Part 27

3290 Words
"Hala babe, lagot ako neto kina mama at papa!" "Sorry babe, kasalanan ko to. Sabi ko iuuwi kita eh. Sorry, sorry" Pauwi na ako ngayon, hinahatid ako ni Laurence. Di ko rin kasi namalayan na umaga na pala, ang dami ng missed calls ni mama at papa saken. "Lagot talaga ako neto" sabi ko pa. "Babe, sorry talaga" paulit ulit niyang sabi. Medyo kinakabahan pa ako kasi first time lang ako naging ganito. Pero pag dating namen sa bahay, narinig kong tumatawa si mama at papa. Medyo na curious tuloy ako sa nangyayari, kasi kanina tawag sila ng tawag tapos ngayon, tawa naman sila ng tawa.   Pag silip ko sa sala, nagulat ako ng makita ko rin si Matteo. "Aba, sabi ko sainyo tita okay lang yan eh, baka nalasing lang kakainom haha" biglang sabi ni Matteo. "Hay nako Julian, kung di pumunta si Matteo rito baka di kita palabasin ng bahay tuwing weekends!" Sabi naman ni papa. "Hala tito, grounded?" Singit ni Matteo. "Oh diba, kunwari rich kami. Pa grounded grounded na lang hahahaha" sabi pa ni papa. At nagtawanan na naman silang tatlo. "Uhm, sorry po talaga, kasalanan ko po kung bakit di nakauwi si Julian, naparami po kasi inom ko, di ko na kinaya" paliwanag naman ni Laurence. "Nako, last na to Laurence ah? Ayokong inuumaga ng di nagpapaalam tong unica ija namen!" Sabi pa ni papa. Mag rereact sana ako sa unica ija kaso may kasalanan ako kaya kinimkim ko na lang. "Oh kumain na ba kayo?" Tanong naman ni mama. Nakakagulat yung biglang bait nila mama at papa saken, siguro dahil kay Matteo yun. Sabagay, malakas talaga magpasaya tong si Matteo. "Ah, hindi pa po" sabi ko na lang. "Oh kumain na kayo, at baka ma late pa kayo!" Sabi pa ni mama. Ang weird talaga ng nangyayari pero salamat na rin kay Matteo at naging okay sila. ++ "Oh? May utang ka saken Ju ah!" Sabi ni Matteo habang nasa sasakyan kaming tatlo papuntang school. "Ewan ko sayo!" Sagot ko na lang. "Oh bakit galit ka? Tinulungan na nga kita eh!" "Edi salamat!" "Ayy suplado!" Sumingit naman sa usapan si Laurence. "Pre, bakit ka pala nandun kina Julian ng ganon kaaga?" Tanong ni Laurence kay Matteo. "Eh kasi tawag ng tawag parents ni Juju saken, tapos pinapunta niya ako sakanila. Sobrang nag aalala kaya" paliwanag ni Matteo. "Tsk, dami ko kasing nainom kagabi eh" "Nako, dapat di ka umiinom ng marami kapag kasama mo tong si Julian. Baka di mo mabantayan" "Hehe oo nga pre eh. Tropa ko kasi eh, lakas uminom" "Nako, sa susunod ah?" "Haha, oo pre!" Buti naman in good terms yung dalawa. Nahihiya ako maging clingy kay Laurence kapag kasama si Matteo eh kaya behave ako sa kotse. +++++ Pagdating sa classroom, dali dali akong nilapitan ni Jerick at mukhang excited siya sa sasabihin niya. "Ay ate, yung sa Ilocos outreach program niyo daw sa next next week na. Bago mag Christmas pala yun!" Sabi kaagad ni Jerick. Nasa labas pa si Matteo, kausap si Maddie. "Akala ko nextyear pa yun?" "Hinahanap ka kasi kanina, tapos saken sinabi, kaasar, gusto ko nga ako kasama dun eh!" Sabi pa ni Jerick. "Ganun ba? Sige salamat!" "No prob sis, basta kay Matteo ah?" Pahabol pa niya.   "Matteo na naman?" "Matteo forever ako no!" "Haha, ang harot mo talaga!" "Nako, as if naman. Feeling ko pumapatol din yan, look mo oh, ang lagkit kaya ng tingin niya sayo!" Nagulat ako sa sinabi ni Jerick, so sinasabi niyang, may gusto saken si Matteo? "Nako siguro kung single ka talaga at nilandi mo si Matteo, papatulan ka niyan!" "Nako tigilan mo na nga ako sa kakaganyan mo!" "Haha keme lang te, sige na alis na ako" sabi niya pa. Napansin ko naman na pabalik na rin si Matteo sa tabi ko. ++ Magkasama kami ni Sarah ngayon at sabay na nagpapalevel.   Promise, mas maganda yung kapangyarihan ni Sarah. "Sabi ni JD saken, sobrang lakas daw talaga ng level 25 gift natin!" Sabi ni Sarah. Naka TIP Uniform siya at ako rin naka uniform, samantalang nakatambay naman kami sa may tapat ng City Hall kasi dito kami tutulong ng kapwa namen. "Sino si JD?" tanong ko. "Yung nagbigay saken, haha sabi kasi JD daw pangalan niya" "Ahhhh, okay okay. So ano yung level 25 gift mo?" "Wala siyang sinabi pero ang sabi talaga niya sobrang lakas, lalo na daw yung sayo. Grabe, excited na ako malaman yun" "Totoo nga eh, gusto ko na rin malaman yung saken!" "Well, tara, magpalevel na tayo, wala ka bang nakikitang kahina hinala?" Tanong niya. Ganun kasi kaming dalawa. Since, mas malawak na yung mind reading ko, mas nakikita ko na lahat ng mga gagawa ng masama. Tapos, sasabihin ko kay Sarah yung napansin ko, at iddrawing niya para makatulong kami. Same kami ng points na nakukuha, everytime na tumutulong kami. About naman sa powers ni Sarah, sobrang nakakabilib. Parang combination siya ng powers niya at powers ng iba. Like eto... May napansin akong lalaking kakaiba ang kilos, sinubukan kong tignan yung mga mata niya at nakita ko yung tinitignan niya. Yung bag ng babae sa harapan niya! Tinry ko naman tignan yung babae para makita rin nakikita niya, at shet, maraming pera sa bag niya!! "Sarah, ayun, yung lalaki na nakatingin sa bag ng babae, nanakawin niya yun!" Bigla kong sabi kay Sarah. Nakita ko naman si Sarah na nagmamadaling mag drawing. "Anong pangalan Julian?" Tanong niya Dahil level 7 powers ko ang malaman ang pangalan, edad ng tao. Ginamit ko yun para makatulong kay Sarah. "Ricardo Ramirez, 39, taga Sampaloc, June 28 birthday niya!" Dali dali kong sabi. Nag drawing lang kasi si Sarah ng picture ng lalaki sa notepad niya. Tapos nilagyan niya ng pangalan sa ilalim,at lahat ng info na binigay ko sakanya. "Okay na Julian! Hawak na natin si Pareng Ricardo!" Sabi ko naman. Nagulat si Kuya Ricardo dahil di siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Ganun kasi ginagawa ni Sarah, dinadrawingan niya na nakadikit sa sahig yung mga suspect namen kaya ganun nga nangyayari. Nakipag high five lang saken si Sarah. Trabaho ko naman ang pasukin ang isip ni Ricardo para kausapin siya. "Manong Ricardo, wag niyo ng ituloy binabalak niyo!" Sabi ko sa isip ni Kuya Ricardo. Medyo maraming tao dun kaya hinahanap niya yung boses na naririnig niya. "Sino ka?!" Sigaw ni Manong Ricardo. Nagtinginan naman yung mga katabi niya sakanya kasi wala naman siyang kausap pero sumisigaw siya. "Manong Ricardo, mapapahamak lang po kayo sa gagawin niyo kapag kinuha niyo yung pera ng babae!" "Puchaaaa. Sino ka?!!!" Sigaw uli niya. Sanay naman ako na ganito yung nagiging reaksyon kapag pumapasok ako sa isip ng isang tao. "Sarah, patahimikin mo na si manong" sabi ko. Ngumiti lang si Sarah at nag drawing siya na may takip sa bibig si Manong, kaya di siya makapagsalita. Nag drawing uli si Sarah at pinaupo si Manong Ricardo sa gilid at nilagyan niya na magigising lamang si Manong kapag nakaalis na yung babae na gusto niyang nakawan. Diba? Ang lakas ni Sarah. Para siyang deathnote pero sakanya, deathdraw. Super offensive gift! At after nameng gawin yun, napansin namen yung announcement sa libro nameng pareho na nagsasabing tumaas na yung level namen. "Nice!!! Level 9!" Sabi ko. "Oo nga! Congrats, grabe pahirapan na sa paglevel, pang lima na siya ngayong araw saka lang tayo naglevel up!" Pahirapan na pala talaga mag level. "Oo nga eh, tara kain na lang tayo uli!" Yaya ko. "Aba, routine na natin yun no haha tara sa SM" sabi ko. Masarap talaga ang kwentuhan kapag may powers din yung kausap mo tapos baliw baliw din. "Let's talk about Matteo naman Julian!" Bigla niyang singit. "Ano na naman meron sakanya?" "I find it weird na di gumagana yung powers ko sakanya eh. Di ka ba nabobother about dun?" Hindi naman ganun nararamdaman ko pero iniisip ko lang na baka malaki talaga factor niya sa buhay ko. "Hindi naman," "Well I bet may gift din talaga siya" "Wala talaga siya, promise!" "Well, di naman kasi pwedeng sabihin yung about dun, secret lang kaya di niya pwedeng sabihin sayo!" "Wala talaga Sarah, promise. Kasi nahawakan na niya yung book ko and yet di ko mabasa nasa isip niya, baka talaga may role lang siya sa future ko!" Sabi ko. "Or sa past? Baka may kailangan kang baguhin sa past kaya di mo mabasa nasa isip niya" bigla niyang sabi. "Ang kulit mo rin eh haha" "Ohh ohh ohh, oh kaya baka naman kailangan mo baguhin yung buhay niya!" Ang kulit talaga mag isip ni Sarah. "Ayyy Julian!!!! Baka nanggaling siya sa past tapos tatay mo pala siya!" "Ayyy, ang OA na niyan" sabi ko. "Hahaha, eto naman di na mabiro, o baka naman siya talaga forever mo?" Sabi niya. Parang ilang beses ko ng narinig yun pero napapatahimik talaga ako. Paano kaya kung forever ko talaga si Matteo? Paano naman si Laurence? Si Laurence ang mahal ko. Si Matteo mahal ko kasi kaibigan ko. Pero di ko naman makakaila na may maliit na pagtingin pa ako kay Matteo dahil sa mga pinapakita niya. "Oh baka naman magkapatid talaga kayo?" Napalalim na naman pag iisip ko, nagising lang ako sa sinabi ni Sarah. "Hahaha dami mong naiisip, tara na nga't kumain!" Sabi ko naman. Pero nagulat ako ng makita ko si Kennard na nakapila rin. Sa Greenwich kasi namen napagpasyahang kumain ni Sarah. "Uyy" kalabit ko sakanya. Napangiti din si Kennard nung mapansin niya ako. "Uyy Julian!" Sabi niya. "Hehe, lasing na lasing ka nung isang araw ah" sabi ko.   "Hehe, mas lasing kayo ni Laurence nun hehe" Para namang natulala si Kennard ng makita niya si Sarah na kasama ko. "Uhm, di mo man lang ba ako papakilala sa kaibigan mo?" Tanong ni Kennard. Aba, si Sarah mukhang kinikilig din. "Ahhh sorry, Kennard, si Sarah pala. Sarah, Kennard" pakilala ko. Nagkamayan silang pareho na tuwang tuwa. "Hi" sabi nila sa isa't isa. Iba yung tinginan nilang dalawa habang magkahawak kamay nila. Nakakatuwa lang at mukhang may sparks silang dalawa. "Ehem eheem." Papansin ko sakanilang dalawa. Gustong gusto nga sabihin sakanila na may powers din sila kaso baka ako ang mayari. "Sino ba kasama mo rito?" Tanong ko kay Kennard. "Ahh, mga tropa ko lang haha. Ako lanh umorder sakanila, kayong dalawa lang ba magkasama?" Tanong niya. "Oo, hehe kakatapos lang......" muntik ko ng masabi. "...namen mag gala ehhe" "Ganun ba?" Nagpaalam naman bigla si Sarah. "Hanap lang ako table Julian ah?" Sabi ni Sarah. "Sure, sige" sagot ko. "Uhm, baka mawala ka diyan hehe, samahan na kita" singit ni Kennard. Natawa na lang ako sa mga damoves ni Kennard at pinabayaan ko na lang silang dalawa. Pagka order ko, hinanap ko kaagad si Sarah at nakita ko siyang kasama si Kennard. Pagkaupong pagkaupo ko, halos sabay nila akong sigawan. "May gift din siya?!" Natawa ako sa mga reaksyon nilang dalawa. "Gosh, small world!" Sabi ni Sarah. "Hehe, alam niyo na ba gift ng isat isa?" Tanong ko sakanila. "Well, ang alam ako. For keeps tong si Sarah" sabi ni Kennard. Aba si babae, kilig na kilig. Pa cute din kasi tong si Kennard. "Ano ba, Kennard. Ang hot mo" biglang sabi ni Sarah. "Wow! Thank you!"   "I mean, literally, kasi may fire power ka eh." Biglang bawi ni Sarah na may pa dila effect pa. Grabe, ang sweet nila tignan. Pwede din sila. "Akala ko ba kasama mo mga tropa mo?" Tanong ko kay Kennard., "Hayaan mo na sila, binigay ko na yung number sa pagkain nila, balak ko na lang kunin yung number ni Sarah" banat pa ni Kennard. Aba, di ko maiwasang hindi kiligin sa kanilang dalawa. "Hehe, mamaya na. Nakakahiya kay Julian eh" pabebe din neto ni Sarah eh, buti na lang maganda siya. "Hehe sige sige," kita rin sa mga mata ni Kennard na kinikilig siya. Okay din pala to eh, atleast dalawa silang may gift at parehas pang cool yung gift nila. "Oh, Julian, bakit di mo pala kasama si Laurence?"bigla namang tanong ni Kennard. "Ahh, nagpalevel kasi kami ni Sarah eh" "Wow nice! Totoo bang mas mabilis kayong magpalevel?" Tanong ni Laurence. "Anong ibig mong sabihin? Jusko, naka lima nga kami kanina bago kami naglevel 9!" Sabi naman ni Sarah., "Wow, so totoo nga?" Sabi ni Kennard. "Ang alin? Ang tagal kaya!" Singit ko. "Ang alam ko kasi, para maglevel, kailangan mo makatulong equivalent sa number ng level mo. Example, sainyo, level 9 kayo, kailangan niyong maka 9 na tulong para mag level. Tapos kapag 10, kailangang maka 10... and so on" Wow, akalain mo yun, ang galing naman pala talaga. "Wow, ang dami mo namang alam!" Sabi ni Sarah na may halong pag flirt. Nakakatuwa talaga silang dalawa, naniniwala na ako sa love at first sight. "Hehe, oo. Palagi kasi kaming nagkikita ni TL" sabi ni Kennard. "TL?" "Eh, ayun daw itawag ko sa nagbigay saken ng gift eh hehe" ani pa ni Kennard. Nakakatuwa talaga, feeling ko abbreviation yang mga yan eh, kailangan ko lang malaman! "So, kilala niyo na ba yung illusionist?" Tanong ni Kennard samen. "Uhm, hindi pa eh" sabi namen ni Sarah. "Well, together with the 3 of you, walang makakatalo sainyo hehe. Sure win na kayo sa battle!" "Hindi pa naman, at saka mas mataas level mo, mas malakas ka" sabi ko. Ngumiti lang siya at naglabas ng lighter. Sinindihan niya yun at napansin kong pinaglalaruan niya. Ang cute!!! Gumawa siya ng shape na heart na apoy gamit yung apoy sa lighter tapos pinakita niya kay Sarah. "Kahit mataas yung level ko, hindi ko kayang mag create ng malaking apoy, not unless, merong malaking apoy sa harap ko pero as far as I know, hanggang dito lang kaya kong gawin" Natuwa naman si Sarah at hinawakan yung kamay ni Kennard. "Okay lang yan, ang cool pa rin sa paningin ko niyang powers mo" sabi niya kay Kennard. Naglalandian talaga silang dalawa sa harapan ko. "Pwede bang maglandian kayo kapag wala na ako sa harapan niyo?!" Sabi ko sa mga isip nila. Tumawa na lang silang dalawa, at dumating na yung pagkain namen. +++ 2 days na lang, at Birthday na ni Matteo. Susurprise ko sana siya sa bahay, magluluto ako kaso kasama pala si Maddie, at mukhang libre niya pa kaya di na lang. Bibigyan ko na lang siya ng gift na damit, nakabalot na to eh at ready to bigay na lang. Pero may mas gusto kong gawin ngayon. Gusto kong makausap si TB! Kaya tinawag ko siya gamit ang libro ko at hinintay ko siyang magpakita. Lumabas labas ako ng bahay at may nakita akong babae na buntis na naglalakad palapit saken. "Hoy TB!" Sigaw ko sakanya. Akala ko kasi si TB pero.... "Hoy leche ka wala akong TB! Buntis ako oh!" Sigaw saken ng babae na halatang nainis sa sinabi ko. "Ayyy sorry po. Sorry po" "Sorry ka diyan, magka TB ka sana leche!" Aba, galit si ate na umalis. Nag sorry na nga ako eh pero di ko na lang pinansin. Sa kakahintay ko kay TB sa labas ng bahay, napaupo muna ako sa tapat. Habang nag sisight seeing sa mga dumadaang sasakyan at nahuhulog na dahon sa mga puno, may napansin kong jogger na nadapa halos mismo sa tapat ng bahay namen.   Dali dali kong nilapitan si Kuya, aba may itsura siya. "Kuya okay lang po kayo?" Tanong ko. "HOPIA!!!Ako to si TB. hahahhaa" bigla niyang sabi. "Ayyy jusko, haha Anong HOPIA ka diyan!" "Sus, alam ko namang nainlove ka sa disguise ko haha" "Haha inlove na ako sa iba eh" sabi ko. "Kanino? Sa bestfriend mo? Haha!" Ang gwapo talaga ng disguise ni TB. Pawisan at hot , "Di ahhh. Kay Laurence!!" Sabi ko. "Ohhh, well. Bakit mo ko pinatawag??" Tanong niya "Ehhhh kasi gusto ko ng malaman about saken... sayo... ano ba tayo bakit parang ang lakas lakas ng tingin saten??" "Level 10 na ba?" Tanong niya. "Hindi pa pero..." "Sorry talaga Julian, kapag level 10 ka na talaga!"   Naglakad lakad naman kaming dalawa habang nagkekwentuhan., "Ang daya naman talaga huhu" "Ganun talaga Julian! So ayun lang ba?" Tanong niya "Oo sana kaso sayang naman ang puntos ko kapag pinaalis na kita kaagad!" "Ay jusko siya, o sige ano ba?!" "Eeehhh. Di ko kasi talaga mabasa iniisip ni Matteo at Laurence eh! Hindi kaya Illusionist sila at kaya nilang iblock yung naiisip ko?" Tanong ko. "Ay pwede naman yan. Kaso di naman gagana powers niyo sa isa't isa kapag di nahahawakan ang libro remember?" "Nahawakan na ni Matteo yung saken at wala pa rin akong magawa, si Laurence naman hindi pa" sabi ko. "Okay then punta tayo kina Laurence ngayon para matigil na yang kahibangan mo!" Sabi pa ni TB. "Kahibangan agad?" "Haha, joke lang, tara na!" Sinamahan niya ako papunta kina Laurence, medyo lumayo siya sa gate para di siya makita. "Babe?" Pagbukas saken ni Laurence. "Hi babe" sagot ko. Hinalikan niya ako sa noo at pisngi. "Bakit ka nandito babe? Halika pasok ka" "Hindi na babe, sandali lang hehe, may papakita lang ako" sabi ko at inabot ko sakanya yung libro. "Uhm, ano yan babe?" Sa reaksyon ng mukha niya, parang di niya talaga alam, "Hawakan mo nga babe" sabi ko. "Okay ka lang ba babe?"   "Hehe oo babe. Hawakan mo lang po" sabi ko. Sumunod naman siya at hinawakan saka ko siya tinignan sa mga mata niya at sinubukan kong basahin nasa isip niya. Pero...... Wala talaga. "Babe?"tawag niya. "Ahhh... ehh.... sorry babe hehe, sige sige. Alis na ako" paalam ko. "Hala babe, ayun lang yun?" Tanong niya. "Opo babe, dumaan lang talaga ako para makita ka" "Tara muna sa kwarto ko, gusto kita maka cuddle" Nakakatemp naman yung offer niya pero.... "Sorry babe, bukas na lang talaga hehe" "Huhu, dumayo ka lang talaga para ipahawak yan saken?"tanong niya. "Hehe, para nga makita ka babe. Nako, sige na. Matulog ka na diyan at baka marami ka pang kausap!" "Hala, naglalaro lang ako Xbox babe hehe." "Ahhh, nasa loob ba si Kennard?" "Yeap babe, pumasok ka na kasi!!" Pilit ni Laurence. "No talaga babe, I'm good. Sige na, kiss mo na ako"sabi ko sakanya. Ngumiti lang siya at hinalikan niya ako sa labi kahit nasa labas kami ng gate nila "Hmm. Weird mo babe hehe pero gusto ko yan!" Sabi niya habang nakayakap saken. "Hehe, I love you!" "I love you too so much babe!" Sabi naman niya. Naglakad na uli ako palayo at napansin kong dumikit saken si TB. "So, wala talaga?" Tanong niya. "Wala talaga eh" "Okay, now, si Matteo naman. Tara na!" Sabi niya. "Sa Cavite?!ang layo!" "Adik, nasa bahay niyo siya ngayon. Kakarating lang niya, diba parating nasa inyo yun?" "Ayyy alam mo yun?!!" "Haha oo naman! Ako pa." "I mean, na nasa bahay siya. Kasama ba sa gift yun?" Tanong ko. Ngumiti lang siya at mukhang proud. "Yes! Kaya magpalevel ka na kaagad haha" sabi niya pa. Habang naglalakad kami pauwi, na open ko sakanya si Kennard. "May nakita akong elementor, fire" sabi ko. Bigla siyang napahinto habang naglalakad...   "Nakilala.... mo na siya?" Tanong niya na parang seryoso. "Ahhh.... ehhh... oo, bakit? May problem ba?" "Wala... wala naman hehe. Sige hayaan mo na hehe, so ayun lang ba?" Tanong niya pa. May mali talaga about sa sinabi kong fire element eh. Ano kayang meron dun? Pero di ko na kinulit at mukhang ayaw niyang pag usapan namen. "Teka pala TB, naalala ko sabi mo iba't ibang gift kada user diba? Ehhh bakit kapareha ko si Greco ng gift?" Tanong ko. "Ohhh, hindi kayo magkapareha hehe. Trust me, I know!" "Pero kaya niyang isipin naiisip ko, halos parehas kami ng gift na dalawa, baka naman parehas kami" pagpipilit ko. "Iba iba yung gift ng mga tao. Maniwala ka saken Julian, nag iisa ka lang mind reading" paliwanag ni TB. Pero bakit magkapareha kaming dalawa?, Ang dami kong tanong ngayon, at bigla kong naisip si Matteo "Bakit ganun? Nahawakan na ni Matteo libro ko nun eh pero di ko pa rin mabasa nasa isip niya" sabi ko. "Baka kasi di ka pa aware na may gift ka nun? Diba nahawakan niya naman yung book, di mo pinahawak?" Sabi niya. OMG, kinikilabutan ako. Tama, hinawakan ni Matteo yun, hindi ko pinahawak. "So magkaiba yun? Ibang effect??" "Ofcourse. Kaya nga ipapahawak mo sa iba yung book, kasi you're letting them to know who you are. Pero kung hawak hawak lang ng di ka aware, aba di counted yun!" Paliwanag niya. Medyo kinikilabutan talaga ako. Feeling ko, malalaman ko na iniisip ni Matteo , Habang palapit na kami sa bahay at mabilis yung lakad, biglang may sinabi saken si TB. "Kausapin mo ko kapag level 10 ka na, at malalaman mo na lahat" sabi niya saken. Ang weird lang kasi pag lingon ko, wala na siya. Sanay na ako kay TB ng ganun, kaya dali dali akong pumunta sa bahay at nakita ko si Matteo na nakaupo sa tapat ng bahay namen. "Oh, Ju saan ka ba galing?" Tanong niya saken. Pero di ko siya pinansin at pinahawak ko uli yung libro ko sakanya "Ohhh, para saan naman to?" Sabi niya. Pero di ako sumagot, nag focus ako baka mabasa ko iniisip niya. Ayun na..... Ayan na.... Wala pa rin akong mabasa. "Ju?" Tawag niya. "Ow?" "Okay ka lang?" "Ahhh, ehhh oo.." pero hindi, hindi ako okay. Sino ba talaga si Matteo at Laurence sa buhay ko!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD