CHAPTER 3

2705 Words
OOPS ...I DID IT AGAIN....... Azzer's POV..... "Angelo dalian mo nga dyan, baka gutom na ang kapatid ko." Pagmamadali ko kay Angelo. May dala kase kaming grocery at pagkain na tinake out ko sa labas. Alam ko kaseng wala don ang katulong ni Imarie dahil nasa bakasyon ito at puro frozen food ang nasa resthouse. Si Imarie kase ay sa canteen ng School nakain kaya di na nag-abalang mag stock. "Wow Azzer ha, masyado ka naman yatang nagpapaka kuya kay Ellaina?baka magselos na si Boss Jarred sayo" sabi nito. Binatukan ko si Angelo. "Hoy kapatid ko yon, ngayon lang ako nagkaron ng kapatid kaya wag kang gago, ikaw ang umayos dyan, alam kong may crush ka sa kapatid ko, sumbong kita kay Jarred eh! " banta kopa sa kanya. "Joke lang Azzer, ikaw naman masyadong hot, " sabi nito binilisan ang lakad. "Angelo binabalaan kita ha, tigilan mo ang paghanga kay Ellaina. Putol yan birdie mo kay Jarred at Travis! " "Epal ka, " "Abat-----" Napahinto kami sa tapat ng resthouse. May naririnig kaming kumakanta. Nagkatinginan pa kami ni Angelo saka mabilis na pumasok don. At ganon nalang ang panlalaki ng mga mata namin ni Angelo ng makita ang pagsasayaw ng wild ni Ellaina habang naghahalo ng kung anong niluluto nito habang nakatulala sa kanya si Jarred sa likod. "Oh baby baby How was i supposed to know? " Tangina... San natutong sumayaw ang malditang-impakta kong kapatid? Naalala ko tuloy nung unang beses ko syang makita sa club ni Adam. Nagsasayaw din sya pero di ganito ka-wild. Hayop ..nang tingnan ko si Angelo ay para itong tutulo na ang laway kaya sinapak ko sya. Si Jarred naman ay pulang -pula na ang mukha.. Ellaina bakit ka ganyan? Mababastos kana nila sa isip ng wala sa oras nyan dahil sa kaharutan mo.. " Oops... I did it again to your Heart, Got lost in this game oh baby Oops. You think that im sent From above.. Im not that innocent.. " Pikit na pikit pa ang luka.. Di ba nya alam ang epekto ng ginagawa nya sa lalaki.? At kay Jarred pa talaga sya nagsasayaw ng ganon. Bahala syang ma-r**e dyan. Bigla ay pumasok din si Travis sa resthouse. May dala din itong take out food. Nakita nito ang ginagawa ni Ellaina kaya mabilis itong timikhim at lumapit sa dalawa. "Baby... What are you doing? " tanong ni Travis dito. Kapal maka baby sa harap ni Jarred. Natigil sa pagsasayaw ang maharot kong kapatid at nakangiting humalik sa pisngi ni Travis. Nalintikan na.. Ang talim ng tingin ni Jarred sa lalaki. Nilagay namin ni Angelo ang pinamili sa taas ng counter.. "Nagluluto ako, kala ko di ka pa darating eh, 10 hotdog lang naluto ko saka dalawang egg. " labi ni Ellaina. Inihain sa mesa ang hotdog at itlog. "Me dala naman kaming ulam Ellaina. " sabi ko. Naghain na kami ni Angelo. May digmaan kase sa tinginan nila Travis at Jarred eh. Pansin namin yun maliban kay Ellaina na excitted naupo sa mesa. Manok lang naman ang binili ko saka liempo. Si travis ay ganon din ang dala. "Ang dami namang ulam. Sino kakain ng luto ko? " tanong ni Ellaina. "Ako! " "Ako! " "Ako! " "Ako! " What? Sabay -sabay kaming apat na sumagot. Nagkatinginan kaming lahat. Si Angelo ay inirapan ko. Nakikisali pang maigi. "Ayyii ang saya, sige na kain na tayo, hati nalang kayong lahat okey? " masayang ngiti ni Ellaina. Tinuhog nito ng tinidor ang hotdog at pinaglalagyan lahat ng pinggan namin. Parang gusto kong umurong nang makita ang medyo sunog na pagkain pero nandon na eh. "Okey lets eat! " sabi pa ng kapatid ko. At para kaming tangang apat na lalaki na sinunod ang babae. Naglagay na ako ng kanin .si Travis ay asikasong nilagyan muna ang pinggan ng dalaga bago ang kanya. Lalo tuloy sumama ang mukha ni Jarred. Pero di ito kumibo. Mamaya ka Travis kay Jarred. At nang sumubo na ako ng hotdog na mainit init pa ay ganon nalang ang pagkatigil ko sa pagnguya. Nakita kong ganon din si Angelo at si Jarred na napatingin pa sa akin. Tila nagkakaintindihan ang mga mata naming tatlo ni Angelo. Si Travis lang ang dire-diretsong kumain. Pero kapansin -pansin ang paglalagay nito ng sandamakmak na ketchup sa hotdog. Itutuloy ko ba ang pagnguya? Putsa.. Sobrang lamig pa ng gitna ng hotdog. Shit.... Luto sa labas pero frozen pa sa loob. Anong klaseng pagluluto ang ginawa ni Ellaina dito? "Whats wrong? " tanong ni Ellaina. Sabay-sabay kaming umiling. Para akong maiiyak. Kahit hotdog lang yon ay di ko yun kinakain ng ganon kalamig. Sabay may nag doorbell. Nai lock ko yata ang pinto kanina. Tumayo si Ellaina at ito na ang pumunta sa labas. Nang mawala si Ellaina ay sabay-sabay naming ibinuga ang pagkain sa bibig. Si Jarred ay inihagis ang hotdog sa basurahan. Nakangisi si Travis ng makita ang ginawa namin. "Hoy Travis iluwa mo yan,baka sumakit pa tyan mo! " sabi ko sa lalaki. Ngumisi lang ito. "Lampas isang taon na akong kumakain ng ganitong luto ni Ellaina, still im alive. Sanayan lang yan! " sagot nito. Natigilan kami.. Maging si Jarred. Kitang -kita ang selos sa mata nito at biglang kinuha ang natirang hotdog sa pinggan saka kumain ulit non. Ha? Ewwww... Kayo nalang dalawa.. Mahina ang tiyan ko sa ganyan. Tiningnan ko si Angelo. Ano lalaban kapa? Kumain ka rin ng frozen kung talagang gusto mo ang kapatid ko... Then i saw Angelo na ginaya si Jarred. Kumuha din ng hotdog at kinain. Aba at gumaya nga. Sinapak ko sya sa ulo.. Magtigil ka, wala kang fans club. Ellaina's POV..... Nagulat ako ng buksan ang pinto at makita ang isang maganda at payat na babae na walang boobs. Bigla nalang nya akong sinugod ng yakap na parang naiiyak pa yata ito. "Bff totoo nga, nandito kana" Bff? Ano yun? "Wait lang miss, sino ka? " taas ang kilay na tanong ko. Minasdan ko ang kaharap. Maganda nga ito at may mahabang buhok na unat at itim na itim. Balingkinitan ang katawan at ang liit ng bewang nito. Yun nga lang wala syang boobs. Mas sexy parin ako sa kanya. Wag ng isama ang mukha ko. "Bff, ako to si Imarie" nakangiting sabi nya. Muling yumakap sakin. Para akong nandiri na lumayo sa kanya. "I-imarie?? Kilala mo ako? " tanong ko. Tumango ito. "Oo naman, best friend tayo, kaibigan kita, " sabi nito. "Ganon? Di ko tanda! " sabi kong napakamot sa baba. Bigla syang yumakap sa braso ko. Nailang tuloy ako sa kanya. Masyado itong close na di ko kinasanayan. . "Dont worry bff, ikwekwento ko sayo lahat ng di mo alam" sabi nito. "Its okey ,no need to do that! " sabi ko. Nakayakap parin sya sa braso ko ng bumalik ako sa kusina. Naabutan namin ang mga lalaki na parang sundalo kung kumain. Bilang na bilang ang subo at nguya. At ubos na ang niluto kong ulam. Hala di manlang nagtira ah. Tskkk. Buti nalang me manok pa. "Sa taas na muna ako, bff mamaya tayo magkwentuhan ha" ngiti ni Imarie sa amin. Kumunot muli ang noo ko. Saka bumulong kay Travis. "Makikipagkwentuhan ba ako sa kanya?" Tila nahingi ako ng payo sa lalaki. "She's your friend, kaya wag kang magalangan sa kanya, close na close kayo non! " sagot ni Travis. Tumango -tango ako. "Anong ikwekwento ko? Kung sino sino at ilan ang napatay ko sa LA? " tanong ko nang biglang nabilaukan ang mga ito. May masama ba akong sinabi? Pagkuway nagsiryoso si Travis. Ganon din sila jArred at Azzer. Yun isang tinawag nilang Angelo ay tahimik din. "Ellaina, be good to Imarie, may pinagdadaanan yung tao at kailangan nya ng kausap! " sabi ni Azzer. "Ganon ba?me problema ba sya? " tanong ko "Sya nalang ang tanungin mo, kumain kana! " sabi pa ng kapatid. Nang makakain ay umalis na ang mga lalaki. Hindi pala don natuloy si Jarred. Umalis din ito kasabay ni Azzer. Nang umakyat ako sa taas ay nagulat ako ng may marinig na tila umiiyak. Curiousity ang pumasok sakin kaya binuksan ko ang silid ni Imarie. At nagulat ako ng makita syang luhaan habang may hawak na frame... "I-imarie?? " nagaalangang tawag ko. Nang makita nya ako ay mabilis nyang pinahid ang luha. Saka pilit na ngumiti. Tuluyan akong pumasok sa silid ng kaibigan ko daw. Maganda ang kwarto nito pero simple lang. "B-bakit ka umiiyak,? " tanong ko. Sinisilip ko ang hawak nyang larawan pero mabilis nya yong inilagay sa ilalim ng unan. "W-wala bff, may namiss lang ako!" Sabi nya pero alam kong may dinaramdam talaga ito. "May problema kaba? " tanong ko. Kahit naman diko maalala ang babae ay nararamdaman kong mabait ito. "Nalungkot lang ako bigla, pero wag ka ng magalala, nandito kana kaya okey na ako.. I can be happy again! " ngiti nya. Hinawakan ang kamay ko. Seryoso ko syang tinitigan. "Sorry ha, hindi kase kita maalala, pero narito lang ako para sayo" sabi ko. "Salamat bff, " naiyak na naman ang babae. Na curious talaga ako kung bakit sya naiyak. "Pwedeng magtanong?" Pagkuway sabi ko. "Oo naman, ano ba yon? " "B-bakit dito ang kwarto natin? Diba sa tapat yun dorm? Tapos nabasa ko pa sa labas Evañez Queen, para san yon? " kunot noong tanong kopa. Ngumiti sya na tila nakalimutan ang iniiyakan kanina. "Kase Evañez tayo "kinikilig na sabi nito. "Ha? " takang tanong ko. Diko get.Evañez ako? Never.. Evañez ang isa sa dahilan ng pagkamatay ng mommy ko. No way. "Girlfriend ako ng kapatid ni Jarred. Bilang alaala ng kapatid nya itinayo nya ito para tirahan ng mga babaeng Evañez. Si Danica kase kapatid ni jArred pero umalis kase sya. " "Hmm ibig mong sabihin dito ang haws ng mga Evañez queen, eh bakit ako nandito? " taka kong tanong. Natigilan naman ito. "K-kase.. Hmmm.. Basta.. Malalaman mo rin pag nakaalala kana" sabi nya. "Hindi ba pwedeng ngayon mona sabihin? " "Si Azzer nalang tanungin mo bff. Baka mapalayas pa ako dito eh hehheheh!" Sabi nya. Nanahimik nalang ako. Mukang mahirap mauto ang babae. Azzer's POv.. Nilapitan ko ang tahimik na si Jarred sa roof top. Tila kay lalim ng iniisip nito habang nakatingin sa resthouse na tanaw mula don. Hindi naman kita ang kapatid ko don. Kung pupunta si Ellaina sa terrace baka pa. So bakit nakatulala don ang kaibigan. "Bayaw,anong problema? " tanong ko. Marahas syang napabuntong hininga. Sumimangot ang mukha. "Azzer.... Gumawa ka ng paraan para mawala saglit dito si Travis! " sabi nya na ikinalaki ng mga mata ko. "Ano? Hahanapin yon ni Ellaina, di maganda yang balak mo, pag nawala si Travis dito, tiyak aalis lang si Ellaina para hanapin sya.. Alam mo naman mahal na mahal yon ng kapatid ko!--- " "What? Asshole.. Anong sabi mo? " galit na baling nya sakin. Pahamak na bibig... Eh yun kase ang nakikita ko sa ngayon. Ewan ko lang kung ganon parin pag nakaalala na si Ellaina. "Easy Jarred... " "Ako ang mahal ni Ellaina, hindi sya.. May nagalis ng lahat ng alaala nya kaya ganon sya kakapit sa gagong yon! " asik nito. "Naron na nga tayo, eh anong magagawa natin? Hindi ko ma-Access ang device nya. Tila naka lock na yon. " "Do something Azzer bago pa ako makapatay sa selos! " gigil na sabi nito. "Magiisip ako ng paraan, tiis ka muna kase.. Wala naman mapapala yan si Travis. " "Siguraduhin mo lang na epektibo ang eksperiment mong yan. Walang pwedeng humawak sa mga pagaari ko lalo na kay Ellaina! " diin pa nya. "Oo na, kawawa naman ang kapatid ko. Lipat -lipat nalang sa inyong dalawa. Pasalamat ka nalang at si Travis ang sinamahan nya, pano kung iba? Baka dina nakabalik dito ang kapatid ko! " sabi ko. Napasuntok sya sa railing. Ilang saglit kaming natahimik pagkuway halos sabay kaming napahawak sa tiyan. s**t eto na ang bunga ng sumpa ng luto ni Ellaina. "Azzerdon, kumuha ka nga ng gamot don!" Utos ni jArred. Sabay ngiwi. Ayan pabibo kase. Buti konti lang kinain ko. Pero shit.. Kailangan ko parin ng gamot.. Ellaina ....you're a witch.. Seb's POV.. .. Kasama na ulit namin si Travis sa dati naming kwarto sa dorm. Kami ulit tatlo nila Raiko. Buti naman at masayahin na ulit ito kahit laging seryoso. Dahil kay Ellaina kaya good mood na ang kaibigan. "Seb pano na ang hunting eagles?kasapi napala kayo nila Jarred? " simangot na tanong ni Travis. Hubad baro itong nakahiga habang nakaunan ang dalawang braso sa ulo. Lumaki ang katawan ng loko. Dati mas ma- abs ako dito dahil batak ako sa labanan pero ngayon wala nang laban ang katawan ko sa kanya. "Hunting eagles pa rin naman tayo wag kang magaalala, nakikiisa lang kami para sa ikakabuti ng school! " sabi ko. Nasa huling taon na kami ng kurso. Maging sila Raiko ay ganon din. Si Jarred, Azzerdon at Angelo palang ang nakagraduate. Marami sa myembro ng black knight ang repeater dahil sa sunod-sunod na labanan non. Si Noah naman ay 5 years course yata yun. Going strong sila ng pinsan kong si Ayesha.. "Hmmm bueno wala na naman akong magagawa, busy din ako !" Anito. "Travis totoo bang asawa mona si Ellaina? " biglang singit ni Raiko. Akala ko ay tulog na ito. Yun pala hindi pa. "A-asawa? " "Oo yun kase ang kumakalat dito, diba engage kayo non, sabi kaya daw kayo nawala kase nagpakasal na kayo! " ani Raiko. "Kelan kapa nakinig sa Tsismis Raiko? " asik ni Travis. "K-kase.. --" "But i like that" biglang ngisi ni Travis. Binato ko to ng unan. Parang tanga kaseng kiligin. Di bagay sa laki ng katawan nya. "Tulog na tayo, daming gawa bukas, me horse back ridding club na pala dito Travis, diba hilig mo yon? " sabi kopa. "Yup,titingnan ko pag may time, busy ako kay Ellaina ngayon! " sabi nya. Nagkibit balikat lang ako. Saka ko hinubad ang robe ko at tanging boxer lang ang itinira. Si Raiko ay naka brief lang kung matulog. Minsan nga wala.. Sanay na naman kami sa isat isa. Nahiga ako matapos patayin ang ilaw. As in patay lahat at tanging ang liwanag galing sa labas ng bintana ang nagbibigay ng liwanag sa kwarto namin. Nakakatulog na ako non, naririnig kona ang mahinang hilik nila Travis at Raiko. Nang bigla akong maalimpungatan. May nagbubukas ng bintana namin. Shit... Kinuha ko agad ang b***l sa ilalim ng unan. Kung sino man ito ay di sya makakalabas ng buhay. Ikinasa ko ang b***l. At marahan kong nilapitan ang switch ng ilaw. Hinintay kong makapasok sa loob ng kwarto ang pangahas. Magaling itong magbukas ng bintana. Nang makita kong nasa loob na ito ay bigla kong binuhay ang ilaw at itinutok dito ang b***l. Nagkagulatan pa kami . "E-ellaina? " bulalas ko. Mabilis kong binitiwan ang b***l at hinigit ang roba. Saka ako nagingay para magising sila Raiko at Travis. "Ha.. Ano yun?" Gulat na sabi ni Raiko at ng mamataang may babae sa loob ng kwarto namin ay mabilis nitong tinakluban ng unan ang harapan. Shit... Bakit nandito si Ellaina. Nagkagulo kami ni Raiko di malaman ang gagawin. "T-travis.... " tawag ng babae sa tulog na tulog paring kaibigan. Napanganga kami ng bigla itong lapitan ni Ellaina at humiga sa braso ng tulog na si Travis. "Seb.. Patay na tayo bukas kay jarred! " tila iiyak na sabi ni Raiko. Napailing naman ako. Saka ginising si Travis. Mukang antok na antok kase ito kaya di magising -gising. Walang kamalay-malay na may nakalingkis nang magandang babae sa h***d na katawan nito. "E-ellaina?" Nagulat si Travis ng magising at makitang katabi na nya si Ellaina. Dagli itong bumangon at hinanap ang short. "Travis im scared! " hikbi ni Ellaina. Pano kya nito naakyat ang bintana ng kwarto namin. Tsk talagang magaling ito. "Anong nangyari? " masuyong niyakap ito ni Travis. "Napanaginipan ko na naman sya. He's gonna kill me" then she cried so hard na tila naiiyak na rin kami .ano ba kase yon? "Its just a dream Ellaina.tumahan kana, andito na ako diba?" Sabi ni Travis. Nagkatinginan lang kami ni Raiko ng yakapin sya ni Ellaina . Patay na..laki na ng puntos ng kaibigan ko ah,nahabol kay Jarred.!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD