Simula nung hinalikan ako ni Laurence sa labi, parang palagi ko na siyang hinahanap hanap.
Ang sarap halikan yung taong mahal mo.
Pagbalik namen sa kwarto, niyakap ko siya kaagad tapos hinalikan sa labi.
Grabe, nakaka adik talaga.
"Uhmm. Kotang kota na ako babe" sabi niya.
"Hehe, sige bukas na lang uli" sabi ko.
Pero niyakap niya pa ako ng mahigpit at binuhat saka hiniga sa kama.
Magkatitigan kami habang nakangiti, grabe. Ang saya saya ko talaga.
"I love you so much" sabi niya habang nakahawak siya sa buhok ko.
Kahit paulit ulit niya tong sabihin saken, hinding hindi ako magsasawa.
"I love you too babe." Sabi ko.
At syempre, nauwi na naman sa halikan pero this time parang wild si Laurence.
Bumibilis yung paggalaw ng ulo niya.
Hinawakan niya yung dalawang kamay ko kaya wala akong laban.
Naramdaman ko na lang bigla yung dila niya na loob ng bunganga ko na siya naman kinagulat ko.
"Uhm babe!!" Medyo sigaw ko.
"Sht, sorry babe. Na carried away lang"sabi niya.
Di ko maexplain yung feeling pero gusto ko naman. Kaso nga lang di pa ako ready, mamaya bumigay ako.
Mamaya mag s*x pa kami.
"No no, it's okay babe, di lang ako prepared na french kiss na gusto mo" sabi ko.
"Ahahaha, baliw ka talaga babe, hehe. Sorry talaga, sorry" sabay halik uli sa labi ko.
"Haha, uhm tama na. Mamaya ulitin mo na naman hehe" sabi ko pa.
Umayos na kami ng higa pareho pero naka gilid kami ng higa at magkausap ng magkaharap.
Wala kaming sinasabi pareho, basta parehas lang kaming nakangiti.
"Babe, ibang iba ka talaga sa lahat" bigla niyang sabi pero di nawawala yung ngiti niya sa labi niya.
"Alien ba ako? Haha"
"Haha, no, di lang ako sanay sa.... hard to get haha"
"Hard to get? Eh nahalikan mo na nga ako, gusto mo pa ako laplapin diyan"
"Hahahahahaha, grabe yung words!"
"Eh totoo naman babe, hahah"
"Well, normally kasi nakukuha ko yung kiss sa 1st date then after a month, alam mo na hehe"
Nako, parang si Matteo rin pala tong si Laurence.
"Tignan mo, di mo pala ako first. Hmp"
Bigla niyang hinawakan yung pisngi ko tapos hinalikan ako sa noo.
Hinalikan ako pababa sa ilong.
Hinalikan ako pababa sa labi ko.
"Di man ikaw yung first ko, sigurado akong ikaw na yung last ko"
Sht Laurence! Ang bilis mo talaga akong mapasaya.
Di ko mapigilan yung kilig na nararamdaman ko.
"Tsaka babe, mas masarap yung labi mo sa kanila, ikaw pinaka dabest" pahabol pa niya.
"Aba dapat lang haha. Good answer!" Sabi ko naman.
"Hehe, may tanong pala ako sayo babe" sabi bigla ni Laurence.
"Ano yun babe?"
"Hmmm, never mind hehe."
Nakakainis yung ganun kaya kinulit ko siya kung ano yun.
"Ehh, gusto ko lang tanungin kung anong experience mo sa 1st kiss mo??" Sabi niya.
Akala ko naman kung ano na.
"Hehe, syempre. Uhm. Basa, tapos malagkit. Pero ang cool nung tunog kapag nagshishift yung labi natin."
"Hahaha, nakakatuwa naman yung 'basa' na comment mo!"
Tinitigan na naman niya ako na parang mahal na mahal niya talaga ako. Ewan ko ba sa lalaking to, talagang mahal na mahal ko to.
Palagi kong sinusubukang basahin yung nasa isip ni Laurence, pero di ko talaga magawa.
"Napapansin ko sayo babe, titignan mo kong mabuti sa mata tapos bigla kang sisimangot na parang may problema ka. Ano ba yun?" Bigla niyang sabi.
Tinutukoy niya siguro kapag di ko nababasa nasa isip niya.
"Gustong gusto ko kasi malaman nasa isip mo babe, sabihin mo naman saken" tanong ko.
"Hahaha, bakit babe? Eh puro ikaw lang naman to!" Sabi niya.
"Hindi babe, ngayon mismo. Ano bang naiisip mo???" Pilit kong tanong.
Natahimik siya pero nakatitig pa rin siya saken.
"Iniisip ko ngayon kung gaano ako ka swerte sayo.
Kung gaano kaganda yung mga mata mo.
Kung gaano kalambot mga labi mo.
Kung paano mo ko tignan tapos nakikita ko kung gaano mo ko kamahal.
Basta babe, naiisip ko kung anong nakikita ko sayo ngayon. Ganun lang"
Every word.
Every stare.
Ramdam na ramdam ko.
Kaya wala na akong nagawa kundi halikan uli siya ng madiin sa kama.
Pumatong ako sakanya at niyakap ng mahigpit.
Sobrang swerte ko kay Laurence. Wala na talaga akong hahanapin pa.
++++++++++++
"Anak, mag enjoy ka lang dito ha? Nako, balita ko naghalikan na kayo ni Laurence kagabi ah?" Bulong saken ni papa.
"Pa, ayan ka na naman!"
"Hehe, one step closer na yan anak sa pakikipag s*x, kaya dapay palaging safe. Nag singit ako ng condom sa bag mo. Keep safe anak"
"Pa, nako! Sige na alis na po kayo!"
"Ahaha grabe ka naman saken anak, hehe. Sige na mag enjoy kayo rito ha?" Paalala niya pa.
Si mama naman lumapit saken at niyakap ako.
"Nako, pabayaan mo na yang papa mo anak hehe. Oh basta uwi rin kaagad ah, mag eenroll pa kayo hehe"
"Opo opo hehe" sabi ko.
Ihahatid naman silang dalawa ni Laurence at Maddie, may dadaanan din daw kasi silang mag pinsan muna kaya sila na naghatid kina mama at papa.
Naiwan kaming dalawa ni Matteo sa bahay, tinulungan ko siya magluto sa kusina.
Nakasuot lang siya ng sando at shorts at naka cap pa.
Sobrang busy niya sa pagluluto, halos di na niya ako pansinin.
"Matty, anong tulong gusto mo diyan?" Tanong ko sakanya.
"Ah? De kaya ko na to Julian, ihaw ka na lang sa labas para pag dating nila Laurence kakain na tayo" sabi niya pa.
"Aba, teka kailan ka pa natutong magluto aber?"
"Ngayon lang, tsaka prito lang naman to jusko, di naman siguro masusunog to Julian. Dun ka na sa labas, mag ihaw ka" sabi niya.
Aba, parang cold siya saken ngayon.
"Hoy, nakakailang tawag ka na saken ng Julian ah!"
"Eh bakit? Ano bang pangalan mo?"
"Julian!"
"Oh, anong problema mo? Julian naman pangalan mo?"
Hala, galit si Matteo saken ngayon.
Hinawakan ko siya sa braso niya pero pinigilan niya ako.
"Ano ba Julian, dun ka na sa labas!" Medyo pasigaw niyang sabi saken.
"Ano bang problema mo?!!!" Sigaw ko naman sakanya.
"Pucha naman oh, sige na, dito ka na, ako na lang sa labas!" Nag walk out siya at lumabas.
Shit, galit nga talaga siya, di ko alam kung bakit.
Pinatay ko muna yung nakasalang sa kalan at sinundan ko siya.
"Ano bang problema mo ha?!" Sabi ko sakanya.
"Alam mo kung anong nararamdaman ko kapag sinisigawan ako diba?"
Medyo hininaan ko boses ko.
"Hindi yun tinutukoy ko, bakit parang galit ka saken? Ano bang nagawa ko sayo?" Sabi ko.
"Kasi namimiss na talaga kita! Miss na miss na kita Ju!"
Di ako nakasagot sa sinabi niya. Di ko alam kung anong problema niya. Ayaw naman niyang sabihin saken yung totoo.
"Anong miss? E di naman ako nawala ah!"
"Hindi yun Ju, namimiss lang kita kausap palagi, kaharutan. Parang nabawasan pagkakaibigan natin, miss na miss lang kita" sabi niya.
Di ko naman alam talaga isasagot ko sakanya.
"Matty, nandito lang ako...."
"Kailangang kailangan kita Ju, nag aaway na naman sila mama at papa. Ayaw umuwi ni Kuya kasi ayaw niyang makita sila mama at papa na ganun. Ikaw lang talaga meron ako"
Nagulat naman ako ng bigla siyang umiyak.
Nasa gilid kami ng pool ngayon, magkaharap tapos nagpupunas ng luha.
"Parang sasabog na ako, wala akong masabihan Julian. Wala talaga. Yung girlfriend ko, di ko rin masabihan. Wala akong matakbuhan. Alam mo ba yun? Di ko na kaya Julian!"
Sa sobrang awa ko sa kanya, nilapitan ko siya at niyakap. Alam ko yung pinagdadaanan niya. Ramdam na ramdam ko yung lungkot niya.
"Ano ba Matteo, pwedeng pwede mo ko lapitan. Alam mo naman na nandito lang ako diba?"
"Ju, di ko na talaga kaya sa bahay. Di ko na sila kaya, gusto ko ng umalis talaga"
"Mag dorm ka na lang, sabihin mo sa kuya mo" sabi ko.
"Ayan din plano ko eh, kaso baka di ko kaya"
"Sus kaya mo Matteo, ikaw pa. Siguradong nandun din si Maddie sainyo palagi!"
"Ayan ka na naman eh!" Buti na lang medyo tumawa na siya.
Grabe, nakakaiyak talaga kapag may kaibigan kang umiiyak.
Medyo nakakabothered lang kasi ang laki ng katawan niya.
"Hehe, sorry Juju. Umabot pa sa sigawan at habulan dito sa pool" sabi niya pa.
"Baliw ka talaga haha"
"Bestfriend na uli?" Sabi niya.
Inabot niya kamay niya saken.
"Bestfriend naman talaga kita ah" sabi ko sabay yakap sakanya ng mahigpit.
"Oh, kumusta naman first kiss mo Ju? Eh may first anuhan ka na rin ba?" Tanong niya habang papasok na uli kami sa loob.
"Tse, ayan ka na naman sa kalibugan mo!"
"Haha sorry, eh yung kiss na lang? Kumusta?"
"Okay naman, medyo basa. Ganun."
"Hahaha, ang sarap diba?" Sabi niya.
"Oo, nakakaadik nga eh, halos halikan ko siya ng halikan"
"Yak kadiri ka Ju, mamaya maumay sayo yun tapos hanapin naman niya s*x, easy lang sa pakikipaglaplapan"
Aba, grabe naman yung mga salita ni Matteo pero okay na rin to, atleast medyo okay na siya at nakangiti pa.
+++++++
Pagbalik namen sa Manila, balik na rin sa lahat.
Mas naging okay kami ni Laurence, at kapag walang nkatingin, palagi ko siyang kinikiss.
Si Matteo, balik na naman sa pang aasar, at mukhang okay na talaga kami.
Basta balik ng okay sa lahat.
Nasa school ako ngayon at kakatapos lang ng enrollment.
Mag isa ko lang ngayon at nakatambay sa McDo, may inaasikaso pa kasi si Laurence, samantalang si Matteo, bukas pa daw mag eenroll.
Habang kumakain, naisipan kong itext si Sarah, yung nameet ko sa beach na may power din, at nagbakasakali akong nasa TIP siya para makipagkita saken.
"OMG, yes Julian. Sige, puntahan kita diyan sa McDo okay? Kakatapos ko lang mag enroll" reply naman niya saken.
Habang hinihintay ko si Sarah, napansin ko na naman na umiilaw yung libro ko sa bag ko.
Palagi ko na kasing dala yung libro ko.
Dahan dahan kong kinuha yung libro at napansin kong may message na naman galing kay Gab.
"Balita ko nakauwi ka na Julian, nasaan ka?" Sulat sa libro.
Sinabi kong nasa McDo ako.
"Sige, sige, puntahan kita diyan." Sagot naman niya.
Ang weird kasi nakikipag usap ako sa libro kaya tinago ko na kaagad yun.
Maya maya, dumating na si Sarah.
Iba itsura niya kapag naka uniform. Mas mukha siyang batang tignan at mukhang mabait.
"OMG Julian!" Niyakap niya ako pagkakita niya saken.
"Hehe, hi!" Sabi ko.
"I'm level 2 na Julian!" Naupo siya sa harapan ko.
"Nice nice!! Ano naman nadagdag sayo?" Tanong ko.
"Hmmmm. Di ko pa nasubukan ehh, kagabi lang. Feel na feel ko yung pag gamit ng powers ko eh!"
"Hahaha, good for you, nako kapag siguro nagpalevel na tayo, maaadik tayong dalawa"
"Hahaha yes, well tulungan tayo! Hehe," sabi niya.
Maya maya, nakita ko na si Gab na palapit samen.
Si Gab kasi yung simpleng lalaki na mukhang bad boy na palaging itim yung suot tapos naka cap pa. Malakas appeal niya pero di ko kasi siya feel.
"Oh, di ko alam na may kasama ka pala Julian" sabi ni Gab.
"Hehe, hmmm. This is Sarah, Sarah, si Gab" pakilala ko namn, nagkamayan silang dalawa.
"There's something wrong Julian..." sabi ni Gab.
Nilabas naman bigla ni Gab yung libro niya at napansin kong nagulat si Sarah.
"OMG, OMG." Sabi ni Sarah.
Ngumiti si Gab.
Inabot ni Gab yung libro niya kay Sarah at hinawakan niya yun.
"OMG, grabe!! Another one!" Sabi ni Sarah.
"Hehe, yeah I know. How are you?" Tanong ni Gab.
"I'm okay. More than okay! Grabe, ang dami na natin" sabi ni Sarah.
"Haha, di ko nga alam kung ilan tayo eh" sabi ni Gab.
"Sa tingin niyo, ilan kaya?" Tanong ko naman.
"I don't know, pero gusto ko malaman yung gift mo Kuya Gab" sabi ni Sarah.
Di naman mukhang matanda si Gab pero siguro ganun talaga kapag babae, kuya tawag sa mga lalaki.
"Hehe, di mo pa ba napapansin?" Tanong ni Gab.
Ako kanina ko pa napansin, ang bagal ng takbo ng mga tao. Parang naka slow mo silang lahat.
"What???? Di ko alam!" Sabi ni Sarah.
Ngumiti lang kami ni Gab.
"Tingin ka kasi sa paligid mo" sabi naman ni Gab.
Dahan dahang tumingin si Sarah sa paligid. Nung una di pa niya napansin pero nung nag adjust mga mata niya.
Sobra siyang namangha sa nakita niya, ang bagal ng takbo ng mga tao.
"Holy.!!! Nakokontrol mo yung oras!!!" Sigaw niya.
"Shhh shhh lower down your voice hehe." Sabi ni Gab.
"Why so cool ng gifts niyo?! Nakakainggit!" Sabi ni Sarah.
"Haha, what's yours ba?" Tanong ni Gab.
"Sobrang ganda ng gift niya promise. Pakita mo nga Sarah" sabi ko sakanya.
Nilabas niya yung libro niya at nagsimula siyang mag drawing.
"Woa wait, are we allowed to write something in our book?" Sabi ni Gab.
Pero di sumagot si Sarah.
Tapos maya maya, nagulat naman ako ng bigla akong sinubuan ng fries ni Gab.
"Woah, anong nangyari?!" Biglang sabi ni Gab.,
Nakangiti lang si Sarah.
"What did you do? Anong gift mo?"
Pinakita ni Sarah yung drawing niya na sinusubuan ako ni Gab ng fries.
"Wow, so really??? Lahat ng dinadrawing mo, nangyayari??? Seriously?!!!" Halos sigaw niya.,
"Anong nangyari sa 'lower down your voice' mo Kuya Gab? Hha" biro ni Sarah.
"No, it's really amazing! Nakilala ko si Julian, and nakilala kita Sarah." Sabi ni Gab.
Napansin kong bumalik sa normal yung takbo ng mga tao.
"Hehe, ang baba lang ng level namen. Ikaw, malapit mo ng mamaximize yung level!" Sabi ko.
"Really? Anong level na niya?"tanong ni Sarah.
"23" sabi ko.
"Wow wow wow!!!!"
Parehas kami ng reaksyon ni Sarah.
"Haha, wag nga kayo magulat diyan" sabi ni Gab.
"Ano ba, kumbaga sa laro, ang lakas lakas mo na" sabi ko pa.
"Trust me Julian, walang wala ako sa powers niyong dalawa ni Sarah" sabi ni Gab.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Haha, hmmmm. Next time na siguro basta trust me, you're one of the most valuable person na may gift" sabi niya samen.
Di naman namen maisip ni Sarah kung ano tinutukoy niya, kaya kinulit namen siyang dalawa.
"Okay okay, eto na sasabihin ko na"sabi ni Gab.,
Medyo naexcite tuloy kami sa sasabihin ni Gab.
"Yung nagbigay saken ng gift ko? May sinabi siya saken" panimula ni Gab.
Si TB siguro tinutukoy.
"Marami raw tayong may special gift, alam niyo na rin siguro yung about sa rules at special features diba? Tapos kapag tinulingan mo kapwa mo may gift, additional points yun?" Sabi ni Gab.
Umoo kami ni Sarah kasi alam na nameng dalawa yun eh.
"Pero iba ang points kapag tinulungan namen yung katulad niyo!" Sabi ni Gab.
"Katulad namen?" Tanong ni Sarah.
"May specific na gift na sinabi yung nagbigay saken neto, may tatlong special na tao na may gift ang mangingibabaw. Ibg sabihin, mas malaking points ang makukuha kapag natulungan namen yung katulad niyo"
Di ko pa rin makuha yung pinupunto ni Gab.
"Explain further please" sabi naman ni Sarah.
"Iba ang makukuhang points sa taong may gift na..... una, power to read minds.... ikaw yung Julian. Pangalawa, power to draw what he/she wants and will happen immediately, sayo naman yun Sarah. At yung pangatlo, power of Illusion."
OMG, so special pala ako, kami ni Sarah.
"So naiitindihan niyo na? Mas malakas kayo promise. At mas marami kayong matutulungan." Sabi pa ni Gab.
Nakkatuwang isipin na special ako, kami ni Sarah.
"Eh kayo? Normal lang kayo?" Tanong ko.
"Technically may gift kami so di kami normal haha tama na ang tanong. Tanungin niyo yung nagbigy sainyo ng gift niyo, sigurado akong alam nila yan"
Kaya sinabi ko sa sarili ko, pag uwi ko mamaya kakausapin ko si TB.
"Parang ang cool ng Illusion no?" Biglang sabi ni Sarah.
"Totoo, kaya mong ibahin yung nkikita at naiisip ng isang tao" sabi ni Gab.
Ang ganda ng ganung gift pero parang ang sama mong tao lalo na kapag nagamit mo yun sa mali.
Pero sino kaya yung may power of Illusion? Gusto ko siya makilala.