Second Kiss,
Her POV:
Buhat buhat ko ngayon si Professor Ken buti na lang talaga at tinulugan ako ni Jade medyo mabigat eh.
"Hmm... My Callista... Asan ba tayo? " Ken said in husky voice (Naks plus point to sakin)
"Baby... Este Professor Ken chill ok wala pa tayo sa condo mo ikaw kasi eh nag lasing ka pa" pangangatwiran ko rito.
Eh totoo naman kasi what is his problem ba and why did he cry ngayon ko lang sya nakitang ganyan umiiyak sya and I don't know why but I think sobrang masakit talaga sakanya yun.
"Cali pasensya na ah naistorbo ka pa sa sleep over nyo ng kapatid ko. Kapag kasi hinayaan lang kami ni boss lagot kami dyan eh" pag hingi ng pasensya ni Jade sakin ramdam ko sa boses ang taos pusong pasasalamat pero bakit ganon?
Bakit takot sya kay Professor Ken?
Andami kong bakit gulong gulo nako, pero totoo pala sinasabi nila noh?
Hindi lahat ng bagay ay pang matagalan ang iba pang madalian pero yung mga bagay na pang matagalan hindi mo rin matatawag na pang habang buhay.
Lahat ng gusto mong bagay hindi umaabot ng pang habang buhay na kahit pinaglaban mo pero yung tadhana mismo ang kumalaban sayo.
Kaya sya nga rin eh, alam ko sa sarili ko na ako yung kumalimot sakanya pero kung asan man sya sana masaya sya.
Sana hindi sya malungkot at nagiisa na sana-
"Cali? ... Okay ka lang? " isang tanong ni Jade nawalan ako ng focus sa iniisip ko.
"Ah oo naman may iniisip lang" sagot ko sakanya, hindi ko napansin na nasa harap na kami ng kotse ni Professor Ken sa labas nitong bar.
"Ah ganun ba maiwan kona kayo dito uuwi na kasi ako, alagaan mo si Boss Z ah ingat sa pag uwi" huling sinabi nito habang kumakaway at nag lalakad papuntang ibang direksyon.
Inakbayan ko si Professor Ken para alalayan pero bat ganun ang bigat shuta.
"Binibini tulungan ko na po kayo" maginoong sabi ng isang estranghero este driver/guard ni Professor Ken.
"Salamat po" saad ko lng dito at pinaupo ko na si Professor Ken at tinabihan ko ito.
"Kuya doon nyo nalang po kami ibaba ni Professor Ken sa condo nya po alam mo po ba iyon? "Tanong ko rito habang nakaalalay parin sa baby ko (Hihi).
"Masusunod Binibini" ngiting sagot nito sakin.
---------
Habang umaandar ang kotse naririnig ko ang tunog nito at naamoy ko ang natural scent ng baby ko ang bango nya mismong amoy nito ay humahalo sa lamig ng aircon nitong sasakyan kaya naman ang sarap talagang matulog.
Lalo na at katabi ko itong baby ko na mahimbing na natutulog, yan kasi inom pa, kanina nung pag pasok namin dito ay kita ko sa mata nito ang labis na pag kaantok.
Mahimbing syang natutulog ngayon at maririnig ko ang mahina nyang pag hilik bat ganon ang hina ng kanya pero ang cute pa rin.
Habang nag mamaneho ang driver ni Professor Ken at sya ay mahimbing na natutulog ako naman ay hindi makatulog kaya napa tingin na lang ako sa may bintana
Nakita ko ang mga convenience store na nag bubukas na, pero madilim pa naman at ang lamig talaga ng hangin ngayon.
Pag katapos ko tumingin sa labas napa titig nalang ako kay Professor Ken, ang gwapo nya talaga, mga mapilantik na pilikmata at makapal na kilay dagdag mo pa yung maugat na kamay haysstt gusto kona lang maging dinosour.
Pero nakikita ko syang ganyan meron syang kahawig eh para bang nakita kona sya dati like dati pa talaga pero hmm.
Sino ka ba talaga Professor Makenzee Claes?
---------
Andito na kami sa condo ni Professor Ken, umuwi na rin yung driver nya na si Ezekiel pag katapos kaming ihatid dito.
Ngayon ito ay nakahiga na sa kama nya at andito kami sa kwarto nya, ang ganda ng taste nya ah Dark color ang theme nito kasi yung loob ng kwarto nya ang pintura ng walls ay ash gray, at sinamahan na ng black design,pati narin ang buong condo nya ang laki nito mas malaki pa sa bahay namin eh tas fully furnished yung buong loob tas may aircon pa
Magaling syang pumili ako rin kasi eh ayoko ng mga light color ang gusto ko dark color kasi para sakin dark place symbolize peace like tahimik lang tapos madilim sobrang nakakagaan ng pakiramdam lalo na kapag breakdown ako yung tipong hindi ko na kaya pero si God lang tas yung dark place na yun na tinuturing kong best spot ay sapat na.
---------
Nakikita ko ang panginginig ng braso nito kaya naman nilapitan ko bakas sa mukha nito ang lungkot kaya naman hinawakan ko sya.
Bakit ang init? Teka nilalagnat ba sya? Kung ganon ay-
Papalakad na sana ako palabas ng kwarto para ikuha sya ng mainit na bimpo ngunit hinawakan nya bigla yung kamay ko
"B-baby... W-wag mok-o iwan dito" mangiyak ngiyak na sambit nito.
"Pero nilalagnat ka hindi kita pwede iwan ng ganyan" sabi ko rito ang init talaga nya tapos umuulan pa at nakabukas ang aircon nya.
"Please stay h-here My... Callista" huling salita nito bago naupo at halikan ako.
---------
Four ???? ?????
Apat na araw na ang nakakalipas pero tanda ko parin kung pano nya ako halikan at simula noon hindi ko pa sya nakikita.
May nangyari ba sakanya? Pero wag naman sana, bakit kasi ganon bigla bigla nghahalik-
"Good Morning Everyone"seryosong salita ni Professor Ken, bigla nalang ako napatayo at pansin ko rin ang lisik na tingin nito saakin.
Pag katapos namin sya batiin ay umalis na lang ito bigla at para sakin ansakit nun bakit hindi nya ako pinansin.
Bakit????
Pag katapos ng breaktime namin ay pinatawag na lang ako sa dean's room kita ko sa loob nito si Dean, ang ibang Professor at si Professor Ken.
Nung naka lapit nako ay yumuko nako at binati silang lahat.
" Callista bilang pinaka magaling na estudyante ng paaralan ay binabati kita"sambit ni dean o kumbaga yung Father ni Professor Ken.
"Maraming salamat po ngunit hindi naman po ako magaling sakto lang naman po ang aking kakayahan at meron rin po akong kahinaan" deretsohang saad ko rito ngunit ngumiti at mahinang tumawa lang ito.
"As I expected from your family hindi talaga nag bago ang dugo nyo mula sa ama mo hanggang sainyong mag kakapatid you're family is always straightforward but cunning ang strong" halakhak nito (teka anong expected? Kilala nya si ama?).
"Uhm what do you mean po? " I asked him in confusion.
"Well you know-" mag sasalita pa sana ito ngunit.
"Dad that's enough" Saad ni Professor Ken rito
"Hanggang ngayon ba naman anak torpe ka pa rin"halakhak nito at kita naman sa reaksyon ng mga Professor parang may alam sila?
"Dad Not now please".............. Ken