? Haha" bahagya akong tumawa ng peke "Huwag mong pakialaman ang buhay ko dahil kahit kailan hindi ko pinakialaman sayo! Ang pagiging babaero mo at marami pang iba!" sigaw ko sa kaniya't nakita kong galit na ito't nakakuyom pa ang kamao.
Yung kamao niya, alam kong gustong- gusto na niya akong sapakin.
"Kung suspendehin mo mga kaibigan ko, idamay mo na rin ako. At huwag niyo din silang pagbawalang makita ako o makasama. Dahil sa kanila ko lang nahanap ang sayang kahit kailan di mo naibigay!" pagkatapos kong isigaw yun sa kaniya ay napahawak na lamang ako sa sugat ko dahil sumakit ito.
At ilang sandali lang ay tumunog ang phone niya at agad niya itong kinuha. Alam ko naman kung sino ang tumawag. Sino pa ba? Di isa sa mga babae niya! Tsk.
"Hindi pa tayo tapos bata ka!" tinuro turo pa ako at lumabas na.
Pagkalabas niya ay lumapit naman sa akin ang apat kong kaibigan
"Dre, okay ka na?"
"Buti gising ka na my friend Jio"
"Wala ka na bang nararamdamang sakit Jio?"
"Okay na ako. Pagpasensyahan niyo na si dad ah? Sino ba kasi ang tumawag sa kaniya? Sana hindi niyo na lang pinapunta yun" saad ko.
"Eh kasi" napakamot pa si Nuz sa ulo niya. "Dahil sa pagmamadali namin, hindi namin inakalang dito ka pala namin nadala sa hospital ng tito mo. Siya pa ang umasist sayo kanina. Tapos nireport agad niya sa kapatid niya, sa papa mo"
"Hyss"
"By the way mga dre, kailangan ko nang umuwi. Anong oras na oh may trabaho pa ako" paalam ni Mei at naglakad na palabas.
______________________________
••••MEIZK POV••••
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papunta sa apartment na nirerentahan namin ng kapatid ko. Antok na antok na din ako. Mabuti na lang may tatlong oras pa akong matulog.
Katatawag lang pala ni Jio na binawi na ng daddy niya ang pagpa- suspende sa amin. Siguro bukas na lang ako papasok o mamayang hapon. Pagod na pagod talaga ang katawan ko.
Nandito na ako kaya pumasok na ako sa loob. May duplicate key ako kaya mabubuksan ko lang. Pagpasok ko naman ay madilim ang paligid, nakapatay ang ilaw.
Inilagay ko muna ang bag ko at nagtungo sa silid ng kapatid ko para I-check ito kung nandito ba ito. Pagbukas ko naman sa pinto ay nakahinga ako ng maluwag ng makitang nandito nga ito't mahimbing na natutulog. Isinirado ko na lang ito muli at nagpunta sa kuwarto ko para makapagpalit.
« FAST FORWARD »
Tapos na akong maglinis ng katawan at handa nang matulog ng nakita ko ang larawan ng mga magulang kong matagal nang namayapa sa gilid ng kama ko. Kinuha ko ito at napaupo sa ibabaw ng kama.
"Litong-lito ako sa totoo lang Ma, Pa. Bakit kayong dalawa ang nandun sa mga larawang nakita ko sa bahay na yun?" nag flashback naman sa utak ko ang pangyayaring yun.
"Konektado ba kayo dun sa bata? Pati ba kami ni Melsy? (kapatid ko). May hindi ba kayo sinasabi sa amin? Sa akin? Pakiramdam ko may dapat akong malaman"
–Itutuloy.......