CHAPTER 4

2269 Words
THE MALDITAS...... Ellaina's POV.... "T-travis? " "Hmmm? " "Im scared! " hikbi ko. "Hushhhhh Ellaina, im here! " Nakapasan ako sa likod ng balikat ni Travis habang marahan syang naglalakad pabalik ng resthouse. Nakasandal ang mukha kong nakapikit sa may leeg nya. Nanaginip na naman ako ng masama .siguro dahil bigla akong namahay. Unang araw ko yun sa MU at first time na wala si Travis sa malapit. Kaya lalo akong nag panic. "T-travis? " "Hmmm? " inaantok nyang tugon. "Don't leave me please" "Of course, i promised! " Ngumiti ako at nakontento. Alam kong tutuparin nya yon. Nakakatulog na ako sa balikat nya ng maramdaman kong tumigil sya sa paglalakad. Inaantok akong nag-angat ng mga mata. Then i saw Jarred Dave Evañez. Madilim ang mukha nyang nakatitig sa amin. Naroon na pala kami sa tapat ng resthouse. Ang tindi ng titig nya, di umaalis sa amin ni Travis. Ang lalaking ito na tinawag akong kriminal pero nagawa ko paring ipagluto ng specialty ko. Hmmmmpp... Hindi sya nagsalita, nakatingin lang sya kaya dire-diretso na kaming pumasok ni Travis habang nakapasan ako sa likod nya. Nagawa ko pang lingunin ang lalaki and i saw his angry face na sinusundan parin kami ng tingin. But there's more in his eyes.. A deepest solitude.. But i smile to him. Kinabukasan. Uniform checked... Di ko type ang uniform dito. Blouse na may mahabang manggas at skirt saka medyas na hanggang hita. Haysss dapat free style nalang para maka porma naman kahit sa school. Boring talaga.. Pero kailangan kong magaral. Feeling ko di bagay sakin ang palda. Kase mahaba ito sa akin.mamaya ay hihingi ako ng mas maikli. Or papa ayos ko. Sana sumunod agad ang Magi na yon para di ako hirap. Sabay na kaming pumasok ni Imarie. Nang naglalakad na kami sa hallway ay may dalawang bakla ang lumapit sa amin na tila kilala ako. "Hoy Nikki ang ganda mo, bruha ang tagal mong nawala? " sabi ng isa na Jaime daw ang pangalan. "Ganda ng hair ah, para kang turista, muntik kana naming di makilala, queen is back! " sabi naman nung Calvin. "Yeah, Queen is back with a blond hair hahaaha bet kita ngayon Nikki! " "Excuse me? Its Ellaina, my name is Ellaina and yes im a Queen! " sabi kong nakataas ang mukha. "Wow... Lakas maka -maldita ah... Totoo nga pala yung sinabi ni Master Jarred, wala kang maalala! " sabi ni Jaime. "Tama na yan baka kung ano pa sabihin nyo sa bff ko! " saway ni Imarie sa mga ito. "Oh halika na, " Nagtaka pa sila ng sa ibang direksyon ako pumunta. "Hoy Nikki,este Ellaina dito ang HRM dept, ano tangahin lang? " si Calvin. Ewan ko pero enjoy akong kausap ang mga bading na to, naalala ko si Magi, tiyak na matutuwa ang mga ito pag dinagdagan ko ang pederasyon nila. "Nursing student na sya! " si Imaire. Nanlaki ang mga mata nila Jaime at Calvin. "Nursing? Talaga? " "Yup, kaya don sya sa kabilang building, sumabay lang sya sakin pagparito! " sagot ni Imarie. Kumaway nalang ako sa kanila at ipinagpatuloy ang paglalakad. Shit lahat yata ng estudyante lumilingon sa akin. Nailang tuloy ako... Sya naba si Ellaina... Ang ganda nya... Magasawa na kaya sila ni Master travis? Grabeng bulungan ah, yun tipong maririnig ko talaga ang buong detalye. Naiinis na ako. "Excuse me?? " nakapameawang na malakas kong sinabi. Di na ako nakatiis. Napatingin silang lahat sakin. Nasa gitna pala ako ng crowd.kung saan tambak ang tao Tskkk.. "Wag nga kayong maingay, mga tsismoso, tsismosa! " inis kong sabi. Taray... Kapal ng face.... Kapatid nga ba yan ni Azzerdon? Kababalik lang akala mona kung sino. . Gusto ko ng magpapadyak sa inis. What's wrong with this people? Kung pasabugan ko naman sila ng bomba ay tiyak na makakagalitan ako ni Travis lalo na ni Jarred. Hmmpp. Iningusan ko nalang sila at dumerestso na sa nursing dept. Malapit na ako don ng may tumitiling boses ng babae na tumawag sakin. "Ellaina my dear!!!!!! " Napatingin ako sa kanan ko at ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita si Trixie. "T-trixie?? " Tumitili itong nagtatakbo palapit sa akin. Nagtaka ako kung bakit sya nandito. Basta nalang kase ito nawala sa LA ng di nagsasabi sakin. Naging busy na ako sa last mission ko kaya di kona rin sya nahanap pa sa boyfriend nito. Lagi rin kase akong lumiliban sa school. "Ikaw nga yun Ellaina na inannounce dito nung isang araw! " sabi nito na ikinakunot ng noo ko. "What do you mean? Saka paano ka nandito? Kelan pa? " naguguluhan kong tanong pero na excite ako. Enjoy din kase tong kasama. "Nagka general meeting kase dito at si Fafa Jarred ang nagsalita ayiiii ang pogi nya.. " ani Trixie. May pagka -slang parin ang pananagalog nito. "Oh tapos? " Naupo kami sa isang bench na nakita. "Yun nga, sikat ka pala dito sa mga na-link sayo. Lalo na si Travis. Ikaw ha.. Di mo sinabi ..ang landi mo girl.. " "Ano ba Trixie, deretsuhin mo ako! " inis kong sabi dito. Ang dami kaseng pasikot-sikot. "Ai bruha ka talaga. Ganito nga yun sabi ni fafa Jarred pabalik kana dito pero me amnesia ka and atsutsutsuu.. Ganon.. Then he said that Azzerdon is your brother.. OMG.. My dear ang daming hunk na nakapalibot sayo.. Kala ko si Travis lang.. "May kalandiang sabi ni Trixie. Mahilig talaga ito sa gwapo. Sa LA ay ang dami nitong naging ex. Pero sabi nya virgin pa daw sya. "Bakit ka nga nandito? " "Mag two months na ako dito sa MU, my dad brought me here to meet my fiance.. Alam mona pag negosyante ang pamilya.. Nakatakda kaming ikasal sa lalaking napili nila! " malungkot na sabi nito. Nabigla naman ako sa narinig. "Totoo? Paano si John? " tanong ko sa boyfriend nya sa LA. "Break na kami non, saka di rin naman pupwede.. " "Sino pala yun fiance mo? Dito? " curious na tanong ko. "Sebastian Alarcon" Kumunot ang noo ko. Sebastian Alarcon? Bestfriend yon ni Travis ah. "S-sebastian?kilala ko yun ah! " sabi ko. "Uu sikat din ang lalaking yon dito.. Pero wag mong ipagkakalat ma engage kami.. Magagalit yon. Usapan namin na wag ipagsasabi yon! " "Bakit naman?" Tanong ko. "Eh baka me gf sya dito, you know.. Mas okey nga yon eh para makapaglandi pa ako sa iba "hagikgik nito. Napangisi ako sa sinabi ng kaibigan. "I miss you Trixie. Buti nalang nandito ka. Kung di ay baka na boring na ako dito! " sabi ko nang sabay na kaming pumunta sa classroom. "Ako nga din ang saya ko nung makita kita. Wala akong friend dito. Ang susungit ng mga tao dito ..inggit sa ganda ko, dagdag kapa! " aniya. "Correct. Dont mind them. Mas maganda tayo sa kanila. You know our motto. Right? " "Yeah, kapag maganda, maldita!" Sabay pa kaming napahagikgik at nag high five. Inalok ko sya ng bubble gum habang naghihintay kami ng prof. Ayos naman ang klase. Mas naiintindihan ko dahil tag lish ang turo. Di tulad sa LA. Nang mag lunch break ay sabay kaming nagpunta sa canteen. Nakita ko sila Imarie don kaya hinila ko si Trixie pero ayaw nyang sumama. "Why?" I asked. "That girl si Seb's Gf! " sabi nya na ikinanganga ko. Kumaway nalang tuloy ako sa kanila at naupo sa ibang table. "S-sure ka na gf sya ni Seb?kaibigan ko din daw yun eh," sabi ko at naisip na baka yun ang dahilan kaya naiyak kagabi si Imarie. Oh shit.. Napatayo ako...baka alam na nito na engage sa iba ang boyfriend nya. "Ellaina? ". "Nakakaawa sya Trixie, sabihin kaya natin na ayaw mo ng sitwasyon mo para makapagplano tayo para di matuloy yang kasal mo! " "Ayoko, baka magalit daddy ko eh, saka matagal pa naman yun. Pagka graduate kopa, magbe-break din yang mga yan! " sabi nito. Napatawa ako.. Sabagay tama ito. Sayang ang effort kung maghihiwalay din sila Seb at Imarie. Talino talaga ng kaibigan. Kumakain na kami sa canteen ng dumating don sila Jarred, Azzer, Seb, Travis, Angelo, Raiko, at iba pa. Lahat ng naroon ay napatili at tila sadyang hinihintay ang pagdating nila. Itong si Trixie ay obviouse ang kilig. Sabagay i understand her. Super duper walang tapon sa kagwapuhan ang mga ito. Kung ire-rate ko sila sunod sunod. Syempre uunahin ko si Travis, kase boyfriend ko sya. next syempre ang kapatid ko.. Kasunod si Sebastian.. Ihuhuli ko si Jarred dahil simangot.. "Oh mY.. Oh my.. Ellaina nakatingin silang lahat sayo! " "Ha?" Tiningnan ko ang mga nakapilang lalaki sa counter at tama nga ito. "Trixie nagtataka kapa ba?pag maganda lingunin talaga!" Confident kong sabi. "Correct Ellaina, " hagikgik nito. Ngingisi -ngisi lang ako. Masaya din kahit papano sa MU. Maraming gwapo. Kumaway lang sila Travis at Azzer sa akin pero sa iba sila naupo. Nginitian ko ang grupo. Nag flying kiss pa ako kay Travis. Bagay silang magkakasama, napansin ko yun Seb na patingin-tingin kay Imarie at saka paminsan minsang nasulyap kay Trixie. Ay naku... Malaking problema talaga.. Ang dalawa kong kaibigan magkaagaw sa lalaki. San ako kakampi pag nagkasabunutan na? Referee nalang siguro ako. Hmmp. . Habang kumakain ay napapatingin ako sa grupo nila Travis. Ito kaseng Jarred na to lagi kong nahuhuling nakatingin sa gawi ko. Tinataasan ko na nga ng kilay at akoy naaalibadbaran. ",Ellaina my dear.. Type ka yata ni Mr. Owner, laging nakatingin sayo oh! " bulong ni Trixie. "Pansin ko din, pero di ko sya type, isa pa may boyfriend na ako diba?!" "Ai sayang yan tange.. Malay mo sa kanya ka di himatayin pag nagkiss kayo " hagikgik ulit nito. Nasabi ko kase sa kanya non ang sitwasyon namin ni Travis. Ayaw kase nyang maniwala non na virgin pa ako, na walang nangyayari samin ng nobyo. Kaya sinabi ko nalang ang sitwasyon para maniwala sya. "Tanga kaba Trixie? Gusto mong magaway sila ni Travis? Lagi na nga silang nagtatalo dadagdagan kopa? " asik ko. "Suggest ko lang. Baka kase ibang lalaki ang makakagamot dyan sa kondisyon mo, diba? "Aniya. Napaisip ako sa sinabi ni Trixie. Come to think of it.. Si Travis lang ang nakakahalik sakin at akoy nagko collapsed. Pero di ko pa na try sa iba.may point ang kaibigan ko. Pero definitely not Jarred. Iba nalang. "Alam mo may point ka, matutuwa si Travis pag gumaling ako pero magagalit yon pag nalaman! " "E di isekreto mo, c'mon ellaina, its just a kiss.. Saka me dahilan ka naman no!" Aniya. Saka ako siniko. "Type ko yun kuya mo! " sabi bigla nito na inginuso si Azzer. "Ha? " napatingin ako kay Azzer na kumakain at tila walang pakialam sa paligid. "Ay type ko talaga, crush ko na sya.. Cute nyang kumain, magpakain kaya ako sa kanya!?" Nabilaukan ako sa sinabi ni Trixie. Mabilis akong uminom ng tubig. Sumakit ang ilong ko sa sinabi nya. Ang lakas ng tawa nito kaya sa amin nabaling ang atensyon ng iba. Lalo na ang grupo nila Jarred. "Landi mo talaga, yari ka kay Seb." Sabi kong di malaman kung paano ngingiti. Ganon talaga kase itong magsalita. Kaya minsan bad trip dito si Travis. Pero mabait naman ito. "Tingnan mo kase kuya mo, seryoso pagkain diba? Tyak magaling yan sa kama! " Namula ako sa sinabi nya.. "Hoy Trixie wag mong pagbalakan ang lalaking yan, me asawa na yan!" Sabi ko. "Totoo pala yun tsismis. Kapatid daw ni Mr. Owner asawa nyan eh! " sabi nya. "Oo kaya sa iba ka nalang! " "Sige na nga. Kay Mr. Owner nalang! " sabi ni Trixie . "Mr. Owner???" "Kay Jarred nalang, mas magaling tiyak yun, look at his hand and lips.. And his----" "Stop it! Hindi pwede!!!!! " Napatingin sakin ang lahat ng malakas kong sinabi yon kay Trixie.napanganga ito ng makitang nanlilisik ang mata ko sa kanya. Bigla akong tila nakaramdam ng hilo. Nasapo ko ang noo. "E-ellaina.. Okey fine,, sorry.......kalma ka lang,sayo na lahat ng gwapo ok" nagtataka man ay hingi nito ng paumanhin. Pati ako ay naguluhan sa reaksyon ko. "Sorry din. Nabigla ako,!" Sabi ko. Lumapit na pala samin si Travis at Azzer. "Ellaina what's wrong?" Si Travis. Tila napipi si Trixie. Di alam kung magsasalita pero pinandilatan ko sya. "W-wala ..okey na!" Nagtataka ako sa naging reaksyon ko kay Trixie kanina about Jarred. San galing yon? Bakit kailangang maging ganon ang reaksyon ko? Ilang saglit akong nagtagal sa restroom bago naglagay ng red lipstick. Nasira kase yon pagka tooth brush ko. Bibili ako ng mas kapit sa labi sa susunod. Nagsuklay muna ako at nagpahid ng konting foundation. Saka ako nag decide na lumabas. Pagtalikod ko ay sya namang pagpasok ng isang magandang babae pero mas maganda ako. Naramdaman kong tila sinadya nitong banggain ako kaya napalingon ako sa kanya. Di manlang ito nag sorry at nakangisi pang patingin -tingin sa akin. "Bumalik kapa?,g**o lang ang dala mo dito!" Sabi nyang naglipstick din sa tapat ng salamin. Kumunot ang noo ko sa narinig. "W-ho you?do i know you?" i asked saka nakahalukipkip na sumandal sa may lababo. "Im the Queen of this Campus.so back off b***h!" Sabi nya na ikinataas ng kilay ko. Realy?? Mas maganda pa nga si Imarie dito. Napangisi ako..kaya tila nainis ang babaeng kilala ako pero di ko sya tanda. "Not anymore" sabi ko. "W-what? Anong sabi mo? ".. "Im the real Queen, not you.. Pangit mo para maging Queen! " sabi kopa na ikinalaki ng mata nya. "How dare you? " "Yeah how dare me, " Nagulat ako ng lumapit sya at sinabunutan ako. Agad akong gumanti ng sabunot. Maling -mali ito ng kinalaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD