Part 21

2418 Words
Di na kami magkasama ng matagal nila Sarah at Gab. Pagkatapos namen magkwentuhan nun sa McDo, nagkanya kanya na kaming lahat. + First day na ng second sem at wala si Laurence, walang paramdam. Naiinis na ko sakanya, kanina pa ako tawag ng tawag, pero wala. Wala talaga! "Ano ba namang itsura yan, naka busangot ka!" Sabay kami ni Matteo pumasok ngayon, asusual dun din siya nakikain sa bahay. "Paano ba naman, walang pagpaparamdam tong si Laurence! Naiinis na ako"   "Aba aba, napaka OA na boyfriend ano po? Haha malay mo naman kasi tanghali pa pasok"   "Alam ko pasok niya, 10 ng umaga! Dpat gising na yun ngayon!" Bigla naman natahimik si Matteo. "Ano ba yan Ju, alas otso pa lang. Baka tulog pa yun, napaka OA mo!" "Eh bahala siya, gusto ko na siyang makita eh!" Sabi ko sakanya.   Kaya inakbyan niya na lang ako at kinonyatan. Naalala ko tuloy, palagi niya tong ginagawa saken.   "Ang over protective naman ng Juju ko. Nako, sgurado mamaya kayong dalawa na magkasama kaya wag ka na mag inarte dyan okay?" Paalala saken ni Matteo. Tinulak ko siya para makawala sakanya tapos tumawa lang siya. "Haha, oo na!" Sagot ko. Bigla naman kaming natahimik ni Matteo. Walang araw na di ko sinubukang malaman yung iniisip ni Matteo. Bigla tuloy akong napatitig sakanya habang naglalakad. Ang angas kasi ng itsura niya, matapang at di talaga makakailang gwapo siya, di matatago. Tapos ang ganda pa ng katawan. Alam kong wala na akong nararamdaman kay Matteo pero gusto ko pa rin mabasa naiisip niya. "Hoy ayan ka na naman sa pagtingin tingin mo saken Ju!"   "Ahhh, eh wala. Wala, haha, naiisip ko lang palagi, 'ano kayang tumatakbo sa isip ng lalaking to' haha" "Aba, nag mimind reading ka ba? Sige nga...." bigla siyang huminto tapos humarap siya saken, hinawakan niya ako sa braso at tinignan sa mga mata.   "Go, basahin mo iniisip ko ngayon" sabi niya.   Tinignan ko siyang mabuti sa mata pero wala, wala talaga. As in, wala! "Leche ano kala mo saken? May mind reading powers?" Biro ko na lang. "Haha, sabagay tara na nga!" Naglakad na uli kami, pero di pa pala siya tapos about sa topic ng mind reading. "Kung mababasa mo lang nasa isip ko, puro day dreaming laman neto" ayan na naman siya sa seryosong tono ng boses niya. "Alam mo naman ako, walang matinong pamilya, palagi ko lang iniimagine yung masayang pamilya niyo. Hehe sna may ganun din ako" Ayaw kong nagiging ganito si Matteo, kasi ako nadadamay. "Nako Matteo, Welcome ka naman sa pamilya namen no! Haha wag ka na malungkot diyan okay?" Ngumiti na uli siya "Oo na, haha. Kasi, tinanong tanong mo pa kung ano nasa isip ko eh haha yan tuloy!" Sabi niya pa. Nakarating na kami sa sakayan, sumakay na kaming dalawa papuntang school. ++++ "Umay, wala na namang klase!" Sabi ko kay Greco habang nagiintay ng prof, halos kaklase ko pa rin siya sa lahat. "Haha, oo nga eh. Kumusta sembreak? Balita ko nag Zambales ka ah? Bakit di ka man lang dumaan samen?" Tanong ni Greco. "Ayy oo, taga Zambales ka pala no?" "Oo, nandun din ako eh hehe. Kumusta yung gala?" "Okay namn haha, masaya" sabi ko.   Pero tinignan niya ako. Shocks, ang daya!! Binabasa niya yung nasa isip ko. "First Kiss? Wow! Congrats!" Bigla niyang sabi. "Ang daya daya mo!!!" Sabi ko. "Hahha, sorry, bakit kasi ayaw mo magpalevel?" "Wala akong oras eh, pero nakakainis ka, nababasa mo iniisip ko!"   "Haha, ikaw rin naman, nababasa mo nasa isip ko ah?" Sinubukan kong basahin nasa isip niya. "Hahahahaha, binabasa mo nga nasa isip ko. Hi Julian ahaaha" sabi niya sa isip niya. "Hahaha ang daya mo nakakainis ka" sabi ko. "Wag ka kasi magmadali, tsaka magpalevel ka na haha, di ka siguro matulungin kaya di ka nagpapalevel haha" "Hindi ah, hayaan mo sa susunod. Kasi may kasama na ako!" Sabi ko sakanya. "Oh??? May nameet kang iba?" Tanong niya. "Secret, hehe." "Ay ang daya, haha. Sige, kapag ako nakakita, di ko rin sasabihin sayo!" Sabi niya pa.     "Okay lang, haha" Sa sinabi kasi ni Gab saken, feeling ko okay ng kaming dalawa lang ni Sarah. Importante daw kasi kaming dalawa. Pero di ko pa rin maimagine kung bakit kailangan kong lumayo kay Greco. Bakit nagsakripisyo si Tracy para lang saken, to think na naging silang dalawa. + "Nasaan ka ba? Bakit di ka nagtetext?!" Magkausap kami ni Laurence sa phone ngayon, wala na kasi kaming klase. "Babe, di ako pumasok, wala naman kasing klase sigurado!" "Eh bakit di ka nagtetext?" "Babe sorry, nandito kasi si tita sa bahay."   "So, pag nandiyan tita mo di ka na magtetext?!"     "Babe, kapag nandito si tita, di ko talaga mahawakan cellphone ko" "Alas tres na, kahit isang minuto wala?!" Ewan ko pero inis na inis talaga ako ngayon. "Babe sorry, sunduin na lang kita" "Wag na, diyan ka na. Uuwi na ako!" "Babe...." "Tse!!" Di ko na siya pinasagot at binabaan ko na siya ng tawag.   Argh, nakakainis talaga! Di man lang magawang magtext. "Galit na galit ka Ju ah?" "Nakakainis, di kasi marunong magtext!" "Haaha, ganyan ka pala magalit, nakakatawa ka" "Anong nakakatawa diyan? Gusto mo ibuhos ko sayo yang buko juice na iniinom mo?" Naglalakad na kasi kami pauwi. Hahatid ko na siya sa sakayan. Routine na namen yun dati pa. "Ay grabe, dinadamay pa ako sa away nila oh" sabi niya. Kinalma ko muna sarili ko, ganito pala yung stress sa jowa, nakakainis. "Sorry, di lang ako sanay na di kami magkasama" sabi ko. "Nako, ganyan talaga sa simula Ju. Haha, pero masasanay ka rin!" "Nako sana nga" sabi ko na lang. May dumating na na bus para kay Matteo, pinasakay ko na siya at umuwi na ako. Pag dating ko sa tapat ng bahay, may nakita akong police nakatayo at pinagmamasdan yung bahay namen.   Medyo natakot ako kasi mmaya bigla kaming hulihin neto. "Uhm officer may problema po ba?" Tanong ko. "Wag mo kong ina uhm uhm diyan ahh!!!"   Ang laki ng boses niya! Nakakatakot. "Ahh ehh sorry po" tangi kong nasabi. "Hahahaa biro lang Julian!" Bigla niyang sabi. "Ha?pa... paano niyo po ako nkilala?" "Duh, ako eto, si TB!" sabi niya. Shocks!! Siya lang pala. "Ano ba yan, bakit ka naman nakasuot ng ganyan?" "Syempre para maiba naman haaha. So kumusta ang first kiss?" Tanong niya. "Ha?! Pano mo nalaman yun?" "Nako, wag ka ng magulat diyan haha. So ano? Masarap no?" Ang weird lang kasi pulis yung kausap ko pero maligalig magsalita. "Tigilan mo ko TB!" sabi ko. "Okay, edi aalis na lang ako" sabi niya. Gusto ko na sana siyang paalisin kaso gusto ko malaman yung about sa sinabi ni Gab. "Mamaya na wait!!" Pigil ko skanya. "Ohhh, tapos ngayon may itatanong ka saken?" Magugulat sana ako kung paano niya nalaman eh kaso naalala ko, kaya niya palang magbasa ng isip. "Uhm, about dun sa sinabi ni Gab..,," "Ooops oopps, libre na nga pakikipagkita ko sayo tapos pati yan itatanong mo? Bawal ko talaga sabihin yung about diyan, not unless level 10 ka na." "Pero gusto ko malaman" "Edi magpalevel ka, jusko tong batang to!" "Nako nako, eh eto na lang. Ilan ba talaga kaming may ganito?" Tanong ko. "Hayyyy nako Julian. Tara, maglakad lakad muna tayo!" Sabi niya. Mag aalasais pa lang naman kaya sumama ako, tsaka isa pa, pulis siya, siguradong walang mang aaway. "Kasi ganito yun...." panimula niya. "Di ko talaga pwedeng sabihin eh, hinarangan yung dila ko para sabihin Julian" "Ehhh ano bang pwede mong masabi saken???" "Uhmm. Sige, yung mga powers powers na lang, okay ba?" "Osige sige!!" "Ganito kasi, nahahati kayo sa dalawang klase ng gift. Defensive at offensive."   "....." "Ayun, defensive at offensive!" Sabi niya pa. "Ayun lang?!" "Haha, masyado pang mababa level mo para malaman eh!" "Dali na!! Pwede mo naman sabihin eh, nararamdaman ko!" "Pwede nga kaso ayoko!" "Ang daya! Promise magpapalevel na ako simula bukas!" Mukhang napaisip siya sa sinabi ko. "Promise????" Tanong niya. "Yeap. Promise!" Sabi ko. "Hmmmm. Sige na nga, okay..,," Buti na lang napapayag ko.   "Defensive gifts, yung mga katulad mo, power to read minds, tapos yung katulad ng bago mong kaibigan, yung drawing drawing. Ayan, mga defensive gifts yan!" Ayy, mas lalo kong nagustuhan yung mga nalalaman ko. "Marami pa yan Julian hmmm, yung sayo kasi more on sa utak, sa friend mo naman more on creativity, may iba, more on sight. Namamaximize nila gamit ng mata. Nkakakita sila through walls, mga ganun. Tapos meron naman yung sa ilong, namamaximize nila gamit ng ilong, basta ganun. Nakukuha mo nman pinupunto ko right?" Sabi niya.   Grabe, ang galing galing pala. "Oo, kuhang kuha ko!" "Good, kayo yung mga defensive, di ko kasi pwedeng sabihin yung iba eh kaya kapag nag level 10 kana okay?" "Okay okay, ehhh yung mga offensive naman??" "Well, sila yung talagang may special ability. Siguro isa lang pwede kong sabihin sayo, power of fire, kaya niyang kontrolin yung apoy. Ayun, nakuha mo na siguro pinupunto ko diba?"   "OMG!!!!" "Don't worry, di sila nakaka create, nakokontrol lang" sabi pa ni TB. Parang ang dami kong nalalaman ngayon, so marami pala talaga kami, at tinatago lang ni TB saken lahat.   "Nako yari na naman ako neto, sige na alis na ako Julian. Mamaya kung ano pa masabi ko" "Teka, sabihin mo na kung paano ako naging special????" Tanong ko. "Hayyy nako, basta eto lang Julian, wag ka masyadong magtitiwala ha? Babantayan naman kita wag ka mag alala. Basta importante ka, ayun lang dapat mong malaman" paalala saken ni TB. Maya maya, may tumawag sa likod ko, di ko naman kilala kaya napalingon ako, pero wala naman pala.   Pag tingin ko kay TB, wala na siya! Bigla na naman siyang nawala, at marami na naman akong nalaman.   Importante ako, paano naman kaya? ++++   Nagising ako kinaumagahan ng di ko pa rin pinapansin si Laurence. Marami na siyang texts ngayon pero di ko pa rin pinapansin.   "Ju, bumangon ka na diyan ng makakain na tayo!"   Sobrang nagulat ako ng biglang may nagsalita ng ganun sa kwarto ko. Fvck, si Matteo pala!! Nakaupo sa study table ko at mukhang naglalaro sa cellphone niya, nakaayos na rin siya at ready to go na sa school. "Punyemas ka namang lalaki ka, umagang umaga ginugulat mo ko!!" "Hahahaha, jusko di ka na nasanay saken!" "Ewan ko sayo, ano bang ginagawa mo rito?" "Edi sabay tayo papasok haha! Oyy, uuwi pala si Kuya sa Birthday ko!" Malapit na pala Birthday ni Matteo, sa November 23. "Ohhh talaga??" "Oo! At gusto ka niya makilala! Haha, pumunta ka ah, no excuses!"   "Hehe, oo naman!" "Wag ka talaga mawawala nako, sinasabi ko sayo!" "Sige sige, ng masumbong naman kita!" Sabi ko. "Haha, susumbong mo lang kagwapuhan ko, sige na itext mo na jowa mo. Mukhang kanina ka pa niya tinetext eh." "Bahala siya! Mag aasikaso na ako at baka ma late pa tayo"   "Wala naman klase yan eh, sigurado" sabi niya "Kahit na ano, haha diyan ka na, mag aasikaso na ako hehe." Iniwan ko na siya dun para makaligo na ako. ++ Pagkatapos uli ng klase, nakita ko si Laurence sa tapat ng classroom at may dalang paper bag. Parang nagmamakaawa yung mukha niya.   Nakakainis lang kasi ang gwapo gwapo niya pa rin, ang cute talaga ng pisngi niya ang taba taba pero ang ganda ng katawan. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. "Babe sorry na. Pansinin mo na ako" sabi niya. Tumawa lang si Matteo at nagpaalam na siya. "Babe naman, kausapin mo na ako" Pero naglalakad ako palayo. "Babe, pinaglutuan kita sa bahay. Punta ka, please wag ka na magalit" Pero syempre kahit gusto ko na makipagbati, nagpapabebe pa ako. "Babe luluhod ako patawarin mo lang ako!" Sabi niya. "Loko loko ka ba??" Pero bigla siyang huminto sa paglalakad. Nilingon ko siya tapos nakatayo lang siya dun na nakatingin. "Babe sorry na." Tapos dahan dahan siyang lumuhod. Fvck# masyadong maraming tao kaya nagmadali ako para pigilan siya.   "Ano ba yan, wag mo ngang gawin yan!!" "Eh kasi ayaw mo ako kausapin eh"   "Ehh natiis mo rin ako eh!" "Babe promise, mahirap magtext kapag nandun si tita, nakakairita kasi yun eh kaya ayoko palagi sa bahay. Tanong mo pa si Kennard, nandun siya samen!" "Oh kitam, buti pa si Kennard!" "Babe, sorry na talaga. Halika na, sumama ka na saken, miss na kita. Nagluto ako sa bahay" "Natitiis mo ko...." "Babe naman, di kita natitiis promise! Please, punta ka na samen." Nakakainis, miss ko na rin kasi kaagad tong boyfriend ko eh. Ngumiti ako bilang sagot. "Talaga? Okay na??yes yes, sorry talaga babe! Bati na tayo, wag ka na magalit" "Nako, sa susunod talaga..,"   "Wala ng susunod na ganun, papakilala pa kita kay tita para pwede na kita papuntahin kapag nandun siya" sabi niya pa. Namemesmerize din ako sa kagwapuhan ni Laurence, sobrang gwapo talaga. Hinawakan na niya uli kamay ko habang naglalakad sa school. Feel ko talaga ang ganda ganda ko kapag ginagawa niya yun. Pagdating namen sa loob sasakyan niya, sinunggaban niya ako ng halik sa labi ng madiin. Niyakap pa niya ako ng mahigpit. Fvck, sobrang namiss ko to. Ang sarap talaga sa feeling ng may kahalikan. Medyo nagiging wild si Laurence, at dahan dahan siyang pumatong saken Nagulat pa ako ng biglang nahulog yung sandalan ng upuan ko at napahiga ako ng bahagya. "Uhm babe....." sabi ko, pero di niya pa rin inaalis pagkakahalik saken. Bigla niyang tinanggal butones ng polo ko na siya talagang kinagulat ko kaya pinigilan ko siya. "Babe ano ba!!" Pigil ko sakanya. Hinihingal kaming dalawa dahil sa ginawa namen. "Sorry... sorry babe, na carried away lang haha" "Nasa school tayo oh!" Bumalik na siya sa upuan niya at inayos yung upuan ko. Hinawakan niya ako sa mukha at hinalikan uli sa labi. "Maghihintay ako babe hehe." Sabi niya saken.   Nakakainis, siguro kung wala kami sa kotse ngayon, bumigay na ako. Ayoko lang, kasi ang panget ng lugar. Ayokong sa kotse yung first time ko. Gusto ko katulad din ng first kiss ko, kung may "kiss me.under the light of a thousand stars" Gusto ko may "make love with me under the light of a thousand stars" din. Ngumiti nalang ako kay Laurence at hinalikan ko rin siya sa labi uli bago siya magpatakbo papunta sa bahay nila. + Pagpasok sa bahay nila, nakaamoy na ako ng mabangong pagkain. "Ang bango nun babe!" "Hehe, creamy pesto carbonara babe hehe. Sorry na talaga" sabi niya pa. "Nako paulit ulit...." Pero bago ko matapos sasabihin ko, may nagsalita galing sa kusina.   "Pre nandiyan na ba kayo?" Di familar yung boses. Maya maya, lumabas na siya galing kusina.   Naka suot ng apron pero wala siyang kahit anong suot na damit maliban sa boxer shorts niya. At isa pa, ang gwapo rin niya!!   Moreno at malaki katawan, halata kasi sa braso niya at sa dibdib. Magkasing tangkad sila ni Laurence, mapungay din yung mata, matangos ilong at mapula labi. "Ano? Bati na ba kayo pre? Hahaha" sabi pa nung lalaki. "Haha oo pre," sagot ni Laurence. "Haha, di mo man lang ba ako papakilala sa babe mo?" Sabi niya.   "Ayy oo pala. Babe, si Kennard pala, tropa ko yan since high school haha. Pre, love of life ko, babe ko at lahat lahat ko, si Julian" pakilala niya saken. "Aba pucha gumaganun ka pa ahhh hahha!" Inabot niya yung kamay niya saken at nakipagkamay ako. "Julian" pakilala ko. "Kennard pre. Hehe" pakilala naman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD