CHAPTER 9

946 Words
_______________________________ ••••ARKILEY POV•••• Maingay ang paligid, syempre bar ito eh. Wala ka namang makikitang bar na hindi maingay, kung may alam ka, sabihin mo'ko kasi pupunta agad ako HAHAHAHA joke joke joke! "Ito na order niyo mga dre" sabay lapag ni Mei. "Bakit kayo nandito? Kung malaman na naman ito ng mga magulang niyo, sigurado akong magagalit na naman ang mga yun!" "Sus! Wala namang pake si dad" saad ni Jio. "Lab mo talaga kami pre noh?" inakbayan pa ni Nuz si Mei "Concern ka anong mangyayari sa amin" "I lab you too my friend!" madamdamin kong sambit at niyakap pa siya. "Sira talaga kayong dalawa! Tumigil na nga kayo sa kadramahan niyo! Bakit ba kayo nandito ha?" Tumawa na lamang kami. "Eh hindi ka pumasok kanina. Sabi ng kapatid mo papasok ka sa hapon pero wala. May nangyari ba?" tanong ni Gle. "Oo. May kailangan pa nga akong malaman" seryosong sambit niya kaya naging seryoso na din ang lahat. "About pa din ba ito sa sinabi mo samin sa hospital? Yung mga pictures nina Tita at Tito na nakita mo sa album ng haunted na bahay na yun?" tanong ko. "Oo. Litong-lito pa din kasi ako. Ang dami pang nabubuong tanong sa isip ko. Hindi ko naman alam sino makasagot. Bubuhayin ko siguro ulit sina mama at papa para masagutan... At tsaka mga dre, may nahanap ako kaninang umaga" "Wait a minute... Nalilito ako. Diba natulog ako kahapon? Anong sinabi mo sa kanila?–" ani Jio. Diba kakasabi ko lang kanina? "Yung sinabi ni Arki kanina lang. Maiiwan ko na kayo, nagsimula nang dumami ang mga costumers" babalik na sana siya sa kaniyang trabaho ng magsalita si Nuz. "Anong gagawin mo pre para masagutan ang mga tanong mo?" "Hindi ko pa alam. Mag-isip isip pa ako. Sige kailangan ko nang umalis, mag-enjoy na lang kayo" umalis na nga ito. Nanatili naman kami ditong seryoso at tahimik. _______________________________ ••••MELSY POV•••• Kasalukuyan akong nagluluto ngayon ng may narinig akong pagbukas ng pinto. Siguro si kuya lang yun. Teka si kuya?? Diba may pasok siya kapag gabi? Hindi ko pwedeng iwanan ang niluluto ko kaya pinakalma ko na lang ang aking sarili at inisip na si kuya lang yung pumasok. "Kuya ang aga mo atang umuwi? Hindi ka ba papasok sa trabaho mo ngayon?" wala akong narinig na sagot mula rito. "Sakto ang dating mo kuya, tapos na itong niluto ko!" Inilipat ko na ito sa tamang lalagyan. Pagkatapos ay dinala na ito sa konting dining table namin. Naghanda na din ako ng mga plato't kutsara, tubig at ang kanin. "Kuya? Kakain na!" tiningnan ko ito sa maliit ding living room namin, ngunit wala ito maging ang bag niyang lagi niyang dala. Naglakad ako at pumunta sa kuwarto niya, baka pumasok lang ito para magbihis. Naka- tatlong katok na ako pero wala pa ding sumasagot. "Kuya?" Dahil sa hindi pa din siya sumagot ay binuksan ko na ang pinto at medyo nagulat na lamang ako dahil walang tao sa loob, nakapatay pa nga ang mga ilaw. Muli ko siyang sinirado. Nagsimula na naman akong makaramdam ng takot gaya lang nung kanina. At ngayon, tumataas na ang balahibo ko. 'So ibig sabihin hindi talaga si kuya ang pumasok sa pinto kanina lang?' Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong pinuntahan at tiningnan. || Mel, mamaya pa ako makakauwi. Mag-iingat ka diyan. Huwag ka nang lalabas ng gabi. Isirado mo na ang pinto at mga bintana. At matulog ka din ng maaga.|| text ni kuya. Agad napabaling ang tingin ko sa mga ilaw dahil patay- bukas naman ito. Natatakot na ang buong katawan ko kaya tumakbo ako sa maliit na altar namin. At nagdasal. _______________________________ ••••MEIZK POV•••• Alas dos na ng umaga. Kanina pa nga din ako inaantok at pagod na pagod na naman ang katawan ko. Hays! Kailan ba ako masasanay sa gawaing ito? Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung may reply ba ni Mel, hindi ko na kasi natingnan kanina dahil na din sa busy. Madaming costumers kanina.... Pagtingin ko ay wala itong reply. Pero ayos lang yun basta mabasa niya ang lagi kong bilin sa kaniya. Hyss. Kung alam niyo lang, pakiramdam ko masama akong kuya. Hindi ko naalagaan at nababantayan ang kapatid ko. Babae pa naman yun, baka kasi may mangyaring masama na huwag naman sana. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa kaniya, napabayaan ko siya. Nandito na pala ako sa harap ng nirerentahan naming apartment. Kinuha ko na ang susi sa bulsa ko at binuksan ang pinto. Pagpasok ko sa loob ay napansin ko naman ang medyo makalat. Hindi naman ito ganito sa tuwing umuuwi ako, dahil alam kong si Mel ay maglilinis talaga yun. Speaking pala sa kaniya.... Iniwan ko muna ang bag ko at agad agad nagtungo sa kuwarto niya. Pagbukas ko naman sa kuwarto niya ay kinabahan na lamang ako dahil wala ito. Hinanap ko siya kahit saang sulok ng apartment na ito, maging sa kuwarto ko nga din pero wala akong Melsy Garcia na nakita. Dahil sa pangyayaring ito ay kung ano-ano na lang ang nasa isip ko. 'Baka may pumasok sa kaniya ditong mga kalalakihan? Baka ano-ano na lang ang ginagagawa sa kaniya ngayon? Baka...' Kinuha ko muli ang phone ko at agad siyang tinawagan... Pero napalingon na lamang ako sa bandang kanan ko dahil may tumunog doon, tunog ring phone kaya binaba ko na ang akin. 'T*ng*n*! Bakit di niya dala cellphone niya? Asan ba kasi yun nagpunta??' . . . —Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD