_______________________________
••••STILL MEIZK POV••••
"Good morning kuya! Kain ka na, nagluto na ako!" bati agad nitong kapatid ko pagkalabas ko sa kuwarto.
Umupo na lang din ako "Kamusta ka naman dito?. Pagpasensyahan mo na, lagi akong wala"
"Ayos lang yun kuya, naintindihan ko naman. Nabalitaan ko pala ang nangyari sa inyo ng mga kaibigan mo–" pinutulan ko na siya.
"Pasensiya na kung nakarating pa sayo Mel"
"Hindi kuya, hindi naman ako galit. Alam kong masaya ka kapag kasama sila. Kaya deserved mo din namang sumaya kuya dahil lagi ka na lang nagtratrabaho"
"Wag kang mag-alala, this Sunday gala tayo okay?" sabay ngiti kong sambit.
"Talaga kuya?"
Ginulo ko ang buhok niya "Oum, promise ko yan... Dalian mo nang kumain, papasok ka pa anong oras na"
"Ikaw kuya di ka papasok?"
"Mamaya na lang, half day lang ako ngayon"
« FAST FORWARD »
Inaamin kong inaantok pa ako ngayon pero pagkatapos ko na lang maglinis matulog ako ulit. Tumayo na ako para kunin ang gamit panlinis ng biglang may nabangga ako sa paa ko dahilan ng pagkahulog nito. Huminto naman ako at napaupo sa sahig tapos ay hinawakan yun.
'Ito yung secret box ni mama. G*g* buhay pa pala ito? Bakit ngayon ko lang ito nakita?' Natatandaan ko noon, pinagbawalan talaga niya kami ni Mel na pakialaman itong box na ito. Maging si papa ayaw niya itong buksan namin.
'Teka teka, bakit nga ba? Nandito ba sa loob ang mga kasagutan sa tanong ko kagabi?' Dahil sa kung ano namang naisip ko ay na-excite ako.
Hinanap ko ang para bukas niya ngunit nakandado ito at kinakalawang. Nag-isip ako kung paano ko ito bubuksan hanggang sa may naisip ako at agad akong tumayo para maghanap.
.....
Tagumpay ko nga itong nabuksan. Kabado bente ako ngayon habang tinatanggal na ang takip. Natatakot ako na kinakaba pero gaya nga ng naisip ko kanina, baka nandito na ang kasagutan ko sa mga tanong ko.
Nakita ko nga ang laman sa loob, may mga maraming sulat at mga isa-isang larawan. Kinuha ko ito para basahin.
'Patawad anak. Patawad dahil hindi namin nakuha ang hustisya sa pagkamatay mo' nangunot naman ang noo ko pagkatapos ko itong mabasa. At yung ibang sulat ganun pa din ang nakasulat.
"Patawad? Ibig sabihin may kapatid pa kami? May mas nauna sa akin? Pero sino?? Bakit siya namatay? O pinatay??"
Kinuha ko yung mga pictures para tingnan. Mga baby pictures ito. 'Ito yung kapatid ko?' Tiningnan ko ang ibang pictures, dito ako mas nagulat at nagtaka.
_______________________________
••••MELSY POV••••
"Una muna kayo sa canteen! May dadaanan pa ako!" sabi ko sa kanila.
"Sige! Kitakits!"
Ningitian ko lang sila at nagtungo na papunta sa cr, yes sa cr lang naman ang dadaanan ko.
*Lakad
*Lakad
*Lakad
Nandito na ako sa daan patungo sa girls comfort room ng kanina ko pa naramdamang parang may isang taong sumusunod sa akin.
Huminto ako at agad na nilingon ang likod, ngunit wala din namang tao. Kahit isang estudyante wala kang makikita.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nagsimula naman akong makaramdam ng kakaiba kaya niyakap ko ang sarili ko. Naramdaman kong palapit ng palapit yung sumusunod sa akin kaya tumakbo na lamang ako patungong cr.
......
Ligtas naman akong nakarating dito sa cr. May nakabangga pa akong iilang estudyante kanina at nagtaka kung bakit takot na takot ang mukha ko at tumatakbo pero hindi ko na sila pinansin.
Nakahinga ako ng maluwag dahil katatapos ko lang umihi. Lumabas na ako sa cubicle na ito at nagpunta sa may faucet dahil maghuhugas ako ng kamay.
Habang naghuhugas ako ay napalingon na lang ako bigla sa ilaw dito sa cr ng panay patay- bukas ito. Isinirado ko na ang faucet. 'Baka hindi pa nakabayad ang eskwelahang ito kaya ganyan' saad ko sa isip
Lalabas na sana ako ng biglang... Napaatras at napahawak ako sa lababo at gulat na gulat ang mukha sa pagbukas ng mga pinto sa bawat cubicle. Sabay sabay pa itong bumukas. At gaya ng ilaw, panay bukas- sirado din ito. Nilakasan ko ang loob ko at dahan- dahang tumakbo papalabas ng cr.
_______________________________
••••GLEXIS POV••••
"Ang tagal niyo! Gutom na ako" reklamo ni Arki paglabas naming tatlo sa classroom
"Lagi ka naman talagang gutom!" sabat ni Nuz.
Tinatawagan ko naman ngayon muli si Mei.
"Porket matalino eh, nauna natapos. Actually ako din naman, binagalan ko lang talaga ang pagsagot dahil hinintay ko ang dalawang ito. Kasi alam ko manghihingi ito ng sagot" saad ni Jio.
"Naks! Kapal mo. May katalinuhan naman ako!"
"Teka-teka, alam niyo ba kung nasaan si Mei? Este bakit hindi siya pumasok? Tawag ng tawag ako hindi siya sumasagot" sabi ko sa kanila.
"Yan ang tanungin mo Gle oh!"
Tiningnan ko ang tinuro ni Jio. Si Melsy ito kapatid ni Mei na tumatakbo papunta sa direksyon namin, panay lingon pa siya sa likod niya at base sa ekspresyon ng mukha niya, natatakot ito?
"Mel!" mabuti na lang nahawakan ko ito bago bumangga sa akin. Unti-unti naman itong lumingon.
"Kuya Glexis and friends!" parang nakakita pa ito ng multo.
"Anong nangyayari sayo? Bakit ka tumatakbo?" tanong ni Jio.
"A-h wa-la po!"
"Okay ka lang?" tanong naman ni Arki ngunit tumango lang si Mel.
"Nasaan pala kuya mo? Bakit hindi siya pumasok? Bakit hindi siya sumasagot sa tawag namin?" ako naman ang nagtanong.
"Sabi ni kuya mamaya na lang siya papasok. Siguro tulog po yun kaya hindi niya sinasagot tawag niyo. Sige po mauuna na ako sa inyo!" kumaway pa ito sa amin at tuluyan na siyang umalis.
—Itutuloy....