Part 16

2434 Words
Medyo awkward yung nangyari kanina sa labas ng room, buti na lang tapos na. Magkasama na kami ni Matteo sa room, di naman ako makatingin sa kanya ng maayos kaya nagsulat na lang ako habang nag lelecture. "Ju, antok na antok ako. Ano ba to, kausapin mo nga ako" bulong ni Matteo saken. "Shhhh, makinig ka" "Suplado mo naman" "Makinig ka nga!" "Oh bakit ka nagagalit diyan?"bulong pa rin niya. "Di ako nagagalit, nakikinig kasi ako eh." "Sus, kung di lang kayo ni Laurence, feeling ko nagseselos ka diyan" pang aasar ni Matteo. "Nagseselos ka diyan, para malaman mo, masaya ako kay Laurence, sobrang saya ko. Kaya wag kang mag feeling diyan!" Buti na lang natahimik siya. "Okay" sabi niya na lang. Di na niya ako kinulit uli. Maya maya, kinausap ko siya kasi feeling ko naoffend ko siya. "Matty, magsulat ka nga" sabi ko. "Sus, tapos kakausapin mo ko ngayon, ewan ko sayo. Nagbago ka na, nagka boyfriend ka lang" "Anong sinasabi mo diyan?" Mukhang narinig ni maam na nag uusap kami ni Matteo. "Acosta, Valdez! Gusto niyo kayo na lang dito?" Sigaw samen ni Sir. "Sorry sir" sabi ko. Natahimik na lang kami ni Matteo sa upuan. ++ Minsan iniisip ko kung paano di ako nakatanggap ng regalo. Kung paano, di ko kaya magbasa ng isip ng tao. Ano kaya mangyayari saken? Parang simula nung binigay saken tong regalo na to, wala na akong ibang maisip kundi mabasa ang iniisip ng mga taong di ko nababasa ang isip. Si Laurence. Si Matteo. Ang iniisip ko palagi, ano ba ang papel ni Matteo sa buhay ko, kung si Laurence makakatuluyan ko, eh bakit si Matteo di ko mabasa iniisip niya? Long lost brother ko ba? Oh baka may powers din siya? O kaya nagkaroon na kaso nawala rin? Di tuloy ako makapag focus dito sa exam namen. Departmental exam pa naman namen ngayon. Tinignan ko si Matteo sa upuan niya, nakatingin ang siya sa test paper niya at nagsasagot. Nakita naman niya akong nkatingin sakanya tapos ngumiti siya.   Sino ka ba sa buhay ko Matteo Acosta?! Nakkainis. Di talaga ako makapag focus sa exam ko. + "Bakit nakatulala ka kanina Ju? Wala ka bang masagot?" Tanong ni Matteo saken pag labas namen ng room. "Ha? Wala, may naiisip lang ako" sabi ko. "Parang malalim nga eh, okay ka lang ba? Nag aaway ba kayo ni Laurence?" "Hala hindi ah! Saan naman nanggaling yan?" "Aba malay ko, di ka naman nagkekwento saken eh. Mukhang iniiwasan mo nga ako eh" Pero di totoo yun! Siya yung umiiwas saken! "Ang galing mo talaga mambliktad hano?" "Haha, ako ba umiiwas?" Tanong niya. "Oo. Nakakainis ka na nga eh" "Sorry na Ju haha nag aaral kasi kami ni Maddie eh. Tapos syempre, alam mo na..." "Nakakainis ka talaga! Bakit kailangan mo pang sbihin saken yun?!" "Haha, eh baka magalit ka kapag di ako nagkwento eh!" "Mas okay ng di ka magkwento kung tungkol lang sa s*x life mo! Nakakadiri!" Sabi ko. "Nakakadiri pala pero feeling ko naman pinagpaantasyahan mo katawan ko noon!" "Ang kapal mo talaga!!!" "Hahaha, sorry, alam ko naman kasi na mas yummy ako kay Laurence no! Di mo naman matatago yun!"   Kahit nagmamayabang na naman siya ngayon, okay na rin to kasi bumabalik na kami sa dati nameng asaran. "Oooops, boyfriend alert!" Sabi ni Matteo at nakita ko si Laurence na may kausap sa phone habang palapit samen. "Uyyy, may kausap siyang iba Ju. Haha," asar ni Matteo. "Ano naman?" "Baka may iba ng kinakausap yan bahala ka" "Sus, gawain mo kasi yun!" Nasa harap na namen si Laurence pero kausap pa rin niya yung nasa phone. Hinawakan na ni Laurence kamay ko at hnalikan ako sa pisngi. "Kasama ko na si Julian pre, sige na!" Sabi ni Laurence sa kausap niya at binaba na yung tawag. "Sino yung kausap mo babe?" Tanong ko.   "Si Kennard babe, tropa ko" "Ahhhh okay"   Gusto ko sanang tanungin kung sino yun pero di na lang. Kapag kaming dalawa na lang. "Ju, una na ako, hanapin ko pa si Maddie eh. Sige pre, ingatan mo juju ko ah"sabi ni Matteo, pero di na niya kami pinasagot at umalis na siya.   Kami naman, as usual. Diretso sa kotse niya. Tumambay muna kami sa kotse niya, habang bukas lahat ng pinto.   "Kumusta exam babe?" Tanong niya. "Okay naman po. Medyo na blanko lang kanina pero naka survive naman" "Haha, ako rin eh. Na blanko ako kakaisip sayo" sabi niya. Inalok niya ako ng chichiriya sabay hawak sa mga kamay ko.   "Babe, tara bili uli tayo ng damit, para pag alis natin nextweek, okay na okay na ako" sbi niya. "Linggo linggo ka naman bumibili ng damit" "Hehe, dali na samahan mo na ako." "May choice ba ako?haha" "Hehe kaya love kita eh. Tara tara" Sinara na name yung pinto at nag buckle up. "Ay babe teka, may nakalimutan ako" sabi niya. "Ohhh ano yun?" "I love you" bigla niyang sabi.   Sa tuwing nagsasabi siya ng I love you, palaging unexpected kaya naman di ko talagang mapigilang hindi kiligin. "Nakakainis ka, bakit biglaan naman" "Haha, gusto ko lang sabihin. Tara na!" Sabi niya pa at pumunta na uli kami ng mall. ++ Di pa rin ako sanay sa puro gastos ni Laurence, kahit na palagi kaming magkasama. Minsan, gusto ko lang mag tuhog tuhog pero di ko masabi kasi alam kong ayaw niya. Ngayon, gusto niya rin akong bilhan ng damit. Nahihiya kasi ako kahit papano. Pero talagang mapilit siya eh. "Sukatin mo babe dali" inabutan niya ako ng shorts at sando. Ang kulit din kasi neto eh kaya di ako tumatanggi. Lumabas ako para ipakita sakanya yung sinuot kong damit. "Wow, ang gwapo nama ng babe ko!" "Hala, ang ikli ikli ng short ohh" "Ayan nga ang nagpapa sexy sayo eh" kakaiba rin tlaga mga banat netong si Laurence eh. Pero sa di kalayuan, nakita ko yung lalaki na feeling ko sumusunod saken nung isang linggo. Yung lalaki na nakasabay ko rin sa jeep pero di ko mabasa yung iniisip niya. Bigla siyang napatingin saken sabay ngumiti uli. Ang weird. Sobrang weird.   "Bihis ka na babe, bilhin na natin yan" sabi ni Laurence.   "Akala ko sukat lang?" "Ehh, bilhin na natin para terno tayo pag alis papuntang Zambales" sabi niya. "Babe naman.,.." "Don't worry, my treat babe" sabi niya. Aangal sana ako pero bigla siyang tumayo at niyakap ako. "Babe, wag ka na makulit. Gusto lang kita ispoilin hehe" sabi niya. "Di naman kasi natin kailangan eh" "Ehhhh babe, wag ka na umangal hehe" bulont niya saken habang nakayakap. "Oo na po" "Haha yey, buti na lang talaga love mo ko hehe" Binili na namen yung damit na sinuot ko pero nandun pa rin yung lalaki, feeling ko sinusundan niya ako. Pero di ko talaga mabasa nasa isip niya. Habang nasa cashier at nakapila si Laurence, nag ikot ikot muna ako sa loob ng store. Napansin kong lumapit saken yung lalaki at bigla siyang nagsalita. "You know what's frustating? Yung akala mong kaya mo pero hindi pala" sabi niya. "Uhm excuse me?" "Akala ko kaya ko na lahat, pero di pala" Ako lang naman tao dun kaya sure akong ako kinakausap niya. "Sorry, I'm Gab pala" pakilala niya saken.   Di naman ako sumagot at nagpakilala kasi all of a sudden bigla nya akong kakausapin, parang ang weird lang. "Well, that's...... awkward." Sabi niya pa. "Babe?" Tawag ni Laurence sa likod ko. "Babe" "Uhm, sino siya?" Tanong saken ni Laurence. Si Gab yung sumagot sa tanong ni Laurence. "I'm just a friend hehe. Sige I'll go ahead. Nice seeing you Julian" sabi niya sabay alis OMG!! Bakit nya ako kilala? "Uhm sige pre" paalam naman ni Laurence. Tinignan ko lang siya hanggang sa makalayo.   "Bakit ganyan reaksyon mo babe? Di mo ba siya kilala?"   "Ahh, kilala ko hehe. Tara na, saan na tayo punta?" Di ko na lang sinabi totoo para di siya magtanong.   "Edi uuwi na!" Sabi niya. Di na kami bumili ng pagkain, hinatid na niya ako kaagad sa bahay. + "Every moment talaga na kasama kita, sobrang magical babe. Thank you, kahit simpleng shopping lang yun" sabi ni Laurence saken, nasa tapat kami ng pinto ngayon. "Hehe, thank you rin sa regalo babe" "Hehe don't worry. Uhm, mag impake ka na ah." "Excited lang?" "Ehehe wala naman ng exams eh, bakasyon na. So, gusto mo alis na tayo bukas agad agad?" "Agad agad?" "Oo, ayaw mo ba?"   "Hindi pa alam nila mama...." "Alam na nila ehehe, gusto mo ipaalam kita uli?" "Ay talaga?" "Nagtext na ako sakanila kanina haha. Sorry babe, gusto na kasi kita masolo eh" sabi niya pa. "Hehe, sige babe. Gusto ko rin yun, bukas na kung bukas" sabi ko nman. "Yes! Yes!! Sige babe, uwi na ako para makapag impake na ako hehe. I love you!" Sabi niya sabay halik sa noo ko. "I love you too babe" sabi ko na lang. Di na siya pumasok at umuwi na. +   Dumiretso ako sa kwarto ko at nagulat ako ng makita ko si Matteo! Nakaupo sa kama ko at kumakain ng halo halo. "Hoy!! Anong ginagawa mo rito?!" Sabi ko. "Ay, edi kumakain ng halo halo Ju. Gusto mo ba?" "Hind, I mean anong gnagawa mo sa kwarto ko?" "Ay grabe, nagka lovelife lang, ganyan na?" Sabi niya. Di ko naman kasi alam kung bakit siya nandito. "Ayaw mo bang nandito ko Ju?" Tanong niya. Mukhang may problema na naman tong si Matteo, naging seryoso na naman kasi itsura niya eh.   "Hmm, hindi naman Matty, nagulat lang ako. Alam mo naman na welcome ka rito samen diba?" Sbi ko na lang. Bumalik naman yung ngiti niya sa sinabi ko. "Wala naman Ju. Gusto ko lang ng kausap" sabi niya. "Eh si Maddie?" Tanong ko. "Wala yun hehe, di naman niya alam yung tungkol sa pamilya ko eh" kwento nya. "Bakit di mo kasi sabihin?" "Sinubukan ko, pero in the end nag s*x lang kami. Ayaw niya kasi ng drama moments, kapag gusto ko magkwento sakanya bigla ganun." "Ay, himala umayaw ka ah" "Nakkasawa din kasi yun Ju. Jusko, tsaka parang sasabog na ako kapag di ko to nalabas e" sabi niya. "Oh dali, saken mo ikwento." Huminga siya ng malalim bago nagkwento. "Nakikipag ayos kasi si mama at papa saken." Panimula niya. Naubos na niya yung halo halo na kinakain niya. "Ayaw mo ba nun?" "Ngek, hello Ju. Alam mo naman yung storya ko diba? Tapos ano? Bigla lang sila makikipag ayos na parang walang nangyari?" "Matty, pamlya mo pa rin yang mga yan. Sooner or later, kailangan mong makipag ayos, bakit di mo subukan ngayon?" "Well, ayoko Ju. Ayoko."   Matigas din ulo netong lalaking to eh. "Eh kung ayaw mo at yun nararamdman mo, bakit mo pa ko kailangan?" Sabi ko. "Wala lang, gusto ko lang kasi sayo ko sabihin to. Since di naman nakikinig si Maddie" sabi niya.   Inakbayan ko naman siya para damayan. Alam ko kailangan niya yun eh. "Buti na lang talaga may Julian akong bestfriend hehe. Salamat nandiyan ka" sabi niya.   + Tumayo ako para magimpake na ng gamit ko para bukas. "Saan ka pupunta Ju?" "Bukas na gusto ni Laurence na mag Zambales kami eh" sabi ko. "Ay ganun? Hmmm, sige uuwi na lang pala ako" "Sus, nagdrama pa ahha dito ka na matulog. Alam kong gusto mo yun." Sabi ko. "Hahahahha, kilala mo na talaga ako Ju haha Salamat!"   "Wala yun hehe. Kahit umiiwas ka na saken" sabi ko.   "Hahaha, halata mo bang umiiwas ako?"tanong niya. Nag indian sit siya sa kama ko. Ganun din ginawa ko at magkatapat kaming dalawa. "Oo, ng korny mo nga eh, may pag iwas ka pang nalalaman!" "Ehhh, paano nagseselos ako sainyong dalawa ni Laurence!" Natahimik ako sa sinabi niya. Nagseselos siya?!   "Palagi na kasi kayong dalawang magkasama eh"   Oh sht. Seryoso siya ngayon! "Di lang siguro ako sanay na may nagpapasaya na sayong iba. Tapos di pa kita naaasar, parang ang laki laki ng nagbago" sabi niya pa. Sht, ano to Matteo? Bakit ganyan na naman sinasabi mo?!! "Minsan naiisip ko nga kung nahalikan ka na ni Laurence eh" sabi niya.   Napatingin siya saken sandali. "Nagkiss na ba kayo?" Tanong niya. "Ahhh eh. Hndi pa, kiniss niya lang ako sa noo at pisngi" sabi ko. "Wala pa sa lips?"   "Wala pa Matty" sabi ko. "Ahhh buti nman hehe, baka di ko kayanin" sabi niya pa. Sht, ano ba tong sinasabi ni Matteo. "What if kaya kung niligawan kita no?" OMG nagsisimula na naman siya sa mga tanong niya at salitang paasa. "Hahaha wag ka ngang assuming diyan, akala mo naman sasagutin kita" biro ko sakanya sabay tawa ng mahaba. Pero di siya tumatawa. Ang seryoso ng itsura niya na nakatingin saken. "Seryoso ako Julian" Na Julianzoned na naman ako, ibig sabihin seryoso nga siya. "Matty ano ba yang tinatanong mo" "Sagutin mo, kapag ba niligawan kita sasagutin mo ko?" Sht, seryoso nga siya!   "Julian, ano? Sumagot ka!" "Ano bang problema mo Matteo!" "Julian ano ba! Manhid ka ba o ano? Di mo ba napapansin? Mahal Kita!!!" Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. Sht, ano tong pinagsasasabi ni Matteo. Bakit niya sinasabi to ngayon. Alam niyang kami ni Laurence. "Julian ano, sumagot ka!" Imbis na sumagot ako, tumayo para makalayo pero hinawakan niya yung kamay ko at hinila niya ako.   Napahiga ako sa kama at pumatong siya sken.   Hawak niya yung dalawang kamay ko na nakalapat sa kama. Ang bigat ng katawan niya, wala akong kalaban laban. "Matteo ano ba tong ginagawa mo!" "Julian sumagot ka please. Sabihin mo lang na mahal mo rin ako, gagawin ko lahat para mapasaya ka lang!" Fvxk, halos maluha luha si Matteo na nakatingin saken. Di na ako lumalaban, basta magkatitigan lang kami ngayon. Di pa rin ako makasagot sakanya. Basta magkatitigan lang kami. Parang ayaw kong lumaban skanya. "Hahalikan kita Julian, kapag pumalag ka, ibig sbihin ayaw mo saken. Pero kapag di ka pumalag, mahal mo ko" sabi niya. Pumikit lang siya at dahan dahan niyang nilapit yung mukha niya saken.   OMG!!!! Anong gagawin ko. Kinakabahan ako. Pero parang gusto ko rin, pero mali to. Mali to, sobrang mali. Si Laurence! Kaso di ako makapalag. Ayan na.   Sobrang lapit na.   Ramdam ko na paghinga niya bibig ko. Fvck. Sht. Ayan na. Wala na akong nagawa. Dumikit na yung labi niya saken. Tanginaaaa. Ang sarap. Ang lambot. Ang basa. Ganito pala pakiramdam. Grabe, sobrang nakakaadik. Pinilit kong alisin pagkakahawak niya sa kamay ko para hawakan yung mukha niya. Nagpaubaya naman siya sa ginawa ko. Halos lamutakin ko yung mukha niya sa sobrang sarap ng labi ni Matteo. Naramdaman kong parang pinapasok niya yung dila niya sa loob ng bibig ko. "Uhm, Matteo!" Sabi ko.   "Julian" "Ahhh, Matteo" "Julian"             "Ju!!!!!!!! Ju!!" Minulat ko mga mata ko, tapos ginigising ako ni Matteo. "Jusko Ju ano na? Binabangungot ka ba? Kanina ka pa nagsasalita diyan!" Sabi ni Matteo. "Ha?"   "Ano ba yan Ju, kinakabahan ako sayo! Kanina ka pa nagsasalita habang tulog!" Sabi pa ni Matteo. Bumangon ako ng naguguluhan. "Alasyete na Ju" sabi niya. Sht oo nga!!! Ang liwanag na. "Nakapag impake na ba ako?" Tanong ko sakanya. "Huh? Saan ka naman pupunta?" Sht, so panaginip lang lahat? Maya maya tumatawag si Laurence sa phone ko.   Masyadong mabilis mga pangyayari. "Hello babe?" Sabi ko. "Ready ka na ba babe? Ppunta na ako diyan sainyo" sabi ni Laurence. "Ahh sige babe, see you" "Sige sige. I love you" sabi niya sabay baba ng tawag. Naguguluhan pa rin ako. Feeling ko totoo yung mga pangyayari. "Matty, anong oras ako natulog kagabi?" Tanong ko.   "Eh, nakatulog ka na habang nagkekwento ako sayo about sa bahay ehehe. Mukhang pagod na pagod ka eh. Kaya hinayaan na lang kita" sabi niya pa. So lahat ng yun..... Panaginip lang. Panaginip lang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD