Chapter 01
Ps:This is only work of fiction and the places or scenes that you think are familiar are perhaps coincidence.
All right reserve ®June 4,2023
By:Lara-Desu
~The Obsession of my Professor
Leading Cast
Callista Yñaves
Makenzee Claes
Supporting Cast
Maxine Austri Yñaves
Matt Timothy Yñaves
James Kyle Santos
Jade Cyr Moxuir
Agatha Cyr Moxuir
Elisiana Esmeere
Alvis Shion
Xyriel Kyr Anderson
Josh Coby Trinidad
Ps: We can encountered a
Wrong spelling
Wrong Grammar
Bad words
Physical and abusive scene
And also some reality scene
So please be with it because it's still unedited (Taglish)
If meron naman po wrong spelling or wrong grammar pa tell na lng po kasi Hindi ko rin nakikikita agad but still thank youuuuu
(≧∇≦)/My Professor obsession desire
Her POV:
"Callista... Hintayin mo ako mag babalik ako pangako" walong letra ito ang huling binitawang salita ng lalaki na kinalimutan ko.
Isang magandang umaga, dahil sa Sinag ng araw ako'y na gising.
Ngunit palagi pa rin nasa aking isipan ang walong salita na sinabi ng lalaking akin nilimot.
7yrs na ang lumipas ngunit 7yrs rin akong nag luluksa, bakit ba kasi nakalimutan ko sya?, mahalaga ba sya?
At ang malaking tanong Naaalala nya pa ba ako kahit na hindi ko na sya nakikilala?
Pero dahil nakaraan na iyon mag fo focus na lng muna ako sa sarili ko.
"Good morning self you are the best" ani ko sa aking sarili ng nakangiti dahil alam ko na ngayon araw sasabihin ang mga makakasali sa final round ng quiz bee .
"Teka anong oras naba" patanong ko sa aking isipan ng nakaupo na hindi tinitignan ang oras.
"Inay bakit hindi mo naman po ako ginising"sumigaw ako sa gulat ng makita ko ang orasan na 15 minutes nalang ay late na ko.
Tumayo ako ng mabilisan at nilinis ang higaan kinuha ko na rin ang uniporme na naka sampay sa labas ng aking bintana.
"Ohh anak bakit nag m-madali ka diba 3 hrs lang naman kayo ngayon sa school"sabi ng ni inay na nag tataka sa pag mamadali ko.
"Inay ngayon po kasi sasabihin kung sino po yung makakapasok sa International Quiz Bee Competition" ani nito bago tumakbo papuntang banyo para maligo.
Dahil sa totoo lamang hindi talaga sya pwedeng hindi maligo dahil mas gusto nya na fresh sya bago pumunta ng paaralan.
"Ganun ba anak,cge bilisan mo na lang maligo upang makapunta ka sa school ng maaga ma l-late kana pala" sabi nito at umupo sa upuan upang kumain.
Pagkatapos ng limang minuto lumabas na ito sa banyo suot ang malinis at maputing uniporme nito.
"Ang ganda ng anak ko napaka talino pa. Proud ako sainyong mag kakapatid"natutuwang sabi ng sa akin ni inay na ika na ngiti ko dahil laging ganyan si inay lagi na lang akong pinupuri.
"Inay alam mo naman po na nag mana kami sainyo sobrang ganda tapos idagdag mo pa si itay"ani ko habang nakatingin sa aming dalawa ang aking ama na nag babasa ng dyaryo.
"Di bale anak masusuklian din lahat ng pag hihirap mo napaka bait mo at sobrang maaalahanin at dahil dyan ihahatid kita ngayon"sabi ni itay na tumayo at iniunat ang mga buto habang dala dala ang baon ko sa paaralan.
"Salamat po itay,inay, kundi po dahil sainyo wala ako ngayon" nakangiting sabi ko na ikina ngiti ng aking magulang.
"Kung alam mo lang na shooter ang papa mo" bahagyang napatawa ang inay nito at ang itay nito sa sinabi ng kanyang nanay.
"Ano po yung shooter" inosenteng tanong ko sa aking magulang.
"Wala yun anak tara na at ma l-late kapa"ani ng ama nya at lumabas ng bahay nila para paganahin ang tricycle nito.
"Inay mauna na po kami mag ingat ka po kapag tumawag po si ate at kuya ay paki sabi po na okay lang ako" sabi ko at humalik sa aking ina.
"Makaka asa ka anak mag ingat ka goodluck" huling sabi ng aking ina bago umalis ang tricycle ng kanyang asawa.
I.A (Imperial Academy)
Ang paaralang ito ay paaralan ng mayayaman. Marami na ang na kapag tapos rito at lahat ng yun ay mga successful na sa buhay. Isa sa mga estudyante rito ay si Callista Yñaves na isang ordinaryong mamamayan na naka pasok sa paaralang ito para maging scholar. Nakapasok sya dahil sa kanyang angkin talino at dahil dun marami syang nauwing medalya galing sa iba't ibang competition. Sumikat sya sa paaralan kaya pati ang may ari ng paaralan na si Alexander Claes na ama ni Makenzee Claes ay napa hanga sakanya.
"Itay andito na po ako maraming salamat po sa pag hatid" batid ko at yumakap sa ama.
"Cge anak mauuna na ang itay ah mag ingat ka" huling sabi nito bago pinaandar ang tricycle.
"Andito na sya"
"Ang ganda nya sobra"
"Goodluck crush sana makapasok ka sa quiz bee"
Ito ang aking narinig pag pasok ko sa malawak na paaralan. Marami ang nakatingin sa akin at halos lalaki ang nakatingin sa akin habang nakangiti ang mga ito at ang ibang babae ay nag bubulungan na para bang mga marites sa kanto.
"Andito na naman itong mga babaeng toh palibhasa walang may paki sakanila" mahinang sabi ko ng biglang nakasalubong ko si Professor Makenzee.
"Goodmorning Professor" bahagya akong yumuko para batiin ang professor ko.
"Your smell" Ngumiti ito sa akin at nagsabi ng ikinataas ng balahibo ko "your natural scent is making me calm as always"at pag sabi nito nun lumapit sya sa akin at may ibinulong "Goodluck"sabay alis nito.
Nagulat ako sa ikinilos ng professor ko pati rin ang ibang estudyanteng nakatingin rito na para bang nagulat sa ginawa ng professor dahil ang alam ng mga ito cold, strict, at observer ito ngunit sa ginawa nun hindi nila alam kung ano ngaba ang relasyon namin dalawa.
Pero hinayaan ko na lang iyon at patuloy na naglakad sa hallway habang nginitian ako ng mga estudyanteng nakatingin sakin.
Pero bigla akong naihi at pumunta muna sa Cr ng paaralan.
Habang nag lalakad ako meron akong nakitang kumpulan ng mga estudyanteng natatakot banda sa dulo ng paaralan dahil sa curiousity ko lumapit ako dito at nagulat sa nakita.
"Merong patay dito"sigaw ng isang estudyante.
"May pinatay dito" sabi pa ng isa.
Maraming estudyante ang nag bubulungan na para bang common na ito.
Pero...
Nagulat ako dahil meron tatlong lalaki ang walang awang pinatay doon at ang sobrang ikinagulat ko ay ang tatlong lalaking bumati sa akin kanina ang nakita kong wala ng buhay.