"Sasabihin mo ba kay Laurence na dito ako natulog kagabi?" Tanong ni Matteo habang nag iimpake ako.
"Hindi ba niya alam?"
"Aba malay ko, ang aga mo kaya natulog kagabi"
Nakakainis naman. Ang gulo gulo, bakit kasi maaga ako natulog kagabi eh.
"Sht. Paano ba to...."
"Sabihin mo na lang Ju, wala naman masama eh. Tsaka wala naman tayong ginawang masama eh" sabi niya.
Sa tingin mo, wala tayong masamang ginawa Matteo, pero sa panaginip ko, halos mapanaginipan na kitang nag sesex tayo.
Naghahalikan tayo sa panaginip ko. May ginawa tayong masama!
"Sabagay, pero maiintindihan niya kaya?"tanong ko.
"Ewan ko, kung seloso siya baka mag away lang kayo. Sabihin mo na lang kapag nasa good mood siya. Mahirap kapag nagtatago ka ng sikreto"
"Aba, ang seryso mo ata ngyon" biro ko.
"Haha, di ba bagay? Bilisan mo na mag impake, malapit na yun si Laurence" sabi niya pa.
Hindi ko alam kung ano problema niya, nakwento nman niya saken kagabi yung problema niya pero parang di pa siya okay.
"Diba sasama rin kayo ni Maddie sa Zambales? Bakit di ka pa nagiimpake?"
"Hindi na nga kami matutuloy eh, naiinis nga ako eh" sabi niya.
"Hala bakit daw?"
"Ayaw daw niya kasi wala daw kaming privacy dun."
"Diba sakanila din naman yun?"
"Hindi, kina Laurence lang daw tlaga yun. Request kasi ni Laurence sa kabilang bahay daw kami matulog dun, eh ayaw niya kasi may ibang tao"
"Haha, di kasi kayo makakapag ano haha" biro ko na lang.
"Haha loko, gusto ko nga sumama kasi nandun ka eh. Kung wala ka naman dun, wala rin akong paki" sabi niya.
Iisipin ko na lang na talagang kapatid lang turing niya saken para naman di ako maapektuhan sa sinasabi niya.
At lalong lalo na, para di ko siya mapanaginipan.
"Hehe, pilitin mo na lang si Maddie" sabi ko.
Pero bago makasagot si Matteo, biglang kumatok sa kwarto ko si mama.
"Anak, nasa baba na si Laurence, paakyatin ko ba?" Tanong ni mama.
"Hndi ma! Bababa na muna ako" sabi ko naman.
Nagmadali ako mag impake, para bumaba, iniwan ko muna sa kwarto ko si Matteo.
Pagbaba ko naman, kasama na ni papa si Laurence na nag aalmusal. Ang simple lang ng porma niya, pero ang gwapo niya.
Black Shirt at Black Shorts lang, pero ang ganda ng shoes.
"Good Morning babe" sabi ni Laurence.
Natawa naman si papa sa tawag saken ni Laurence.,
"Babe?" Asar ni papa.
"Nako pa, ang aga aga ah wag ka mang asar haha" sabi ko.
Tumabi ako sakanila para kumain pero nagulat ako ng bigla akong halikan ni Laurence sa pisngi ko sa harap ni papa.
Tumawa lang uli si papa sa ginawa ni Laurence.
"Babe naman." Sabi ko.
"Sorry, hehe." Sabi niya.
Di nagsalita si papa pero binasa ko nasa isip niya.
"Hay nako, mga bata nga naman!" Sabi ni papa isip niya.
Bigla naman nagsalita si mama.
"Oh bakit si Matteo hindi pa bumaba?" Tanong niya.
Sht. Ang ingay ni mama!
Tinignan ko lang si mama tapos tumingin ko kay Laurence.
"Nandito si Matteo babe?" Tanong niya.
Di ko tuloy alam isasagot ko sakanya pero ayokong magsnungaling sa harap nila mama.
"Dito kasi siya natulog kagabi eh" sabi ko.
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko, kaya naman natahimik siya.
Sht. Bakit dito pa kami nag tampuhan.
"Ahh, babe, sama ka muna saken sa taas" yaya ko kay Laurence.
Tumayo lang siya at sumunod saken pero alam kong galit siya saken.
Pagpasok namen sa kwarto, naka hubad si Matteo at mukhang kakatapos lang maligo.
Sht, ang laki ng katawan ni Matteo. Bihira ko lang talaga siyang makitang nakahubad, pero ngayon, ang yummy niya.
Oh sht, ano ba tong iniisip ko.
No, hindi ka yummy Matteo.
Parang kung may kapatid akong lalaki, sinabihan kong yummy?
Yuck. No. No. No.
"Pre, bakit dito ka natulog kina Julian?" Biglang sabi ni Laurence kay Matteo, sht, mukhang mag aaway pa.
"Nako pre, sorry. Wala kasi kong mapuntahan kagabi eh."
"Eh bakit di ka tumuloy kina Maddie? Bakit dito pa? At di pa kayo nagsabing dalawa?"
"Uy pre, wag ka magalit kay Julian, kasalanan ko, komportable na kasi ako rito sakanila kaya pinapayagan ako ng parents niya..."
"Pre, may boyfriend si Julian, ako yun, kapag ba nalaman mong may kasamang ibang lalaki si Maddie sa kwarto niya ng di mo alam, matutuwa ka?"
"Hindi, pero pre...."
"Wala sanang talo talo pre, kami na ni Julian!"
Hinawakan ko lang si Laurence, kasi medyo nag iinit na yung salitaan nila.
"Pre, wag kang ma threatened saken pre, kahit magsama kami sa isang kwarto ng kaming dalawa lang, sigurado akong walang mangyayari samen. Alam mo nman na kapatid lang tingin ko kay Julian eh, di kami talo pre" sabi niya pa.
"Mabuti ng alam ko at sayo nanggaling yan" sabi naman ni Laurence.
Inabot ni Matteo yung kamay niya kay Laurence at nakipagkamay namn siya.
Nag tawanan na silang dalawa uli at nagyakapan pa. Close din naman kasi silang dalawa kaya madali naman silang nag ayos.
++++
Bumaba na silang dalawa samantalang naiwan ako para mag impake pa ng gamit ko. Di ko kasi alam mga dadalhin ko eh,
Pero habang nag aayos, napansin kong umiilaw na naman yung libro ko.
Sht.
Dali dali kong ni lock yung pinto. At binuksan ko yung book.
"Hi Julian!" Sabi sa libro.
Ayun lang yung nakasulat sa isang page na yun.
"Ano to?" Bigla kong sabi.
Sa gulat ko, biglang may nag appear na naman na message sa libro na tila ba sumasagot sa tanong ko.
"Kinakausap kita Julian" sagot niya.
Medyo kinilabutan ako sa nangyayari.
"Teka, sino ka?" Tanong ko.
"Si Gab" nag appear uli yung sagot sa libro.
Si Gab?
Parang narinig ko na yun.
Gab.
Gab.
Ay oo! Yung nasa mall kahapon!
"OMG! Paano mo ko nahanap? Paanong.... posible ba to?" Tanong ko.
"Wag ka matakot. Oo posible to lalo na kapag mataas na level mo, pumunta ka ngayon sa LRT, UN Station. Makikita mo ko dun, kung gusto mo lang naman tumaas ang level mo" sagot naman sa libro.
OMG medyo, tempting yung offer.
"Sorry, may lakad ako ngayon eh"
"Sandali lang tayo Julian,"
Naalala ko tuloy yung sa Harry Potter, parang ganito yung eksena. Magtatanong ako tapos yung sagot biglang lalabas sa libro.
"Di kita kilala, mamaya kung ano pang gawin mo. Sorry, bye"
Sabi ko sabay sara ng libro.
Shocks, ang weird ng nangyari sakeng yun. Ang dami palang ibang regalo, di lang pala magbasa ng isip ng tao, marami pa pala.
Maya maya, biglang kumatok si Laurence.
"Babe? Matagal ka pa dyan?" Sabi niya.
"Ahhh sorry babe, eto malapit na" sabi ko. Binuksan ko yung pinto at pumasok siya.
Bigla naman niya akong niyakap sa likod.
"Hala babe, di pa ko naliligo" sabi ko.
"Uhm, ang bango mo nga eh" bulong niya sa tenga ko. May ibang kiliti naman yung pa bulong niya sa tenga ko.
"Babe..."
Bigla niya akong pinaharap sakanya.
Naglalakad siya paharap, kaya naman yung lakad ko paurong hanggang sa mapaupo ako sa kama ko.
Sht!
Hiniga niya ako sa kama ko at hinalikan sa leeg.
OMG. Sht,
Ang sarap sa pakiramdam.
Hinalikan niya ako sa tenga ko at mas lalo akong kinilabutan sa sarap.
"Babe.... baka...." di ko matapos yung sinasabi ko, kasi ang higpit ng hawak ko sakanya sa sobrang sarap.
Bigla namang pasok ni Matteo sa kwarto.
"Ju! Tawag ka ng mama....." di niya natuloy sinasabi niya nung makita niyang nakapatong saken si Laurence.
Napatayo kami pareho nung pumasok si Matteo.
"Sorry, sorry. Tinatawag ka lang ng mama mo," sabi ni Matteo.
"Ahh, sige bababa na ako" sabi ko.
Lumabas na uli si Matteo tapos ngtawanan na lang kami ni Laurence.
"Haha, ikaw kasi eh!" Sabi ko.
"Haha, sorry nadala lang ako, tapos ka na ba babe?"
"Opo opo"
Binuhat na niya yung gamit ko at sabay na kaming bumaba.
++++++
Habang nasa daan kami ni Laurence papuntang NLEX, napadaan kami sa UN Station sa LRT.
At bigla kong naalala si Gab!
Nakikipagkita siya saken pero di ko siya sinipot.
Sakto, nahinto kami sa tapat mismo ng UN Station dahil sa stoplight at nakita ko nga si Gab dun!
Namumukaan ko lang siya pero alam kong siya yun.
"Babe, bili muna tayo sa McDo, sanay kasi akong kumakain habang nasa byahe eh" sabi niya pa.
Kaya gumilid muna kami at bumili siya sa McDo, di na ako sumama.
Maya maya, napansin kong lumapit si Gab sa sasakyan.
Medyo kinkabahan ako kasi di ko naman alam kung anong ugali meron tong taong to, pero isa lang sure ko, may kapangyarihan din siya.
Binaba ko yung bintana para makausap siya.
"Akala ko ba di ka makikipagkita?" Tanong niya, aba may itsura pala siya kapag malapitan.
"Di naman ako nakipagkita, nagkataon lang" sabi ko.
"Haha well, andito ka na, ano?"
"Teka nga, bakit ang feeling close mo saken?" Sabi ko.
"Haha sorry Julian. Gusto ko lang talaga tulungan yung mga katulad mong mababa ang level para naman mamaximize mo yung kapangyarihan mo"
"Di ko kailangan." Sabi ko.
"Well, I've seen your gift. You have the power to read minds right? To tell you frankly, ayan ang pinaka mababaw na gift, ever. Bakit naman ayan ang hiniling mo?" Sabi niya.
Shocks, mukhang marami siyang alam.
"Ahhh, eto kasi... eto kasi inoffer saken" sabi ko.
Totoo yun, naalala ko nung nasa Pampanga kami, tinanong saken ni TB kung 'gusto ko bang makabasa ng isip' kaya ayun sinabi kong gusto ko.
"Sabagay you can use it naman. Alam kong wala sa libro mo yang skills mo kada level right?" Sabi niya.
Sinilip ko si Laurence, mamaya pabalik na siya at makita niya akong may kausap na ibang tao.
"Don't worry about him, hindi pa siya babalik. I know, hehe" sabi niya.
"Paano?...."
"Basta, I know hehe. So, di mo alam yung skills mo right?" Sabi niya.
"No, hindi ko alam."
"So, you wanna know?" Sabi niya.
Di ko alam kung mapagkakatiwalaan ba tong taong to pero wala naman mawawala kung malalaman ko diba.
"Sige, ano ano ba yun?"
Ngumiti siya at nilabas niya yung libro niya. Iba yung kulay ng libro niya, kulay blue at medyo makapal. Mukhang marami ng nakasulat.
"wait, wait, di ko ba kailangan hawakan libro mo para makapag usap tayo ng ganito? Baka mawala yung kapangyarihan natin pareho" sabi ko.
"Don't worry, being me has a privelage haha, but wait. Sabi mo hahawakan mo yung libro ko para makapag usap tayo? Ganun ba yun?"
"Alam mo na, para di mawala kapangyarihan natin. Kasi diba bawl sabihin sa iba na may kapangyarihan ka?"
"Oh? Di ko alam yun ah? Ahhaha you gave me an idea"
So, parang ako lang pala may alam nun. Salamat kay TB at sinabi niya yun saken.
"Teka uli, paano tayo nakakapag usap ng ganito? Anong ginawa mo?" Tanong niya.
"Well, kapag na reach mo na yung certain level, privelage na yun na pwede kang makipag usap ng direkta sa may kapangyarihan without losing their powers."
"Ohh, wow. Ang galing, anong level naman yun?" Tanong ko.
"Level 20"
"Wow, so level 20 ka na?"
"Nope, 23"
"Wow talaga!!!"
"Ano ba? Gusto mo pa ba malaman to?"tanong niya.
Oo nga pala yung skills ko.
"Sige sige, tuloy mo na" sabi ko.
Naglilipat siya ng page sa libro niya.
"Okay eto nakita ko na...."
"Level 1: Mababasa mo isip ng normal na tao.
Level 2: Makikita mo yung nakikita ng ibang tao....."
Ganun yung ginawa ko kay Maam nung nakaraan kaya nakasagot ako sa recitation.
"Level 3: Makakausap mo yung ibang gamit ang isip mo."
"Ay ang galing naman nun!" Singit ko.
"Yeap, and syempre creepy yun para sa normal na tao!" Sabi niya.
"Oo nga haha ano next?"
"Level 4; mababasa mo iniisip ng mga hayop."
"Gusto ko rin yan!"
"Level 5.... ay gusto ko to...: makakabasa ka ng isip ng taong foreigner at maiintindihan mo sila"
Parehas lang halos nung mga nasa RULES na nasa libro.
"Level 6: lalayo yung visibility ng pagbabasa mo ng isip"
"Level 7: Di mo lang mababasa yung nasa isip ng isang tao, malalaman mo pa yung pangalan niya, edad, at kung ano ano pang info"
"Level 8: Makakapasok ka sa panaginip ng isang tao.
"Level 9: Malalaman mo yung sexuality ng isang tao, kung straight, bi, gay, lesbian o trans."
"Level 10: Makakapasok ka sa isip ng isang tao at kaya mong kontrolin yung magiging action niya"
Bigla naman siyang huminto habang sinasabi lahat ng yun.
"Nakakabitin naman! Hanggang level 25 ang maximum diba?" Tanong ko.
"Yeah, kaso wala ng nakasulat eh"
"Sayang naman"
"Ohh, ngayon nalaman mo na, natuwa ka ba?" Tanong niya.
Sobra!!! Parang gusto ko tuloy magpalevel up para naman mamaximize ko yung kapangyarihan ko. Wala kasi akong paki eh.
"Gusto ko na tuloy magpalevel up"
"Haha. Edi sige, samahan mo ko. Tulungan mo ko, aware ka naman siguro na kapag nakakatulong ka, nadadagdgan points mo?"
"Oo! At level 23 ka pa."
"Oh diba, mas malaki makukuha mong points"
Gosh, sobrang nakaka tempt talaga!
"Sige! Gusto ko yan kaso wag muna talaga ngayon, kasi aalis kami ng boyfriend ko, magbabakasyon...."
"Teka, boyfriend? May boyfriend ka?" Sabi niya.
"Oh, bakit nagulat ka, akala ko alam mo na kasi level 23 ka na."
"Magkaiba tayo ng gift, di ko kayang magbasa ng isip ng iba" sabi niya.
"Ahhh, ayun nga. Aalis kami, pwede pagbalik ko na lang?" Sabi ko.
Natahimik lang siya at mukhang namroblema.
"Okay ka lang?" Tanong ko.
"Ahh, oo sorry. Hhe, sige pagbalik mo" sabi niya pa.
"Hehe, salamat!!" Sabi ko.
"Imemessage kita uli ah?"
"Okay okay hehe. Bakit ang tagal naman nun bumili?" Sabi ko.
Parang isang oras na ata kami magkausap ni Gab, pero di pa rin siya bumabalik.
"Sige Julian, ingat kayo ha?" Sabi niya.
"Sure sure, thank you din pala!" Sabi ko.
"Hehe sige..."
"Teka, may tanong pa pala ako!" Sabi ko.
"Oh, ano?"
"Sa tingin mo, bakit tayo binigyan ng kapangyarihan?"
Ngumiti siya saken.
"Nung una rin di ko alam eh, akala ko laro laro lang. Bigay lang saken kasi naging mabait ako. Pero trust me Julian, may matututunan ka diyan sa regalo mo. Di mo lang alam ngayon pero sure akong meron yan" paliwanag niya.
Masyado siyang seryoso, di ko naman alam purpose nung saken kaya di ko na muna pinroblema.
"Teka isa pa!" Sabi ko.
"Haha, sige ano?"
"Kung di mo kaya magbasa ng isip ng tao, ano kapangyarihan mo?"
"Hehe, malalaman mo yan mamaya. Hehe. Sige na Julian, alis na ako" sabi niya. Sabay alis na.
Ang dami kong nalaman dahil sakanya kaya natuwa naman ako.
Sakto pag alis niya, nakita ko ng lumabas si Laurence sa McDo at pabalik dito.
"Oh, babe fries oh. BFF Fries, pero syempre dahil saken, Boy Friend Forever."
Jusko, eto na naman yung mga banat niya saken na nakakapagpangiti saken.
"BFF Fries lang pala binili mo babe, bakit ang tagal mo" sabi ko.
"Namiss mo naman ako kaagad, parang 5mins lang ako nawala" sabi niya.
"5mins ka diyan parang...." sasabihin ko sana ' parang isang oras' pero di ko tinuloy. Napaisip ako bigla,
Ang tagal nameng magkausap ni Gab, sigurado akong hindi lang 5mins yun.,
Napansin ko naman si Gab sa di kalayuan, nakatingin saken at ngumiti.
Sumenyas siyang ilabas ko yung libro ko na siya namang ginawa ko.
Dun, may message na naman siya saken.
"If you have the power to read minds, I have the power to control time hehe. Ingat ka Julian!"
Ang ganda ng sakanya!!!
"Uhm babe, okay ka lang?" Tanong ni Laurence.
"Ahhh, yes babe" tinago ko na uli yung libro ko, tapos di ko na nakita si Gab sa pwesto niya.
"Nice! Off to Zambales na ituu!!" Sabi ni Laurence at humarurot na ng takbo yung sasakyan.