"May pagtatalo daw si Matteo at Kennard kanina ah? Haha nag sapakan ba?" Tanong saken ni Laurence.
Nakahiga ako sa kama niya habang siya naman nagbibihis ng pambahay na damit.
"Oo babe, grabe. Iba yung tinginan ng mga mata nila eh" sabi ko.
"Haha, eh kasi patay na patay talaga yun si Kennard kay Maddie, tapos nameet pa niya yung boyfriend nun. Talagang magagalit yun"
"Ehh wala naman kasalanan si Matteo ah"
"Sus, babe. Hayaan mo na sila, haha problema na nila yun..." bigla siyang tumabi saken at parang inaamoy niya yung leeg ko.
"Babe, nakikiliti ako"
"Hehe, talaga? Ehh paano kung ganito..." fvck, hinahalikan niya ako sa leeg. Napakasarap sa pakiramdam.
"Uhm, babe" medyo napapaungol ako.
"Gusto mo ba?" Tanong niya saken.
Fvck, niyayaya niya ba ako? OMG, parang di pa ako ready.
"Babe...."
"Uhm. Sige na babe, dadahan dahanin ko lang" bulong niya saken.
Sht, nasasarapan ako sa ginagawa niyang paghalik saken, di ako makasagot sakanya.
Gusto kong sabihin na ayoko kasi yung katawan ko gumugusto.
"Baka kasi masakit babe" sabi ko.
"Hindi talaga yan babe, promise. Tsaka, I'll make to you. Romantic s*x ika nga"
Tumigil na siya sa paghalik tapos humarap saken.
Nakangiti siya habang nakatingin saken.
Bigla niya akong hinalikan sa mga labi ko.
Sobrang lambot.
Sobrang sarap.
Dahan dahan, hanggang sa maramdaman kong parang nababasa na ng laway.
Hinawakan niya yung ulo ko at kinokontrol yung halikan namen.
Ang sarap talaga ng lasa ni Laurence, sobrang nakakadala.
Parang umuungol din siya ng bahagya habang hinahalikan ako.
Ang sarap sa pandinig nun.
Maya maya, nararamdaman kong parang may tumutusok sa bandang hita ko at nagulat ako ng malaman kong...,
Fvck, ang laki talaga, nararamdaman ko sa hita ko.
"Uhm babe, wait!" Tulak ko sakanya
"Bakit babe?"
"Parang ayoko pa babe"
"Ha? Bakit naman babe?"
"Ehhh, basta. Natatakot ako babe, tsaka tignan mo. Di special, naka uniform pa ako, tapos ikaw naka shorts at sando lang."
Parang nalungkot naman siya sa sinabi ko kaya napahiga siya sa kama.
Nakaka bothered pa rin yung naka bukol sa kanya, nakatihaya kasi siya.
"Babe, galit ka?" Tanong ko sakanya.
"No no, babe." Pero sa tono niya, parang nagtatampo siya or what.
"Ehhhh. Di pa kasi ako ready"
"Naiintindihan ko babe" tangi niyang sagot.
Parang ang awkward tuloy ng feeling sa kama ngayon.
"Babe." Yakap ko sakanya.
Buti na lang gumanti rin siya ng yakap.
Di naman siya nagsasalita, basta nakayakap lang siya saken.
Ang bango bango pa niya at ang init init sa pakiramdam.
"Hatid na kita babe?" Bulong niya saken.
"Uhm sige po, ikaw bahala"
Bigla na lang siyang tumayo at nagbihis ng pantalon at TShirt.
Bumangon na rin ako sa kama at nag ayos.
Ang awkward talaga ng feeling ko ngayon kaya di na lang muna ako nagsalita, hanggang sa pagbaba namen at pagsakay sa sasakyan, di kami nag usap ni Laurence.
++++
"Bakit ka napatuwag Ju?" Sagot ni Matteo. Nakadapa kasi ako sa kama ko at kakatapos ko lang maligo.
"Parang magkaaway kasi kami ni Laurence eh" sabi ko.
"Ohhh bakit? Ano nangyari?" Ramdam ko yung pag aalala ng boses niya.
"Uhm, medyo nakakahiya ehhh"
"Sus, pabebe ka pa. Bakit ka pa tumawag kung di mo sasabihin???" Sabi niya.
"Ang suplado mo naman!"
"Arte mo kasi Ju! Sabihin mo na!"
"Aba, wag na nga, tse. Bahala ka diyan"
"Ahahhaha uy joke lang binibiro ka lang ahaha, dali na Ju, kwento mo na"
"Promise, wag kang tatawa?" Sabi ko sakanya.
"Oo, promise. Dali, nakahiga na ako ngayon."
Huminga muna ako ng malalim.
"Kasi ganito yun, muntikan na kaming mag ano kanina...."
"Mag ano?"
"Ano ka kinder? Basta ano, yung ano..."
"Putek naman Ju, ano nga?!"
"Mag s*x!"
Natahimik lang siya sa sinabi ko.
Di ko alam kung tumatawa siya ng malakas o talagang di siya nagsasalita.
"Hoy, nandiyan ka pa?" Tanong ko.
"Ayyy oo, hahahahha. Oh?? So di ka na virgin?"
"Nakikinig ka ba? Hindi nga natuloy. Muntikan lang" sabi ko.
"Ohhh, eh ano problema mo?"
"Wala, parang nagalit siya nung tumanggi ako. Kasi nandun na eh, tapos bigla akong umayaw" sabi ko.
"Alam mo Ju, okay lang yan. Kilala kita, pabebe ka eh pero dapat kaya niyang maghintay kung kailan ka ready" sabi niya.
"Pabebe talaga?"
"Oo kaya, jusko. Pero siguro kung tayo rin dalawa, di naman kita pipilitin"
Ha? Kung kaming dalawa??
"Ehhh buti na lang hindi tayo, ang hirap kaya ng walang s*x no!hahaha" bigla niyang bawi.
Buti na lang medyo nakakayanan ko na yung mga paganyan ni Matteo.
"Pero masakit kaya yun?" Tanong ko sakanya.
"Ayy oo masakit yun Ju. Haha nako, wag mo ng subukan. Mamaya di ka na makatae hahahaah"
"Hoy nakakadiri naman yang sinasabi mo!"
"Tatanong tanong ka tapos ano, nako. Basta masakit yun, wag mo na gawin!"
Natatakot naman ako sa sinabi ni Matteo. Masakit daw, medyo naniniwala ako kasi may alam na siya eh.
"Haha pero alam Ju, okay lang yan. Wag mo muna ibigay bataan mo. Okay? Precious yan. Dapat special!" Sabi niya pa.
Natawa ako sa sinabi niya, at the same time natahimik din ako bigla. Di ko alam kung bakit.
"Andiyan ka pa ba?" Medyo malumanay pagkakasabi niya, ang hot ng boses niya.
"Uhm, oo"
"Ano ng ginagawa mo diyan ngayon?" Again, sobrang malumanay, yung akala mo nagliligawan kami dahil ganun yung boses niya.
"Nakahiga lang, nakayakap sa unan ko. Ikaw?"
"Hmmm, ganun din hehe. Bakit di ka pa natutulog diyan?"
"Hindi ako makatulog kapag naaalala ko yung itsura ni Laurence eh, parang nadisappoint kasi siya eh"
"Ahhh..,.. hmmm. Ju, may tatanong lanh ako sayo ah"
"Oh sige, ano yun? Bakit parang ang seryoso mo bigla?"
"Hehe, wala lang. Hmmmm. Mahal mo na talaga si Laurence no?" Tanong niya.
Di ko alam bakit bigla niyang natanong yun, medyo naguluhan lang ako.
"Ah, oo naman. Mahal na Mahal ko talaga si Laurence promise." Sabi ko.
"Hehe, naniniwala ako, may promise eh"
"Teka, bakit ba ganyan ka kaseryoso? May problema ka na naman ba?"
"Hindi, wala Ju. Medyo maingay lang sa baba pero kaya naman tiisin hehe"
"Sugal na naman?" Tanong ko.
"Oo eh hehe"
Kaya pala ganun na lang si Matteo. Naaawa talaga ako sakanya, di ko naman alam kung anong gagawin ko.
"Sige na Ju, matutulog na ako" paalam niya.
"Teka" sabi ko.
Di ko alam kung bakit bigla kong gustong tanungin yung tinanong niya saken.
"Bakit?"
Pinipigilan ko sarili ko pero bigla ko nalang nasabi.
"Mahal mo ba si Maddie?"
Tumahimik lang siya bigla, at may moment of silence.
"Oo naman Ju, mahal na mahal din. Kahit papano, napapasaya na niya ako" kwento niya pa.
Kung sinabi niya saken yan noon na patay na patay ako sakanya, sigurado nagwala na ako sa iyak sa sakit.
Pero ngayon, parang wala na.
"Good to know, hehe. Sige na Matty, Goodnight!"
"Sige Juju, Goodnight. Mwa mwa."
Binaba na namen pareho yung tawag, nagtext naman ng goodnight message si Laurence para saken.
"Hi babe. Goodnight! Sorry kanina ha? Sana di ka mailang saken. Kaya ko naman maghintay eh hehe. Pero ngayon, hahalikan kita ng hahalikan kasi di ako magsasawa sa labi mo hehe. I love you babe, super duper. I'll wait for your goodnight message bago ako matulog to know that we're okay. "
Akala ko talaga hindi na siya okay, buti na lang nagtext siya ng ganito. Kaya nagsend din ako ng message sakanya.
"Sorry din kanina babe, sana maintindihan mo. I love you too so much, kung alam mo lang po. Di rin ako magsasawa sa lips mong malambot at basa basa hehe. I love you, please sleep na! "
Niyakap ko yung phone ko habang naiisip ko si Laurence, grabe kinikilig ako kapag naaalala kong nagkikiss kaming dalawa.
++++
"Te, naiirita na naman ako sayo ah, bati bati na naman kayo ng Matteo ko!" Sabi ni Jerick, magkasama kasi kaming dalawa sa room, bigla na lang tumabi, wala pa kasi si Matteo.
"Haha, sorry na"
"Keme lang haha medyo natanggap ko na rin Te, haha. Pero penge naman pictures niya na topless, jusko be, ang sarap sarap talaga!"
"Haha, syempre mas masarap si Matteo te!"
"Dun ako sa boyfriend ko no, Laurence ako" sabi ko
"Basta ako team Matteo all the way kaya wag kang ano diyan haha"
Nagtawanan na lang kaming dalawa sa pinagtatalunan namen.
"Julian!" Sabi ni Greco sa isip ko. Eto kami, nag uusap na dalawa sa isip.
"Greco" sabi ko naman sa isip niya.
"Sht kaya mo na rin makipagusap sa isip!!! Nice congrats!"
"Haha oo, oh bakit pala?"
"Wala, wala kasi akong kasama eh. Ayoko naman lumapit sayo diyan"
"Hehe, gusto mo ba lumapit ako?"
"Oo, may sasabihin kasi ako sayo"
Sa isip lang kami nag uusap kaya di aware si Jerick na magkausap kami.
"Uy Jerick, punta lang ako kay Greco ah"
"Ay te, isa pa yang masarap na yan!"
"Ahaha tigilan mo nga, hehe sige"
"Oy te, saglit lang. Pinapaalala ni maam ah, yung Ilocos tour niyo, bago mag pasko yun!"
Muntikan ko ng makalimutan yung Ilocos!
"Oo nga pala, sige salamat sa paalala" sabi ko.
Tumayo na siya at bumalik sa upuan niya, ako naman lumapit kay Greco.
"Anong level mo na?" Tanong niya saken.
"Level 5 palang hehe"
"Wow, okay na yan. Hehe. Nakita mo na ba yung libro mo?" Tanong niya.
"Anong meron?"
"Nako ka talaga, check mo kasi regularly yan. May sobrang malaking announcement!!"
"Ano naman yun?"
"Tignan mo na lang, ewan ko kung matutuwa ka basta ako excited na ako!" Sabi niya.
Naiwan ko kasi yung libro ko kaya di ko matignan ngayon.
"Ohh and by the way, may nakilala rin akong may gift. Haha at ang cool ng gift niya!" Biglang sabi ni Greco.
"Ohh talaga? Sino naman?"
"Secret, haha. Naglihim ka eh, secret din saken"
"Haha ang daya mo, pero ano na lang yung gift niya?" Tanong ko.
"Hmmmm, secret din haha. Kapag nagkita kami, sama kita minsan" sabi niya.
"Hehe, sige ako rin ako rin." Sabi ko.
Nakakaintriga yung nakilala ni Greco na may gift at mas nakakaintriga yung announcement sa libro. Ano naman kaya yun?
+++
Nagtext si Laurence saken na wala siyang load at sa Viber na lang daw kami mag chat.
"Babe, nasaan ka ngayon?" Chat niya saken.
"Papuntang tuhugan."
"You mean streetfoods? No babe. Wag ka kumain diyan, madumi yan!"
"Arte naman babe! "
"Huhu, please?"
Nakakaaasar, rich kid din kasi tong si Laurence eh.,
"Sino yan Ju?" Tanong ni Matteo sa gilid ko.
"Si Laurence, ayaw niya akong pakainin ng streetfood"
"Hahaha edi wag mo sabihin, jusko, parang streetfood lang eh!" Singit naman niya.
Chinat ko na uli si Laurence.
"Nasan ka ba babe?"
"Nasa bahay babe, kakatapos ko lang magbuhat" sabi niya.
"Ohhh? Edi ang macho mo na lalo babe? "
"Haha, oo babe. Para yummy ako at di mo ko iwan "
"Hala, di naman kita iiwan eh kahit chubby ka"
Kinikilig ako sa landian nameng dalawa.
"Ang taba ko na nga babe eh. Look.....

Halos di ko nakaya yung sinend niyang pic! Sobrang hot niya talaga!!!!!
Ang taba taba kasi ng pisngi niya kapag ngumingiti pero ang ganda ng katawan.
Sobrang sarap pang yakapin niyan.
"Babe naman, ang hot !!!!!!" Reply ko.
"Haha iyong iyo lahat yan babe, wag kang mag alala" sabi niya.
Para akong baliw na nakangiti habang kausap ko si Laurence.
"Babe, may sasabihin pala ako sayo" chat niya.
"Ano?"
"Promise mo muna di ka magagalit"
"Ano muna ginawa mo?"
"Promise ka muna "
"Depende yun! "
"Kasi si Kennard....."
Putek, mukhang di ko magugustuhan to ah.
"Anong meron sakanya?!!!"
"Nandito kasi siya babe"
"Ohh tapos?!"
"Tapos..,,"
"Sabihin mo na!!"
"Tapos palagi kong sinasabi sakanya na mahal na mahal kita. "
Yung inis ko napalitan ng ngiti. Putek, sobra akong kinikilig kay Laurence.
"Bwisit ka!!!!" pero pabebe lang yan, deep inside kinikilig ako.
"Ahahaha I love you too so much. Haha "
Sobrang sarap talaga mainlove, lalo na kapag ganito boyfriend mo.
"Hoy Ju, para kang baliw diyan nakangiti ngiti ka pa!" Saway ni Matteo saken.
"Hahaha, paepal to, panira moment!"
"Hahaha di ka na kakain kwek kwek?"
"Hindi na, baka magalit si Laurence eh"
"Ano ba yan. Ilibre mo na lang saken yung kakainin mo!" Sabi niya pa.
Sinamahan ko na lang siya kumain ng kwek kwek habang naglalandian kami ni Laurence sa chat.
+++++
Pag uwing pag uwi ko sa bahay, una kong chineck yung libro ko sa kwarto.
Di ko napansin na umiilaw pala siya.
Pagkakuha ko, may mga announcement nga.
"Congratulations, you are now level four!"
"Congratulations, you are now level five!"
About dun lang pala yun.
Pero nung nilipat ko yung page, may isa pang announcement.
"GREETINGS!
Kumpleto na ang bilang ng mga nakatanggap ng gift.
Dahil diyan, magkakaroon kayo ng "battle of the gifted!"
Ang battle of the gifted ay isang friendly fight ng mga taong may gift.
Ang makikipag participate ay makakatanggap ng points o ng mga points na maaaring makapagpataas ng level.
Kung nais sumali, maaari lang magsabi sa nagbigay ng inyong regalo at sasabihin nila sainyo ang lugar at petsa ng event na ito.
NOTE:
KUNG IKAW AY LEVEL 10 OR BELOW AT KAPAG NAG SIGN UP AY AUTOMATIC NA TATAAS ANG LEVEL MO NG ISANG BESES.
Thank you and have a nice day!"
Battle of the gifted?
Kailangan ko pa ba nun?
Pero mukhang exciting at mukhang okay.
Kumpleto na kami? Pero ilan kami? At sino sino naman kaya?