Part 26

2625 Words
"Hoy, okay ka lang ba talaga? Bakit wala ka sa sarili mo Ju?" Naglalakad na kami ni Matteo papunta sa sakayan, pero naiisip ko pa rin yung panaginip ko tungkol sakanya. Ramdam na ramdam ko talaga eh, hindi naman yun yung gusto ko. Oo, di yun yung gusto ko. Teka, hindi nga ba? Sht. Hindi, focus. Laurence remember? Binigyan ka na niya ng kwintas, mahal mo siya Julian at dapat wala kang nararamdamang iba kay Matteo. Tapos na yung feelings mo sakanya. Oo, tapos na. Moved on ka na, may Laurence ka na. Happy happy na. "Nako ka talaga Ju, minsan ang weird mo!" Sabi pa ni Matteo. Iniba ko na lang yung topic kaagad para naman di siya magtaka. "Teka, nasaan na ba yung sasakyan niyo?" Tanong ko sakanya. "Ah, nasa bahay pa. Pero mukhang di na magagamit yun. Ayoko na, hehe. Naalala mo ba nung ginamit natin yun papuntang Pampanga? Parang ayun na yung last time na ginamit ko yun" kwento niya. At bigla akong napaisip. Sht!!! Pumunta nga kami ng Pampanga noon, sinamahan niya akong pumunta sa Kubo kung saan ko nakuha yung gift ko at syempre, alam ko, NAHAWAKAN NIYA YUNG LIBRO KO NOON. "Oh. Sht!!" Bigla kong sabi. "Oyyy bakit!" Nagulat siya. Tama! Nahawakan ni Matteo yung libro sa Kubo. Siya pa nga unang nakakita nung libro, at siya pa yung nag abot saken nun. Kaya dapat, kung may kapangyarihan siya, mababasa ko na nasa isip niya. Hinawakan ko tuloy mukha niya na halos mapipi na yun. Tinignan ko siya sa mata ng mabuti at sinubukang basahin nasa isip niya. Pero wala... Wala talaga... "Ju, pucha naman ang weird mo eh!" Halos di siya makasalita dahil hawak ko pisngi niya at halos nakanguso na yung mga labi niya saken. Naalala ko na naman yung panaginip ko, argh. Yung labi ni Matteo, sobrang pula. Kapag mestiso talaga tapos mapula yung labi, sobrang nakaka attract eh. "Sorry Matty" sabi ko tapos naglakad na kami pareho. Palaisipan talaga saken kung bakit hindi ko mabasa iniisip ni Matteo, tsaka ni Laurence. Siguro, wala talaga silang gift katulad ko. Siguro, may purpose silang dalawa. Oh sht, baka kapatid ko sila?! Ay teka teka, masyado naman atang OA yun. O kaya, galing sila sa future tapos binabantayan nila ako?! Ay teka, mas lalong OA naman yun. Imposible. O kaya naman baka silang dalawa yung magkakatuluyan tapos ginamit lang nila akong tulay sa pag mamahalan nila!! Ay grabe, parang hindi naman siguro. Kung ano ano na tumatakbo sa isip ko, nababaliw na ako. Gusto ko na malaman naiisip ni Matteo at Laurence. ".... kaya ayun, dapat di ka na nag iisip ng kung ano ano" narinig kong sabi ni Matteo. Sht, kanina pa pala siya nagsasalita, di ko man lang napapansin. "Ha?" Sabi ko. "Hay nako, wala ka sa ulirat kausap ngayon Ju. Mag eearphone na nga lang ako!" Mukhang naiirita na siya sa kakaisip ko. Mabuti na yun para naman patuloy na pag iisip ko rito. Isa lang ang solusyon, kailangan ko na talagang magpalevel para malaman ko iniisip nila. ++++++ Tinext ko si Sarah na kung pwede kaming magpalevel today kaso busy daw siya kaya hindi siya pwede. "Babe, sino kausap mo?" Tanong saken ni Laurence, kumakain kaming tatlo nila Kennard sa restaurant sa SM. "Ah, si Sarah babe, remember?" Sagot ko. "Aba aba, babae pre! Nako, mag ingat ka, mamaya baka magbalik loob si Julian! Haha" singit naman ni Kennard. "Ayy, babe?" Biglang nagpasweet na naman si Laurence. Magkatabi kasi kami ni Laurence tapos katapat namen si Kennard. "Syempre hindi babe." Sabi ko sakanya sabay yakap sa gilid niya at halik sa may leeg niya. "Tsk, sana pala di ko kayo pinrovoke, ano ba yan uy! Kumakain ako rito!" Sabi ni Kennard. Tumawa na lang kaming dalawa ni Laurence. Medyo may pagka weird din tong si Kennard eh. Parang gusto ko malaman yung gift niya, para if ever, pwede ko siyang gawing kakampi. "Alam mo na ba yung nangyari kay Lucas?" Biglang sabi ni Kennard. Ewan ko pero may iba akong naramdaman nung sinabi niya yung pangalan ni Lucas. Ex kasi yun ni Laurence na halos di ko pa alam yung storya. Napansin ko namang tinignan lang ng masama ni Laurence si Kennard. "Ay sorry pre" biglang sabi ni Kennard. "Hehe, ano ba. Okay lang yun, hayaan niyo na. Ano ba meron?" Sabi ko na lang. "Eh kasi...." mukhang sinipa ni Laurence si Kennard. "Ako na magsasabi pre." Sabi na lang ni Laurence. Mukhang naging seryoso si Laurence nung mga oras na yun. Siguro nainis kay Kennard kaya hinawakan ko na lang kamay niya para mawala yung inis niya. Ngumiti na lang siya bilang sagot. Habang busy kami sa pagkaing tatlo, napansin kong may tumawag kay Laurence sa phone. "Uhm, wait babe. International call" sabi niya. "Wooo, baka si Lucas lang yan eh haha" biro ni Kennard. "Hahhaa loko. Babe, baka sila mama at papa to, sagutin ko lang ah?" Sabi niya sabay halik sa pisngi ko at tumayo palabas. May saglit na katahimikan sa pagitan namen ni Kennard pero pinutol niya yun. "Uhm, so alam ba ni Laurence about sayo?" Tanong ni Kennard. "Huh?" Siguro tinutukoy niya yung sa gift. "Well, ofcourse not kung hindi edi nawala sayo yun diba? Hehe, Damn, I really wanna know you!"  Again, siguro tinutukoy niya yung sa gift. Medyo curious din kasi ako about kay Kennard kaya gusto ko rin malaman gift niya. Since palagi ko namang dala yung libro ko, kinuha ko yun sa bag ko at pinakita sakanya. "Woah, woah, woah, wait!" Bigla niyang tinakpan yung mga mata niya. "Hahaha, okay lang makita!" Sabi ko. "Sure ka?" "Oo naman!" Tinignan niya uli yung libro ko. Nakatulala lang siya sa libro at mukhang nag iisip. "Hawakan mo" sabi ko.   "Ayoko nga! Mamaya kunin mo pa yung akin" "Hahaha hindi ganun, basta hawakan mo. Promise, walang mangyayari" sabi ko. Tumingin lang siya saken na parang nagdududa pero hinawakan niya pa rin yung libro. "Oh? Tapos?" Sabi niya. Ngayon ko pinasok yung isip niya. "So anong gift mo?" Tanong ko sa isip niya. Halos magulat siya sa ginawa ko. Natapon pa nga yung tubig sa gilid niya sa sobrang gulat. "Sht!!! Sht!!! Paano mo nagawa yun!" Excited niyang sabi. "Hehe, well, ayun gift ko" sabi ko. "What exactly is your gift?" Tanong niya. "Power to read minds" sabi ko. Mukhang nagulat siya sinabi ko lalo, napaka priceless ng reaksyon ni Kennard. Ang cute tapos gulat na gulat talaga. "Oh sht! Grabe, so ikaw yung pinakagifted sa lahat?" Bigla niyang sabi. Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Pinaka gifted? "Ha?" Yun na lang nasabi ko. "Oh, di mo alam? Well ang alam ko tatlo kayo. Power to read mind, power to control everything through drawing, and The Illusionist" Nabanggit na kasi saken to eh, pero bakit ako lang ata di nakakaalam neto. "Nasabi na saken yan noon, pero di ko pa rin ma gets" "Ohh, well you should ask the one who gave your gift hehe. Wow! Just wow, first time kong makakilala ng may gift, at yung pinaka da best pa!" Papuri niya. "Uy, tigilan mo, di ko alam isasagot sa compliment mo hehe" "Well, you can team up with me sa darating...... oh wait, paano pala natin napag uusapan to? I thought it's against the rules?"   "Someone told me na kapag pinahawak mo yung libro mo sa iba, then ayun, pwede na, magagamit mo na yung gift mo" sabi ko. "Ahhh I see, pero bakit black yung kulay ng iyo?" Tanong niya. "Huh? Bakit? Sayo ba?" "Red" "Ay, mukhang cool! Patingin ako" sabi ko. Mukhang dala niya ata yung libro niya, kinuha niya sa bag at pinakita saken. "Wow, mas maganda nga sayo!" Sabi ko. Iba kasi yung kanya, iba iba siguro design kapag iba yung gift, sakanya maraming details. "Hehe, e ikaw naman pinaka gifted" sabi niya pa. "Ano ba yang pinaka gifted na yan? Bakit palagi mong sinasabi?" "Ehhh totoo naman. Kaya nga saken ka sumama kapag tournament. Tandem tayo, perfect tandem tayo sigurado sure win tayo!" Medyo na curious tuloy ako sa kung ano ba yung gift ni Kennard. "Teka, ano ba yung gift mo?" Tanong ko. Pero bago siya makasagot, napansin kong palapit na si Laurence sa pwesto namen. "Mahirap iexplain verbally eh, next time sabihin ko sayo ha?" Sabi niya saken. "Ano yung mahirap iexplain?" Biglang sabi ni Laurence. "Ahaha secret pre, yung ano yun haahha" sabi naman ni Kennard. "Hala, bakit kayo nag uusap ng ganun?" Sabi ni Laurence, naupo na uli siya sa tabi ko. "Ano yun babe?" Tanong ko. "Hahahaha, wala yun Julian, wag mo ng pansinin" "Hmmm. Ano nga pinag uusapan niyo?" Pilit ni Laurence. "Bahala ka, ikaw magbigay ng palusot!" Sabi ko sa isip niya. Napakamot lang ng ulo si Kennard. "Si Lucas yun pre, tinanong lang ako ni Julian" sabi ni Kennard. Nandamay pa siya! "Nababasa mo naman nasa isip ko diba?haha oh ikaw na magbigay ng palusot diyan haha" sabi ni Kennard sa isip niya. Tumingin lang si Laurence saken. "Ahhh. Medyo curious lang ako babe, hehe gusto ko na kasi malaman about sa ex mo, di mo pa kinekwento saken eh" "Hehe, sige babe promise, ikekwento ko sayo!" Sabi niya. Hinalikan niya lang ako sa pisngi. "Sige babe, pag tayong dalawa na lang magakasama ikekwento ko sayo ha?" Sabi niya. Tumawa lang si Kennard sa tapat ko. "Oh, edi lusot na tayo haha" sabi niya sa isip niya. "Ohhh sino pala kausap mo babe?" Tanong ko. "Ahh oo, sila mama nga yung tumawag!" "Oh? Ano daw sabi?" "Malapit na daw silang umuwi". +++++ "Parang mababaliw na ako Matty! Di pa ako ready makilala parents ni Laurence!" Magkausap kami sa phone ni Matteo, parang di pa nag sisink in saken yung sinabi ni Laurence kanina. "Oh, sige, sabihin mo nga uli yung sinabi ni Laurence kanina" sabi ni Matteo. "Ang sabi niya, uuwi daw parents niya within this week at gusto niyang makilala daw nila ako" "Oh? Papakilala ka lang naman. Ikaw nga pinakilala mo siya sa inyo diba?" "Oo alam ko, pero syempre iba yung dito. Alam naman nila mama na ano ko. Malay ko ba kung katulad siya ng tita niya na suplada" "Ay napaka judgemental mo Ju hahhaa" "Eh tita niya nga ganun eh, paano pa kaya yung kapatid diba?" "Hahahhaha easy ka lang naman oy! Haha "Ehh kinakabahan ako, within this week daw kasi baka uuwi na. Paano na ako neto" "Nako, goodluck diyan basta yung Birthday ko, sa sabado na ah, dapat di ka mawala!" "Oh, saan ba tayo nun?" "Hmmm, kain na lang tayo sa labas Ju. Katulad ng dati" sabi niya. "Oo, sige, kasama ba si Maddie nun?" "Oo syempre, girlfriend ko yun haha" nakakatuwang isipin na proud na siya kay Maddie. Pero bumalik na naman sa isip ko yung panaginip ko. Kung paano ako halikan ni Matteo. Argh!! Eto na naman ako. No, no no. "Hoy Ju, may sasabihin pala ako sayo" sabi ni Matteo. "Oh?" "Napanaginipan pala kita kagabi" sabi niya. Shet, panaginip din. "Ohhh? Ano naman nangyari sa panaginip mo?"   "Haha first time ko nga mapanaginipan yun eh, hinalikan daw kita hahaha" Oh sht, parehas pa kami ng panaginip. Bakit ba bigla ko nalang maiisip yun! Nagkikiss kaming dalawa. Hindi, No talaga "Haha ang weird no? Haha" pahabol pa niya.   Ayoko sanang sabihin na parehas kami ng panaginip na dalawa pero bigla akong nadulas. "Napanaginipan din kita tapos nagkiss din tayo" sabi ko "Oh?" Ayun lang nasagot niya. Medyo natahimik naman kami pareho. Ewan ko, pero di ako mapakali sa higaan ko. "Ohh, ano naman feeling?" Tanong niya. Sht! Bakit nman ganyan tanong mo saken Matteo! "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. Ang seryoso ng boses namen pareho. "I mean, sa panaginip mo..... nagustuhan mo ba?" Sabi niya.   Parang mamamatay na ako sa mga tanungan ni Matteo! Bakit niya ginagawa to!!   "Hmm, sa panaginip ko kasi ikaw yung humahalik eh"   "Ahhh.... so nagustuhan mo nga yung halik ko?" Fvck. Ang higpit na ng hawak ko sa unan ko. Bakit ganito nararamdaman ko?   "Uhm. Medyo" sabi ko. "Ahhhh...." Awkward silence.   Please, mag change ka na ng topic. Please. "Ako rin" sabi niya. "Ha?anong ibig mong sabihin?"   "Nagustuhan ko ring halikan ka sa panaginip ko" Parang tumigil yung oras! Bakit ganito si Matteo. Akala ko okay na kaming dalawa? Pinapaasa na naman niya ako. Oh wait, bakit ako umaasa? Sht! Ang gulo sa pakiramdam. "Parang gusto ko ngang gawin ng totoo eh" pahabol pa niya. Parang gusto kong sumigaw ng sumigaw ng sumigaw. Sa kilig ba to? OMG di pwede!!! "Tigilan mo na nga ako sa kakaganyan mo!" Sabi ko sakanya. "No, seryoso ako Ju. Dati kaya naisip ko talagang halikan ka hehe, try lang. Ano kayang pakiramdam kapag nkahalik ako ng lalaki."   Oh sht. Ayoko na talaga ng ganitong topic. "Please, stop na." Sabi ko. "Oh, sorry sorry. Oo nga pala, taken ka na sorry Ju. Hehe"   Again sa awkward silence. "Ohh....." back to maingay na boses na uli siya ".... so balak mo pa rin makipagkita sa parents ni Laurence?" Buti na lang nag change topic na. "Sa tingin mo, okay lang ba? Di ba ako kahiya hiya?" "Ay, bakit ganyan ka naman mag isip? Hidi ah. Jusko kung tayong dalawa lang din, ipagsisigawan ko sa lahat na tayong dalawa haha." Okay, kalma Julian. Kalma. "Hehe salamat!" Sabi ko. "Haha kaya wag ka na mag isip diyan ano? Matulog ka na para maging okay ka na" sabi pa ni Matteo. "Tama ka, hehe ikaw matutulog ka na?" Tanong ko. "Oo, matutulog ka na eh"   Bakit ganito na naman si Matteo?! Di ko maintindihan. "Ahhh sige, sige, goodnight" sabi ko. "Goodnight Ju!" Sabi naman niya. +++++ Lumipas yung mga araw, pero di pa rin umuuwi yung parents ni Laurence.   Nakatambay kami sa garden nila Laurence, kasama namen si Kennard. Ngayon ko nalaman na sobrang close talaga nilang dalawa. Nag iinuman kaming tatlo at mukhang malakas na tama ni Laurence. "Iihi lang ako babe! Haha, dito ka lang.... wag kang aalis!" Palasing niyang sabi sabay pasok sa loob. Ako naman kasi hindi umiinom ng marami, yung tama lang. Si kennard naman mukhang malakas uminom. "Haha mahina talagang uminom yun si Laurence eh. Hehe, tignan mo, tulog na sa sofa yun haha" sabi pa ni Kennard.   "Hehe, iaakyat ko na lang siya sa kwarto mamaya" sabi ko pa. Medyo natahimik kami bigla nung nawala si Laurence. "Anong kwento ng gift mo Julian?" Bigla niyang tanong. "Ano??" "I mean, anong storya, paano mo nakuha. Kasi sabi saken binibigay tong gift na to saten kasi may purpose." Sabi niya. "Di ko maintindihan, ikaw muna magkwento ng iyo" Medyo mapula na si Kennard sa alak, at medyo nakapikit na siyang magsalita sa lasing "Hehe, siguro hindi mo na tatanungin pero ulila na ako Julian" panimula niya. May kurot sa puso yung pagkwento niya. "Namatay silang lahat sa sunog. Ako lang nabuhay samen"   Parang di niya kayang ikwento yung buong nangyari, kaya di ko na siya pinilit. "Wag mo ng ituloy, okay lang saken, fast forward mo na sa part na nakuha mo yung gift mo" sabi ko naman. Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa kwento. "Kasalanan ko kasi yun eh, naglaro ako ng apoy, eh hindi ko naman alam na di ko pala napatay, kaya ayun. Nasunog, walang natira." Medyo emosyonal siya ng mga oras nyun. "Hehe, sorry. Sa tuwing naaalala ko kasi naiiyak ako hehe..... so ayun, palagi kong sinisisi sarili ko nun, bata pa kasi ako nun, 10years old, pero hanggang ngayon naaalala ko pa. Kinupkop ako ng mga tita ko at sila nagpalaki saken" "Sorry" sabi ko na lang.   "Hayaan mo na nangyari na eh hehe.... tapos ayun, one time napadaan ako sa Quiapo nun, tapos may nasusunog ng bahay. Parang naaalala ko yung nangyari saken. Pero kasi nag iiyakan pa yung mga tao kasi may naiwan daw na bata sa loob......"   Di pa tapos kinekwento ni Kennard pero humahanga na ako sakanya.   "Alam ko yung feeling ng nawalan, kaya ewan ko, instinct lang, binuhusan ko yung katawan ko ng tubig tapos tumakbo sa loob ng bahay. Luckily, naligtas ko yung bata" sabi niya "Grabe!!!!! Nagugulat ka sa gift ko pero mas maganda yung sayo, may tapang ka at lakas ng loob!" "Hehe, salamat. Ewan ko rin kung pano ko nagawa yun, basta ang alam ko after nun May lumapit sakeng matandang lalaki at kinausap niya ako ng masinsinan" "Dun mo nakuha yung gift mo?"   "Yeap. Hehe, nung una, ayokong maniwala pero nung pinakita niya saken, wow!! Posible pala" "Eh ano bang gift mo pala? Di mo ba sinasabi saken?" "Fire Julian. Kaya kong kontrolin yung fire." Fvck. Offensive gift!!! "Diba? Ultimate defensive gift, plus ultimate offensive gift, sure win na tayong dalawa!" Sabi niya pa. "Haha, wow. Grabe, ang cool ng iyo!! Ako nga level 8 palang eh!" "Ahhh okay lang yan, palevel ka pa bago mag tournament!" "Hehe oo nga eh, anong level mo na ba?" Tanong ko. "Level 15 pa lang" Panibagong may gift na naman na mataas ang level ang nakilala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD