Part 29

2813 Words
Di ako sanay ng ganito, di ako kinakausap ni Matteo, at ang matindi pa, kay Jerrick siya sumasama ngayon. Mukhang nang aasar pa. Nung mag isa si Matteo sa upuan, tinabihan ko siya. "Di mo pa rin ba ako papansinin?" Pangungulit ko. Pero di siya sumasagot. Tumayo naman siya agad at lumipat ng upuan. "Mukhang LQ kayo ng bff mo ah?" Kausap saken ni Greco sa isip ko. "Hehe, oo nga eh. Nagtatampo kasi" sagot ko sa isip niya. "Sige, ako muna bff mo. Lika dali, wala akong kausap eh" "Hehe, sige sige" Pagkalapit ko kay Greco, naalala ko yung sinabi saken ni TB na magkakaiba kami ng gift, pero bakit sobrang magkapareha kami ng gift ni Greco? "Hey, alam ko iniisip mo" biglang sabi ni Greco. Sht, oo nga pala. Nababasa niya nasa isip ko. "Haha, it takes one to know one diba?" Sabi ko. "Hehe, I know." "So, nababasa mo pala, ano naman sagot mo sa tanong ko? Kung magkakaiba ng gift bakit naman halos magkaparehas yung sateng dalawa?" Tanong ko sakanya. Mukhang napaisip lang si Greco sandali sabay tawa. "Bago ko sagutin, tignan mo si Matteo mo, nakatingin dito saten" sabi niya. Pag silip ko kay Matteo, bigla siyang umiwas ng tingin. Loko talaga, pero ang cute niya pa rin. Bagong gupit din kasi si Matteo kaya mas lalong ang linis niya tignan. "Hehe, hayaan mo na siya, so ano na sagot mo?" Tanong ko. Tumingin lang siya saken ng seryoso. "I've got the gift to copy someone else's gift" Natahimik naman ako bigla sa sinabi niya. Copy someone else's gift? So ibig sabihin kaya niyang kopyahin lahat ng may power of gift? "Wait. Wait. Wait. So kung kinopya mo yung gift ko, that means..... kasama ka rin sa Big 3? Edi Big 4 na tayo?" Tinutukoy ko yung power namen ni Sarah at Illusionist. "Hahaha. Hindi, I wish sana ganun na lang eh kaya ko nga kinopya yung gift mo dahil akala ko ganun nga mangyayari" "So ? Paano nga?" "Kinwento kasi saken yung about sa tatlo ngang gift niyo. Kaya ayun, pinapili ako kung anong gusto ko. E mas mukhang cool yung gift mo kaya ayun yung kinuha ko" sabi niya pa. "So magkasing.... uhm, lakas tayo?" "No, mas malakas ka pa rin haha. Ang nakopya ko lang sayo, hanggang level 15, hindi lahat." Wow, ang galing galing talaga. "Hanggang level 15 lang?" "Oo, yung level 16 pataas na powers mo, di ko na makokopya. Kaya mas malakas ka pa rin hehe" Nakakatuwa naman yung revelation na to. "Paano naman si Tracy?" Since wala ng gift ni Tracy, pwede ko ng tanungin yung about sakanya. "Hindi ko alam Julian eh, nagulat nga ako ng bigla na lang siyang mawalan ng gift" Kinalma ko sarili ko para di ko maisip yung sinabi saken ni Tracy noon about kay Greco. "Kilala niya ako pero di niya matandaan na naging kami. Hay, nakakainis nga eh" Sht, ano ba talagang totoo? Di ko na maintindihan kung sino dapat kong paniwalaan. Ang dami ko pang gustong itanong kay Greco kaso dumating na yung prof namen at bumalik na ako sa upuan ko. Samantalang si Matteo naman, lumalayo pa rin saken at sumasama kay Jerick. Atleast alam ko na yung gift ni Greco ngayon, kinopya niya lang yung gift ko. Di ko alam kung masama ba siya o hindi basta ang alam ko okay siya saken ngayon. ++++ "Babe, balita ko galit sayo si Matteo. Kasalanan ko ba yun?" Tanong saken ni Laurence habang naglulunch kami sa mall. "Kasalanan ko yun babe, kasi nagpakalasing ako nun kaya ako dapat sisihin" "Naguguilty tuloy ako babe, alam ko naman kung gaano kaimportante sainyo yung araw na yun eh." Naaawa naman ako kay Laurence, ayokong isipin niya na kasalanan niya yun kasi ginusto ko naman yung mga nangyari. "Hala babe, hindi. Ikaw naman boyfriend ko eh at saka parents mo yun. Mali ko lang kay Matteo, sana di ako nangako. Pero wag mo sisihin sarili mo" paliwanag ko. Mukhang umokay naman siya dahil sa mga sinabi ko. Ayoko naman isipin ni Laurence na mas mahalaga si Matteo saken kasi ang totoo, mas mahalaga talaga si Laurence saken. Maya maya, may nagtext kay Laurence at bigla siyang ngumiti. "Sino yang katext mo babe?" Tanong ko. "Babe, si Kennard daw pupunta kasama yung date niya hehe. Okay lang ba?" "Sige sige babe, okay lang" sagot ko. Hinintay namen sandali si Kennard at maya maya dumating na siya kasama si Sarah. Omg. Nagde date silang dalawa. "Hoy anong ibig sabihin niyan ha? Haha!!"  Sabi ko sa isip nilang dalawa. Ngumiti lang sila bilang sagot. "Sorry ngayon lang kami" sabi ni Kennard. "Teka babe, diba si... Sarah yan?" Sabi ni Laurence. "Yes babe, ako pa nagpakilala sa dalawang yan haha" sagot ko. Nauwi sa kwentuhan na mahaba yung lunch namen. Pabalik na kami ng school ng bigla akong kausapin ni Sarah. "Nareceive mo na ba yung invitation para sa Battle?" Bulong niya saken. "Invitation?" "Yeap, nakuha na namen ni Kennard. Check mo na rin sayo kung meron na." "Saan ko titignan?" "Edi sa libro mo. Hay nako Julian, di mo talaga tinitignan yang librong yan no?" "Haha, hindi talaga eh. Minsan lang" sagot ko. "Pwes, tignan mo na. May details na dun about sa event." Na curious tuloy ako dun kaya una kong gagawin kapag uwi ko sa bahay eh, chechekin ko yung book ko. + Pagkauwi ng bahay, sinalubong ako ng sermon nila mama at papa. "Bakit di ka pala sumipot nung sabado kay Matteo anak? Saan ka ba nanggaling nun?" Tanong saken ni mama. "Paano niyo nalaman Ma?" "Galing dito si Matteo kanina eh" Bakit kaya palagi kong di naaabutan si Matteo kapag pumupunta siya rito. "Ahhh... yung parents kasi ni Laurence Ma, sinama ako sa Batangas. Kumain lang kami dun" "Ehh paano naman si Matteo niyan? Tapos di mo pa daw siya pinapansin?" Ay ibang storya ata yung sinasabi ni Matteo! "Nako ma, ako nga di pinapansin nun!" Sagot ko. "Aba pwes dapat lang, bumawi ka kay Matteo anak!" Favorite talaga ni mama si Matteo eh kaya ganito na lang siya mag react. Pag akyat ko sa kwarto, agad ko siyang chinat. Alas otso na ng gabi kaya sigurado akong nasa bahay na to ngayon. "Hoy!" Chat ko. Pero seen lang. "Bakit sinabi mo dito sa bahay na di kita pinapansin, eh ikaw naman tong di namamansin?!" Pero seen na naman. "Nag iinarte ka pa kasi tapos dadalaw dalaw ka pa rito sa bahay!" This time, nagttype na siya. Typing.... Typing.... Biglang seen. "Argh!!! Bahala ka nga. Nag sorry na ako, bahala ka na kung ayaw mo kong patawarin. Tse!" Pero seen na naman. Ayoko na sana mag reply pero nakakainis kasi kapag nasi-seenzoned ka. "Matty, galit ka pa ba?" Di na ako galit ngayon. Seen. "Alam ko naman nababasa mo eh, pero sorry na talaga. Di ko naman talaga sinasadya." Seen. "Sige, good night na" sabi ko. At bigla naman siyang nagreply. "Ang panget mo." Aba aba! Mag rereply na lang, nang aasar pa!! "Hoy, tigilan mo nga ako. Mas panget ka!!" "" reply niya. Ay jusko, sobrang naaasar ako sakanya ngayon. Kaya ako naman ang nang seen. "Seen?" Reply niya. "Hahaha nakaganti rin ako" reply ko naman. Pero seen zoned lang din., Argh!!! Nasa kanya pa rin yung huling halakhak! Sa sobrang inis ko, pinatay ko na yung phone ko at natulog. ++ Kung dati, dalawa lang kami ni Sarah na nagpapalevel, ngayon, kasama na namen si Kennard. Sobrang humahanga siya kung paano yung combination ng powers nameng dalawa, talagang partner kami. "Akala ko nung una ang cool ng gift ko, pero nung nakita ko yung sainyo, grabe, sobrang namamangha ako!" Sabi ni Kennard samen, Pare parehas kaming naka uniform pa. CEU, TIP at FEU. "Haha, sa event naman siguradong mangingibabaw kayong mga may gift of elements!" Sabi ko naman. "Hehe oo nga eh, dun na lang ako mag bibida bida" Inakbayan ni Kennard si Sarah at mukhang kinilig si Sarah. Nasa tapat kasi kami ng TIP, maraming estudyante at dito namen ginagamit yung gift namen. "Basta sa event, kampi kampi tayo ah?" Sabi ko sakanila. "Ano ba? Di mo pa siguro talaga nababasa yung book mo no? Nandun na yung details eh! Kainis naman to si Julian oh" sabi ni Sarah. "Haha sorry nakalimutan ko" "Dala mo ba ngayon?" "Oo." "Tignan mo na ngayon na dali!" Sabi ni Sarah.   Ilalabas ko sana yung libro sa bag ko kaso may napansin akong lalaki na parang kanina pa nakatingin samen. Nakauniform siya pero di ako familiar masyado sa uniform niya. "Tignan mo nga yung lalaking naka blue uniform na nkaupo sa motor. Yung nakatingin saten." Sabi ko sa isip nila Sarah at Kennard. Napatingin naman sila dun. "Oo nga, at mukhang hinihintay niyang pansinin natin siya" sabi ni Sarah.   Sinubukan ko naman na basahin isip niya. At sa gulat ko. Hindi ko magawa. Sht. Panibagong may gift. Bigla naman siyang tumayo at naglakad palapit samen. "OMG, okay, behave. Palapit siya" sabi ni Sarah samen. Di naman ako kinakabahan eh. Simula kasi ng nagkaroon ako ng gift, talagang lumakas yung loob ko. Pagkalapit niya samen, mas lalo ko siyang nadescribe. Mestisuhin siya, matangos ilong, makinis, di naman siya mukhang nag gygym pero malakas appeal niya. "Hi" bati niya samen. "Hi" sagot ko naman. Kalmado lang naman kami, mukha naman kasing wala siyang gagawing masama. Nakangiti lang siya samen. Infairness, ma cute siya pero di naman siya nagsasalita. "May problema ba?" Tanong naman ni Kennard. "Wala naman. Nakakatuwa lang kasi kayong panuorin, parang inoobserbahan niyo lahat ng nangyayari hehe" sabi niya. Di ko talaga mabasa nasa isip niya. Nagkatitigan kaming dalawa na parang may kuryente sa mga mata naman. Parang magkaaway kami na ewan. "By the way, I'm Spencer hehe" pakilala niya sabay abot ng kamay. To be honest, mukha siyang mabait. Pero dahil di ko mabasa nasa isip niya, di ko pa masabi talaga. "Julian" pakilala ko. Nagpakilala rin sila Sarah at Kennard. "I'm sorry if I interrupted something hehe. It's just that.... hmmmm, wala naman kayong napapansing kakaiba no?" Sabi niya pa. "What do you mean na kakaiba?" Singit ni Sarah na mukhang nagddrawing habang nakikipag usap. Ngumiti lang si Spencer habang pinagmamasdan si Sarah. "I mean, you're not seeing some weird stuff right? Like, butterflies everywhere? No? No?" Anong ibig sabihin niya? "Wala ehhh. Ikaw? Okay ka lang ba today?" Tanong ni Sarah. "Yes, very good hehe. Thanks for asking" Di ko naman masasabi na nag aaway kami kasi casual lang pag uusap namen pero parang may awkardness talaga. "I hope to see you again, I think I interrupted something hehe. Aalis na lang ako" sabi ni Spencer sabay abot saken ng parang calling card. "Spencer Pullido" "See you guys. Feeling ko magkikita kita pa tayo eh hehe." Di na niya kami pinagsalita at umalis na siya, umupo na uli siya sa motor at mukhang may hinihintay siyang iba. "Ang weird nun no?" Sabi ko saknila. "Yes. And guess what, hindi rin gumana gift ko sa kanya. Look" pinakita saken ni Sarah drawing niya.   Nagdrawing ba naman na sumuka si Spencer.   "Bakit naman ganyan nilagay mo haha!" Sabi ko.   "Haha, ang weird kasi eh. Pero atleast hindi gumana. And one thing is for sure, may gift din siya" sabi ni Sarah. Totoo. May gift din si Spencer, pero ano naman kaya yun? +++ Succesful ang pagpapa level namen nila Sarah kanina. Naka kuha rin ng puntos si Kennard samen. Ang galing lang kasi tatlo na kami at sa wakas, level 10 na ako! Pero bago ko buksan yung libro, naisip ko na naman si Matteo. Parang 3 days pa lang kaming di nag uusap pero di niya pa rin ako pinapansin. Sinubukan ko naman na tawagan siya pero di niya talaga sinasagot.   Sobrang miss ko na si Matteo.   Iba pala talaga kapag yung bestfriend mo nakaaway mo, parang ang laki ng nawala sayo. Checheck ko sana kung online siya kaso nakita kong nag floodlikes siya saken sa f*******:. Kaya chinat ko siya. "Nagpapapansin siya saken oh " chat ko. Aba, nang seseen na naman siya!   Kaya tinadtad ko siya ng kung ano anong message. "Napaka pabebe mo!! Nag sorry na ako eh!! !   Seen. "Kapag ito sineen mo magkaka pigsa ka sa pwet!!!" Seen.   "Hahaha. Humanda ka na sa pigsa sa pwet bwahahahaha!"   Seen. "Kapag di ka nagreply, babagsak ka sa lahat!!" "..." "Hahaha takot ka pala bumagsak eh!" Seen. Ayaw ko talaga siyang tigilan. Gusto ko na kasi siyang makausap. "Mali ako Matty. Sorry talaga," Seen. "Dapat hindi ako nagpakalasing ng todo." Seen "Minsan ko lang kasi makilala yung parents ni Laurence, kailangan maganda yung first impression ko." Seeen. "Gusto na kitang kausap"   Medyo matagal bago niya ako iseen. pero nagulat ako ng nagttype siya. "Ako rin" reply niya. Bakit parang may butterfly sa mga tyan ko sa reply niya. Siguro dahil ang tagal nameng hindi nagkausap tapos ngayon niya ako kinakausap. "Talaga?" Reply ko. Seen. Ayan na naman siya. "Seen na naman?" Seen "Pero okay lang, nagreply ka na eh hehe. Goodnight na" Seen "I miss you" reply ko. "I miss you too" reply niya agad.   Sobrang natuwa ako sa sinabi niya at ayoko ng maseen kaya di na ako nagreply sakanya. Tinabi ko na yung phone ko at chineck ko na uli yung libro ko.   Pero bago ko mabuksan, biglang kumatok si mama sa kwarto ko. "Yes ma?" Agad kong sabi pagbukas ko. "Uhm, may naghahanap sayo sa baba." Sabi ni mama. Alas nwebe na, sino pang maghahanap saken ng ganitong oras. Pagbaba ko may nakita akong babae na di ko pa nakikita sa tanan ng buhay ko. Napakapresentable ng itsura niya, nakasalamin, naka palda at blouse na puti tapos yung kutis, aba yayamanin. "Are you Mr. Julian?" Sabi nung babae. "Uhm, yes po?" "May warrant po kami para hulihin kayo" Fvck, sobrang kinakabahan ako. Sisigaw na sana ako kina mama kaso bigla siyang tumawa. "Ahahaha joke lang Julian, ako to. Si TB hha!" Jusko, baliw na naman si TB pero totoo, kinabahan ako ng konti. "Congrats at level 10 ka na. Kunin mo libro mo dali, tapos lakad lakad uli tayo" sabi niya. Di na ako nagsayang ng oras, umakyat ako kaagad at kinuha yung libro. Nagpaalam ako sandali kina mama at pumayag naman. Naglalakad na kami ni TB sa madilim na lugar namen. "Ohhh. Ayan, level 10 na ako! Sabihin mo na mga dapat kong malaman!" Sabi ko sakanya. "Hmmmm. Let's see. Saan ba ako magsisimula?" "Ewan ko sayo pero ang ganda mo today TB hehe. Sana ganyan ka nalang palagi" "Ayy thank you haha. So etooo na, sasabihin ko na." Gusto ko lang naman malaman kung paano ako naging pinakamalakas sa lahat. "Una, dapat mong malaman na marami kayo at may iba iba kayong gift" panimula niya.   "At pangalawa, competition talaga to. Di naman kayo mamamatay dito or what, basta friendly competition to" "Bago kayo makipag compete, aattend muna kayo sa assembly kung saan makikita mo lahat ng nag sign up sa event. At makikita mo yung mga taong may gift" "Normally, binibigay namen sa mga teenagers to. Kasi bata, fresh, at nung time din kasi na nakuha ko tong gift ko, teenager din ako" Huminto muna kami sa paglalakad at di ko namalayan nasa Paco Park na pala kami. Naupo muna kami dun saglit. "Yung schedule, lugar at place ng event, malalaman mo sa libro pero yung details ng event namen noon, ishashare ko sayo" "Technically, isang buong klase kayo. 40 kayong may gift. Lahat kayo iba iba okay? Lahat special" "Since isang klase kayo, dapat may top ten, top 5 at top sa class. Mga ganun ba" Mukang alam ko na kung saan papunta yung kwento ni TB. "Sa case namen, top 3 yung kinuha" sabi ni TB. Tinignan ko siya at sa tingin ko kasama siya. "Yes Julian. Kasama ako sa top 3. Ako nga yung nasa top 1 eh hehe" "Wow!" Parang ayun palang nasasabi ko simula nung nagkwento siya. "I know, Wow talaga ako! Ako yung top 1, tapos top 2 yung power of Illusion, then top 3 yung power ni Sarah"   "So....." "So, since kami yung top 3, kami yung may privelage na wala sa iba." "Ano ano naman yun?" Tanong ko. "Well, technically, isa lang dapat itsura ko pero kaya kong magbago bago kasi kaya kong gayahin yung gift ng iba" "Wow! Wow!"   "I know! Wow talaga ako haha"   "So, ano ba talaga totoong itsura mo?" "Ayy secret haha pero sige, lalaki talaga ako" sabi niya. "Wow, ang dami kong nalalaman" "Yes, at dapat mong malaman na ex namen pareho ni PJ si JD" "Sino si PJ at JD?" "Ako kasi si TB right? Yung Illusionist si PJ tapos yung drawing si JD" Nabanggit nga ni Sarah na JD pangalan ng nagbigay sakanya. "Love triangle?" Tanong ko. "No, ako naman talaga gusto ni JD eh haha"   "Pero bakit nakisali si PJ?"   "Oooops. Personal life na yan haha, pero okay lang na pagkatiwalaan mo si Sarah, wag lang yung napili ni PJ. Iba rin kasi ugali nun eh!" "Ehh dko pa naman nakikilala yung Illusionist" "Oh? Di mo lang alam pero nakilala mo na" Nagulat ako sa sinabi ni TB. Nakilala ko na? Pero sino naman kaya??? "Ayun lang ba tanong mo?"   "Hindi pa!! Yung about sa event!" "Ahhh event. Yes, yung amin kasi noon nahati sa tatlo. Una, basic usage of gift. Kailangan mo lang makasurvive sa lugar na ibibigay sayo. Ayun lang, super dali lalo na sa case natin, parang alam natin iniisip ng lahat. Second naman yung tricky, advantage kasi dito yung offensive yung gift. Yung nangyari kasi saken, may kailangan akong sirain pero di ko alam kung paano. Logic din yun, basta kaya mo haha. Pangatlo naman yung battle. Syempre lahat kayo magkakasama na sa isang lugar at syempre, battle. Walang mamamatay dun, sobrang saya pa nga nun eh nagtatawanan lang lahat.   Then base sa performance mo sa tatlong stages, saka ka irarank. At sa batch namen, ako ang number 1 kaya ma pressure ka!" Wow talaga si TB. Parang nakakaexcite tong event na to.   "Kita ko sa mata mo na natutuwa ka hehe. Excited ka na ba?" Tanong niya saken. "Super!!!" "Good, buti naman. Isang tip lang" sabi niya. "Ano yun?" "Kilalanin mo na kung sino yung Illusionist habang maaga"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD