Part 18

2974 Words
Ang lakas ng day dreaming ko. Naiisip ko kung naging level 25 na ako, ano kaya mangyayari? Ang sarap siguro mamaximize yung ganung kapangyarihan. Malalaman ko ng isipin lahat ng tao, malaaman ko nararamdaman nila, at malalaman ko lahat ng gusto kong malaman about sakanila. Gusto ko rin kasi malaman tong iniisip ni Laurence. Tinignan ko siya habang nagmamaneho, nakangiti lang siya habang nagmumuni muni.  Ang gwapo naman kasi talaga ni Laurence. Ang tangos ng ilong oh, tapos yung smile niya na lumalabas yung ganda ng ngipin niya. Yung mata niya na mapungay. At lalo na yung matabang pisngi niya. Ang taba pero ang ganda ng katawan niya, kasi nag gygym siya.   Ang laki ng braso. Grabe, mas naaappreciate ko ngayon boyfriend ko. Feeling ko ang swerte swerte ko sakanya. "Why are you looking at me like that my babe?" Bigla niyang sabi. Shocks, nakakahiya, di ko namalayan nakatingin na pala ako sakanya. "Ah, wala...." "Nako naman, umamin ka na babe, tinitignan mo ko, kasi nagagwapuhan ka sa boyfriend mo, dali na sabihin mo." "Wag ka makulit diyan, mag drive ka lang diyan" "Haha, nakooo, nakakagigil ka babe hehe" "Mag drive sabi!" Nakatingin kasi siya saken. Pero deep inside kinikilig ako. "Ang tahimik mo nga diyan babe eh, ano ba iniisip mo?" Tanong niya saken.   Kung pwede ko lang sabihin sakanya about sa kapangyarihan ko, sinabi ko na. "Wala babe, iniisip ko lang tong bakasyon natin together. Hehe" "Wag ka mag alala loves, pasisiyahin kita ngayong bakasyon. Pangako yan" Di naman kasi talaga matatago yung ka sweetan ni Laurence. Ibang iba talaga. ++++ Nakarating na kami ng Zambales. Alas kwatro pa lang ng hapon kaya maliwanag pa lahat.   Puro buhangin nakikita ko, pero ng stand out talaga ay yung napakagandang bahay na nag iisang nakatayo. "Woah. Woah, sainyo yan?" Tanong ko kay Laurence. "Hehe, yes babe" "Wow babe! Sobrang ganda!" Grabe talaga sa ganda. Ang OA. Or dahil kasi ayun lang yung bahay dun tapos puro buhangin nasa paligid. Hininto niya yung sasakyan sa tapat ng bahay at lumabas kaming dalawa. Wow talaga. May pool pa sa tapat ng bahay nila. "Sinong tao diyan?" Tanong ko. "Tayong dalawa lang!" Sabi niya. Inakbayan niya na ako at pumasok kami sa loob. Ang ganda rin ng loob nila! Wala masyadong gamit kaya nakikita mo yung ganda ng bahay. "Grabe, ang ganda talaga" paulit ulit sinasabi ko kasi ang ganda talaga. "Hehe, dito lang tayo for as long as you want" "Hehe, thank you babe!" Sabi ko sabay yakap sakanya. Niyakap niya rin ako ng mahigpit na mahigpit at hinalikan sa noo. "Gusto mo bang kumain muna?" Sabi niya. "Hindi pa naman ako antok, gala muna tayo please. Habang maaga pa!" Sabi ko sakanya. "Haha, excited ang babe ko, sige babe!" Nagulat naman ako ng bigla siyang naghubad ng damit niya sa harapan ko. Fvck, Laurence. Sht! Naninibago pa rin ako sa katawan niya. Ang ganda kasi talaga, plus pa yung buhok sa kili kili. Argh, nakaka.... Napalunok ako habang pinagmamasdan siya. Kumuha siya ng sando sa bag niya at sinuot niya. Ang hot ni Laurence. Ang hot ng boyfriend ko. "Tara babe, di ka ba magpapalit?" Tanong niya. "Ahhh, mag shoshorts lang ako" sabi ko. Kinuha ko yung bag ko at pumunta sa CR. Obvious kasi na CR yun kaya dun ako dumiretso. Humarap ako sa salamin at kinausap ko sarili ko. "Please. Mag timpi ka Julian. Alam ko mapusok ka pero ilang taon mo inalagaan virginity mo. Wag kang magpadala. Naghubad lang siya ng damit, di ka niya gagalawin. Okay?" Sumagot din ako sa sarili ko. "Sige na Julian. Boyfriend mo naman siya. Ibigay mo na sakanya yan!" Para naman akong tanga na sumasagot sa sarili ko. "No!" Sumagot uli ako. "Masarap yun. Promise" Kakakausap ko sa sarili ko, bigla naman kumatok si Laurence. "Babe, anong ginagawa mo? Matagal ka pa?" "Ahhh, hindi babe nagbibihis lang ako." Nagpalit ako kaagad ng short at lumabas. "Bakit di ka pa nagbihis sa harap ko?" Tanong niya. "Eh nahihiya ako babe eh, hehe di pa ako sanay" "Hehe, sige sige, masasanay ka rin. Tara na?" "Tara po" Hinawakan niya uli yung kamay ko at lumabas na kami. ++ Sobrang ganda at sobrang lapit lang ng beach. At sobrang romantic ng dating. Ewan ko, iba yung nararamdaman kong kilig dito ngayong kasama ko si Laurence. "Amin yung dalawang bahay dun, pati yung pool pero syempre tong beach, para sa lahat hehe" May mga tao kasing nagsswimming at mukhang may resort sa di kalayuan. "Bihira lang ako umuwi dito, kasi ano naman gagawin ko kung ako lang mag isa diba? Mukha naman akong tanga" kwento niya. "Siguro kung nandito sila mama at papa, matutuwa sila. Di pa kasi kami nakakapag bakasyon ng ganito eh"   "Ohh, bakit hindi mo sinama?" "Hala, nakakahiya haha date natin to diba?" Sabi ko. "Hehe, hayaan mo sa susunod, isasama natin sila" sabi niya pa. Ngumiti ako at patuloy na naglalakad sa gilid ng beach. Huminto kami at naupo para panuorin yung sunset. Di pa rin niya tinatanggal pagkakahawak sa kamay ko. "Babe alam mo ang swerte mo, may ganitong lugar kayo na pwede niyong bisitahin para bakasyunan" sabi ko. Bigla siyang natawa tapos umiling. "Minsan nga, mas okay na lang na wala to basta kasama ko sila mama at papa" sabi niya. Ramdam ko naman yung lungkot sa pagkakasabi niya nun. Naalala ko tuloy si Matteo, parehas silang dalawa na may problema sa magulang. "Naiinggit nga ako sayo babe. Close na close ka sa parents mo, ang saya siguro ng buhay mo no?" Sabi niya pa. "Hala, wag ka mag isip ng ganyan." "Kasi, alam mo, minsan umiiyak ako sa gai tuwing naiisip ko sila mama. May mga problema kasi ako na wala akong masabihan, kaso wala sila" Sht, naaawa ako kay Laurence. Di ko alam na may ganito pala siyang problema. "Buti nga nandiyan ka na eh. Kausap kita palagi, pati gabi. Tapos nakakalimutan ko yung issue ko kina mama dahil sayo" sabi niya pa. "Bakit kasi di mo na lang sila pauwiin?" Tanong ko. "Hehe, umuuwi naman sila kaso madalang talaga. Di ko pa sila nakakausap araw araw." Tumingin siya saken tapos ngumiti. Ang aliwalas ng itsura ni Laurence. Nakakatuwa talaga. "Wala ka bang kaibigan?" "Wala naman akong tunay na kaibigan. Kung tutuusin, si Matteo lang pinakamalapit kong kaibigan, tsaka si Kennard. Di mo pa namemeet si Kennard, mabait yun. Siya lang din nakakaintindi saken" sabi niya. Nabanggit na niya dati yung Kennard pero di ko pa rin siya namemeet. "Ang hirap kaya ng walang kaibigan, buti nga si Matteo nandiyan eh" bigla kong sabi. "Oo, si Matteo. Hehe. Alam mo babe, nagseselos talaga ako kay Matteo" tinanggal niya yung pagkakahawak sa kamay ko tapos ginawa niyang sandalan yung kamay niya sa likod. Ang hot ni Laurence sa ganung posisyon. "Bakit naman?" Tanong ko. "Kasi ang sweet niyo. Yung di kayo aware na sweet kayong dalawa, parang ganun. Napaka effortless para sainyo na mag mukhang sweet" sabi niya. "Ano ba yang sinasabi mo, ganun ka kaya saken" "Hindi babe, alam ko mas malamang si Matteo saken at tanggap ko naman yun, bestfriend mo siya eh. Siguro kung bi din yun si Matteo, di ko hahayaang magkasama kayong dalawa haha" "Hehe, wag ka mag alala. Straight yun hehe" "Hehe alam ko. Kaya nga di ako natatakot eh, pero minsan nagseselos lang ako...." "Wag. Wag babe...." hinawakan ko yung dalawa niyang pisngi. "Napapasaya mo rin ako, sobra sobra pa. Kaya wag mo isipin yan" "Alam ko, siguro kaya ako nagkakaganito dahil kay Lucas" "Lucas? Yung ex mo babe?" "Hehe opo." "Bakit naman?" "Eh kasi bestfriend ko rin siya bago naging kami. Kaya natatakot ako na baka maging ganun din kayo" Bestfriend niya. Nakatuluyan niya. Umayos siya ng upo tapos nagkaharapan kaming dalawa. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko at nakipagtitigan siya saken. "Promise mo saken Julian. Promise mo na gagawin natin ang lahat para magtagal tayong dalawa" Nakakatuwa naman tong ganito, nag papangakuan kaming dalawa. "Pangako, gagawin natin ang lahat para mag tagal tayo!" Sabi ko naman. "Good hehe. Payakap nga sa babe ko" Bigla ko siyang sinunggaban ng yakap at napahiga naman siya. Parang ang ganda ng set up namen. Nakapatong ako sakanya habang palubog yung araw, magkatinginan kami sa mata. "I love you so much babe" sabi niya saken. "I love you too babe" sagot ko. Mas lalo kong nakilala si Laurence, at mas lalo ko rin siyang minahal dahil dito. +++ Matutulog na kaming dalawa, at eto na. Eto na yung hinihintay ko. Or kinatatakutan ko. Kaming dalawa lang dito at siguradong walang makakarinig samen kaya pwede niyang gawin lahat saken dito ng walang kalaban laban. Nakahiga na ako sa kama at hinihintay siyang lumabas ng banyo. "Easy Julian, kapag gusto niya, ibigay mo na. Sige na, alam mo naman mahal mo siya at mahal ka niya, go!" Sabi ko sa isip ko. Maya maya, lumabas na siya sa banyo ng nakasando at boxer shorts. OMG. Ang laki ng bakat ng ano niya. Nkakatakot, makakayanan ko ba yan? Tumabi siya saken at yumakap kaagad saken. "Grabe, nakakapagod tong araw na to babe. Gusto ko na matulog" bulong niya sa tenga ko. Ramdam ko yung pagod niya sa pag bulong niya saken. Akala ko pa naman may mangyayari na samen. "Gusto mo na ba matulog?" Tanong ko. "Opo, pero kung may gusto ka pang gawin okay lang" bulong niya pa rin. Pagod na pagod talaga siya, nakapikit na siya habang kausap ako. "Ano kaya yun haha tulog ka na babe" sabi ko. Pero hinahalikan niya ako sa leeg ko. Iba talaga yung sensation kapag hinahalikan ako sa leeg. "Uhm.. ang bango mo babe" bulong niya saken. "Ikaw din.... uhm po" "Hehe, gusto mo ba?" Tanong niya. "Ng ano po?" "Ng ginagawa ko sayo" Oo gustong gusto ko, grabe ang sarap sa pakiramdam. "Matulog ka na babe! Mamaya kung saan pa mapunta to" sabi ko sakanya. Tumawa lang siya tapos nagyakapan pa kaming dalawa. OMG, ang laki talaga ng ano niya, ramdam na ramdam ko nakakainis. "Goodnight babe" sabi niya. Di ako mapakali sa ano niya, ramdam ko talaga. "Goodnight din babe" sabi ko naman. Sa sobrang antok niya nakatulog na siya kaagad. Pero pinagmamasdan ko pa rin siya, total package na si Laurence. Gwapo, mabait, sweet, mapagmahal. Unfair sakanya kung naiisip ko pa si Matteo kaya talaga simula ngayon, wala na akong ibang iisipin kundi si Laurence. +++ Di siguro ako sanay sa lamig kaya naalimpungatan ako. Di na kami magkayakap ni Laurence. Ang sarap sarap ng tulog niya, nakabuka pa bunganga niya. Kinuha ko phone niya sa gilid at pinicturan siya. Grabe ang cute cute. Pagkatingin ko ng oras, 6AM na pala. Ang bilis ng oras, pero parang gusto ko makita yung sunrise. Di pa naman maliwanag eh, kaya lumabas ako dala yung phone ni Laurence para makapag selfie. Pero bago ako lumabas, nakita kong umiilaw yung libro ko pero ibang kulay, kulay blue yung ilaw niya! Ang weird, first time ko lang to makita. Dinala ko na lang yung libro ko sa paglabas ko ng bahay. Dumiretso ako sa beach at nag selfie ng nagselfie. Nakakatuwa kasi kapag iPhone camera, feeling ko ang pogi pogi ko. Sa di kalayuan, may nakita akong babae na nakaupo at mukhang nag ddrawing siya. Ewan ko pero nilapitan ko siya kasi nacucurious ako sa ginagawa niya. "Hi" sabi ko. "Oh hi." Sagot niya. "So, nag ddrawing ka ng.... dagat?" Sabi ko. "Hehe, yeah. Ang ganda kasi oh, tapos yung sunrise pa. Wow!" "Hehe, totoo, pwedeng patingin?" Sabi ko. "Sure sure." Pagkatingin ko, halos kopya niya nga yung dagat pati yung pagsikat ng araw, ang galing kasi may color din. "Ang galing mo!" Bigla kong sabi. "Hehe, thank you" "Julian pala" pakilala ko. "Sarah" sabi niya. Isang tanong isang sagot siya, kaya feeling ko naman busy siya. "Nice meeting you Sarah" sabi ko sabay alis. "Oh, Julian wait!" Sabi niya. Nahinto ako at lumapit uli sakanya. "Ano yang nasa likuran mo? Bakit parang may umiilaw?" Tanong niya. OMG, yung libro ko! Umiilaw pala siya!! "Ahh, eh wala to" sabi ko. "Uhm, no no, I insist, pwede patingin?" Tanong niya. "No no, laruan lang to" sabi ko. Shocks. Paano niya kaya nakikita yung libro ko eh..... Oh sht! Oh sht! Hindi kaya.... Sinubukan kong basahin nasa isip niya. OMG! Di ko mabasa!!! "Bakit ganyan ka makatitig?" Tanong niya saken OMG. Di kaya may powers din siya? "Ahhh wala wala" sabi ko. "No, ano yun?" "Wala nga..." paalis na sana ako pero piniglan niya ako. "Please, diyan ka lang. Wait lang, upo ka muna. Please" sabi niya. Ewan ko pero sumunod naman ako sakanya. Tinignan niya ako at mukhang dinodrawing niya ako. Pinagmamasdan ko siya pero di ko talaga mabasa nasa isip niya. Bigla siyang huminto at nabitawan niya yung lapis niya. "Oh My Goodness!" Bigla niyang sabi. Sht, siguro alam niya na rin tungkol saken. Gusto ko malaman! Wala naman siguro mawawala kung ipapahawak ko sakanya yung libro ko diba. Nilabas ko yung book ko at bigla nalang nawala yung ilaw. "Pwede mo bang hawakan to?" Sabi ko. Tinignan niya lang ako at hinawakan niya yung libro ko. And then suddenly. Nabasa ko na iniisip niya. "s**t!!! Totoo ngang may ibang katulad ko! May iba nga!!" Sabi niya sa isip niya. Pagkabasang pagkabasa ko sa isip niya, bigla ko namang sinampal sarili ko. As in, sinampal ko sarili ko! "Anong nangyari?!!" Sabi ko. "OMG, bakit kanina hindi gumana...." sabi niya. "Anong gift mo?" Tanong ko sakanya. "No!!! You're not allowed to ask right?!!" Sigaw niya saken. "No no no. Nung nahawakan mo yung book ko, okay na yun. I can ask questions like that already" sabi ko. "Shut up!" "Haha, okay na nga. Trust me, I'm not gonna risk my gift just to know yours" sabi niya. Natahimik pa rin siya at mukhang ayaw sabihin. "Okay just do this, hmmm. Sing your favorite song, kaso.... kaso, sa isip mo lang" sabi ko sakanya. Nakatingin pa rin siya saken na parang di siya makapaniwala, pero sinubukan kong basahin nasa isip niya. "Holy sht, ano to. Totoo kayang may gift siya?" Sabi niya sa isip niya. "Holy sht, ano to. Totoo kayang may gift siya?" Inulit ko sinabi niya. "OMG paano!" Sabi uli niya sa isip niya. "OMG paano!" Ulit ko uli. "Ho... how are you doing that?" Sabi niya saken. "That's my gift." Sabi ko. "Seriously? Kaya mong basahin iniisip ko? OMG. So cool!" "Hehe, di naman" "What. How, totoo palang may ibang may gift. Gosh!" "Why? Akala mo ikaw lang?" "Oo, kasi ang tagal ko ng sinusubukan makahanap pero gumagana lahat ng powers ko sa mga tao, so that means, wala silang gift!" Sabi niya. "Teka, ano bang gift mo?" Tanong ko. Tumawa lang siya at pinakita niya saken yung drawing. Yung naka drawing eh, picture ng isang lalaki na sinampal ang sarili niya. "Holy sht, ayan ang gift mo?! Nagkakatotoo lahat ng dinadrawing mo?!!" Sobrang ganda ng regalo niya! As in! "Oo. Nung dinrawing ko to kanina, hindi umepekto. First time yun, kaya nagtaka ako. Tapos nakita ko pang may nag gglow sa likuran mo. Ganun kasi yung libro ko minsan, nag gglow kapag may announcement" paliwanag niya. "Wow, ang cool talaga!" "No, mas cool sayo. Kaya mong basahin isip ko! "Well, pwede kang magdrawing ng kahit ano tapos biglang mangyayari. Mas maganda sayo!" Sabi ko. "Hindi pa, kailangan pa kitang mahawakan para gumana yung gift ko." "Eh baka kasi low level ka pa, anong level mo na ba?" "Level 1" sabi niya. "Ako nga level 2 pa lang haha. Okay lang yan!" "Di ko kasi magamit to eh. Sobrang hirap kasi hehe, pero marami kang kakilalang may gift?" Tanong niya. "Meron naman" "Ang cool naman,"   "Hehe,taga saan ka?" Tanong ko. "Manila, nag babakasyon lang ako kasama friends ko." Ang ganda ni Sarah, mestisahin at mukhang mabait. "Wow, taga Manila rin ako. Sana magkita tayo dun minsan" "OMG sure, sure. Now na may nakilala na akong katulad ko, dapat lang na magsama tayo!" Sabi niya. Bago ako makasagot, napansin kong may tumatawag kay Laurence sa phone niya. Ako. Gamit siguro niya yung phone ko. "Excuse lang ah? Sagutin ko lang" sabi ko. "Sure" Lumayo ako ng kaunti. "Babe, nasaan ka?" Sabi niya. "Nasa beach babe, nagseselfie kasi ako eh hehe" "Ganun ba? Uwi ka muna please, di kita nakiss eh" sabi niya. "Hehe, sige babe, sorry" Binaba ko na yung tawag. "Uhm, Sarah, babalik na ako sa tinutuluyan ko, uhm kunin ko number mo?" Tanong ko. "Yes! Yes, please text me!" "Sure sure" Nagbigayan kaming dalawa ng number at bumalik na ako sa bahay. ++ "Bakit umalis ka naman kaagad" bigla akong niyakap ni Laurence pagpasok ko ng kwarto. Nakahubad na siya at naka boxer na lang. "Sorry babe, ang sarap kasi ng tulog mo eh, di na kita ginising" "Huhu, gusto ko pa naman yung magigising ako tapos katabi kita" "Hehe sorry talaga babe" "Higa muna tayo babe, gusto pa kita makatabi eh" sabi niya. Ang clingy ni Laurence, nakakatuwa. Sumunod naman ako at humiga kaming dalawa. Nakapatong ako sakanya habang pinagmamasdan ko siya. Grabe, ang gwapo talaga. "Inaantok ako babe, ang aga ko kasi nagising eh" sabi ko. "Tulog ka lang sige, kaya naman kita eh" "Hehe higa na lang ako babe" "Eh, diyan ka na sa ibabaw ko." Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Hehe oo na nga po, di ka ba nilalamig babe? Lakas ng aircon oh tapos nakahubad ka" "Nako, nag iinit na nga ako eh. Hehe if you know what I mean haha" Nako, eto na naman siya. "Ewan ko sayo, matutulog na muna ako babe"  sabi ko. "Sige babe, ako rin po." Niyakap niya ako ng mahigpit at sa sobrang sarap at init ng yakap niya, nakatulog ako sa ganung pwesto. Naalimpungatan ako ng marinig kong nagsasalita si Laurence, nakahiga na ako sa gilid niya pero nakayakap pa rin siya saken. "Nasa kwarto kami sa taas" sabi niya. "Uhmm.... babe, sino yan?" Tanong ko sakanya. Pero nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto! At nakita ko si Maddie na pumasok. Shocks, nakakahiya, nakahubad si Matteo tapos ganito pa nadatnan niya. "Hi Insan!" Sabi ni Maddie. Napaupo tuloy ako sa kama dahil sa hiya. Palapit si Maddie samen tapos may pumasok pa sa kwarto. Sht. Si Mama at Papa!! Nakahubad si Laurence sa tabi ko tapos nakaupo ako. Pero bumangon ako kaagad at niyakap silang dalawa. "Hala ma, pa, bakit kayo nandito?!" Sabi ko. "Aba, bakasyon to eh aayaw pa ba kami?" Sabi nila Tumingin ako kay Laurence. "Nasurprise ka ba babe? Sabi mo kasi kahapon gusto mo sila kasama kaya ayan na sila hehe." Napangiti ako, grabe sobrang sweet ni Laurence. Tumakbo ako papunta sakanya at hinalikan ko siya sa pisngi at sa noo at sa ilong. "Thank you, thank you, thank you babe. Thank you!" Sabi ko. "Ay ang sarap naman. Hehe" hinawakan niya yung pisngi ko at buhok. "Para sayo babe," sabi niya pa. Nagmomoment kami ni Laurence eh, magkatitigan kami tapos biglang umepal na naman si papa. "Ehem, ehem!!" Sabi niya. Natauhan kaming dalawa at bumangon na ako uli. "Mamaya na ako babangon, naka underwear lang ako eh hehe sige na baba na kayo" sabi ni Laurence. Hinalikan ko uli siya ng marami bago kami bumabang lahat. Pagbaba namen, may narinig naman akong nagluluto sa kusina. "Sino pa yung kasama niyo?" Tanong ko. "Eh sino pa ba sa tingin mo?" Sabi ni papa. Naisip ko si Matteo pero alam ko di siya sasama, kaso bigla kong narinig yung boses niya. "Ju! Magbihis ka na magswimming tayo please!" Si Matteo nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD