Halos di ako nakatulog sa nangyaring pag amin ni Matteo.
Aaminin ko, parang gusto ko yung halik ni Matteo saken. Ako pa nga humawak sa mga pisngi niya para mas maramdaman ko eh.
Pero mali.
Sobrang mali.
Taken ako, kaka break lang niya. Hindi pwede to. Hinding hindi.
Sinilip ko si Matteo sa taas pero tulog siya.
Ang himbing pa ng tulog niya.
Sht.
Buti pa siya. Samantalang ako, mababaliw na ako kakaisip sa mga nangyari.
+
Hanggang sa pagluluto namen para sa iba't ibang pamilya, di ako makapag concentrate. Ako pa naman nagluluto ng pansit para sa lahat.
"Julian, okay ka lang ba?? Masusunog na niluluto mo oh" si Jansen yun, kinuha niya yung panghalo saka hinalo yung pansit.
"Sorry Sorry." Sagot ko.
"Kanina ka pa nakatulala, okay ka lang ba talaga?" Tanong niya uli.
Hindi!! Hindi ako okay!!
"Oo, okay lang hehe"
Tinulungan na ako ni Jansen sa pagluto, buti na lang at marunong siya.
Pero napansin kong palapit samen si Matteo.
"Uy pre, ako na tutulong dito kay Julian hehe. Pinapatawag ka ni maam" sabi ni Matteo kay Jansen.
"Hala lagot ako, nagtatago nga ako sakanya eh haha. Sige pre, salamat!" Sagot lang ni Jansen.
Di naman ako mapakali sa nangyayari,
Kunwari nagtatadtad na lang ako ng gulay para kunwari may ginagawa.
"Hmmm... kumain ka na ba Ju?" Tanong niya.
May awkardness talaga sameng dalawa ngayon.
Sht.
Bakit kasi di ko siya tinulak tapos pumasok na lang ako sa loob ng kwarto eh.
Pero hindi!! Ginusto mo to Julian!
"Hala, hinalikan lang kita kaninang madaling araw, nabingi ka na rin. Ganun ba kalakas yung epekto ko sayo?"
Fvck. Matteo naman!!!
Pero deep inside, kinikilig ako.
No.
No.
Bawal.
Laurence.
Yes, Laurence. Isipin mo si Laurence.
"Alam mo wala ng makakain diyan sa gulay, parang giniling na gulay na yan" sabi ni Matteo tinutukoy niya yung 'kunwaring' ginagawa ko.
Di ako makaharap sakanya.
"Kapag di ka tumingin saken, gusto mo rin ako."
Nang tetease yung boses niya.
Pero ayokong lumingon.
Ayoko.
"Yiehhh. Lilingon na yan. Alam ko naman na gusto mo na akong makita ehhh"
Argh. Parang sasabog na ako!!
"3..... 2..... 1....."
"Pwede ba! Tumigil ka na Matteo!" Humarap na ako sakanya para matigil na siya.
Pero laking gulat ko na may dala siyang isang sunflower para saken.
Simple lang suot niya ngayon pero bakit ang gwapo gwapo ng tingin ko sakanya.
"Ohh, para sa'yo yan!" Sabay abot saken ng sunflower.
Pinipigilan niya yung ngiti niya pero lumalabas pa rin.
Ako naman, eto, kinikilig din.
Mali kasi to eh.
Maling mali.
"Kunin mo na! Parang bulaklak lang naman yan!" Sabi niya pa.
"Matteo ano ba... please naman, wag kang ganito..."
"Ju... alam kong mali tong ginagawa ko pero di ko na kaya talaga, gusto ko ng malaman mo na gusto kita"
Ayoko talagang sumagot sa mga sinasabi niya kasi mali talaga tong gingawa niya.
"Bahala ka, basta sa'yo yan. Wag ka ng magpabebe" kinuha niya kamay ko at sapilitang binigay yung bulaklak.
"Sige na, aalis na ako baka masunog mo pa yang niluluto mo diyan dahil saken eh hehe"
Bigla na lang siyang umalis pero naiwan pa rin saken yung kilig na nararamdaman ko.
++++
Sa sobrang stress ko hanggang tanghali, tinawagan ko si Laurence.
"Babe, kasama ko si Kennard, maglulunch kami sa SM." Bungad ni Laurence.
"I love you" bigla kong sabi.
"Hala, hehe kinilig naman ako bigla. I love you too babe, miss na kita. Sana saturday na"
Wala pa rin akong masabi, feeling ko kasi niloloko ko si Laurence.
"I love you babe." Sabi ko pa.
"May problema ka ba babe????"
"Hehe, wala po. Miss lang siguro kita hehe"
"Hehe, nako. Miss na miss na rin kita. Naglunch ka na ba?"
Bago ako makasagot, bigla naman akong tinawag ni Jansen kasi kakain na daw.
"Eto na babe, kakain na kami, sige na po. Alis na ko, ingat kayo ni Kennard."
"Sige babe, kain marami. I love you"
"I love you too"
Sumama na ako sa pagkain nilang lahat.
Pero yung bakanteng upuan na lang eh yung sa tabi ni Matteo.
Nakangisi lang siya nung nakita niyang palapit ako sa kanya.
"Saken ka rin pala tatabi" bulong niya saken.
Kalma Julian!
Kalma.
Dati naman ganyan na sa'yo si Matteo kaya dapat sanay ka na.
Okay.
Yes.
Nag training ka na non kung paano iwasan ang pa fall na linya ni Matteo. Ngayon mo gamitin ang training mong yun para maiwasan mo siya.
Go me! Kaya ko to!
+++++
Naglalaro ako kasama yung mga batang kalaro ni Makmak.
Lahat sila nasa edad 6-9yrs old kaya talagang nakakatuwa.
Gusto ko kasi magkaroon ng kapatid kaya natutuwa ako sa mga bata.
Maya maya, may lumapit sakeng batang babae at inabutan ako ng tubig na malamig.
"Ohhh, salamat!" Sabi ko sakanya.
"Pinapabigay po yan ni Kuya pogi" sagot niya.
"Sinong Kuya Pogi?"
Sabay turo niya kay Matteo na kumakaway saken galing sa pwesto niya.
Sumimangot ako sakanya.
Pero nakangiti pa rin siya at nagpapacute,
Argh. Kalma, Julian. Kalma.
"Kuya. Kuya..." lapit naman ng isa pang bata saken sabay abot ng banana Q.
"Pinapabigay po ni Kuya pogi dun oh" sabay turo na naman ng bata kay Matteo.
Ngumiti naman si Matteo sabay kindat sa pwesto niya.
Argh. Nakakainis, pero deep inside kinikilig ako.
Bakit ganito si Matteo?
Maya maya, tumayo siya sa pwesto niya at lumapit saken.
"Lumayo ka. Tutusukin kita ng stick ng banana Q!!" Banta ko sakanya.
"Hala, feeling siya oh. Tinatawag ako ni maam sa likod oh" sabi niya.
Lumingon ako kay Maam at nanghihingi nga ng tulong kay Matteo.
"Sus, wag mo naman pahalata na naka focus ka saken Ju" bulong niya sa tenga ko sabay alis.
Naglakad siya palayo saken pero di ko namalayang nakangiti na pala ako sa sinabi niya.
Focus Julian. Focus.
+
Nakipaglaro na uli ako sa mga bata. Nag try akong mag magic sakanila gamit ang gift ko.
Kumuha si Makmak ng tatlong baso na styro at bato.
Ang sabi ko, itago nila sa ilalim ng baso yung bato at huhulaan ko naman kung saan nila nilagay.
Kasama ko si Jansen na nakikipaglaro sa mga bata, at game na game naman siya.
"Sure ka Julian? Kaya mo yun?" Tanong ni Jansen.
"Eh may 33.33% chance naman ako na mahuhulaan ko yun eh." Sagot ko.
Tinakpan ni Jansen yung mga mata ko at pinatalikod ako.
Naririnig kong nagbubulungan yung mga bata pero di ko alam kung saan nila ilalagay yung bato.
Tinawag na nila ako at pinahanap sa akin yung bato.
"Teka, sino nagtago?" Tanong ko.
"Ako po Kuya!" Sagot ni makmak.
So binasa ko yung nasa isip ni Makmak at nalaman kong nasa gitnang baso yung bato.
"Hmmmm. Hula ko lang to ah, nandito ba?" Sabi ko sabay turo sa gitnang baso.
Nagpalakpakan naman yung mga bata kasi ang galing galing ko daw.
Hindi naman mababawasan yung puntos ko dito dahil di naman ako nandadaya, ginagamit ko yung gift ko para maentertain yung mga bata.
"Wow, ang galing galing naman!" Boses ni Matteo yun habang papalapit samen.
"Hehe, lucky guess." Sabi ko.
"Hmmm. Sige nga, ako naman magtatago ng bato, dapat mahulaan mo ah!" Sabi ni Matteo.
"Ayoko nga, sige na bata laro na uli tayo!"
"Woooo, takot ka lang matalo eh haha"
"Hindi ako takot matalo no!"
"Edi sige, tayong dalawa maglalaro"
Ang tahimik lang ng mga bata pati si Jansen habang nag uusap kami ni Matteo.
"Fine, ikaw magtago" sabi ko.
"Good. Good. Pero may consequence sa matatalo"
"Osige, ano gusto mo?"
"1 wish. Bawal tumanggi, okay?" Sabi niya.
"Deal, sige. Okay"sagot ko.
Tuwang tuwa naman silang lahat sa deal namen ni Matteo.
Kaya tumalikod na uli ako at tinakpan ni Jansen mga mata ko.
"Okay na Ju" sabi ni Matteo.
Nakangiti lang si Matteo habang nakatingin sa mga baso.
Fvck. Di ko nga pala nababasa nasa isip ni Matteo.
Di ko nakikita yung nakita niya.
Tinignan ko naman yung mga bata pero di nila nakita kung saan nilagay ni Matteo yung bato
Si Jansen din, di rin niya alam.
Sht.
Ano ba to, mayayari ata ako rito ah.
"Ju, ano na?" Mapang asar na tanong ni Matteo.
"Teka, teka. Nag iisip ako" sabi ko.
"Nako, wag ka na mag isip, sumagot ka na kaagad!"
"Sige sige! Yung nasa gitna!" Sabi ko.
Ngumiti siya na para bang siya yung nanalo.
Kinakabahan tuloy ako, mamaya mali yung sagot ko.
Binuksan ni Matteo yung baso.
Pagkabukas niya....
Wala dun yung bato.
Nagpalakpakan yung mga bata pati si Jansen sa nangyari.
"So.... paano ba yan? May utang ka talaga saken?" Sabi ni Matteo
Hindi na lang ako sumagot at umoo.
Bumalik na uli kami sa paglalaro at kulitan.
+++
Tinawagan ko kaagad si Sarah kasi parang siya lang yung mapagsasabihan ko ng problema ko.
"Teka, teka, bago ko magkwento, magkasama ba kayo ni Kennard?"
"Hindi Julian, nasa school ako ngayon"
"Ahhh good good. Ehhh kasi...." di ko madiretso kay Sarah yung sasabihin ko kasi di naman niya exactly alam yung istorya.
Kaya nag dalawang isip ako sabihin sakanya.
"Nagpapalevel ka ba diyan?" Ayun na lang tinanong ko.
"Hindi ehhh. Mahirap kasi kapag wala ka hehe. Ikaw ba diyan?"
"Mas lalo namang hindi hehe."
"Good. So tinawagan mo ko para sabihin yan?"
"Hehe, oo. Oo, sorry sa istorbo!" Sabi ko.
"Nako, akala ko pa naman kung ano. Sige na, sige. Bye Julian"
"Bye Sarah"
Argh.... sobrang hirap kasi talaga ng sitwasyon ko.
Malandi ba ako?
Hind naman. Kasi hindi ko naman ineentertain si Matteo pero kasi....
Parang biglang bumalik lahat ng feelings.
"Hoy Ju!" Kalabit saken ni Matteo sa likod.
"Ay bwisit!!" Sigaw ko sa gulat.
"Ano bang ginagawa mo diyan? Hinahanap ka ng mga kalaro mong bata oh!"
Nasa may mga puno kasi ako at iniisip ko kung ano na nangyayari sa buhay ko.
"Ah, sige susunod na ako" sabi ko.
"Okay ka lang ba?" Seryoso nyang tanong.
"Oo naman"
"Ehhh bakit parang iniiwasan mo ko?"
Aba?!
Matapos mo kong halikan at sabihan ng mahal mo ko, magtataka ka pa?!
"Seryosong tanong yan?" Medyo inis kong tanong.
"Hehe, sorry."
Natahimik kaming dalawa dun.
Gusto ko na sanang umalis kaso parang di ako makagalaw. Gusto ko kasi yung moment namen dun.
"Bakit ka nakipaghiwalay kay Maddie?" Bigla kong tanong.
Napangiti lang siya at napayuko, saka siya tumingin saken.
"Ooops. Mamaya na yan. May date tayo mamaya" sabi niya pa.
"Anong date?"
"Ah huh. May utang ka saken diba? Isang wish. At ang wish ko, date. Midnight date to be exact"
"Pero...."
"A deal is a deal Juju. Wag ka ng mag inarte diyan. Alam ko naman gusto mo maulit yung halik ko"
"Tse!! Ewan ko sayo, nakakainis ka!!"
Tinulal ko siya at mag wawalk out na sana ako, kaso hinawakan niya yung kamay ko at hinila palapit sakanya.
Napayakap tuloy ako sa dibdib niyang malaki. Mahigpit na rin yung pagkakayakap niya saken.
"Matteo!" Sigaw ko sakanya.
Pero di niya inaalis yung yakap niya saken.
"Matty...."
"Ju, please. Pumayag ka na mamaya. Sasabihin ko na sayo lahat" sabi niya.
"Please. Ayokong lokohin si Laurence."
"Isang date lang Ju. Then, titigil na ako promise. Lalayo na ako ng tuluyan sayo"
Convincing yung boses niya. Seryoso, at ang sarap sa pandinig.
"Please Ju. Please?"
"Sige sige. Pero isa lang ah?"
"Isa lang. Then, lalayo na ako" sabi niya.
"Sige, pero tama na tong yakap na to. Bumalik na tayo dun"
"Hehe sige."
++
Kinagabihan, kumakain na kaming lahat. Pinili kong hindi tumabi kay Matteo, pero magkaharap kaming dalawa.
Yung mga katabi niya eh yung mga babaeng humaharot sakanya.
Ang sarap pag sasampalin!
"Matty, try this liempo. So sarap" sabi nung babae sa kanan niya.
"No, Matthew, try this bagnet. Super delicious"
Aba, may pa nickname yung dalawa.
Mukhang si Matteo talaga yung pinunta nila rito sa sobrang kalandian.
Tumitingin naman si Matteo saken habang nilalandi siya ng dalawa.
Aba, gustong gusto rin ni lalaki!!
"Sarap diba?" Sabi nung babae sa kanan.
"Oo, hehe penge pa nga" sabi ni Matteo.
Nananadya talaga siya. Pinapakita pa saken.
Akala naman niya nagseselos ko, di niya lang alam. Matagal na akong nagttraining para di maapektuhan sa mga ginagawa niya saken.
"Try mo tong talong oh" si Matteo naman nagsubo ng pagkain sa babae.
"Hehe ang sarap ng talong mo Matteo"
Putek, ang pabebe ng boses nung babae.
"Ang serep ng teleng me!" Sabi ko sa isip ko, bwisit. Bwisit. Nakakainis!!
Sa sobrang inis ko, kinuha ko yung liempo ko at tumayo saka pumunta sa kwarto.
Nakakainis, nakakainis talaga ng sobra!!
Pero parang nawala yung inis ko ng mapansin kong umiilaw yung libro ko sa bag ko.
May announcement kaya?
Tinignan ko yung libro at sinabing nag level up ako.
Level 13 na ako?
Pero anong ginawa ko?
Siguro dahil sa mga batang napasaya ko kanina gamit yung gift ko.
Bigla namang bumukas yung pinto at dali dali kong binalik yung book sa bag ko.
"Ju, bakit ka umalis?" Tanong ni Matteo saken.
"Wala, may tumawag lang hehe"
"Dala dala mo liempo mo? Siguro nagseselos ka sa...."
"Pwede ba?! Wag ka ngang mahangin diyan. Di naman ako tanga Matteo, alam ko sinasadya mo yun. Para saan? Para inisin ako? Sige naiinis na ako. Masaya ka na? Ganyan ka naman eh. Hilig mong paglaruan feelings ko eh!!"
Woah. Di ko alam kung saan nanggaling yung panenermon kong yun kay Matteo.
"Ju, wala akong intensyon...."
"Bwisit! Walang intensyon?! Ewan ko sayo. Bahala ka na diyan!!" Tulak ko sakanya saka ko lumabas ng kwarto.
Sobrang nakakainis na kasi pero di ko pa rin alam kung saan nanggaling yung panenermon ko.
++
Alas onse na ako bumalik sa kwarto. Naabutan kong nakaupo si Matteo sa higaan ko.
"Ju. Tara na" yaya niya kaagad saken.
"Anong tara na? Matutulog na ako!"
"Ay, nag promise ka eh."
"Ayoko Matteo. Please."
"Nung birthday ko nag promise ka tapos di mo tinupad, tapos ngayon di mo na naman tutuparin"
Nakakainis, ang cute kasi magpa cute ni Laurence. Parang sira pero ang cute talaga
"Ohhh. Ngumingiti ka oh. Tara na, dali" sabay hila kaagad saken palabas ng kwarto, may dala dala pa siyang basket.
+
Naglakad kami sa mga puno at talahiban hanggang sa makarating kami sa isang napakatahimik na lugar.
Puro damo lang tapos may mga halaman sa gilid.
Napaka peaceful ng lugar na yun to the point na ayaw mo ng umalis.
"Tinuro ni makmak saken tong lugar na to kanina hehe." Sabi ni Matteo habang naglalatag ng sapin para samen.
Yung dala niyang basket, may lamang mga pagkain.
"Oh ayan, puro tinapay yan. Di ka nakakain masyado kanina ehh."
Umupo siya dun at niyayaya niya ako.
"Ju, please. Bilang bestfriend mo. Tabihan mo ko"
Wala naman akong magawa kaya tumabi na rin ako sakanya.
Eto na.
Parang kinakabahan ako sa mangyayari.
Ang tahimik lang nameng dalawa.
1min.
2mins.
3mins.
Walang nagsasalita samen pareho, basta nakatitig lang ako sa mga stars sa taas.
"Galit ka ba saken Ju?" Tanong niya bigla saken.
"Galit saan?"
"Sa ginawa ko kagabi sayo"
Galit ba ako? Hindi ako galit sakanya.
"Galit ako sa sarili ko, bakit ko hinayaang mangyari yun."
"Hmmm. Okay."
Natahimik na naman kami pareho.
"Bakit ka na nakipaghiwalay kay Maddie?" Tanong ko sakanya.
"Hehe. Ayan talaga tanong mo?"
"Oo, hehe."
"Hehe sige. Hmmm. Kasi di ko na siya mahal eh, mabait si Maddie Ju. Kaso may kulang ehh. May iba kasi akong mahal. At alam mo naman na siguro sagot dun?" Sabay tingin saken at ngiti.
Fvck. Killer smile talaga. Nakakainis.
Feeling ko kasi pinagttripan lang ako ni Matteo eh.
Ewan ko, parang naiiyak talaga ako ngayon. Gusto ko lang pigilan pero ayaw eh, tumutulo talaga.
"Ohhh bakit ka umiiyak???" Lapit niya saken sabay punas sa luha ko.
"Please Matteo, wag na. Kung gumaganti ka saken ngayon kasi di ako sumipot sa birthday mo, please tama na. Di ko na kaya. Ang sakit na sa dibdib!"
"Ano bang sinasabi mo Ju. Mahal ki...."
"Ayan!!! Wag na wag mong sasabihin yan saken please! Wag na wag."
"Sinasabi ko lang nararamdaman ko Ju."
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Nasaan yan nung panahong hindi pa kami ni Laurence ha? Ano? Bigla ka na lang nagising na mahal mo ko ganun?!"
"Wag ka naman magalit saken Ju"
"Ipaliwanag mo kasi saken Matteo! Ano ba tong ginagawa mo?!"
Umupo siya sa harapan ko at pinunasan yung mga luha ko.
"Makinig ka sa mga sasabihin ko ah! Sabi mo nun nung nasa class room tayo, masaya ka kay Laurence.
Naalala mo? Sabi mo nung gabi na natutulog ako sa kama mo, wala kang gusto saken.
Sinubukan kitang halikan nun, kasi akala ko gusto mo rin, kasi di mo alam kung gaano ko kagustong halikan ka
Inaasar lang kita kung may gusto ka saken, kasi kung umoo ka kahit isang beses, tatalikuran ko lahat para sayo.
Nagseselos akonun nung pumunta tayo ng Zambales tapos kayong dalawa magkasama!
Halos mamatay ako nung hinatid kita kay Laurence para sa first kiss mo. Tangina Ju, gusto ko ako yun!
Di ko na kaya yung nararamdaman ko sayo kaya talagang pinilit ko na lang na kalimutan ka, kaya nung nag sagutan tayong dalawa sa Zambales, tinanggap ko na lahat ng yun. Na mahal mo na talaga si Laurence!
Kaso di ko talaga kaya, sa tuwing hinahanap hanap mo siya, sa tuwing kinekwento mo kung gaano mo kagusto na halikan siya ng halikan, sa tuwing naririnig ko kung paano mo siya sabian ng I love you.
Put@ngina Ju! Ako sana yun. Ako sana yun!"
Umiiyak naman ngayon si Matteo saken habang hawak ako sa mga balikat ko.
"Mahal kita Ju. Mahal ko bestfriend ko. Mahal ko lahat ng sayo. Ano pa bang gusto mong sabihin ko?!"
"Naniniwala ako sayo Matteo!!"
"Ehhh bakit nagagalit ka pa rin?"
"Kasi mahal din kita Matteo. Mahal na Mahal. Sobrang mahal. Pinaka mahal. Mahal na mahal."
Halos masigawan ko na siya ng mga oras na yun.
Napalitan naman ng ngiti yung malungkot niyang labi kanina.
"Matagal na kitang mahal pero di ko masabi kasi ayokong masira pagkakaibigan natin!" Pahabol ko pa.
Pero nakangiti lang siya saken.
"Sige, ilabas mo pa lahat Ju. Ilabas mo na lahat"
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Baliw hehe"
"Dali na, gusto ko pa marinig kung gaano ka kabaliw saken"
"Tse!" Sabi ko sabay ngiti.
Nagkatitigan lang kaming dalawa, walang sinasabi.
Ang nakaka frustrate talaga, hindi ko talaga mabasa nasa isip niya ngayon, gustong gusto ko talagang malaman.
Pero naalala ko si Laurence.
"Si Laurence, Matty...."
"Please, wag muna yan? May dalawang araw pa akong kasama ka. Pwede bang kalimutan muna natin lahat tapos maging masaya lang tayo parehas. Kahit dalawang araw lang?"
Hinawakan niya kamay ko ng mahigpit. At dahan dahang lumapit yung mukha niya saken.
Hahalikan na naman niya ako at this time, willing na willing ako.
Pinikit ko na yung mga mata ko hanggang sa maramdaman ko yung malambot niyang labi saken.
Naramdaman ko rin na may tumulong luha sa mata niya kaya niyakap ko siya ng mahigpit.
Napahiga kaming dalawa at nanatiling magkadikit ang labi namen.
Mahal ko si Matteo.
Mahal na Mahal ko bestfriend ko.