Palagi kong naiisip dati na baka di ako sasaya kasi bakla ako, at sa tingin ko wala naman akong makikita na magpapatunay saken ng forever.
Naisip ko rin na baka kailangan kong magkapamilya, yung akin talaga para sa future ko.
Pero simula talaga ng dumating sa buhay ko si Laurence, nagbago lahat ng yun at palagi niyang pinapakita saken kung gaano niya ako kamahal.
Ang sarap niya panuorin ngayon.
Nasa kusina siya dito sa bahay nila at nagluluto ng kakainin namen.
Ang gwapo niya.
Ang kinis.
Ang ganda ng katawan.
At maliban sa lahat ng yun, yung ugali niya talaga, walang wala kang masasabi.
"Alam mo bang gustong gusto ko kapag nakatitig ka saken?" Bigla niyang tanong.
Di ko naman namalayan na nakatitig ako sakanya.
"Hehe, ang sarap mo lang kasi pagmasdan" sabi ko.
Nakatayo ako at nakasandal sa may lababo.
Lumapit naman siya at niyakap niya ako.
Grabe, ang bango bango niya pa.
"Gusto mo ba ng kiss galing sa gwapo mong boyfriend?"
Napapangiti niya talaga ako kaagad sa mga banat niya.
"Gustong gusto ko, syempre" sabi ko naman.
Hinalikan niya ako sa labi ko ng madiin at dahan dahan, sobrang sarap talaga sa feeling kapag nahahalikan. Lalo na sa taong mahal mo.
"Babe, ganyan ka ba talaga ka sweet? O saken lang?" Bigla kong tanong.
"Anong ibig mong sabihin?"
"I mean, ganito ka rin ba kay Lucas?" Tanong ko.
Natahimik siya bigla at bumalik sa pagluluto niya.
"Bakit mo naman natanong yan babe?"
"Wala lang, ayaw mo bang sagutin yung tanong ko?"
"Hmm. Wala lang, di lang talaga ako komportable." Sabi ko pa
"Hala, affected ka pa ba?"
"Hindi na!"
Natahimik ako bigla.
"I mean, hindi na babe. Wala na yun, kaya wag mo ng isipin yun" bigla niya uling sabi.
Lumapit ako sakanya para pilitin.
"Sige na babe, sabi mo saken sasabihin mo kapag tayong dalawa na lang, oh dali. Tayong dalawa naman nandito eh" sabi ko.
Di naman siya makasagot pero pinipilit ko pa rin siya.
"Babe, please?" Sabi ko habang may pahimas himas sa likod niya.
"Okay sige." Bigla niyang sabi.
Tinakpan niya muna niluluto niya at naupo kami sa may kainan.
Medyo excited din kasi akong malaman about kay Lucas kasi di ko pa alam totoo niyang pagkatao.
"Uhm. Paano ko ba sisimulan?" Sabi niya.
Di ako sumagot at hinintay ko siyang magkwento.
"Hmmm. Magsimula tayo sa.... bestfriend kaming dalawa ni Lucas. Tatlo kami actually, ako, Lucas at Kennard...."
Nakatingin lang ako sakanya.
"Pero may weird feeling akong nararamdaman kapag kasama ko siya, yung mas hinahanap ko siya kaysa kay Kennard. At nalaman kong ganun din pala siya saken...."
"One time, nasa kwarto kaming tatlo pareho. Nag CR lang si Kennard tapos nagulat ako ng bigla niya akong halikan. Una, tinulak ko pa siya pero nung hinalikan niya ako uli, di na ako nakalaban. Gusto ko rin kasi...."
"Tapos, nahuli kami ni Kennard nun na naghahalikan. Sobrang nahihiya kami pareho pero si Kennard, tawa lang ng tawa. Wala lang sa kanya yung ginagawa namen...."
"Siya pa nga nag push na maging kaming dalawa eh...."
"So ayun, naging kami. Kasama pa rin namen si Kennard, di naman siya lumayo samen..."
Mukhang okay naman ang kwento ng lovestory nilang dalawa.
"Ganyan ka rin ba ka sweet sakanya katulad saken?" Tanong ko.
"To be honest hindi, first ko kasi si Lucas, ganun din siya. Kaya tago kaming dalawa, sweet lang kami kapag solo namen isa't isa. Ganun lang...."
So ang swerte ko pala kahit papano dahil saken, proud na proud si Laurence.
"Eh bakit naman kayo naghiwalay babe?" Tanong ko.
"Hmmmm. Kasi pupunta siya ng Europe para mag aral."
Ayoko sanang isipin pero parang naiiyak si Laurence habang nagkekwento siya. Pinipigilan niya lang.
"Naghiwalay kayo kasi pupunta lang siya ng Europe?" Tanong ko.
"Siya yung nakipaghiwalay, kaya ko naman sana yung LDR kasi ganun talaga ako mag mahal eh, gagawin ko lahat. Parang sayo ngayon."
Biglang kurot sa mga pisngi ko.
"Aray!"
"Hehe, ang cute mo talaga babe" sabi niya pa.
Pero may gusto pa akong tanungin sa kanya about kay Lucas.
"Galit ka ba sakanya? Kasi dati nung tinanong kita about sa kanya, parang galit ka eh"
"Hmmm, oo syempre. Alam mo naman diba kapag may karelasyon ka, may napaguusapan kayo about sa future, tapos sisirain niya lang. Ganun kasi naramdaman ko nun eh"
"Pero sure ka na ba na naka move on ka?" Bigla kong tanong.
"Ofcourse babe. Ofcourse. Di kita gagawing panakip butas. At saka mahal na mahal kita, wala nga akong paki sa sasabihin ng iba saten eh kasi proud ako sayo" sabi niya pa.
Grabe talaga si Laurence. Ang sarap sa feeling kapag pinapakita niyang mahal na mahal niya ako.
"Naisip ko kasi baka kaya niya ako iniwan kasi baka di ako proud sakanya non. Na baka kulang siya sa ka sweetan ko. Na baka di ko nasasabi sakanya noon na mahal na mahal ko siya, kaya ganun yung ginagawa ko sayo ngayon. Natuto na ako sa nakaraan ko kaya pinagbubuti ko ngayon sayo."
Parang sobra sobra na ata yung sinasabi ni Laurence. Sobrang naiiyak na ako, grabe. Sobrang swerte ko talaga sakanya.
Hinalikan ko kaagad siya sa labi niya para sumagot sa lahat ng sinabi niya.
"First time ko lang magmahal ng ganito babe. At maraming salamat! Mahal na Mahal din kita, wag kang mag alala." Bigla kong sabi sakanya.
"Alam ko babe. Alam ko." Niyakap ko siya ng mahigpit at bumalik na siya sa pagluluto.
++++
Bukas na birthday ni Matteo at pinaghahandaan ko na yun.
Pero bago ang birthday ni Matteo, birthday muna ng namatay kong kapatid ngayon at papunta kami nila mama at papa ngayon sa sementeryo.
Simula kasi ng nakunan si mama noon, ayaw na niya uli magka anak, kaya ako lang mag isa at walang kapatid.
Pagkatapos namen bumisita, syempre umiyak na naman si mama, at kinocomfort siya ni papa.
"Sabi ko naman sayo eh, gawa na lang tayo uli" sabi ni papa kay mama.
Natawa lang si mama sa sinabi ni papa.
"Ewan ko sayo! Ayoko na nga ehh!"
"Haha, eh try lang natin"
"Ma, Pa, seryoso? Ganyan topic niyo sa harap ni baby?" Sabi ko.
"Haha, ayaw mo bang magkaroon ng kapatid?" Tanong ni papa.
Di ko kasi alam feeling ng may kapatid, kaya di ko rin sure.
Pero deep inside parang gusto ko.
"Kaya pa ba ni mama?" Tanong ko.
"Tigilan niyo kong mag ama ah! Tara na nga!" Yaya ni mama.
Lakas talaga mang asar netong si papa kaya naghanda na kami pauwi.
"Oh, diba birthday ni Matteo bukas? Aalis pa ba kayo?" Tanong ni papa habang naglalakad pauwi.
"Opo, may regalo nga po ako eh tapos baka kumain daw kami sa labas" sabi ko.
"Nako gastos pa, wag na. Sa bahay na kayo magluto para tipid. Alam mo naman na hindi na bago si Matteo samen eh"
"Ehhh gusto ko rin yun Pa kaso kasama girlfriend niya. Nako, di ko kasi feel yun eh haha" sabi ko.
"Sus, baka nagseselos ka lang kamo" singit ni papa
"Pa, ano ba, hindi no!"
"Haha okay sabi mo eh." Asar uli ni papa.
Lakas talaga mang asar neto!
++
Pagkauwi namen, nakita ko si Matteo sa tapat ng bahay namen, naka uniform pa siya.
Nilapitan naman niya kami kaagad.
"Oy Ju" tawag niya. "Magandang Hapon po" bati niya kina papa at mama.
"Oh, kanina ka pa diyan?" Tanong ni mama.
"Halos kakarating ko lang din po" sagot niya habang binubuksan nila papa yung pinto.
Lumapit naman saken si Matteo.
"Last year absent ka rin bago birthday ko, pinaghahandaan mo ba talaga tong araw ko?" Tanong niya saken.
"Hala haha dinalaw nga namen si baby!"
"Ayy oo nga pala. Bakit ba ayaw mo pakilala saken si baby?"
"Ehh, ayaw ko. Hehe. Next time na lang"
Ayoko kasi magpakilala ng bago kay baby, gusto ko yung sure na ako sa taong yun. At so far, si Laurence lang gusto kong ipakilala kay baby.
"Nako mamaya dalawin ka nun sa pagtulog"
Tumambay lang kami sa labas ng bahay.
"Baliw ka!"
"Haha joke lang, Ano plano natin bukas?" Tanong niya saken.
"Ewan ko, diba ikaw naman manlilibre?"
"Haha, oo. Nagpadala na si Kuya, sayang nga eh di siya makakapunta talaga"
"Hehe, wag mo na isipin yun, pupunta ako bukas. Wag kang mag alala."
"Alam ko naman eh hehe. Kaya nga bukas... ang plano ko eh tayong dalawa lang!"
"Huh??? Paano na si Maddie?"
"Nako, sa susunod na siya. Magkaaway kasi kami ngayon ehh!"
"Hala, eh baka magalit naman yun?"
"Sus, di niya nga alam kung kailan birthday ko eh. Hayaan mo na, galit naman kami eh. Kaya tayong dalawa lang. Okay ba yun?" Sabi niya.
"Hmmm. Sige, okay lang. Pwede ko ba isama si Laurence?"
"Huwag na yun oy!! Tayong dalawa nga lang eh. Sabihin mo bestfriend's day! Ibigay naman niya ako sayo kahit isang araw lang!"
Natawa ako sa pagkakasabi ni Matteo nun, ang cute niya ngumiti.
"Haha, sorry. Sige, sabihan ko siya!" Sabi ko.
"Good. Good."
"So bukas ha? Wag kang mawawala. World War III tayo makikita mo!" Sabi niya sabay tayo at pagpag ng pwetan.
"Haha oo na!" Sabi ko.
Umalis na kaagad si Matteo at saka ako nagpaalam kay Laurence about dito.
Dali dali ko siyang tinawagan.
"Babe? Nakauwi na kayo?" Bungad niya.
"Opo babe, halos kakauwi lang din"
"Ohhh good, nandyan na ako sa labas ng bahay niyo in 2mins."
"Huh? Ang bilis naman...."
"Yeap. See you babe," sabi niya sabay baba ng tawag.
Magpapaalam na lang ako pagkakita nameng dalawa.
Di naman nagtagal, nakita ko na yung sasakyan niya na palapit.
Nagparada lang siya kaagad, hinawakan niya yung kamay ko at pumasok kami sa loob na nagmamadali.
"Hi po..." bati ni Laurence kina mama at papa. "... pwede po bang pahiram kay Julian?" Tanong niya pa.
"Ayy, ibabalik mo ba?" Sagot ni papa.
"Hehe opo opo, pwede bukas na rin po?" Sabi niya.
"Anong meron Laurence?" Sabi naman ni mama.
"Ipapakilala ko lang po siya samen"
"Oh? Akala ko nandun siya palagi sainyo?"
"Ahhh. Hindi po, may dumating po kasi samen eh"
"Sino naman?"
"Sila mommy at daddy po"
++++
Sobra akong kinakabahan habang nasa sasakyan ako.
Normal lang naman suot ko, pants at shirt. Pero syempre, first time ko mamemeet parents ni Laurence.
"Sabi ko sayo diba, anyday this week uuwi sila mom at dad"
"Babe, kinakabahan ako"
"Nako babe, wag. They will love you. I promise!"
Sobrang kinakabahan talaga ako. Ang lakas ng t***k ng puso ko hanggang sa makarating kami sa bahay nila.
Sobrang confident siya saken.
Ramdam na ramdam ko.
Hawak niya kamay ko habang papasok sa bahay nila.
"Ready babe?" Sabi niya.
Huminga lang ako ng malalim.
"Ready" sabi ko.
Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi at sabay na pumasok.
++
Pagpasok sa loob, napansin ko kaagad si Kennard sa sofa at may hawak ng baso na may wine.
At mukhang kausap niya yung parents ni Laurence.
Sobrang gwapo at ganda ng papa at mama niya!
Kamukha ni Laurence yung papa niya! Mukhang early 30's lang yung itsura nila, sobrang bata tignan.
"Eto na pala sila!" Biglang sabi ni Kennard.
Napatingin lang saken yung parents ni Laurence, nawala din yung ngiti sa mga labi nila nung nakita nila akong hawak hawak yung kamay ni Laurence.
"So that's Julian?"
"Well, he's cute"
Buti na lang talaga nababasa ko iniisip ng parents niya.
"Ma, Pa, si Julian po." Pakilala niya saken.
Tumayo yung mama niya at nakipagbeso saken
"Hi Julian" sabi ng mama niya. "Infairness, mabango" sabi naman niya sa isip niya.
"Hi Maam" sagot ko.
Fvck, maam? Ano siya teacher?
"Did he just called me maam?" Sabi niya sa isip niya. Fvck, mukhang nagalit ata.
Yung papa naman niya lumapit at nakipagkamay saken.
"Nice to meet you, finally!" Sabi ng papa niya.
Ganun din yung sinabi niya sa isip niya.
Fvck, kinakabahan pa rin ako kahit nasa tabi ko lang si Laurence.
Humarap naman yung papa niya kay Kennard.
"Akala ko ba isasama mo yung date mo?" Sabi ni Kennard.
"oh yeah, I forgot hehe. Wait, tawagan ko lang po" sabi niya.
Nung makita ko yung phone ni Kennard, saka ko naalalang naiwan ko pala yung phone ko sa lamesa kanina!!!
"Babe, yung phone ko, naiwan ko" bulong ko.
"Ohhh, hmmm. Bukas na lang natin balikan babe, okay lang?" Tanong niya.
"Hmmm. Sige babe"
Kinausap uli ako ng papa ni Laurence.
"Umiinom ka ba..., Julian?" Tanong niya saken.
"Minsan po, hehe"
"Good. Tara, let's drink. Kumain ka na ba?" Tanong niya pa. Mukhang okay yung papa niya, at parang kinakausap ko lang yung matandang version ni Laurence.
"Ah ehhh..."
"May pagkain diyan, kain ka muna. Lau, samahan mo siya!"
"Sige po" sabi naman ni Laurence.
Pumunta kami sa kusina ni Laurence.
"Babe, paano yan, birthday ni Matteo bukas" sabi ko.
"Ay oo nga pala. Hmm. Sige, hatid na lang kita pauwi mamaya, okay?"
"Sige babe hehe"
Buti na lang nasabi ko na sakanya.
+++++
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko.
Malamig din dahil sa aircon.
Teka, wala namang aircon kwarto ko ah?
Dun ko narealize, nasa kwarto pala ako ni Laurence.
"Sht!!! Ang dami ko sigurong nainom kagabi!" Sabi ko sa sarili ko.
Maya maya, lumabas ng CR si Laurence ng nakatapis lang ng tuwalya.
Ang ganda naman ng bungad ng umaga ko dahil sakanya.
"Gising na pala ang napakaraming uminom kong babe" lapit niya saken sabay halik sa noo.
"Anong nangyari kagabi babe???"
"Di mo alam? Haha. Ang saya mo kagabi babe, ang dami mong ininom, haha tuwang tuwa sayo si dad promise!"
Sht, wala naman akong matandaan masyado.
Medyo alam kong marami akong nainom.
Sobrang nakakahiya!
"Mamaya kung ano isipin nila saken...."
"Babe, trust me, gusto ka ni dad haha. Tuwang tuwa siya sayo. Di ka umaayaw. Nakahanap na daw siya ng kainuman niya haha."
"Eh si mama mo?"
"Hmmm. Natulog na kasi siya eh. Mamaya, kausapin mo hehe"
Medyo okay naman pala tong parents ni Laurence. Nawala na yung kaba ko sa pagharap sakanila.
Maya maya, biglang bumukas yung pinto at pumasok yung papa niya.
"Ohh good! Nakaligo ka na anak, o ikaw Julian? Ligo na dali. Aalis pa tayo!" Sabi ng papa niya na mukhang nakabihis.
"Saan tayo pupunta dad?"
"Lunch tayo sa Batangas. Tara na, namiss namen dun ng mommy mo eh!"
"Ahhh sige. Go kami diyan, ano babe? Tara?" Tanong ni Laurence saken.
Nakaka pressure naman to, nag aabang silang dalawa ng sagot ko.
"Wala pala akong damit...."
"Don't worry, marami akong padalang damit kay Laurence, pili ka na lang. Oh, wala ka ng kawala ah? Ligo ka na!" Sabi ng papa niya.
Aba, parang si papa tong papa ni Laurence, nakakatuwa.
"Sige po, sige po hehe" sabi ko sakanila.
Tuwang tuwa naman si Laurence at sasama ako.
++++++++++
Sobra akong nag enjoy sa Batangas trip namen!!
Sobrang unexpected ng lahat.
Sobrang baliw din ng papa ni Laurence, parang si papa lang.
"Haha, nag enjoy ka ba Julian?" Tanong ng papa niya saken habang nagdadrive siya.
Nasa unahan yung mama niya, nasa likod kami ni Laurence.
"Good. Buti naman! Hehe, sama ka uli next week. Birthday naman netong mahal ko" tinutukoy niya yung mama ni Laurence.
Pero sht.
Sht talaga!!
Nakalimutan ko!!
Birthday pala ni Matteo ngayon!!
Masyado akong nagenjoy sa mga nangyari.
Fvck. Alasingko na!
Anong oras pa ako makakauwi neto.
Traffic pa sa EDSA sigurado!
"Babe, may number ka ba ni Matteo?" Bulong ko kay Laurence.
"Nabura ko na ata babe. Bakit?"
"Birthday niya ngayon babe. Nawala sa isip ko!"
"Ayy oo nga pala! Sorry babe, nawala sa isip ko. Sige, tawagan ko si Maddie" sabi niya.
Sht.
Baka magalit saken si Matteo.
Mas kinakabahan tuloy ako ngayon.
"Babe, di sinasagot eh. Baka magkasama silang dalawa ,gusto mo ihatid na kita diretso sainyo?" Tanong niya.
"Sige babe, please" sabi ko.
+
Tama nga, traffic sa EDSA at alasyete na kami nakauwi.
Binaba na nila ako sa bahay namen.
"Julian ah, nextweek uli!" Sabi ng papa niya.
"Hehe opo, maraming salamat po!" Sabi ko.
Hinatid lang ako ni Laurence sa labas ng bahay namen.
"Salamat babe. Ang saya ko kasi kilala mo na parents ko"
"Hehe, walang anuman babe. Sige na, tawagan ko pa si Matteo baka magtampo na yun"
"Hehe sige babe." Sabay halik saken sa labi.
Dali dali naman akong pumasok sa loob at kinuha yung phone ko.
Fvck talaga.
189 missed calls.
107 texts
Lahat kay Matteo!!
Dali dali ko naman siyang tinawagan at buti na lang sinagot niya.
"Matty!!" Sabi ko.
"Oh?" Sht, mukhang galit yung tono ng boses niya.
"Sorry talaga Matteo...." pero di niya pinatapos sinasabi ko, basta binaba niya lang yung tawag ko.
Hala, galit nga siya talaga.
Sinubukan ko siyang tawagan pero unattended na siya.
Nakalimutan ko talaga yung Birthday niya.
++
Pagdating ng lunes, una ko kaagad siyang hinanap sa room. Nakaupo siya sa may dulo, nilapitan ko siya pero galit talaga siya.
Iba yung galit ng itsura niya.
"Matteo, sorry...."
"Kapag kinausap mo pa ako, mas lalo kitang hindi papansinin" yung tono niya, madiin. May galit, at halos maiiyak na siya.
Di ko naman alam na ganito pala siya magagalit ng todo.
Tumayo siya at lumabas ng room.
Pero hinabol ko kaagad siya.
"Matteo..."
Pero wala pa rin siyang sinasabi.
Naglakad siya hanggang dulo ng hallway.
"Matteo naman..."
"Julian, sana sinabi mo na makikipagkita ka sa magulang ng boyfriend mo para di ako asa ng asa na darating ka nung sabado!!"
Hala, naiiyak talaga si Matteo.
"Sorry..."
"Bvllsht ng sorry mo Ju! Nangako ka pa! Mas lalo mong pinapakita saken na talagang di na ako mahalaga sayo!!"
"Ano ba yang sinasabi mo Matteo, hindi ganun yun...."
"Ganun yun Ju. Masyado lang akong nasanay sayo, pero siguro kailangan ko na talagang masanay na second option na lang ako"
Di ko alam kung anong pinaghuhugutan ni Matteo ngayon.
"Ngayon alam ko na kung saan ako lulugar sayo. Alam ko na yung halaga ko sayo, akala ko pa naman....."
Naiyak na lang siya talaga sa harap ko, di ko alam kung anong gagawin ko para makabawi ako sakanya.
"Ayokong isumbat pero ginawa kong perfect yung araw ko para sateng dalawa, para sayo. Pero wala ka. Tama na siguro pagpapakatanga ko sayo Ju, tama na yun. Alam ko na talaga yung totoo. Di na lang ako aasa."
Ano yung sinasabi niya?
"Lalayo na lang ako sayo Ju. Di ko na kaya eh"
Umiiyak pa rin siya habang palayo saken.
Anong ibig niyang sabihin sa 'di na ako aasa'?
Ano ba to!!
Alam kong galit siya ngayon pero mas desperado na ako sa kung anong totoong nararamdaman niya.
Kailangan ko ng magpalevel talaga para malaman ko lahat.