Part 19

2671 Words
Nakakatuwa at marami kami ngayon dito. Nandito si mama at papa. Si Maddie at Matteo. At syempre kaming dalawa ni Laurence. Nag insist na si mama na siya na magluluto, samantalang si papa naman busy sa labas at nag sswimming sa pool. Lumapit ako kay papa. "Ano ba yan pa, busy ka na kaagad sa paglangoy!" Sabi ko sakanya. "Aba, anak, minsan lang tayo makapag bakasyon ng ganito ano, susulitin ko na" sabi pa ni papa. Nakakatawa talaga magsalita si papa, parang tropa tropa lang kami. "Kailan pala kayo tinawagan ni Laurence pa?" Tanong ko. "Kahapon lang, nung nandun pa lang siya sa bahay tinanong na niya kami kung gusto niya kami kasama pero umayaw kami. Nakakahiya kasi date niyong dalawa, eh pinilit niya kaming sumama ngayon, kaya pumayag na kami" "Eh sinong tao sa bahay?" "Edi wala! Haha. Nako anak, mag enjoy ka na nga lang. 2 days lang kami ng mama mo dito, may pasok pa kami kaya di kami pwede magtagal" "Ay oo nga pala. Nako, pa sige mag enjoy ka lang diyan,"sabi ko. Pagpasok ko sa loob, lumapit saken si Laurence. "Babe, wag mo ng pagasikasuhin mama mo, tinawagan ko na yung mga caretaker ng bahay, sabi ko pumunta na sila rito para asikasuhin tayo" sabi niya. Alam ko kasi na ayaw niyang may ibang tao rito. "Bakit mo pa tinawagan? Akala mo gusto mo tayo tayo lang?" "Eh ayoko naman gawing tagaluto mama mo dito, nagbabakasyon sila dapat wala silang gagawin kundi magsaya" Shet. Ang lakas maka pogi points ni Laurence, nakakainis, sobrang sweet lalo na kina mama at papa. "Halika nga babe!" Niyakap ko siya ng mahigpit at binuhat naman niya ako. "Thank you babe" bulong ko sakanya. "Para sayo babe, hehe." Bulong niya rin. Binaba niya na ako at sinabihan si mama na samahan si papa na mag swimming sa labas. +++++ "Ano naiisip mo ngayon babe?" Tanong saken ni Laurence. Umakyat kasi ako sa kwarto para magbihis, pero nung napahiga ako, nasarapan na ako. "Wala babe, ang aga ko lang siguro nagising" sabi ko. Umupo siya sa kama at pinaglalaruan yung tyan ko. "Masaya lang talaga ako na nandito rin sila mama. Hehe" sabi ko. "Basta masaya ka babe, ayun lang mahalaga saken" sabi niya. Nakakatuwa talaga si Laurence. Sobrang naiinlove ako sakanya kapag ganito siya. Pinasok niya yung dalawang kamay niya sa loob ng damit ko at pumatong siya saken para yakapin ako. "Uhmmmm. Dito muna tayo babe," bulong niya saken. "Baba na tayo babe...." "Eeehhhhh, dito na muna." Niyakap niya pa ako ng mahigpit. Nagharutan muna kaming dalawa bago kami bumaba. +++++ Pag dating ng hapon. Naglakad lakad uli ako sa beach, wala kasi si Laurence, nag grocery. Pang amin lang daw kasi yung pagkain dun sa bahay niya. Sakto naman, nakita ko si Sarah! Yung katulad kong may kapangyarihan. Naglalakad lakad din siya at magkakasalubong kami. Nangiti siya nung nakita niya ako. "Uy, Julian!" Tawag niya saken. "Uyyy" "Anong balita?" "Hehe, kanina lang tayo magkasama eh hehe" sabi ko. "Ay oo nga hehe, uy, nadagdagan pala point ko kanina hehe" kwento niya. "Oh talaga??? Paano?" Naupo kami sa may buhanginan habang nababasa ng alon ng dagat. "Hehe, well kanina kasi may malikot na bata na lumulusong sa dagat, eh mukhang di marunong lumangoy. Nagagalit na mama niya kasi ang kulit kulit, kaya ang ginawa ko, dinrawing ko siya para bumalik sa mama niya haha" Ang cute magsalita neto ni Sarah. Ang ang ganda pa, simpleng simple pero ang sexy. "Tapos ayun, biglang sabi nadagdagan daw ako ng point haha" "Well, ang tagal tagal na simula ng nadagdagan point ko hehe" "next time, sabay tayo magpa level para masaya hehe" Natahimik kaming pareho. Buti na lang di na mainit sa balat nung araw. "Saan ka pala nag aaral?" Tanong niya. "Sa CEU, Mendiola. Ikaw?" Sabi ko. "Gosh, seryoso? Sa TIP lang ako" "Wow, kapit bahay lang pala!" "Haha, I know. Dentistry?" "Nope, Business hehe. Engineering?" "Yeap yeap" sagot niya. "Nakakatuwa, small world talaga" sabi ko. "Kaya nga, sana pagbalik natin ng Manila, mag keep in touch tayo okay?" "Yes, sure hehe." Natahimik uli kami saglit. "Parang ang hirap ng gift mo no? I mean, mag ddrawing ka pa" "No no, hobby ko talaga pag ddrawing. One time, nasa Luneta lang ako, nag ddrawing. Tapos may lumapit sakeng matanda, nanghihingi ng pangkain, binigyan ko naman. Tapos naupo siya sa tabi ko ng di nagsasalita, naisip kong idrawing siya. Tapos binigay ko sakanya, natuwa siya tapos ayun, binigyan niya ako ng gift" kwento niya. "Wow..." "Yeap, ehhh ikaw? Paano mo nakuha yung gift mo?" Tanong niya. Kinwento ko yung sa Pampanga, kung paano ko tinulungan din yung matanda. "Wow, matanda rin pala sayo, sa tingin mo iisa lang nagbigay saten?" "Hmmm, di ko alam eh. Siguro hindi" sabi ko. Pero bago siya makasagot, tinawag ako ni Matteo. "Ju!" Sigaw niya. Napalingon kami pareho ni Sarah. "Aba, aba, nanchichix ka dito ah!" Sabi ni Matteo, tumabi saken si Matteo at napatingin kay Sarah. "Hi miss," sabi ni Matteo. "Uh, hi" sagot ni Sarah. "Di mo man lang ba ako papakilala Ju?" Sabi ni Matteo. "Ano ba, may girlfriend ka dun oh!" Inis kong sabi. "Uhm, sige Julian, alis na ako hehe. Text text na lang ah, aalis na rin kasi kami bukas eh" sabi ni Sarah. Tumayo na siya at mas lalong napanganga si Matteo, ang sexy kasi ni Sarah. "Sige sige, kita kits na lang pagbalik" sabi ko. Naglakad na palayo si Sarah, pero yung tingin ni Matteo sa pwet niya, di maalis. "Umayos ka nga!" Sabi ko kay Matteo. "Bakit ka nagagalit? Haha." "May girlfriend ka sa loob, pero kung umasta ka ang landi landi!" "Ay grabe naman, binibiro lang kita eh" "Pwes di nakakatuwa, sumbong kita kay Maddie eh" "Wag, joke lang. Nako, away na naman yun sigurado" sabi niya. Di ako sumagot. "Parang di kasi ako masaya Ju. Alam mo ba yung feeling?" Bigla niyang sabi. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ang seryoso niyang nakatingin sa dagat. "Wala kasing..... basta. Di ko magets, crush ko siya Ju, oo, pero parang hanggang crush lang ako" sabi niya. "Hala Matty, bakit ganyan ka. Bakit mo pa pinagpapatuloy?" "Okay naman kami Ju. I mean..... di ko maexplain. Okay kami, pero di ko ganun kasaya" sabi niya. Ang gulo ni Matteo, di ko makuha gusto niyang iparating. "Di kasi ako makapag open up sakanya. Ako palagi yung nakikinig, tapos di siya mabiro, ang bilis mapikon. Tapos minsan gusto ko lang mag usap pero gusto niya ng anuhan. Basta..," "Bakit di mo kasi kausapin?" "Ayoko, siguro masasanay din ako." Napayuko siya at medyo ramdam ko yung kalungkutan niya. "Mas masaya ka pa nga kasama eh" bigla niyang sabi. Eto na naman siya. "Sa totoo lang, mas masaya pa ako kapag kasama kita eh. Di ko lang mabalik yung dati nating asaran kasi may boyfriend ka na" Bigla siyang napatingin saken at dun ko mas nakita sa mga mata niya yung lungkot. "Miss na kita Ju." Sabi niya pa. "Hala ka, nandito lang naman ako eh" "Nasanay kasi akong, ako lang yung takbuhan mo hehe." Bakit ba ganito si Matteo ngayon. "Dati mas gusto kong makahanap ka ng boyfriend para maging masaya ka, pero sa pagkahanap mo pala ng ibang tao, siya namang nagpalungkot saken. Ikaw lang pala talaga nagpapasaya saken" sabi niya pa. Sht, ano ba to si Matteo. Bakit naman ganito magsalita. "Sana pala niligawan...." di niya tinuloy yung sinasabi niya kasi narinig kong tinawag ako ni Laurence. "Babe!" Palapit siya samen ngayon. Huminga ng malalim si Matteo, napansin ko kasing naiiyak na siya eh. "Bakit kayong dalawa lang magkasama dito?" Tanong ni Laurence. Inakbayan niya ako kaagad at naupo rin. "Huy hindi ah. May chix siyang kausap dito kanina pre haha baka nagbabalik loob na si Juju" ang bilis mag shift ng mood ni Matteo, ang saya na naman niya ngayon. "Hala babe, totoo ba yun?" Tanong ni Laurence.   "Ehh babe, kakilala ko kasi yun hehe" sabi ko na lang. "Ahh ganun ba hehe" Bigla naman tumayo si Matteo at nag unat. "Pre, may pagkain ba sa loob? Hehe" tanong ni Matteo. "Oo, meron akong binili para ihawin." Sabi ni Laurence. "Nice! Sige pre, pasok na ako. Ju, pasok na ako" sabi ni Matteo. Umalis na siya ng di lumilingon. Kahit ganun si Matteo, alam kong malungkot siya. "Sino naman yung 'chix' daw na kausap mo kanina babe?" Tanong ni Laurence saken. "Si Sarah babe, pakilala ko sayo pagbalik natin ng Manila" "Ahhh sige babe hehe. May problema ba si Matteo? Parang iba ata tono ng boses niya?" Kahit pala si Laurence napansin niya. "Hehe, wala, may problema lang sakanila hehe." "Ganun ba? Hmmm. Sige, tara babe, pasok na tayo. Bumili ako ng alak hehe" "Ehhh, nakakahiyang mag inom. Nandiyan sila mama" "Nako babe, papa mo pa nagpabili ng alak hehe kaya tara na" sabi niya pa. Si papa talaga oh. "Kakatuwa talaga papa mo babe, ano tara na?" Sabi niya. Tumayo na kami pareho, magkahawak kamay at bumalik na sa loob. +++++++ Nag set up ng bonfire sila papa sa may beach. 9PM na at medyo may tama na kaming lahat. Partner partner kami syempre, Ako at Laurence. Maddie at Matteo, at si mama at papa. "Sa inuman po kami nagkakilalang dalawa ni Julian hehe" sabi ni Laurence. Tinanong kasi kami nila Mama at Papa. "Nako, inuman. Mamaya kung ano nangyari dun!" Sabi ni papa. "Ayy wala po, hehe." Sabi ni Laurence. "Ay kami rin po, sa inuman din kami nagkakilala ni Matteo, same inuman din po kung saan nagkakilala si Laurence at Julian hihi" singit naman ni Maddie. "Ano bang meron sa inuman? Juskopo, kami nga ng mama mo eh sa simbahan nagkakilala!" Singit pa ni papa. "Haha, ehhhh okay na rin po yan haha" sabi ni Maddie. Ang sarap ng timplang alak ni Laurence kaya okay lang kung inom kami ng inom. "Laro tayo, meron ako ritong cards kung saan may naglalaman ng random questions, syempre sasagot lang tayo. At dapat yung totoo! Honest answer dapat ah?!" Sabi ni Laurence. Sumangayon naman kaming lahat. Nilapag niya yung card at bumunot siya ng isa. Nakatingin kaming lahat sakanya. "Favorite Movie" sabi ni Laurence. "Ohh ohhh, Mean Girls!" Sabi ni Maddie. Aba bagay sakanya yun. "Alam ni Juju to haha Harry Potter" sabi naman ni Matteo., "Hahaha so gay" sabi ni Laurence. Ewan ko, bigla kaming nagtinginan ni Matteo at nagtawanan. Naalala ko kasi na sinabihan ko siya nun. "Titanic!" Sagot ni mama at papa. Jusko, ilang beses na nilang pinanuod yun kaya alam ko. "Ikaw naman babe?" Tanong ni Matteo. "Harry Potter din babe!" Sabi ko. "Haha, ano ba yan. Sige na nga okay na" sagot ni Laurence. "Duh, maganda kaya yun babe." Sabi ko. "Opo na, basta sabi mo" sabi ni Laurence sabay kurot sa pisngi ko. Nagtawanan naman sila mama at papa. Medyo naiilang ako kapag hinaharot ako ni Laurence, kasi nandito sila mama. Si Maddie naman next na bumunot ng tanong. "Biggest regret in your life!" Sabi niya. "Ohhh, nung nag inom ako ng maraming marami, tapos nawalan ako ng pera. Di ko tuloy napanuod yung concert ng The Script!!" Biglang sabi ni Laurence. Sobrang fan siya ng The Script, alam ko. "Well, siguro ako, yung hindi ako pumunta nun sa isang event. Sayang yung pera sana haha" sabi ko. Wala naman daw regret sila mama at papa. "Well, ako wala naman masyado." Sabi naman ni Maddie. Si Matteo na yung sasagot at medyo natahimik siya. "Well, siguro saken yung di ako nagsabi ng totoo kong nararamdaman sa isang tao" Lahat kami nakatingin sakanya dun sa sinabi niya at medyo tumahimik. Bigla naman lumamig yung pakiramdam ko. "Buti na lang nasabi ko kay Maddie hehe" pahabol pa niya. Tuwang tuwa naman si Maddie sa sinabi ni Matteo. "Babe, nilalamig ka ba?" Bulong ni Laurence. "Uhm medyo po" sabi ko. Pumwesto naman siya sa likuran ko at niyakap niya ako. Pinasandal niya ako sa katawan niya at sobrang sarap ng nararamdaman ko. "Ako naman next na bubunot" sabi ni Matteo. "Name the person you really love, except your family" Unang sumagot sila mama at papa. "Di naman dapat sagutin yan!" Sabi ni papa sabay halik kay mama sa pisngi. Aba, nagfefeeling teenager pa yung dalawa. Bigla naman sumagot si Laurence. "Aba syempre, si Julian James Valdez!" Sabi naman ni Laurence. Sabay kiss saken sa pisngi. Si Maddie naman sumagot. "Syempre, si Matteo ko!!!" Sabay yakap ng mahigpit kay Matteo at halik. Busy sila mama at papa sa paglalandian, tapos busy rin si Laurence sa pagyakap saken. Tapos si Maddie, busy rin kay Matteo. Pero napansin kong napatingin saken si Matteo at ngumiti. Iba yung awra niya, di ko maexplain. Iba yung ngiti niya saken. "Dali baby, sabihin mo saken na ako yung mahal mo" sabi naman ni Maddie. Di naman inalis ni Matteo yung tingin saken. Bago pa makasagot si Matteo, naramdaman kong parang umuulan. "Shet, wrong timing! Tara pasok na tayo!" Sabi naman ni Laurence. Kanya kanya kaming tayo at buhat ng mga gamit bago pumasok. Inabot naman saken ni Matteo yung card na may tanong na "Name the person you really love" sabay ngiti. Ano ba to si Matteo! Nagmadali na kaming pumasok sa loob. +++++ Nasa kwarto na kaming dalawa ni Laurence, pero iniisip ko pa rin si Matteo. Sanay naman ako sa mga paasa moves at salita niya pero iba talaga yung lungkot niya ngayon eh. Alam ko, kasi bestfriend ko siya. Maya maya, may kumatok sa pinto. Pagkabukas ko, si Matteo. "Ju, natutulog na ba kayo?" Tanong niya., "Hindi, lumabas pa si Laurence eh" sabi ko. "Samahan mo naman ako, ewan ko pero nalulungkot ako eh, di ko alam dahilan" sabi niya. Di na ako nagdalawang isip at sumama ako sakanya. Naglakad lakad kaming dalawa sa beach. Buti na lang talaga saglit lang yung ulan. "Di ka sumagot kanina ah?" Bigla niyang sabi. "Sagot saan?" "Dun sa last question" sabi niya. "Ahhh yun ba" "Oo, ano ba sagot mo dun?" Tanong niya. Medyo madilim yung nilalakaran namen. Tanging liwanag lang ng moon yung at stars yung ilaw namen. "Ikaw din di ka kaya sumagot!" Sabi ko. "Ehh, alam mo naman isasagot ko dun eh" sabi niya., "Si Maddie?" Tanong ko. "Bakit ikaw? Si Laurence ba?" "Oo" sagot ko kaagad. "Hehe, mahal mo na talaga siya no?" "Mahal ko naman talaga siya eh, ang sweet pa niya, tapos proud na proud pa siya saken, ang sarap kaya sa feeling." Sabi ko. "Hehe, ang swerte ni Laurence sayo Ju" "Si Maddie din, swerte sayo hehe" sabi ko. "Ehhh hindi naman si Maddie yung sagot ko sa tanong na yun eh" sabi niya. "Huh? Eh sino?" Tanong ko. "Ikaw" sabi niya. Nahinto ako sa paglalakad namen pareho. Ako? Ako talaga? "Ohh bakit huminto ka Ju?" Tanong niya. Duh!! Alangan! Nagulat ako sa sinabi mo! "Ano uli sabi mo?" Tanong ko. "Ikaw. Ikaw naman talaga mahal ko Ju" sabi niya pa. Sht. Ano ba to Matteo, bakit ka ganyan?! "Mahal kita bilang kapatid, kaibigan at bestfriend, mas mahal kita kay Maddie at kahit na sino. Mas mahal pa kita kesa sa mga magulang ko." Sabi niya Pero di pa rin ako makapagsalita sa sinabi niya. "At ayan yung taong nagmamahal sayo oh. Tignan mo" sabi ni Matteo. Tinuturo niya sa malayo yung isang lalaki na nakatayo at mukhang may hinihintay. "Si Laurence yan Ju, pinasuyo niya lang saken na papuntahin ka sakanya" Pero di ko maintindihan si Matteo. "Sige na Ju, lapitan mo na siya. Mahal na Mahal ka niya, Mahal na Mahal mo siya, bagay kayong dalawa. Sige na, tsaka wag mong kalimutan, monthsarry niyo na kasi malapit na mag 12" paalala niya pa. Di na niya ako hinintay makasalita at tumakbo na siya palayo. Nakita ko naman si Laurence na palapit saken. "Sorry babe, dito pa kita pinapunta sa madilim ah" sabi niya. Pero kahit madilim, nakikita ko kagwapuhan niya. "Naalala mo diba, ang sabi mo saken, gusto mo memorable ang first kiss mo. Sa ilalim ng maraming bituin, diba?" Sabi niya. "Ahh, oo..." "Tingin ka sa taas" sabi niya. Pag tingin ko, sobrang daming stars. As in sobra. Mas kitang kita yung mga stars sa madilim. At sobrang ganda nila. "Kaya kong maghintay ng isang buwan para lang mahalikan ka babe." Napatingin ako sakanya, nakangiti siya habang nakatingin saken. "Almost 12 na, at isang buwan na tayo babe." Hinawakan niya ako sa may likod ko at pinalapit sa kanya. Magkadikit na katawan namen. OMG eto na. Eto na. Totoo na to. "I wanna make you happy babe. And I will do everything to make you happy" sabi niya pa. Magkaharap mukha nameng dalawa. Nakita kong nagbasa siya ng labi niya. Kinagat niya pa. Tapos nakatingin siya sa labi ko. "I love you so much babe" OH s**t. Pumikit na siya at dahan dahan niyang nilalapit yung mukha niya saken. Ang bilis ng t***k ng puso ko. First kiss ko ever. Ayan na. Naramdaman ko na paghinga niya. At dun, napapikit ako ng maramdaman ko yung malambot niyang labi saken. Sht, ang sarap. Magkadikit lang yung labi namen. Ineenjoy ko yung moment. Naramdaman kong biglang bumuka labi niya at gumalaw. Grabe, ang sarap. Ang galing niya humalik. Sumasabay lang ako sakanya. Hinawakan niya yung pisngi ko at parang madiin na madiin na yung labi nameng pareho. Napayakap naman ako sa katawan niya. Maya maya tinanggal niya yung paghahalikan namen at tinignan ako. "I love you babe, happy 1st month" sabi niya. "I love you too babe, Happy 1st month" At hinalikan niya ako uli ng madiin na madiin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD