Mas marami akong nalaman sa mga sinabi ni TB pero mas iniisip ko talaga ngayon kung sino ang Illusionist.
Erase erase na sa pagpipilian si Matteo at Laurence, kasi sure akong wala silang gift dahil sa paghawak nila sa libro ko.
Greco? Hindi rin, kasi ang power niya ay gayahin yung saken. So hindi rin siya.
Obvious naman na hindi si Sarah at Kennard.
Si Gab? Eh gift of time meron siya.
Si Jerick? Imposible, kasi gumagana yung gift ko sakanya ibig sabihin wala siyang gift.
Sino??? Sino kaya???
Kakaisip ko, muntikan na akong maka bangga.
Nasa school kasi ako ngayon at pauwi na. Di ko muna kasama si Laurence kasi kasama niya parents niya.
Gusto niya ako isama kaso ako na nahihiya. Sabit lang naman ako.
Di pa rin ako pinapansin ni Matteo at infairnes, mukhang tuwang tuwa naman si Jerick.
Nakita ko silang dalawa na magkasama, tapos biglang humiwalay na si Matteo, lumapit naman saken si Jerick.
"Hay nako Julian, salamat talaga at magkaaway kayong dalawa!! Saken tuloy dumidikit si Matteo!!" Kinikilig niyang sabi.
Naupo muna kaming dalawa sa canteen.
"Ginagamit ka lang naman niya hahha" biro ko.
"Gamitin niya ako, pagsawaan niya ako, go. Push, willing ako."
"Haha, baklang bakla ka diyan"
"Haha eh ayun naman talaga ako eh hhaha
So teka te, bakit ba kasi kayo nag away?" Tanong niya.
So kinwento ko yung storya kung bakit.
"Pakarat ka rin kasi te" bigla niyang sabi pagkatapos ko magkwento.
"Pakarat kaagad?"
"Haha keme lang, eh parang wala ka namang ginawang masama. Boyfriend mo naman si Laurence, ganun talaga kapag boyfriend, dapat inuuna"
"Ehhh ang hirap kasi explain ng side ko..."
"Te, may gusto talaga sayo si Matteo, ramdam ko. Okay lang naman saken ehh, mas happy kasi siya sayo kesa sa babaitang Maddie na yun na dadaan sa harapan natin!"
Tinignan ko kung saan nakatingin si Jerick at nakita kong dadaan siya samen.
Huminto siya at binati ako.
"Uy Julian!" Bati niya.
Bumubulong bulong si Jerick sa gilid ko, nababasa ko nman yung sinasabi niya.
"Nako Julian, plastikin mo. Plastikin mo!" Bulong ni Jerick pero natatawa ako sakanya.
"Hi Maddie!
"Uyy, sorry pala sa away niyo ni Matteo ah?"
"Ahh, hehe. Hayaan mo, magbabati rin kami nun" sabi ko.
"Hmmm. Sana, kasi palagi niyang sinasabi saken kung gaano siya nagtatampo sayo."
"Ganun talaga siya kagalit saken?"
"Oo Julian. Promise, minsan nga nagagalit siya saken ng walang dahilan eh. Simula nung nag away talaga kayong dalawa, ang bilis na niyang mainis" kwento niya.
Binasa ko naman nasa isip ni Maddie at nagsasabi siya ng totoo.
Galit nga talaga saken si Matteo.
Ang hirap suyuin ng lalaking yun.
"Pero blessing din yung di niyo pagkita nung Birthday niya kasi kaming dalawa magkasama nun hehe" sabi niya pa.
Aba, binasa ko uli nasa isip niya.
Tuwang tuwa, aba!! May nangyari pa pala sakanila!!
"Sabi niya kasi special daw yung celebration niyong dalawa palagi kaya pumayag ako. Pero bigla niya akong tinawagan. Atleast, nakapagcelebrate kaming dalawa"
Okay na rin pala yun atleast may kasama si Matteo nung birthday niya.
"Palagi kong sinasabi kay Matteo na makipagayos na sayo para umokay na uli siya. Mag bati na kayo please?" Pakiusap pa ni Maddie.
"Hehe, gusto ko rin eh. Kaso ayaw talaga niya" sagot ko naman.
"Sige, kausapin ko na lang siya uli ha? Sige alis na ako"
"Sige Maddie, salamat!" Sagot ko naman.
Pag alis ni Maddie, saka naman singit ni Jerick saken.
"Nako yang babaeng yun, kinekeme ka lang nun, wala talagang ganung eksena na nangyari!" Bulong saken ni Jerick.
Pero nabasa ko isip ni Maddie, at alam kong concern siya saken, at samen ni Matteo.
"Hayaan mo na siya hehe." Sabi ko na lang.
"Nako te, ramdam ko rin na iba yung level ng tampo sayo ni Matteo eh, di mo man lang ba siya namimiss?"
Napaisip ako.
Wala na nga ako masyadong makakwentuhan.
Wala na akong kabaliwan.
Wala na akong maka asaran.
"Sobrang miss ko na siya" sabi ko kay Jerick.
+++
Masyado kaming natutuwa nila Sarah at Kennard sa pagpapalevel. Level 12 na kami pareho ni Sarah, si Kennard naman kasi support lang samen.
"Pagod na ako Julian! Tama na! Haha" sabi ni Sarah.
"Haha, ako rin naman eh"
"Oo tama na yan, magiging mamaw na kayo pareho niyan sa event!" Sabi naman ni Kennard.
"Ehhhh, bakit kasi ayaw mo sumali samen?" Tanong ko.
"Wala naman akong matutulong ehh. Hehe, hayaan mo na. Okay na ako saken haha" sabi naman niya.
Habang nagkekwentuhan, napansin ko naman na parang huminto na naman yung kapaligiran.
Napansin din ni Sarah yun, si Kennard parang nakahinto rin.
Isa lang naman kilala kong kayang kontrolin yung oras.
Si Gab.
"Julian! Sarah!" Tawag samen ni Gab sa likod.
Asusual, naka mysterious all black outfit na naman siya.
"Uyyy" bati namen pareho.
Di pa naman alam ni Gab na may gift din si Kennard.
"I sense something about your friend ha? Hehe. Wait nga...." sabi ni Gab sabay labas ng libro niya at pinahawak kay Kennard.
Mukha namang nakalabas sa tunay na mundo si Gab at bumalik sa normal yung kilos niya.
Napatingin lang kaming tatlo sakanya.
"Bakit ganyan kayo makatingin at sino siya??? Kanina naman wala ka rito ah?" Sabi ni Kennard.
Tumawa lang kami ni Sarah at pinakilala siya kay Gab.
"Control the time? Pucha, napaka panget talaga ng gift ko kapak katabi ko kayo!" Sabi ni Kennard.
"Haha, eh ano bang gift mo pre?" Tanong ni Gab.
"Wag na pre, walang kalaban laban sayo" sagot niya.
"Haha, kaysa naman sa normal na taong walang gift no? Hehe. Sige na pre, ano na?" Pangungulit uli ni Gab.
"Hmmm. Sige na nga, hehe. Fire gift pre" sagot ni Kennard.
Natahimik bigla si Gab na parang nag isip muna saka sumagot.
"Wow, elementor! First time ko makakita ng ganyan ahhh. Nice nice," sabi ni Gab.
"Nice ba talaga? You're just being nice. Compare to you, power to control time! Parang lahat pwede mong gawin" sabi naman ni Kennard.
"Haha. Trust me, sa event, mangingibabaw ka. Hehe" sabi ni Gab.
Nakikinig lang kami ni Sarah sa kwentuhan nilang dalawa.
"I sense na tumaas na level niyo ahh? Wow nice!" Sabi ni Gab samen.
"Hehe thanks, kayo po ba?" Tanong ni Sarah.
"Well, ganun pa rin. Mahirap na when you reach 20 kaya kung ako sainyo sulitin niyo na hehe" sabi ni Gab.
"Hehe sige po Kuya!"
"Ehhh ikaw Julian? Mukhang ang lakas lakas mo na ahh"
"Hindi naman po kuya" sabi ko sa isip ni Gab.
"Ahhhh. Kaya mo ng gawin yan ngayon ah haha, dati hindi. Nice, nice. Yung mga special na katulad niyo ang magpapa excite ng event."
Parang ang daming alam ni Gab about sa event. Ang dami niya kasing nasasabi eh.
"Hmmm. So I guess, aalis na ako. Napadaan lang ako and na track ko kayo kaya nakipagkita lang ako hehe" sabi ni Gab.
"Sige po"sabay sabay nameng sabing tatlo.
Pagalis naman ni Gab, saka nagsalita si Kennard.
"Ang cool nun!! Hindi ko alam na may ganung gift, sobrang special!"
"Sinabi mo pa. Ang galing galing!" Sabi ko.
"Pero ang nakakapagtaka, paano kaya gumana kay Kennard yung power niya? Ehhh diba dapat di siya maaapektuhan kanina nung ginamit ni Kuya Gab yung gift niya?" Tanong saken ni Sarah.
"Hmmm. Sa tingin ko hindi talaga gumana. Gumana sateng dalawa, pero yung point of view ni Kennard, nasa real world. Parang di siya aware na ginagamitan tayo ng gift ni Gab then nung nahawakan ni Kennard yung book, then nakapasok siya sa gift ni Gab. Siguro ganun yung explanation" sabi ko kay Sarah.
"Oo, kanina kasi normal lang kayo. Then suddenly bigla siyang lumitaw out of nowhere, kaya siguro ganun" paliwanag ni Kennard.
Nakakamangha yung power ni Gab. Ang lakas.
Sana maging kakampi namen siya sa event.
++++
Halos dalawang linggo na ang nakalipas nung birthday ni Matteo pero wala pa rin kaming pansinang dalawa.
Aalis na rin ako papuntang Ilocos pero di niya pa rin ako pinapansin.
Nung una, medyo nagpapapansin pa siya, pero kahit text o chat, wala na talaga siyang pagreply.
Sa school, talagang hindi na siya tumitingin saken, mas close na talaga siya kay Jerick.
Sinasabi din ni mama na ilang araw ng hindi pumupunta si Matteo.
Sobrang namimiss ko lang talaga siya na napapatulala na lang ako kapag hindi niya ako pinapansin.
"Babe, nakatulala ka na naman." Sabi ni Laurence.
Magkasama kasi kami ngayon sa bahay. Nasa kwarto ko kaming dalawa.
Gusto kasi ni papa na dito naman daw kami sa bahay at wag palagi kina Laurence.
"Sorry babe." Sagot ko.
Niyakap niya ako sa likuran ko at hinalikan sa pisngi.
"Si Matteo ba yan?" Tanong niya.
Ayoko naman magsinungaling kaya nagsabi ako sakanya ng totoo.
"Oo babe,"
"Tsk. Kasalanan ko kasi talaga eh, kinausap ko naman siya kanina pero sabi niya nagtatampo lang daw siya sayo"
"Kinausap ka niya?"
"Oo babe, kanina."
Nakakainis. Bakit ba ayaw niya akong kausapin? Kailan ba niya akong balak kausapin?
"Babe, alam ko namimiss mo bestfriend mo pero nandito naman ako eh, pwede akong maging bestfriend mo at boyfriend at the same time" bulong niya saken.
Hinarap niya ako sakanya para mahalikan niya ako sa mga labi ko.
"Andito lang ako babe. Wag ka na mag isip masyado diyan ha?" Sabi niya.
Mabuti na lang talaga nandito si Laurence para pasayahin ako.
Nagmomoment pa kaming dalawa ni Laurence ng biglang pumasok si papa sa kwarto.
Pangatlong beses na niyang ginawa to simula kanina.
"Aha!!!! Nahuli ko rin kayo! Hahahaha" kitang kita kasi ni papa na naghahalikan kami ni Laurence.
"Pa naman!!!"
Tumatawa lang si Laurence.
"Ehh kasi kanina pa sumisigaw ang mama mo, kakain na tayo!" Sabi ni papa.
"Pero bakit kailangan na biglaang pumasok?"
"Ganun talaga, para mahuli kita hahaha"
Nang aasar na naman si papa. Pero si Laurence, tuwang tuwa pa rin kay papa.
"Ayos ba Laurence?" Sabi ni papa.
"Haha ayos na ayos po" sagot niya.
"Babe naman!"
"Haha, nakakatawa kaya papa mo babe"
"Tuwang tuwa ka pa ahhh?"
"Aba syempre!" Sabay akbay saken at halik sa pisngi, "...ayos po ba?" Tanong naman ni Laurence kay papa.
"Haha ayos na ayos! Siguradong kinikilig na yang Julian na yan. Pabebe lang!"
"Papa naman, ano ba, sige na bababa na kaming dalawa. Alis kana, alis alis."
"Ay grabe siya oh! Sige na, bumaba na kayo at kumain na! Kanina pa kayo nandito eh, mamaya kung ano na...."
"Pa!! Sige na po! Bababa na po kami" medyo inis kong sabi kay papa.
"Ahaha okay okay. Bye." Sabay ngiti ni papa samen.
Tawa naman ng tawa si Laurence paglabas ni papa.
"Ahaha, ang cool ng dad mo talaga!"
"Cool ka dun, mapang asar siya kamo!"
"Haha, tara na babe. Baka bumalik pa yun dito at mambwisit" sabi ko sakanya.
Kaya bumaba na kaming dalawa at nakahain na para sa dinner.
+
"So kumusta kayo? Parang ang tagal mong di tumambay dito Laurence ah?" Tanong ni mama.
Nasa table kaming apat at kakatapos lang mag asaran ni Laurence at Papa.
"Ahhh sorry po, palagi po kasi kami nasa bahay eh. Sige po, dito naman po kami palagi hehe" sabi naman ni Laurence.
Ang nakakatuwa kasi kay Laurence, sobrang galang niya at sweet din kina mama at papa. Kaya mas nakakainlove talaga siya.
"Aba dapat lang, nag iisang anak namen yan. Dapat dito naman kayo." Pahabol ni mama.
"Hehe sorry po talaga"
"Ayos lang ayos lang hehe."
Natahimik kami sandali tapos nagsalita uli si mama.
"Bakit si Matteo hindi na pumupunta rito?" Tanong saken.
Naisip ko na naman yung away nameng dalawa.
"Eh, di po kasi nakasipot si Julian nung Birthday niya kaya nagtampo po si Matteo" si Laurence na nagpaliwanag.
"Ayy oo nga pala. Hehe palagi pa naman nandito yun, nakakamiss din kakulitan!" Sabi ni mama.
Nagtaka tuloy bigla si Laurence sa sinabi ni mama.
Kaya natahimik siya hanggang sa matapos yung dinner namen.
Hanggang sa ihatid ko siya sa labas para umuwi, tahimik pa rin siya.
"Babe, okay ka lang?" Tanong ko sakanya.
"Bakit di mo sinasabi na nandito palagi si Matteo sainyo?"
Hala, pati si Laurence galit saken.
"Babe, hindi ko naman siya naaabutan palagi eh"
"Pero palagi nga siyang nandito? Ano ba talaga kayong dalawa babe?"
"Anong ibig mong sabihin??"
"Mag best friend lang ba kayong dalawa?!!" Galit na talaga si Laurence ngayon.
"Babe....."
"Babe naman! Gusto mo ba talaga ako? O napilitan ka lang sagutin ako?#"
Hindi totoo yun. Mahal ko talaga si Laurence.
"Babe, wala naman akong paki kung maging close pa rin kayo ni Matteo eh! Ang sa akin lang, magsabi ka. Sabihin mo lang saken lahat. Kasi ako, wala akong ginagawang masama!"
Halos maiyak na siya sa mga sinasabi niya saken ngayon.
"Aalis ka na lang lahat lahat, ganito pa tayong dalawa!"
Aalis na pala kami sa susunod na araw papunta sa Ilocos. Halos isang linggo din akong mawawala dito.
"Babe, sorry...." di ko alam yung sasabihin ko sakanya.
"Sige na babe, uuwi na ako, salamat sa dinner." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko at sakay sa sasakyan.
Di na niya ako hinintay makapagsalita at umalis na siya kaagad.
++
Pag akyat ko sa kwarto ko, hindi ko maiwasang maiyak.
Ayoko kasi ng nag aaway kami ni Laurence, ang masakit pa, pinagbintangan niya ako ng masama about kay Matteo.
Wala naman akong ginagawang masama pero ganun siya magsalita.
Eto yung mga panahong gusto ko makausap si Matteo kaso wala, di niya ako pinapansin.
Pero nagbakasakali ako na ichat siya baka sakaling magreply.
"Matty" chat ko. Online siya kaya nababasa niya to.
Seen.
"Matteo, kailangan kita :(("
Seen.
"Please?"
Pero seen pa rin.
Naiiyak na ako talaga kasi wala akong masabihan ng problema kong to. Si Matteo lang kasi mapagkakatiwalaan ko eh.
Pero nagulat ako ng biglang tumawag saken si Matteo.
Inayos ko sarili ko at di ko pinahalatang umiiyak ako.
"Hello?" Sagot ko.
Pero hindi siya nagsasalita.
"Naririnig mo ba ako?"
Pero di pa rin sumasagot.
"Umubo ka nga kung talagang nandiyan ka!" Alam ko kasing ayaw niya magsalita kaya ganun na lang sinabi ko.
Umubo naman siya agad.
Good. Naririnig niya ako.
"Nag away kasi kami ni Laurence eh. Parang first time namen to"
Wala pa ring sagot.
"Nalaman niya na palagi kang nandito sa bahay, eh di naman kita naaabutan palagi eh kaya di ko na sinasabi sakanya. Di ko na tuloy alam gagawin ko, ayoko pa naman na nag aaway kami" sabi ko.
Pero wala pa rin siyang sinasabi.
Di ko alam pero bigla na lang tumulo luha ko
Siguro dahil samen ni Laurence, tapos pati yung di pagpansin ni Matteo saken.
"Sana naman kausapin mo na ako. Sorry na talaga Matteo."
Pero di pa rin siya nagsasalita.
"Miss na Miss na Miss na kita."
Wala pa rin talagang sagot.
"Sige na, Goodnight na Matty, miss na talaga kita. Sorry na uli..."
Binaba ko na yung tawag at natulog na lang akong umiiyak.
+++++
Naka impake na ako't lahat lahat.
Maaga ako sa school ngayon kasi maaga ang alis namen papunta sa Ilocos.
Sa totoo lang, medyo excited ako kasi makakapagbakasyon ako at the same time, makakatulong pa ako sa mga taong walang wala.
Dumating na yung bus na sasakyan namen pero bago ako makasakay, nakita kong palapit saken si Maddie at umiiyak.
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Ohhh, anong problema?" Tanong ko.
"Si Matteo..... nakipagbreak na siya saken!!!!" Iyak ng todo ni Maddie.
Sobrang nakakaawa si Maddie ngayon sa hagulgol niya.
"Julian... please, kausapin mo siya! Ayokong maghiwalay kami. Please......" halos nagmamakaawa na saken si Maddie.
"Ehhh.... di na kami naguusap..."
"Please, alam ko ikaw lang makakakumbinsi sakanya...."
Halos lumuhod na saken si Maddie.
Sa sobrang hiya, tinayo ko siya at nangako sakanya na kakausapin ko si Matteo pag balik ko.
"Julian... please, kausapin mo. Kumbinsihin mo. Mahal na mahal ko talaga si Matteo"
Kung dati inis na inis ako sa babaeng to, ngayon naman awang awa ako sakanya.
Nababasa ko kasi nasa isip niya at talagang alam ko na mahal na mahal niya si Matteo
"Oo na sige na Maddie. Wag ka ng umiyak diyan" sabi ko naman
Pinunasan ko na yung luha niya at inabot yung panyo ko sakanya.
"Salamat Julian. Salamat talaga!"
Kinalma niya muna sarili niya bago siya umalis.
Ako naman, sumakay na sa sasakyan at nagulat ako sa dami ng dala ng bus. Di ko tuloy alam kung paano magkakasya yung ibang volunteers.
"Julian!" Tawag saken ni Dean pagsakay ko ng bus.
"Maam. Ang dami naman po nating dala" sabi ko.
"Ofcourse, donation ng school yan. At saka dalawang bus to. Mauuna lang tayo sandali para maayos na natin dun sa lugar. Okay ba?" Tanong ni Maam.
"Okay na okay po maam hehe."
Naeexcite ako kasi Ilocos to at bakasyon at exempted sa lahat ng activities sa school.
Di naman nagtagal, umalis na yung bus.
Ako lang yung student volunteer sa loob at lahat puro faculty.
Medyo OP pero inaantok pa ako kaya natulog na muna ako sa byahe.
Pero may text galing kay Laurence. Nasa NLEX na kami ngayon.
"Babe! Di pala kita naabutan sa school, akala ko nandito pa kayo. Hmmm. Mag enjoy ka diyan ah? Mamimiss kita ng one week. Update mo ko palagi para alam ko. Sorry pala sa away natin, gusto kitang makausap. Mas mahalaga ka kesa sa away natin. Hmm. I love you so much. Please. Please .update mo ko ah? Di na ako galit. Miss na miss na kita! Text mo ko please"
Medyo natuwa ako kasi nagtext na si Laurence saken.
Nagreply din ako ng mahabang text galing sakanya, at natulog na ako sa byahe.
+++
"Julian, malapit na tayo. Tingin ka dali, maganda yung view" gising saken ni maam.
Ang taas ng sikat ng araw pero ang ganda ganda ng view.
Yung windmill!!!! Grabe. Sa picture ko lang nakikita to tapos ngayon dinadaanan na namen.
Ang ganda ganda talaga!!
Sana nandito si Matteo para makita to, siguradong magugustuhan niya to.
Nagising na ako ng tuluyan dahil sa sobrang gandang view hanggang sa makarating kami sa isang liblib na lugar.
Parang pang team building yung itsura ng lugar.
Maraming maliliit na kwarto. tapos sobrang daming puno sa paligid.
Napaka fresh din ng hangin. Probinsiyang probinsiya.
Binaba na namen lahat ng dala dala namen sa bus. Sobrang dami talaga, mga pagkain at tubig. Nakakaexcite tuloy makatulong.
Halos isang oras din kami ngbaba ng gamit at hinatid na ako ni maam sa tutulugan ko.
Yung kwartong tutuluyan ko pala gawa sa kahoy at kahit walang electric fan, malamig naman kasi December na.
"Nasa byahe na raw yung mga ibang volunteers. Parating na sila, pwede ka muna magpahinga Julian." Sabi ni dean saken.
Di na ako tumanggi kasi antok na antok na rin ako.
++
Nagising lang ako dahil sa ingay sa labas.
Mukhang dumating na yung iba.
Tinignan ko yung oras, alasingko na pala ng hapon. Nag ayos muna ako ng itsura bago ako lumabas.
Pagkakita ko sa volunteers, wala man lang akong kilala kahit isa. Kahit si Jerick man lang para may kausap ako kahit papano.
Pero laking gulat ko ng may bumaba sa bus.
Aba, bakit nandito siya?
Nagulat din siya nung makita niya ako dun.
Para siyang tanga na nagtakip ng mata para kunwari di ako makita.
Nilapitan ko siya para kausapin.
"Anong ginagawa mo rito???" Tanong ko.
Pero di niya pa rin ako pinapansin. Tinakpan pa niya yung mga mata niya para talagang di ako makita.
"Hoy Matteo!" Sabi ko.
Pero di pa rin niya ako pinansin. Lumapit siya sa ibang volunteers at dun siya nakipag usap.
Kasama ko si Matteo sa Ilocos!