"Pupunta ka sa event?" Tanong saken ni Sarah, tinext ko kasi siya kung nasaan siya, gusto ko siya makita. Nasa may Malacañang kami ngayon, naglalakad lakad.
"I don't know. Kung battle yun, hello, ano naman gagawin natin dun? Babasahin mo nasa isip nila tapos ako iddrawing ko sila? Parang di para saten yun"
Sabagay may point siya, hindi naman siguro kami para dun. Pang defensive criteria lang kaming dalawa.
"Sayang naman kasi yun, sayang points, sayang level"
"Sayang nga, pero anong gagawin natin haha" sabi niya pa.
Mukhang ayaw niya talaga, pero gusto ko makausap si TB about dito.
"Di ko pa rin nadidiscover yung bagong gift ko Julian huhu. Tulungan mo naman ako"
"Ha? Eh paano? Di ka ba nagtry mag explore?"
"Hindi pa ehhh"
"Osige. Try natin ngayon." Sabi ko sakanya.
Naupo kami sa gilid, since safe naman dito sa may Malacañang at naka uniform naman kami, di kami pinapaalis ng guards.
"Drawing mo yang kalsada sa harapan natin" sabi ko sakanya.
Di naman siya nagdalawang isip na idrawing yun.
Sobrang effortless para sakanya yung mag drawing, ang galing galing din ni Sarah, siguro ang swerte ng magiging boyfriend neto.
"Ohhh ayan na, paano ko makokontrol yang kalsada aber?" Tanong niya.
"Hahaha, teka, hmmmm. Try mo ngayong sulatan yung nasa drawing mo" sabi ko.
Mukhang napaisip siya sa sinabi ko, marahil di pa niya nasusubukan yun,
Nagsulat lang siya ng isang heart sa gitna ng drawing niya tapos nagulat kaming dalawa ng biglang may na ddrawing na heart sa mismong kalsada!
"OMG JULIAN!!!"halos napasigaw siya sa nakita niya.
"Grabe!!! Ang ganda ng gift mo!"
"Waa, di ako makapaniwala"
Nilapitan namen yung drawing habang walang dumadaan na sasakyan.
Parehas na parehas yung kulay at yung pagkakadrawing sa libro, sa pagkaka drawing sa kalsada mismo.
"Grabe, ang galing talaga" sabi ko uli sakanya.
"Wow, sobrang..... wow. What if yung mukha mo Julian"sabi niya.
"Hoy, wag mong babuyin mukha ko!"
"Haha promise, hindi. Eto, may sketch na ako ng mukha mo"
"Hala!!"
"Hehe, sorry, freetime lang hehe"
Umupo uli kaming dalawa sa gilid at napansin kong naglagay siya ng bilog sa bandang pisngi ko.
Nararamdaman ko na lang na parang may gumuguhit sa mukha ko na pabilog.
"Omg, pwede siya Julian!!!"
Hinawakan ko yung pisngi ko at naramdaman kong parang may nakasulat nga.
"Ohh wait, tanggaling ko na" sabi niya.
Buti na lang naka pencil lang siya at nararamdaman ko ring nawawala yung sulat sa pisngi ko.
"OMG, pwede ka sa battle!!!"sabi ko.
Nagulat naman siya sa pag OMG ko.
"Anong sinasabi mo Julian?"
"I mean, pwede kang mag drawing ng maraming daga, or something panakot. Diba diba diba?"
Mukhang napaisip siya sa sinabi ko.
"Offensive ang gift mo Sarah"
"Talaga? Sht, oo nga!"
"Diba? Gosh, eh ako sure na pang defense lang, di ako makaka atake"
"No no no, that's the thing. Siguro you can help me!"
"Paano naman?" Tanong ko.
"Well, you can read our opponent's minds tapos you'll know their secrets, then icoconvert ko yun sa offense. OMG diba? I think unbeatable tayo nun!"
Medyo kinilabutan ako sa sinabi ni Sarah. Tama nga siya, pwede kaming magtulungan.
"Ohh oh oh, and sama natin si Gab. Kung tatlo tayo, you can read minds, I'll convert it to offense, then iffreeze ni Gab yung time. Boom! Sure win!!"
Grabe, ang gaganda ng suggestions ni Sarah, parang naeexcite tuloy ako sa mangyayari.
"Tara, mag sign up tayo Julian! Para mamaximize natin tong gift natin!"
"Tara tara!! Pero kailangan na natin magpalevel pa sa mga susunod na araw para magkaroon pa ako ng ibang gifts, at syempre ikaw din"
"Oo oo, gosh, sobrang excited ako!"
"Mas lalo na ako" sabi ko.
Ang bilis pa ng t***k ng puso ko ngayon.
Sobrang naeexite na ako sa battle.
+++++++++
Back to normal na ang klase. Busy na uli sa mga pinapagawa ng mga prof., wala na masyadong free time.
Pero yung pang aasar saken ni Matteo, di pa rin nawawala.
Naglalaro lang siya sa phone niya ng bigla kong narinig si Greco sa isip ko.
"Julian. Julian!" Kausap saken sa isip ni Greco habang naglelecture yung prof.
"Oyy" sagot ko rin sa isip niya.
Ang sarap kapag may kausap ka sa isip mo. Dati, naiisip ko lang to eh. Pwedeng pwede kapag may exam.
Kaso bawal gamitin sa masama ang kapangyarihan kaya binura ko na sa isip ko yun.
"Ano nabasa mo na ba yung announcement?" Sabi niya pa rin sa isip ko.
"Oo, last week pa no haha"
"Haha, di kasi kita nakakakwentuhan eh. So ano? Mag sign up ka ba?"
"Oo, gusto ko. Kaso di ko pa nakakausap nagbigay saken ehhh"
"Ganun ba? Naka sign up na ako kanina at ready na ako!"
"Aba competitive!"
"Dapat lang no, haha. Malaking regalo ang mananalo sa journey na to!"
Medyo natahimik na naman ako sa sinabi niya. Ano ba to, ang daming alam ni Greco.
"Ano naman yung regalo?"
"Nako ka Julian, kausapin ko na kasi yung taga bigay mo."
"Hmp, damot haha"
"Bawal kasi sabihin Julian haha!"
Di ko napapansin, nakatawa na pala ako habang kausap si Greco sa isip niya.
"Hoy ano na Ju, bakit ka natatawa diyan? Baliw ka na naman?"
"Ay, maglaro ka nga lang diyan"
"Sus, ewan ko sayo. Ano na? Malapit na birthday ko Ju! Ano regalo mo saken?" Tanong niya,
Buti na lang di masyadong mahigpit tong prof ko kahit nag iingay kaming dalawa.
"Ayyy oo nga pala!" Biro ko.
"Nakalimutan mo?"
"Hahaha sorry, oo. Wala pa akong nabibili" sabi ko.
Pero syempre meron na, di ko naman makakalimutan birthday neto.
"Ah sige"
Ay. Bigla na naman siyang tinopak.
Nagulat ako ng tumayo siya at lumipat ng upuan.
Hala nagalit nga siya!!
"Anong problema ni Matteo?" Sabi ni Greco sa isip ko.
"Ay ewan ko, biglang nag walk out"
Natapos yung klase namen ng di niya ako kinakausap.
Dahil ba sa biro ko?
Kaya pagkatapos na pagkatapos ng klase, nilapitan ko siya.
"Bakit may pag walk out ka?"
"De sige, hayaan mo okay lang"
"Haha, ang arti naman neto...."
"De sige na Julian." Shet, galit nga siya saken kasi tinawag niya akong Julian.
Lumabas na siya ng school na mukhang nagmamadali.
Hahabulin ko pa sana siya kaso napansin ko si Laurence sa labas ng room at hinihintay ako.
Dali dali niya akong niyakap nung makita niya ako.
"Good Afternoon babe. Lunch?" Tanong niya saken.
Tinignan ko kung nasaan na si Matteo pero di ko na siya makita.
"Uhm, sure" sabi ko.
Dumiretso na uli kami sa kotse niya.
"Sa bahay niyo tayo babe?" Tanong ko.
"Ay, gusto mo ba? Di ako nakabili ng pagkain babe"
"Ay eh saan tayo kakain?"
"Sa mall na babe"
"Bakit ba kasi ayaw mong kumain sa carinderia?"
"Haha no babe. Di masyadong malinis, atleast sa mall, masarap and comfy pa. Hehe"
Hirap din kapag rich kid boyfriend mo eh.
Pero masyado niya akong iniispoil. Minsan natutuwa ako minsan naman nahihiya na ako.
+
Pagkarating sa mall, sa Pizza Hut na kami nag lunch.
Hinintay lang namen yung order.
Siya naman, nakaakbay lang saken habang nagkekwento.
"Ikaw babe? Kumusta araw mo?"
Araw araw niya akong tinatanong ng ganito, natutuwa ako kasi nararamdaman kong may paki siya.
"Okay naman po,"
"Oh bakit parang hindi?"
Naalala ko kasi yung pagtatampo ni Matteo eh.
"Ah wala babe"
"Hmmmm. Meron talaga babe ehh, hmmmm, si Matteo ba?" Tanong niya.
Nagulat naman ako na bakit niya alam na si Matteo.
Di tuloy ako nakapagsalita at mukhang nahalata niya.
"So si Matteo nga?"
"Hindi babe, nagtampo lang saken, biniro ko kasi" sabi ko.
"Ehhh bakit ka naaapektuhan ng ganyan? Alam mo minsan, nagseselos na talaga ako sakanya" sabi niya pa.
Medyo seryoso pagkakasabi niya nun. Tinanggal pa niya pagkakaakbay saken.
"Hala babe, wala yun. Syempre nasanay lang ako na palagi kaming okay" paliwanag ko.
"Hmmm. Okay, I believe you babe. Pero ramdam ko naman na mas mahal mo si Matteo saken eh"
Sht, ano yung sinabi niya?!
"Babe?..." sabi ko.
"I mean, mas importante pa rin siya sayo. Na mas naaapektuhan ka sakanya, tignan mo, tampuhan lang yan oh pero nadadamay mood mo kapag kasama mo ako, edi malaki talaga impact niya sa buhay mo" paliwanag niya pa.
Medyo nahihiya tuloy ako. Naaawa rin kay Laurence.
"Julian, babe, alam mo mahal na mahal kita. Kahit na di ko maexplain nararamdaman ko kapag kasama kita, ang alam ko lang mahal na mahal kita."
"Hala babe, mahal din kita...."
"Alam ko yan babe. Pero siguro kailangan ko pa mag try harder para mas mahalin mo ko hehe"
Grabe, di ko maexplain yung nararamdaman ko.
Medyo guilty ako, palagi ko kasing sinasabi na wala na akong feelings kay Matteo, pero yung pag aalala ko sakanya at yung mood ko, parang nakadepende pa rin sakanya.
Pero eto si Laurence, wala namang ibang ginawa saken kundi pasayahin ako.
Dumating na yung inorder nameng pizza at lasagna.
"Sige, kain na tayo babe!" Sabi niya.
Pero ramdam ko na parang malungkot din si Laurence.
Alam ko may kailangan akong gawin kaya naman kumuha ako ng isang slice ng pizza at sinubuan ko siya.
"Uhm babe, bakit?" Tanong niya.
"Ehhh, basta kain ka lang oh dali" napangiti naman siya tapos kumagat din.
"Sarap diba?" Sabi ko pa.
"Yeap, pero mas masarap labi mo" bigla niya akong hinalikan sa labi ko ng mabilis.
"Mmmmmm. Sarap!" Sabi niya.
Natuwa naman ako sa ginawa ni Laurence.
Habang kumakain naman siya, bigla ko siyang niyakap sa gilid niya.
"Oh? Bakit ang clingy ng babe ko?" Tanong niya.
"Ehhh, kasi yung iniisip mo about kay Matteo...."
"Babe, promise. I totally understand. I know masyado kayong dependent sa isa't isa. At nung nililigawan kita, alam kong kasama sa package na may bestfriend kang lalaki, tanggap ko yan sa simula pa lang babe"
Di ko talaga alam kung bakit pa ako nag iisip ng ibang tao, eh si Laurence, sobrang perfect.
Gwapo na, tapos sobrang mapagmahal pa. At lalo na, gwapo uli.
"Babe." Tawag ko sakanya.
"Yes ?"
"Mahal na Mahal din kita. Sorry,"
"Wag ka magsorry babe, okay lang. Mahal din kita kaya nakakaya ko yan" sabi niya pa.
Mas lalo ko talagang minamahal tong si Laurence sa paglipas ng panahon. Parang wala na talagang hahanapin pa sakanya.
"Uhm, babe. Nga pala, gusto mo ba mameet si tita?" Tanong niya.
"Ohh, akala ko ba naiinis ka sakanya?"
"Wala, gusto ko lang makilala mo siya. Gusto ko rin makilala ka niya hehe. Okay lang ba?"
"Uhm, nakakahiya kasi babe"
"Hindi yan babe, tsaka di naman kita iiwan dun eh hehe. Ano babe?"
Mukhang gusto niya rin akong ipakilala sa tita niya. Tsaka, pinakilala ko naman siya sa bahay kaya dapat siguro okay lang na magpakilala ako sakanila.
"Osige babe" bigla kong sabi.
"Oh talaga? Yes. Sige, sunduin kita mamaya ah. Sabay na tayo" sabi niya.
"Ha?"
"Mamaya na agad?"
"Oo babe hehe. Nasa bahay daw siya eh. Ayoko sana umuwi eh kaso baka magalit ka. Kaya papakilala kita sakanya hehe. Para maging legal na rin tayo sa bahay"
Mukhang naeexcite si Laurence sa planong to, kita ko sa mukha niya.
Kaya pumayag na akong makipagkita sa tita niya.
+++++++
Pagdating namen sa bahay niya, mukhang wala pa yung tita niya kasi tanging mga katulong lang nila yung nandito.
Napansin ko rin si Kennard sa may sala na nanunuod ng TV.
"Uy pre!" Bati ni Laurence.
"Uy!"
Di uso damit dito kay Kennard eh, pero okay naman kasi maganda naman katawan niya.
"Nandito na ba si tita?" Tanong ni Laurence.
"Oo, nasa labas lang may kausap ata. Hi Julian" sabay tingin niya saken.
"Ah, hi" sagot ko.
"Sorry pala sa nangyari nung nakaraang linggo ah? Mainit lang talaga ulo ko nun. Kayo pa napaglabasan ko ng galit"
"Hehe ayos lang yun" sagot ko na lang kahit medyo di okay.
"Papakilala mo si na syota mo pre?" Tanong ni Kennard.
"Oo pre, para matahimik na si tita kakatanong kung sino ba si Julian"
"Nako, sige. Kapag nagkainitan, aalis na ako ah haha" biro ni Kennard.
Natakot naman ako sa sinabi niya.
Ganun kaya talagang nakakatakot yung tita niya?
Maya maya, may pumasok sa pinto galing sa may garden nila.
Medyo matangkad na babae, nakahills. Morena, pero pulang pula yung labi. Yung mata niya, sobrang pungay at oo, talagang nakakatakot. Parang kontrabida sa pelikula.
"Kennard, magdamit ka nga." Sabi nung babae. Natawa lang si Kennard at nagsuot siya ng damit.
Medyo kinakabahan ako sa paglapit nung babae samen ni Laurence, eto siguro yung tita niya.
"Laurence.... sino yang friend mo?" Sht, nakataas yung kilay ng tita niya, nakakatakot.
"Si Julian tita"
"Ohh, siya ba yun? Well... you look..,., hmmmm. Okay" sabi niya.
Napalunok ako ng laway sa sobrang tense, kinakabahan ako sa mangyayari, mukhang bad idea na gawin ko to ah.
"You look nice po" bigla kong sabi.
"Nice?!" Bigla niyang sinabi na kinagulat ko.
Di ba compliment yung sinabi ko?
"Nice? Nice lang?! How rude of you to say that" sabi niya pa.
Sht, sobrang nakakatakot talaga.
"Uhm tita, dun na lang muna kami sa kwarto ko" sabi ni Laurence.
"Go, just go!" Sabi niya pa.
Hawak hawak ni Laurence kamay ko habang paakyat kami sa kwarto niya.
Pagpasok na pagpasok, saka ako nakahinga ng maluwag.
Bigla naman akong niyakap ni Laurence ng mahigpit na mahigpit na nagpagaan ng pakiramdam ko.
"Babe, sorry about kay tita ah? Tsk, sana pala di ko na lang pinilit na ipakilala ka ngayon"
Di naman ako makapagsalita, natatakot pa rin ako. Ewan ko ba, parang killer kasi siya, maganda naman yung tita niya pero parang kontra bida talaga dating.
"Babe, okay ka lang?" Tanong niya.
"Ahhh, opo babe, okay na okay po" sabi ko.
"Promise?"
"Promise babe, hehe. Gusto ko lang ng tubig?" Sabi ko.
"Sige, kukuha ako sa baba, diyan ka lang ah?" Sabi niya pa.
Iniwan niya ako sa kwarto at naupo muna ako sa kama niya.
Nakakakaba talaga nangyari sa baba.
Sana pala binasa ko iniisip ng tita niya para malaman ko yung sasabihin ko sakanya.
Habang nag iisip, napansin ko na lang na may pumasok sa kwarto, pero hindi si Laurence yun.
Si Kennard.
Naka damit na siya at shorts pagpasok.
"Sorry, nagtatago rin ako sa tita niya haha." Biglang sabi ni Kennard.
"Hehe, nakakatakot nga eh"
"Okay lang naman yung tita niya, okay lang naman yun na nandito ako eh. Wag mo lang kausapin hehe" paliwanag ni Kennard.
Naupo siya sa may study table ni Laurence.
"Si Laurence?" Tanong ko.
"Nako may pinapapirmahan pa si tita sa baba sakanya"
Sht, gusto ko nandito siya sa tabi ko.
"Close na close kayo ni Laurence no?" Tanong ko sakanya.
"Ay nako, sobra! Haha. Palagi akong nandito sakanila eh, dito kasi libre lahat haha, pero childhood friend ko yan si Laurence, kasama si Lucas."
Fvck, Lucas. Yung ex boyfriend ni Laurence.
"Alam mo naman siguro yung issue kay Lucas no?" Sabi ni Kennard.
"Ayy, hindi pa. Ayaw kasi magkwento ni Laurence eh"
"Ahh ganun ba?" Sht, nakakabitin.
Gusto ko malaman yung kwento pero parang ayaw niya sabihin.
Sinusubukan ko naman na basahin nasa isip ni Kennard pero di ko mabasa nasa isip niya.
May gift din kaya tong si Kennard?
"Why are you staring at me like that?" Bigla niyang sabi.
"Ohhh, wala. Hehe, sinusubukan ko lang na basahin isip mo about dun kay Lucas" biro ko, pero di naman biro yun, ayun talaga ginagawa ko.
"Hahaha, better ask Laurence about that. Ayokong saken manggaling hehe" sabi niya.
Maya maya, nagulat naman ako ng biglang tumingin saken si Kennard kung paano ko siya tignan kanina.
"Bakit ganyan ka naman makatitig ngayon?" Tanong ko.
Di siya makapagsalita.
Yung reaksyon ng mukha niya eh katulad ng reaksyon ni Sarah nung nalaman niyang may gift ako.
Hindi kaya.....
"Wow, wow. 1st time kong maka encounter ng ganito" sabi ni Kennard.
Sht, mukhang meron nga siya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Hmmm, I know what I'm talking about Julian"
Dahil sa sinabi niyang yun, confirmed na may power nga din si Kennard.
"Trust me, ang dami kong tanong ngayon but I can't hahaha. Argh, uhm. Pupunta ka ba?" Tanong niya.
Pumasok sa isip ko yung event.
"Ahh... hmmm, ikaw ba?"
"Oo naman!"
"Hehe, ako rin" sagot ko.
Bawal namen pag usapan yung tungkol sa gift namen kaya ganun kami mag usap.
"See you there para malaman ko kung anong nagagawa mo hehe" sabi niya pa.
"See you din"
"Hehe, I can't wait" sabi pa ni Kennard.
Maya maya, narinig ko ng pumasok si Laurence sa kwarto na may dalang tubig.
"Eto na babe!" Sabi ni Laurence
Kinuha ko lang yung inabot niyang tubig pero nakatingin pa rin ako kay Kennard.
Totoo ngang may gift din si Kennard, pero ano kaya yun?