Di pa rin ako pinapansin ni Matteo simula ng dumating siya. Wala talaga akong kilalang volunteer kahit isa kaya naiinis ako.
Si Matteo naman nakikipaglandian sa mga babae, nagpapa cute pa. Nakakainis talaga.
Nakatayo lang ako sa gilid at naghihintay ng may mag uutos saken kung anong gagawin.
Habang inis na inis akong pinagmamasdan si Matteo, bigla naman nagtext saken si Laurence.
"Babe?" Sabi niya.
"Yes babe?"
"Update please?"
"Ay sorry po. Nasa Ilocos na po kami. "
"Good. Good. Nag dinner na kayo?"
"Hindi pa babe. Gutom na nga ako eh"
"Awwww. Kain ka na muna, wala ka bang baon?"
Pero bago ako makareply, nakita ko yung isang volunteer na lalaki na nagbubuhat ng mabigat na box kaya nilapitan ko siya.
"Tulungan na kita diyan" sabi ko skanya.
"Yun, salamat! Hehe" sabi niya.
Dahil sa level 8 gift ko na malalaman ko lahat ng basic info sa isang tao, ginamit ko yun sakanya at natuklasan ko lahat sakanya.
Paul Jansen Lopez
19 years old.
taga Manila.
Minsan, nakakatuwa tong gift ko sa ganitong pagkakataon eh.
Nilapag na namen yung box kasama ng ibang mga box.
"Yun. Salamat ahh. Jansen pala!" Pakilala niya.
"Julian" sabi ko sabay abot ng kamay.
"Teka, ikaw yung boyfriend ni Laurence diba?" Bigla niyang sabi.
Siguro nandun siya nung nagtapat saken si Laurence.
"Ahhh hehe. Oo" sagot ko.
"Wow! Idol ko kaya kayo, lalo na si Laurence. Grabe, buti may lakas ng loob siyang ipagsigawan sa lahat yung nararamdaman niya sayo"
Natutuwa naman ako sa kanya.
Kung titignan siya, di sya mukhang gay. Matikas na matikas kasi talaga siya, actually, gwapo pa nga eh. Di ko nga lang siya type masyado.
"Hehe, kaya mo yan" sabi ko na lang.
"Pwede po ba sayo ako sumama? Wala kasi akong kakilala rito kahit isa ehh"
"Talaga? Sige tara! Wala rin akong makausap dito ehhhh" sabi ko na lang.
Tinignan ko si Matteo pero di pa rin niya ako pinapansin.
++++
Ang swerte ko kasi kasama ko si Jansen sa kwarto, atleast hindi talaga ako mabuburyo.
Dalawa yung double deck sa kama kaya hinihintay ko pa yung dalawang kasama namen sa kwarto.
"Dentistry ka?"tanong ko sakanya.
"Opo hehe"
"Tigilan mo nga ako sa kaka opo mo haha"
"Sorry po.,. Este, sorry. Idol ko kasi talaga kayo eh hehe"
"Nako wag, simple lang naman ako," sagot ko.
"Pwede po ba tayong mag selfie" ang awkward kasi, di naman ako kagwapuhan, mas may itsura pa nga siya saken tapos ganito.
Pero wala na akong nagawa, kasi naglabas na siya ng phone at umakbay saken.
Sakto naman habang nag seselfie kami, pumasok na yung dalawa pa nameng ka kwarto.
At nagulat ako at isa sakanila si Matteo.
"Ayy baka mali yung kwarto naten pre!" Sabi ni Matteo sa kasama niya nung nakita ako niya ako"
"Paanong mali pre eh eto na lang yung kwarto" sabi nman nung lalaki.
"Ahhh. Wala lang, baka lang naman." Nang aasar si Matteo!!
Alam ko ganyan yung boses niya kapag nang aasar siya! Yung nagpaparinig, tapos kunwari di ako yung pinapatamaan.
Nakaharang pa pala yung gamit ko sa dadaanan.
"Kanino kayang gamit tong nakaharang, bakit di niya tanggalin. Daanan kasi to eh" pagpaparinig niya na naman.
Sa inis ko, kinuha ko yung bag ko at nilapag sa kama.
"Ayun, buti na lang nawala" pahabol niya.
Argh, nakakaasar talaga, ang lakas mang asar.
Natatawa naman si Jansen at yung isang lalaki sameng dalawa ni Matteo.
Pumwesto si Matteo sa itaas ng double deck kung saan ako nakahiga.
Nagpahinga na kaming lahat sa kwarto at natulog.
++++
Maaga kaming nagising para maghanda ng mga packages na ipamimigay namen sa ibat ibang pamilya rito.
Ngayon ko lang napansin na 10 lang kaming student volunteers tapos 6 na faculty members. Konti lang pala talaga.
Pare parehas kami ng suot lahat, plain white TShirt lang.
Asusual, nilalandi pa rin ng mga babae si Matteo at gustong gusto naman niya.
"Ang aga aga naman nakasimangot ka" sabi saken ni Jansen habang nag papack kami ng mga pagkain.
Pinilit kong ngumiti.
"Sorry, hehe"
"Alam ko magkakilala kayo ni Matteo eh, nakikita ko kasi kayong magkasama palagi nun" sabi ni Jansen.
"Oo, hehe pero magkaaway kami ngayon eh"
"Ahh okay okay. Ang hirap siguro magkaroon ng straight na tropa no? Hehe"
Hindi naman mahirap. Mahirap lang talaga kapag nainlove ka.
"Sakto lang, sanay naman na ako at saka alam naman niya yung tungkol saken kaya di naman nakakailang hehe" sagot ko.
"Ahhh buti naman"
Masaya naman kausap tong si Jansen kaso kasi iba kapag si Matteo, wala talagang dull moments.
Umalis na kaming lahat sakay ang bus namen.
Naiirita talaga ako, bakit ba kasi kasama si Matteo dito? Ang alam ko kasi hindi siya kasama!
Nasa harapan sila banda, at kami naman ni Jansen nasa likod.
Dala dalawa lang kada hilera yung upuan.
Nasa left side sila Matteo.
Nakaupo yung babae sa window side at Matteo. Then sa kabilang side, nakikipagdaldalan din yung ibang babae.
Sinubukan kong pumasok sa isip nung babae para makausap ko si Matteo.
Since level 12 na ako nag upgrade na rin yung gift ko.
Level 10 kasi, kaya kong makontrol yung action ng mga tao.
Pero ang level 11, Kaya kong kontrolin yung action, at the same time, kaya kong kontrolin yung sasabihin nila.
So it's time para makausap ko si Matteo.
Pinasok ko yung isip ng babae at AYUN!!! Feeling ko katabi ko na si Matteo pero ang totoo, nasa loob ako ng katawan ng ibang tao.
Tinignan ko si Matteo at hinawakan sa may hita niya
"Woah, woah, woah. Ang bilis mo miss hehe" sabi niya saken, pero technically yung babae yung nakikita niya.
Sinubukan ko kung talagang kaya kong kontrolin pati sinasabi niya.
"Hi" sabi ko.
OMG! Pwede nga!!
"Hi, kanina pa tayo magkausap diba? Hehe" ang gwapo gwapo ni Matteo. Sobrang namiss ko talaga to.
"Hehe, may kakilala ka ba rito?" Tanong ko uli.
"Sabi ko nga kanina diba, si Julian. Yung lalaki na payat na ewan na talkshit na manloloko. Yung nasa likod!" Sabi ni Matteo.
Ay grabe naman yung pagpapakilala niya saken.
"OA mo naman, nagsorry na yung tao eh!" Sabi ko.
Pero sht, nakalimutan ko na nasa ibang katawan pala ako. Kaya napatingin si Matteo at yung katabi niya saken.
"I mean.... nakausap ko na siya kanina, sabi niya nag sorry na daw siya sayo" pahabol ko na lang.
"Nagkausap kayo? May sinabi ba siya tungkol saken?" Tanong ni Matteo.
"Hmmm. Wala naman, sabi niya lang namimiss ka na daw niya" sabi ko naman.
Napansin ko namang ngumiti siya sa sinabi ko at sobrang namiss ko rin yung ngiting yun.
"Talaga? Miss ko na rin yung lokong yun eh!" Sagot niya.
"Haha bromance? Diba ayan yung boyfriend ni Laurence? Gosh, patay na patay pa naman ako kay Laurence tapos gay pala siya" sabi naman nung katabi niya.
"Hehe, ganun talaga. Di mo alam kung kailan ka tatamaan ni kupido" sagot naman ni Matteo.
Grabe, pwede ko lang titigan si Matteo maghapon. Halos dalawang linggo na walang usap usap, sobrang namiss ko talaga siya.
May itatanong pa sana ako kaso narinig namen na may nangyayaring gulo sa likod ng bus.
Nagulat ako ng makita ko sarili ko na nahulog sa kinauupuan ko.
"Sht!" Sigaw ng lahat.
Pagkatingin ni Matteo, dali dali siyang lumapit sa katawan ko.
Sa sobrang taranta ko. Tinignan ko uli yung sarili ko para makabalik na ako sa katawan ko.
+
"Ju!! Gising ano ba!!" Boses ni Matteo yun na pinapalo pisngi ko.
Pagmulat ng mga mata ko, nakita kong nakasandal ako sa hita niya at mukha niya yung bumungad saken.
"Pucha naman ano bang nangyayari sayo?#" halos galit na si Matteo saken nun.
Nagkukumpulan na rin lahat sa pwesto naman.
Pero tumayo ako at agad na nag ayos.
"Sorry po. Sorry po, sobrang antok lang talaga" sabi ko naman.
Ngumiti naman lahat at bumalik na sa kani kanilang upuan.
Naiwan naman si Matteo sa gilid ko.
"Okay ka lang ba talaga?" Medyo maayos na uli yung pagtatanong niya saken.
"Oo, salamat" sagot ko naman.
"Good" sabay talikod at balik sa upuan.
Back to normal na naman yung di niya pagpansin saken at dun ko napatunayan na nagtatampo lang talaga siya at hindi siya totally na galit.
At isa ko pang nalaman, kapag nasa ibang katawan ako, wala namang nagbabantay sa katawan ko.
+++
Mainit, maputik pero napakaganda ng mga ngiti ng mga taga rito nung makita nila kaming may mga dala para sakanila.
May lilim naman ng mga puno pero mas nangingibabaw yung init.
May mga puno sa paligid tapos malaking bakante naman yung nasa gitna.
Lahat ng mga tao, bata, matanda, nakaupo silang lahat at nakangiti sa paglapit namen.
Hindi naman mawala sa paningin ko yung isang bata na saken mismo nakatingin at ang laki ng ngiti.
Tinignan ko kung anong pangalan niya at nalaman kong Matteo rin! 7 yeard old.
Hinanap ko si Matteo at busy siya sa mga babae niya. Imbis na mabwisit ako, nagfocus na lang ako dito.
Pagkatapos magbigay ng speech ng dean namen at ng representative ng mga Ilocano, pinamigay na namen yung mga pagkain nila para sa darating na pasko.
Di talaga mapinta yung mga ngiti sa mga mata at labi nila, nakakatuwa lang.
Maya maya, biglang lumapit yung batang si Matteo saken at niyakap ako sa mga binti.
Ewan ko ba pero natuwa ako sakanya.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko sakanya kahit alam ko na.
"Ako po si Makmak, pero Matteo po totoo kong pangalan" ang cute niyang bata. Moreno siya at payat, pero ang ganda ng mata.
"Hello Matteo, alam mo ba yung bestfriend ko pangalan din Matteo?"
"Talaga po? Siguro po gwapo rin po yun katulad ko" sabi niya.
"Hindi, mas gwapo ka sakanya! Hehe"sabi ko.
Nakakatuwa talagang kausap yung mga bata.
"Kuya maraming salamat po at pumunta po kayo rito samen! Sigurado pong may handa na ako sa birthday ko po!" Kwento ni makmak.
"Talaga? Kailan ba birthday mo?"
"Sa Disyembre 24 po"
"Wow. Buti naman at makakapaghanda ka!"
"Opo. At salamat po sainyo!"
"Walang anuman makmak"
Ang cute talaga. Ang cute. Ang sarap sa pakiramdam ng nakakatulong.
Umalis si Makmak at lumapit saken si Jansen.
"Julian, laro daw tayo kasama mga bata hehe tara, gustong gusto ko talaga mga bata eh!" Sabi ni Jansen saken na may halong excitement.
"Tara! Pero anong prize natin?"
"May bibigay tayong bag ng candies hehe. Kami nag pack kanina nun eh"
"Wow, sige tara!"
Ang dami dami kasing mga bata, siguro nasa 20+. Kaya habang nakikipagkwentuhan yung mga faculty sa mga parents, kami naman nakikipaglaro sa mga bata.
Nabasa ko naman sa isip ng ibang student volunteers na ayaw nila sumama samen ni Jansen.
Tsk, kairita!
++
2nd day, at wala pa rin kaming pansinan ni Matteo.
Tumawag naman sila mama para kamustahin ako.
"Okay lang ako dito Ma. Sobrang saya, lalo na yung mga bata! Nako, sana nandito kayo!" Sabi ko.
"Nako, wag na. Okay na yan ng maexperience mo yung ganyan at hindi ka na hingi ng hingi samen ng mama mo!" Sagot ni papa.
"Hala si papa, haha"
"Sige na mag enjoy ka diyan, nakuha mo ba kay Matteo yung binigay kong pagkain? Nakalimutan ko kasi ibigay sayo eh umalis ka na kaagad" sabi ni mama.
"Paano niyo naman nabigay kay Matteo aber?"
"Maaga rin siyang pumunta rito sa bahay nun. Nauna ka lang umalis"
So galing na naman pala si Matteo samen, after ilang araw ng hindi pagpunta.
"Ahhh ganun ba. Sige kunin ko na po. Tsaka bye na rin kasi aalis na kami"
"Ganun ba, sige anak. Mag ingat ka!" Sabi ni mama.
"Pasalubong anak, bagnet lang haha!" Sigas naman ni papa.
"Haha sige po pagbalik hehe. Love you po!"
"Love you anak!" Bati nila mama.
Saka naman ako pumasok uli ng kwarto para kausapin si Matteo.
"Hoy!" Tawag ko sakanya.
Nakatalikod siya habang nagbibihis.
"Bakit?" Sabi niya ng di humaharap saken.
"May binigay daw na pagkain sayo sila mama ah? Bakit di mo pa binibigay saken?"
"Edi kunin mo na sa bag ko. Napaka PG mo naman! Parang pagkain lang!" Di pa rin siya humaharap saken.
"Ano ba, humarap ka nga"
"Ayoko nga. Ayaw kitang makita! Galit pa rin ako sayo!"
"Para kang bata!"
"Atleast di ako sinungaling"
Ramdam na ramdam ko yung pagsabi niya saken ng sinungaling.
"Tse, akina yung pagkain ko!!" Kinuha ko yung bag niya sa may higaan niya pero kinukuha niya yun.
"Teka, ako na kukuha! Mamaya kung ano pa kunin mo rito eh!" Inis niyang sabi saken.
Atleast nakita ko siyang nakatawa pero pinipilit sumimangot. Ang cute talaga.
"Oh, para sa Lays nagkakaganyan ka!" Abot niya saken ng Lays.
"We? Feeling ko meron pa diyan eh!"
"Wala na. Eto, paka patay gutom. Kumain ka sa labas, at may pagkain dun!"
"Ayaw, patingin!" Hinablot ko yung bag niya at tumilapon lahat ng laman. Mga gamit niya pato undies niya.
Tumatawa lang si Jansen sa kakulitan nameng dalawa, tapos na siyang mag ayos kaya lumabas na siya at naiwan na lang kaming dalawa ni Matteo sa kwarto.
"Tignan mo yang ginawa mo! Pulutin mo yan!" Utos niya.
Pero may nakita pa akong isang box ng Stick O at puro tinapay. Alam ko kay mama galing yun!
"Aha! Sigurado akong di sayo yang mga pagkain na yan!"
"Hala siya, ano kala mo saken di marunong mag prepare?!"
"Prepare prepare ka diyan, ganyang ganyan gawa ng mama ko no!"
"Edi kunin mo. Parang tinapay lang eh. Kunin mo yang gamit ko ha. Ayusin mo tapos ibalik mo na sa kama. Lalabas na ako, naiirita na ako sayo!"
"Edi sige mairita ka! Tse!"
"Tse ka rin!" Sagot naman niya.
Pero wala pa siyang suot na damit.
"Hoy lalabas kang naka ganyan?"
"Hindi, joke lang..." sabay kuha ng damit niya at suot "....masaya ka na?"
"Tse!"
"Tse ka rin ulit!" Sagot naman niya.
Imbis na mainis ako, natutuwa ako kasi kinakausap na niya ako kahit papano.
Inayos ko naman yung gamit niya na natapon pero may nakita akong sulat na nakatago sa blue envelope. Naka dikit kasi yung envelope kaya di ko mabuksan eh.
Tinago ko na lang uli sa bag niya yun at binalik sa kama niya saka ako lumabas.
+++
Pag dating ng hapon, may isang bata na nagpapasama saken na umihi sa mga puno.
Nahihiya kasi siyang mag banyo, at dahil bata naman, sinamahan ko na siya.
Naglakad kami ng naglakad hanggang sa malayo na talaga kami.
"Saan ka ba iihi? Ang layo naman neto" sabi ko sakanya.
"Secreeeeet." Sabi nung bata.
Nagulat ako sa sinabi niya, natakot pa nga eh. Ang creepy niya magsalita. Hawak hawak pa niya kamay ko.
"Uy, dito ka na lang umihi. Masyado na tayong malayo"
"Hahaha surprise!! Ako ito, si TB!"
"Fvck!! Sht. Ano ba TB!!!Bakit kailangan mong manggulat ng ganito?!!"
Ang lakas ng t***k ng puso ko sa kaba dahil sa batang to tapos si TB lang pala to!
"Hahaha sorry, binisita lang kita haha. Infairness ang layo ng byahe ah" sabi niya.
"Teka, bakit ka ba nandito?" Tanong ko.
"Wala naman, bibigay ko lang sayo tong invitation mo para sa event!" Sabay abot saken ng letter.
"Talagang ayun lang pinunta mo rito?"
Ang awkward kausap ng bata kasi nakayuko ako. Akala ko naman tropa ni makmak to.
"Oo, kailangan kasi binibigay kaagad pagka abot saken. Bakit kasi late ka na nagpasign up eh, edi sana last week ko pa nabigay sayo yan!"
"Teka, marami bang kasali?"
"Oo sobrang dami! Kaya kung ako sayo galingan mo."
"Oo gagalingan ko talaga para sayo" sagot ko naman.
"Good good. At by the way, January 2 ang start niyan so malapit lapit na ah?"
"Eh paano naman yung klase ko sa school?" Tanong ko.
"Ehh bahala ka na dun haha."
Ang awkward talaga kausap ng bata tapos ganito pa siya sumagot saken.
Habang nagkekwentuhan pa kami ni TB, naririnig kong sinisigaw ni Matteo ang pangalan ko.
"Ju! Nasaan ka na?!"
"Uy andito na yung 'bestfriend' mo haha. So paano ba yan Julian, aalis na ako?" Sabi ni TB.
"Teka sabay na tayo!"
"Ehhh, mahihirapan ako sa pag alis kapag nandito na si Matteo. Sige na, bye na!" Paalam niya.
Bago ko pa siya mapigilan, nakita ko na si Matteo na palapit saken.
"Hoy, ano bang ginagawa mo rito!" Sermon niya saken.
Tinignan ko si TB sa tabi ko pero wala na siya.
"Hoy, ano ba!" Sabi niya uli.
"Bakit ka ba nagagalit diyan?!"
"Di ako nagagalit, nakita kitang bigla na lang naglakad dito tapos pagdating ko nakatayo ka lang naman dito. Ano ba ginagawa mo?"
"Wala ka na dun."
Paalis na ako pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
Parang first time ko ata uling mahawakan yung kamay ni Matteo.
Di ko alam mararamdaman ko.
Wala naman siyang sinasabi, basta nakahawak lang siya saken.
"Bakit?" Tanong ko sakanya.
Bigla niya na lang binitawan yung kamay ko at naglakad pabalik.
"Bilisan mo na, mamaya magdidinner na tayo!" Sabi niya na lang.
Ang weird ng hawak niya sa kamay ko... pero....
Pero....
Gusto ko yung feeling.
++++
Ayokong nagsisinungaling kay Laurence, kaya naman nung tumawag siya saken, kinwento ko lahat.
"Mukhang nageenjoy ka diyan babe ah?" Sabi niya.
"Hehe opo. Sobrang pagod lang babe, nasa kama na ako ngayon matutulog na" sabi ko sakanya.
"Ahhh, sige babe. Magpahinga ka na, sa kwento mo mukhang pagod na pagod ka eh hehe"
"Sobra, ikaw ba babe? Kumusta ka diyan?"
"Okay naman, namimiss lang kita ngayon hehe."
"3 days na lang naman, babalik na kami hehe"
"Oo nga, konting tiis. Hehe"
"Tama, goodnight babe!"
"Goodnight din babe, I love you so much!"
"I love you too babe" sagot ko.
Binaba na yung tawag at natulog na ako.
+++++
Napansin ko si Matteo sa sahig na kumakain ng tinapay ko. Mukhang madaling araw pa at sobrang dilim. Ilaw lang ng cellphone niya yung nakikita ko.
"Hoy, bakit gising ka pa?" Tanong ko sakanya ng pabulong para naman hindi marinig nung dalawa pang nasa kwarto.
"Nagutom ako bigla eh, kinuha ko lang pagkain mo sa bag" pabulong din siya.
"Tsk, matulog ka na. Patayin mo na yang ilaw cellphone mo, ang liwanag eh" sabi ko sabay higa uli ng maayos.
"Julian..." iba yung tono ng boses niya nung mga oras na yun.
"Bakit Julian tawag mo saken?" Tanong ko.
Napansin ko naman na tumayo siya at naupo sa may kama ko. Nakakumot pa rin ako sa lamig, samantalang siya naman, naka tshirt at short lang.
Tinitigan niya lang ako at di nagsasalita.
"Uy Matty, bumalik ka na sa...." di niya pinatapos sinasabi ko ng bigla niya akong halikan.
Di ko makita yung itsura niya pero sobrang damang dama ko yung labi niya.
Gusto ko talagang kumawala pero wala akong magawa.
Naramdaman ko naman na hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit na mahigpit kaya mas lalo akong walang laban.
"Uhm.... matty...." di ako makapagsalita ng maayos dahil sa halik niya.
Pero bigla niya akong binitawan at nawala yung paghalik niya saken.
Parang nagising ako sa katotohanan.
In fact, nagising na naman ako!
Pucha!! Panginip na naman pala yun!!!
Ang dilim dilim pa naman sa kwarto,
Chineck ko phone ko kung anong oras na, alas tres palang ng umaga.
Nakakainis.
Palagi ko na lang napapanaginipan yung ganun kay Matteo.
Dahan dahan akong bumangon para tignan siya sa taas ng kama, pero nung inilawan ko yung phone ko, di ko siya nakita.
Wala siya sa higaan niya.
Napansin ko rin na bukas yung pinto kaya lumabas ako.
Ang ganda ganda ng stars sa langit, sobrang liwanag at yung moon, buong buo!
Naglakad lakad ako at napansin ko naman si Matteo na nakahiga sa may damuhan di kalayuan sa pwesto namen
Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.
"Pshh, bakit ka nandito?" Medyo inis niyang sabi.
"Hanggang ngayon ba galit ka saken?"
"Obvious ba? Ayun nga ginagawa ko diba? Iniiwasan ka!"
"Ohh bakit ka naiinis diyan?!" Sabi ko.
"Umalis ka na dito please. Nauna ko rito, maghanap ka ng ibang pwesto!"
Ramdam na ramdam ko yung inis niya saken ng mga oras na to.
"Ano bang gusto mong gawin ko para di ka na magalit saken?? Miss na miss na kita"
Hinawakan ko yung kamay niya.
Akala ko bibitawan niya yun pero mas lalo niyang hinigpitan yung hawak.
Umupo siya uli magkaharap na kaming dalawa.
"Matteo... ano ba? Sorry na??? Ano pa bang gusto mo???!"
"Bakit? Gagawin mo ba?!" Tanong niya.
"Oo, dali na. Kahit ano. Basta mapatawad mo lang ako"
Nakatitig siya sa mga mata ko ng seryoso. Di ko alam yung naiisip niya. Hindi ko talaga mabasa kahit level 12 na ako.
"Hiwalayan mo na si Laurence."
Di ko alam kung anong sasabihin ko sa sinabi niya.
"Uh.... bakit? Ayaw mo ba sakanya?"
Mas lalo naman humigpit yung hawak niya sa kamay ko.
"Tayo na lang Ju"
Parang tumigil mundo ko sa sinabi niya.
Di naman maalis yung tingin ko sa mga mata niya, ganun din yung kanya.
Di ko alam kung mali ako ng dinig.
"Mahal kita Julian."
Tulala.
Ayun lang talaga reaksyon ko ngayon.
"Alam mo ba kung bakit di kita pinapansin? Di ko na kaya Ju. Parang sasabog na ako. Kung paano mo ipakita saken kung gaano mo kamahal si Laurence na dapat sana, ako yun! Napuno lang ako dahil mas pinili mo siya kesa sa Birthday ko."
Di nag sisink in saken yung mga sinasabi niya.
"Mabait si Maddie Ju, ayoko na siyang lokohin. Ikaw talaga mahal ko. Mahal na mahal kita."
Ano ba tong nararamdaman ko.
Ang t***k ng puso ko.
Yung higpit ng hawak niya sa kamay ko.
"Tangna naman Ju kakasabi ko lang na mahal kita! Magsalita ka naman!!"
Pero mali to.
Maling mali.
Si Laurence.
Ayoko siyang saktan.
"Sorry Matty...." tatayo na sana ako pero hinila niya ako palapit sakanya at hinalikan ako ng madiin sa labi.
Ano ba Julian lumaban ka!!
Umalis ka na!
Pero dun ko napagtanto, na di na niya hawak kamay ko.
Hawak ko na yung mga pisngi niya.
Yung pakiramdam ng labi niya ngayon, sa ilalim ng napakaraming stars, sa lamig ng panahon. Ang sarap. Sobrang sarap.
Nanaginip ba ako?
Hindi.
Totoong nangyayari ito.