Part 25

3145 Words
Ang dami na nameng natulungan ni Sarah kakalakad sa mall. Since dalawa kaming nagpapalevel, dalawa kaming nadadagdagan ng points. "Level 8 na ba tayo?" Tanong ko kay Sarah. "Oo Julian. Level 8 na ako! Grabe! Ang saya!" "Haha, oo nga kaso medyo nakakapagod" Parang ang sakit din sa ulo ng ginagawa namen. Lalo na saken, gamit na gamit kasi talaga yung utak ko. "Sobra. Akala ko ako lang eh, kain muna tayo uli?" Yaya niya. "Osige tara" sagot ko. Habang naglalakad kami, iniisip ko pa rin yung kay Kennard. Ano kayang gift meron siya? "Alam mo Julian, sana mabasa ko naiisip mo. Hehe parati kang natulala eh" sabi ni Sarah. Sa foodcourt lang kami kumakain na dalawa. "Oo hehe. Naiisip ko kasi yung sinabi sa announcement na 'kumpleto na tayo', ano kayang ibig sabihin nun? Ilan na kaya tayo?" "Hmm, naisip ko rin yan eh kaso mas naiisip ko talaga kung paano tayo naging special na dalawa, at may isa pa. Yung illusionist" Totoo yun. Ano kayang kinalaman namen, bakit kami special. At siguro, napakalakas kung sino man yung illusionist na yun. "Well, as long na magkakampi tayo Sarah, feeling ko walang tatalo sateng dalawa" sabi ko sakanya. "True that! Hehe" sagot niya. Busy ako sa pagkain, ng bigla akong tanungin ni Sarah. "Uy, Julian. Di ka ba nagtataka about kay Matteo? I mean, di gumagana gift mo sakanya, sa tingin mo meron din siyang gift?" Palagi kong iniisip yun pero di ko sure. Mas gusto ko na lang isipin na may gift siya, kesa isipin ko na may malaking kinalaman siya sa future ko. "Or what if, siya yung forever mo. Remember? Di talaga eepekto gift mo sa taong may kinalaman sa future mo?" Sabi niya pa. "Hmmmm. Adik, bestfriend ko lang yun" "Sus, bestfriend mo mukha mo. Siguro, bestfriend mo siya pero may gusto ka sakanya. Kaso iniiwasan mo siya kasi ayaw mong masira friendship mo kaya pumayag kang magpaligaw sa iba, kaya sinagot mo yung iba. Pero ang totoo, si Matteo talaga gusto mo" Di ko alam kung saan nanggaling yung sinabi niyang yun. Pero di ako nakapagsalita. Medyo totoo yung part na yun pero natutunan ko namang mahalin si Laurence, in fact, mahal na mahal ko nga siya. "Ohhh, di ka makasagot! So totoo pala yun no?" Asar pa niya. "Oyy hindi ahhh, Iba si Laurence. Sobrang sweet, at wala siyang paki sa sasabihin ng iba kapag magkasama kami. Proud na proud pa siya saken. Ano pang hahanapin ko diba?" Ngumiti lang si Sarah at mukhang natuwa siya sa sinabi ko about kay Laurence. "Ay sabagay hehe. Pero infernes ah, di halata kay Laurence na ganun siya, ang taray!" "Haha, oo nga eh. Kaya nga, wala na akong hahanapin pang iba. Sobrang perfect ni Laurence na boyfriend. Sobrang sweet at sobrang proud saken" Nakakatuwa lang isipin na may mga katulad pa ni Laurence na handang magmahal na mga katulad ko. "AYY MAY IDEA AKO JULIAN!" halos mabilaukan ako sa bigla niyang pagsigaw. Napatingin din yung mga katabi namen. "Ano ba, bakit kailangan mong sumigaw!" Sagot ko. "Sorry sorry. Pero may idea ako, diba kapag hinawakan ng isang may gift yung libro natin, magagamit natin kapangyarihan natin sakanila?" "Oo, tapos?" "Bakit di mo subukang ipahawak kina Matteo o Laurence yan! Oh diba?" Shet, napaisip ako ng bahagya dun. Bakit di ko naisip yun. "Atleast malalaman mo kung may gift sila o wala. Diba diba?" Pahabol pa niya. Di ako makasalita sa sinasabi niya. Bakit ba hindi ko naisip yun? Tama. Ayun nga gagawin ko!! ++++ Pagkauwi ko sa bahay, as usual. Nagluluto si mama at mukhang kakarating lang ni papa. "Ohhh, nandito na pala siya, ako na kakausap sakanya" narinig kong sabi ni papa pagpasok ko. Pagka bless ko kay papa, inakbayan niya ako at dumiretso kami sa sala. "Oh, bakit parang ang seryoso mo pa?" Tanong ko. Nakauniform pa ako't lahat lahat. Nakasuot pa nga bag ko eh. "Anak, may sasabihin kami sayo ng mama mo" hala, nakakatakot naman yung pagiging seryoso ni papa. "Hala, bakit naman ganyan kaseryoso pa?" Pero di siya sumagot, ang seryoso talaga niya. "Nasabi mo na ba?" Narinig kong sigaw ni mama na palapit samen. "Oh bakit ganyan ka kaseryoso?" Pahabol pa ni mama. "Eh si papa kasi, mukhang sira, ang seryoso!" Sagot ko. "Hahahaha, binibiro lang kita anak. Hahhaa masyado ka namang seryoso eh!" Biglang sabi ni papa. Nababaliw na naman yung pamilya ko. Lalo na tong si papa. "Nako ikaw talaga...." biglang lumapit si mama saken "galing kasi rito si Matteo kanina anak" sabi pa ni mama. "Ayy, bakit daw po?" "Eh sabi niya kasi nagtatampuhan kayong dalawa kaya di ka niya kinakausap, pinapaalala niya lang daw yung lakad niyo ng kuya niya?" Sabi ni mama. Oo, uuwi pala Kuya niya. "Ahh oo naman Ma. Alam ko yun" sagot ko. "Ahh sige sige" bumalik na si mama sa kusina tapos si papa naman yung nang asar uli. "Hahaha, ayos ba acting ko Julian?" Tanong ni papa saken. "Nakakainis ka Pa haha" "Haha, alam mo anak, kung di mo sinabing boyfriend mo si Laurence, iisipin ko, kayong dalawa ni Matteo" biglang sabi ni papa. Medyo bumalik siya sa pagiging seryoso nung sinabi niya yun. "Ay, di po... nasanay na lang kami na ganun po" sagot ko na lang. "Ahhh okay okay. Hmmm. Pero bakit nga ba hindi naging kayo?" Tanong uli ni papa "Hindi naman po kami nagligawan eh" "Ahh so ikaw lang may gusto sakanya anak?" "Po??" "Haha, wag ako anak. Alam ko mga tinginan mo kay Matteo noon lalo na kapag nandito siya sa bahay" Shet, parehas sila ni mama na nakapansin about kay Matteo. "Eh...." "Hehe, ayos lang yan anak. Bata ka pa naman. At saka ayoko ang yung lalandi ka ano? May boyfriend ka na tapos may gusto ka pang iba" sabi ni papa. "Hala, opo naman!" "Good Good. Gusto ko kasi si Laurence para sayo. Mukhang mabait at mukhang mahal ka talaga." "Hehe, alam ko po" "Sige na anak. Magbihis ka na at ang bao mo na! Haha" ayan, bumalik na naman si papa sa kabaliwan niya.     Niyakap ko lang siya ng mabilis at umakyat na ako sa kwarto ko. ++ Di pa rin ako pinapansin ni Matteo sa school, grabe naman kasi talaga magtampo tong lalaking to. Pero magkatabi kami ngayon sa room habang naghihintay ng prof.   "Grabe ka magtampo ah! Di mo pa rin ko pinapansin!" Sabi ko sakanya. "De, busy lang ako" pero ang cold niya. Kaya kinulit ko siya ng kinulit hanggang sa pansinin niya ako pero ayaw pa rin. Pipisilin ko yung pisngi niya pero di pa rin niya ako kakausapin. "Papansinin na niya ako!" Sabi ko sakanya. Pero wala pa rin. Tinakpan ko yung ilong niya hanggang sa di siya makahinga, pero napansin kong sa bibig naman siya humihinga. Kaya tinakpan ko rin bibig niya.   "Kakausapin mo na ba ako?" Sabi ko. Umiling lang siya. "Edi di ko to tatanggalin" sabi ko. Natatawa tawa pa ako, pero nung tumagal, namumula na siya at unti unting pumipikit. Dali dali kong tinanggal yung kamay ko sakanya at bigla siyang huminga ng napakalalim. "Uyyy ayos ka lang??? Sorry na. Pansinin mo na kasi ako" sabi ko naman. Pero di pa rin siya sumasagot.   "Ano ba kasing problema mo? Bigla bigla kang di mamamansin diyan?! Bahala ka na nga!" Medyo nainis na kasi ako sakanya. Kaya naman, tumungo na lang ako. Pero bigla naman niya akong kinalabit. Tinignan ko siya pero nag mamaang maangan siyang di niya ako kinalabit. "Nagpapapansin ka pa!!" Inis kong sabi tapos tumungo ako uli. Maya maya, kinalabit na naman niya ako ng maraming beses, this time, nahuli ko siya pero nagpapanggap pa siyang di siya yun.   "Ikaw yun! Nakita ko!" Sabi ko. "Oh, bakit di ka umilag?" Kinkausap na niya ako at nakikipagbiruan pero di ko alam kung tooo na. "Ewan ko sayo talaga!" Nagkibit balikat nalag ako sa upuan ko. Tinitignan ko siya sa pwesto niya pero nakatingin lang siya sa unahan. Wala naman siyang exact na tinitignan. Pero nahuli ko siyang nakatingin saken tapos umiwas nung nakita niya akong nakatingin sakanya. "Aha! Huli kita!" Sabi ko. "Ano na naman sinasabi mo diyan?" "Ano ba kasing problema mo? Bakit di mo ko kinakausap???" Sabi ko. "Kinakalimutan mo na kasi birthday ko, dati rati naman hindi" "Hala, joke lang yun syempre. May regalo na nga ako sayo eh. Tapos nag iinarte ka pa!" "Woooo, talaga?" Mukhang umokay na siya ng mga panahong yun. "Oo nga promise" sabi ko. "Hmmmm, sige, pinapansin na kita!" Nakakatawa yung pagkakasabi niya ng ganun. "Haha, kanina mo pa naman ako pinapansin!" "Edi i will un-pansin you!" "Hhahhaahahha un-pansin? Pauso ka na naman!" "Nako, may natutunan ka na naman saken!" Nakakatawa kasi pinipigilan niyang ngumiti. Yung gustong lumabas ng ngipin niya sa ngiti pero pinipigilan niya.   Ang cute ni Matteo kapag ganito. "Oh bati na tayo ah?" Sabi ko sabay abot ng kamay ko. Tumingin siya saken tapos inabot kamay ko at nagkamay kami. "Okay!" Tangi niya lang sagot. "Talagang nagalit ka saken dahil biniro kita???" Tanong ko saknya.   "Hehe baliw, syempre hindi. May problema lang din ako nun" Tinignan ko siya at hinintay kung magkekwento siya. "Tinatamad daw kasi si Kuya umuwi nung biniro mo ko dahil kina mama at papa, tapos kagabi sabi niya uuwi na talaga siya. Tapos ngayon naman sabi niya baka di daw siya makauwi" Kapag pamilya talaga pinaguusapan, mahina si Matteo at sobrang lungkot. "Wala na naman akong kasama sa birthday ko nun" sabi niya.   "Ayy, diyan naman ako magagalit. Ano sa tingin mo ako? Di kita sasamahan?" Natahimik siya at napatingin uli saken. "Promise?" Tanong niya. "Promise! Kaya wag ka na malungkot diyan!" "Hehe, okay sabi mo yan ah?" Ngumiti na uli siya at mukhang okay na siya. "Pero Ju namiss kita hhaha" sngit niya.   "Parang dalawang araw lang tayong di nag usap?"  "Aba, syempre, feeling ko ang tagal tagal na nun haha" "Hehe, ikaw kasi di namansin" "Di mo ba ako namiss???" Tanong niya saken. Tatawa sana ako pero mukhang seryoso siya. "Hmm. Namiss" sagot ko. Bigla siyang ngumiti habang nkatingin sa mga labi ko. "Buti naman hehe" sagot niya na lang. Sakto naman, dumating na si Sir kaya di na kami nagkwentuhan.     ++++ Habang hinihintay ko si Laurence sa McDo, nagulat ako ng biglang lumapit saken yung guard. "Uhm sir, bawal po yung bag sa ibabaw ng lamesa" sabi niya.   "Ha?!"   "Bawal po, pwede pong pakibaba na lang?" "Ayyy, seryoso ka kuya?!!" "Ahaha easy lang Julian, binibiro lang kita. Ako to, si TB!" pakilala niya. "Bwisit naman, bakit ganyan porma mo?" "Ehhh kasi eto naisip ko eh haha...." tumabi siya saken. "bakit mo ko tinatawag?" "Huh? Di naman kita tinatawag ah?" "Ayy hindi ba? Osige aalis na pala ako" tumayo siya pero pinigilan ko siya. "Teka, teka, teka." Sbi ko. Naupo na uli siya. "About sa tournament....." panimula ko. "Ohh yes! Akala ko di mo na ako tatanungin about diyan eh, hehe. So sasali ka ba?" Tanong niya. "Oo sana." "Ayy good. Dati nung panahon ko, sumali rin ako sa tournament na yan!"   "Hmmmm. Mahirap ba dun?" "Hmmm, medyo hindi naman, siguro yung final stage lang yung mahirap" "Final Stage?" Tanong ko. "Yeap, nahahati kasi yan sa 3 stages. Una, yung screening. Kung paano mo gagamitin yung powers mo sa gitna ng pressure. Actually, maraming bumabagsak diyan eh" "Woah, so may bumabagsak dito" "Aba oo naman! Battle of the gifted nga yan diba? Syempre matira matibay" "Ahhhh. Eh yung stage 2?" "Ayan naman yung by pair. May iaassign sayong makkasama mo, ofcourse may gift din, tapos sabay niyong tatapusn yung pinapagawa sainyo" "Ayy, sana si Sarah yung kapartner ko!" Sabi ko. "Random yun, kaya wag ka ng umasa." "Sayang naman" "At sympre, yung stage 3. Lahat ng pumasa sa stage 1 at 2, ilalagay kayo sa isang special place para magpatayan kayo!" "HA?! p*****n AGAD,!" Di ko maiwasang mapasigaw sa sinabi ni TB. "Eskandaloso siya oh, syempre joke lang yun haha! Mag lalaban kayo dun gamit gift niyo, advantage talaga ang mataas ang level dun kaya wag mo ng hintayin na dun ka maglevel!"   "Hmmmm. Gnun pala yun" sabi ko na lang.   "Yeap! At least dun mamemeet mo na lahat ng may gift. At balita ko, halos lahat estudyante! Lablab talaga" ang weird kausap ng guard ng McDo tapos ganun magsalita. "Haha, oo nga. Atleast marami akong kakilala na" "Oo alam ko nga. Napansin ko hehe. At saka level 8 ka na pala ah! Nice, so nagagamit mo naman ba yung gift mo ng tama?" "Yes naman TB hehe" "Good good. So..., mag sisign up ka ba? Sabihin mo na saken para maready ko na yun papers mo!" "Matagal ba yung proseso?"   "Nope, baka 3 days lang haha. Tsaka hanggang January 1 pa naman yung last regstration kaya wag ka mag alala. Kalagitnaan alang ng November!" Sabagay, marami pang oras pero parang di na rin ako makapaghinatay sa battle. "Oo sasama ako!" Sabi ko sakanya. "Good, magppakita ako uli in 3 days ah? Sa ngayon, aalis na muna ako" sabi niya. "Pero ang dami ko ang tanong"   "Parating na si Laurence, kaya sa susunod na lang Julian hano? Hehe. Sige, bye!" Sakto naman napansin ko si Laurence na palapit saken. Nagdaanan lang silang dalawa ni TB. Pagkalapit ni Laurence saken, niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. "Umorder ka na babe?"  Tanong niya saken. Okay, so ang gwapo ng boyfriend ko today! Grabe, parang ibang iba yung aura niya. "Ohh? Bakit ganyan ka makatingin saken?" Tanong niya habang nakangiti. "Ang gwapo gwapo mo kasi ngayon!" "Ay, ngayon lang ba?"   "Syempre, every day pero iba talaga aura mo ngayon ehhh" sabi ko sakanya. "Obvious ba ako?" "Huh? Ano ibig mong sabihin?"   "Hehe, may bibigay kasi ako sayo later" sabi niya. "Ehhh ano yun?" "Basta hehe mamaya po. So, order muna tayo?" Sabi niya. "Sige po" sabi ko naman. Di talagang nakakasawa yung tinginan ni Laurence. ++ Sinusubuan niya ko ng fries habang naglalaro ako sa phone niya. Salita ako ng salita, pero di ko namamalayan na nakatingin na pala siya saken.   "Uhm, bakit ganyan ka makatingin saken babe??" Sabi ko sakanya. "Wala lang hehe. Sige maglaro ka lang diyan" sabi niya. Pero nahihiya na ako. "Ehhh, nakakainis naman to bakit kaya siya tumigil.... sige na, ang sarap mo kasing pagmasdan" sabi niya pa. Gwapo? Oo. Sweet? Oo. Mapagmahal? Oo.   Palagi niyang sinasabi na mahal niya ako? Oo. Ano pa bang hahanapin ko sa iba. Sobrang swerte ko kay Laurence. "To be honest babe, ngayon lang ako nainlove ng ganito. Hehe, sobrang patay na patay ako sayo" Nakakatuwa talaga lahat ng sinasabi ni Laurence saken. "Please, sabihin mo naman saken na mahal mo rin ako?" Sabi niya. Binitawan ko yung phone niya tapos hinawakan ko mga kamay niya.   Nasa McDo pa rin kami at wala namang paki yung mga tao samen. "Babe, mahal na mahal kita. First kita sa lahat. First kiss, first relationship, lahat yan babe." "Ayoko lang kasi one day marealize mo na iba pala yung mahal mo. Kasi ako mahal na mahal na kita." Shet, tagos sa puso talaga lahat ng sinasabi ni Laurence ngayon.   "Promise babe, ikaw lang talaga. Mahal na Mahal kita" sabi ko ng harapan sakanya para ramdam na ramdam niya. Parang kami lang yung tao sa McDo kasi ang touchy talaga namen.   Pagkatapos namen kumain, dumiretso kami sa kotse niya. Pero pagbukas ko ng pinto sa harapan, may nakalagay dun na box na nakabalot ng kulay blue na pambalot. Pumasok na si Laurence sa kotse.   Kinuha niya yung box at pinapasok niya ako sa kotse niya. "Halika babe" yaya niya saken. Pagkaupo ko, bigla niya akong sinunggaban ng halik. Sobrang damang dama ko talaga yung halik ni Laurence saken. Ang sarap sa pakiramdam. "This is my lola's necklace. Bago siya mamatay, ang sabi niya saken, "ibigay mo to sa taong sa tingin mo ay yung makkatuluyan mo na hanggang dulo" Binuksan niya yung box at pinakita yung napakagandang necklace na white gold tapos may diamond na pendant. "Hala babe...." di niya ako pinatapos magsalita. "Babe, please. Di naman ako papasok sa isang relasyon kung di naman pang matagalan diba?"   Grabe, kitang kita ko talaga sa mata niya na mahal na mahal niya ako. "Natatakot ako baka mawala ko..." "Di mo yan mawawala babe kung iingatan mo hehe. Symbol yan ng pagmamahal ko sayo." Niyakap niya ako at naramdaman kong sinusuot niya yung necklace saken. "Ayan, isang importanteng bagay para saken, nasayo na. Kaya wag mong iisipin na di kita mahal ah? Kasi imposible yun babe. Sobrang imposible" Naiiyak naman ako kay Laurence, lalo na sa mga efforts niya para saken. "Wala naman akong mabibigay na katumbas neto" sabi ko. "Isang kiss lang, sobra sobra pang katumbas ng kwintas na yan yung isang kiss mo babe" Corny pero sobrang sweet. Ganito siguro kapag inlove talaga, mapapangiti ka sa mga maliliit na bagay na sinasabi niya. Hinawakan ko na yung matabang pisngi niya at hinalikan ko siya. Niyakap ko siya ng mahigpit nun at bumulong ng "I love you" Mahigpit na yakap lang naman yung ganti niya saken. +++++++++ Nasa kwarto ako ngayon at nandito na naman si Matteo. Palagi na lang siyang lumilitaw. "Aba, ang ganda naman ng necklace mo Ju!" Sabi niya saken. "Ano ba yan, nakakagulat ka naman eh!" "Hehe, sorry. Dito lang ako matutulog, okay lang ba?" "Magkaaway na namn kayo sainyo?" Tanong ko. Umoo lang siya.   "Hmmm, sorry" sagot ko. "Hehe. Okay lang, so sino nagbigay niyan?" Tanong ni Matteo. "Ahhh, si Laurence. Hehe, sabi niya symbol of love niya daw saken hehe" Lumapit siya ng mabuti para makita yung necklace. Hinawakan niya yung pendant at namangha.    "Totoong diamond to Ju?" Tanong niya. "Oo daw hehe. Ang ganda no?" "Wow, siguradong mamahalin to!!!" "Hehe, sinabi mo pa. Kaya nga di ko to huhubarin eh, ayokong mawala hhe" sabi ko pa. Magkatabi kami ni Matteo sa kama ngayon. "Wait lang, ngayon ko lang napansin, may nunal ka palang maliit sa gilid ng labi mo" sabi niya saken habang tinitignan nga yung labi ko.   "Ahhh, eh.. oo hehe" sagot ko naman. Fvck, ang lapit ng mukha namen sa isa't isa, ano ba to!! "Hmmm. Well, I'm happy for you Ju. Mukhang kayo na talaga ni Laurence" sabi niya saken. Ngayon, medyo lumayo na yung mukha niya saken. "Hehe, oo nga eh. Mukhang seryoso na....."   Pero di niya pinatapos sasabihin ko, bigla niya akong hinalikan ng madiin sa labi ko. Sa sobrang gulat ko, natulak ko siya. "Ma....matty, anong ginagawa mo?!" Sabi ko. "Di ko alam Ju. Naguguluhan na ako!" Sabi niya. Fvck, hinalikan ako ni Matteo! Ang lambot din ng labi niya. Ano ba to, ang bilis ng t***k ng puso ko. Nakayuko lang siya at mukhang pinagsisisihan yung ginawa niya. Samantalang ako, nakatayo sa gilid niya at nagulat pa rin. Bigla naman siyang tumingin saken at medyo naiiyak. "Ang sakit Ju, ang sakit. Sana ako na lanh si Laurence Ju. Sana ako na lang nagpapasaya sayo," halos naiiyak na naman si Matteo. Fvck Sht Ano ba tong sinasabi niya. "Mahal kita Ju" sabi niya pa saken. Bakit ramdam na ramdam ko yun? Yung sakit niya. Yung emosyon. Damang dama ko talaga. Tumayo siya at dahan dahan na lumapit saken. "Julian.... isang kiss na lang uli, tapos ako na yung lalayo" Halos mabato ako sa kinatatayuan ko nun pero wala akong magawa. Hinawakan niya uli yung mukha ko at dahan dahan niyang nilapit mukha niya saken. "I love you" mahina niyang sabi pero rinig na rinig ko at naramdaman ko na lang na nagdikit na naman labi namen. At bigla na lang namulat yung mga mata ko. Nakahiga ako at nakakumot. Nanaginip na naman ba ako? Nag adjust yung mata ko sa liwanag tapos nakita kong palabas si Matteo sa CR ko. "Ay sorry, nagising ba kita Ju?" Tanong niya. Nakauniform na siya at ready na papasok. "Uhm, kanina ka pa ba?" Ayun ung natanong ko. "Kakarating ko lang din Ju. Gigisingin na sana kita kaso ang sarap ng tulog mo eh" sabi niya. Bakit ganun? Ramdam na ramdm ko yung panaginip ko. "Okay ka lang ba Ju? May problema ba?" Tanong niya sabay lapit sken. Hinawakan niya ako kung mainit ako. "Wala ka namang sakit. Okay ka lang ba talaga?" Tanong niya uli. Pero mas napapansin ko labi niya ngayon, mapula at sobrang kissable. Napakagat labi tuloy ko. "Wala. Walang problema hehe" sagot ko na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD