Part 33

2708 Words
As much as gusto ko makasama si Matteo ng matagal sa pwesto namen, pumunta kami rito para makatulong at maging volunteers kaya bumalik na kami sa kwarto nun para makapagpahinga. Kinabukasan, parang ang ganda ganda ng gising ko. Di ko pa naranasan to ever. Nakangiti ako habang bumabangon. And naalala ko si Matteo kagabi. Grabe, may kilig akong nararamdaman to the point na para talaga akong baliw na ngumingiti mag isa. Naramdaman ko na lang bigla na may tumabi saken. Si Matteo. Inabutan niya ako ng tinapay at juice. "Oh, breakfast in bed. Hehe" Fvck, ang cutie niya ngayon. Nakaligo na siya at nakabihis at ang bango bango pa.   "Hehe, salamat" bwisit, ang pabebe ng boses ko nun. "Sus. Ikaw pa!" Sagot niya. Gising na rin yung dalawang kasama namen sa kwarto at nag aasikaso na. "Bakit ang aga mo naman magising?" Tanong ko. "Paano naman ako makakatulog kung kinikilig ako ng sobra" sabay ngiti saken. Fvck, ang gwapo!! Super gwapo! Tapos nagpapakilig pa!! "Maligo ka na nga dun. Amoy lupa ka na ehhh" sabi niya.   Inamoy ko tuloy sarili ko, pero di naman. "Baka iba yun, di ako yun!" Sagot ko. "We? Paamoy nga?" Nagulat ako ng bigla siyang lumapit saken at inamoy ako sa leeg papunta sa katawan ko, paakyat sa leeg ko uli. "Ang bango mo naman" bulong niya sa tenga ko. Grabe goosebumps ko sa pagbulong niya saken. "Hmmmmm. Alam na alam ko talaga yang amoy mo eh"bulong niya pa uli. Bahagya akong lumayo baka kasi makita ako ng mga nasa kwarto nun. "Baliw ka talaga" sabi ko. "Hehe, sorry Ju. Kumain ka na diyan tapos mag asikaso ka na. Dami na naman mga bubuhatin dun, alam ko naman di mo kaya yun kaya ako na gagawa para sayo" "Ano akala mo saken? Lampa?" "Di naman. LAMPAke ka nga saken ehhh" bigla siyang nalungkot na parang nag iinarte. Pero sa paningin ko, sobrang cute niya talaga. "Hala, tigilan mo nga yan!" "Haha. Sige na Ju, kilos na. Labas ka na kaagad ah?" Di na niya ako hinintay sumagot, basta lumabas na siya kaagad. Nag asikaso naman na ako kaagad. ++ Pagkatapos ko maligo, parang ngayon lang nag sink in saken yung mga pinag gagagawa ko. Mali to, alam ko. Si Laurence, nasa Manila, naghihintay saken. Pero yung bestfriend ko, na matagal ko ng mahal, nag confess na gusto niya ako. Parang kailangan ko ng taong makakausap dito, kaya tinawagan ko kaagad si mama. "Oh, anak, bakit ka tumatawag, may problema ka ba? Anong nangyari sayo?!!" Boses ni papa yun na mukhang nag aalala. "Pa, uy, ano ba, wala man lang bang hello?" Sabi ko. "Aba, ewan ko. Di ka tumawag samen kahapon eh akala ko naman kung ano nagyari sayo"    "Hala, si papa, nagtatampo" "De sige, tapos si mama mo pa yung tinawagan mo. Tse, bala ka na" Nakakatuwa talaga kabaliwan ng tatay ko. "Si papa naman. Busy lang talaga rito" sabi ko. "Kausapin mo tong mama mo" sabi ni papa at narinig ko na boses ni mama. "Hehe, baliw na naman tatay mo anak. Oh, ang aga ata ng tawag mo?" Sabi ni mama. "Wala lang po...." "Anong problema mo anak? Bakit ganyan boses mo?" "Hala, wala po..."  "Okay naman kayo ni Laurence diba? Kakadaan niya lang dito kagabi, nagdala ng pagkain. Buti nga eh, di na ako nagluto hehe" "Si Laurence po?..." "Oo anak, may iba ka pa bang kilalang Laurence?" Galing si Laurence sa bahay? Dahil ba yun sa nalaman niya na palaging nagpupunta si Matteo kaya siya naman nagpapapogi kina mama at papa? Parang nag aalinlangan tuloy ako kung sasabihin ko pa kina mama. "Anak?" Sabi ni mama. "Ay ma, hehe. Wala po, tumawag lang talaga ako, Miss ko na po kasi kayo eh" totoo, ang tagal ko ng di nakakasama sila mama, parang nakakapanibago. "Sus, miss ka na rin namen anak" sagot ni mama. "Miss na kita anak, ako kasi naghuhuhas ngayon kasi wala ka eh, umuwi ka na nga!"boses naman ni papa yun. "Haha, sige po pa. Malapit na po" "Good! Hehe, miss you nak!" Sigaw ni papa na mukhang naka loudspeaker yung phone. "Sige anak, mag ingat ka diyan, magtext ka naman ano?" "Hehe sige po, sorry po ma" Pagkababa ko ng tawag, saka biglang tumawag saken si Laurence. Ayoko pa sanang sagutin pero parang unfair naman sakanya lahat ng nangyayari. "Hi babe" bungad ko. "Bakit di ka na nagtext saken kagabi? Nagpapamiss ka ba? Miss na nga kita ehh" naiimagine ko yung itsura ni Laurence ngayon siguro ang cute cute niya. "Hala babe hindi po...." eto yung unang beses na magsisinungaling ako kay Laurence. ".... nakatulog na po kasi ako" "Ahh okay okay. Busy ka pa rin ata ngayon eh. Kaya sige, mag ingat ka mamaya ah, tumawag lang naman ako para marinig boses mo eh" Fvck, ano ba to. Parang nakokonsensya ako sa nangyayari. "Uy babe, send ka naman pic mo, hehe may send akong pic ko sayo kahapon, feeling ko kasi ang pogi ko dun eh haha. "Hala, pogi ka naman babe"sabi ko. "I know, haha. Sige na babe, baka may gagawin ka na" "Ahh hehe. Sige babe, lalabas na ko ng kwarto hehe. Kanina pa sila nandun eh" "Ganun ba? Sige babe. Ingat, enjoy and tandaan mo, Miss na Miss na kita. I love you babe" "Hmmm. I love you babe"   Niloloko ko si Laurence at dun ako naiinis sa sarili ko.  "Send ka rin picture mo babe " Pagkatapos ko makita yung pic, di ko namalayang nakatulala na pala ako. Iba rin kasi si Laurence eh. Ibang iba talaga kay Matteo. +++++ Aalis pala talaga kami ngayon, kakatapos lang nila maghakot ng mga dadalhin namen sa ibang pamilya. "Ako na gumawa ng pagbubuhat. Sabi ko naman sayo eh, di ka mapapagod haha" sabi ni Matteo pagkakita niya saken paglabas ng kwarto. "Hala, di mo naman ako tinawag..." "Wag ka ng magpabebe, sumakay ka na ng bus. May kukunin lang ako, tabi tayo ah?" Sabi niya sabay pasok sa kwarto. Pumwesto naman ako sa bandang gitna ng bus kasi sa dulo puro mga pagkain at boxes nandun. Maya maya,dumating na si Matteo at tumabi saken sa bus. Nasa left side kami, ako yung nasa window side.   "Ohh." Sabay abot niya saken ng envelope, kulay blue. Katulad nung nakita ko sa bag niya kahapon. "Ano to?"   "Letter ko sa'yo haha. Wag ka ng kiligin, basahin mo na lang yan mamaya kapag mag isa ka, wag ngayon nahihiya ako eh hehe" Ang cute naman kasi ni Matteo ngayon, lalo na kapag ngingiti, ibang iba yung aura niya. "Sige sige, hehe. Tumawag pala si Laurence saken kanina, kaya medyo natagalan paglabas ko ng kwarto" paliwanag ko. "Ahhh"   Alam ko naman na parang nalungkot siya dahil sa expression niya. "Ano naman sabi niya?" Bigla niya pang sabi. "Wala, tumatawag naman siya palagi eh" "Ay oo nga pala hehe." Natahimik na naman siya. This time, medyo matagal na siyang tahimik. Di umiimik. Nakasandal sa bus at natutulog. Napaka inosente niya kapag tulog, nakakatuwa talaga. Hinayaan ko na lang muna siya at dumungaw ako sa bintana. Pero nararadaman ko yung kamay niya hinawakan yung kamay ko.   Dali dali akong tumingin sakanya at nakapikit pa rin siya pero this time, hawak na niya kamay ko. "Uy Matteo..."   "Shhhh. Kung ayaw mo, edi tanggalin mo" sabi niya pero nakapikit pa rin siya. Pinipilit ko naman tanggalin pero ang higpit ng hawak nya. "Sorry, yokong tanggalin" sabi niya.   "Matteo...." "Ju, hayaan mo na yan please? Pag uwi natin bukas, wala na to. Baka layuan na kita, pero this time, please? Pumayag ka na?" "Wait, lalayuan mo ako?"   This time, dumilat na siya para makipag usap saken. "Oo, eh... ang dating kasi nilalandi kita eh, hehe. Ayoko naman ng ganun. Kung ano man tong ginagawa ko sayo ngayon, pagbigyan mo na lang ako. Please?" Alam mo yung feeling na hindi pwede pero gusto mo? Ganun yung nararamdaman ko ngayon kay Matteo. "At saka isa pa, matagal ko ng ginagawa to sayo, ngayon lang kasi alam mo na yung totoo kong nararamdaman kaya may ilang ng konti haha" sabi niya.   Di naman ako makasagot at hinayaan ko na lang, malambot naman kamay niya eh at gusto ko rin. + Back to duty na kami at magkahiwalay na kami ng ginagawa ni Matteo at ayun na yung eksena ng mga babaeng lumalandi kay Matteo. Tumitingin nman saken si Matteo, ewan ko kung nang aasar o ayaw niyang makita ko na nilalandi siya ng dalawang babae.   Nagseselos ako? Hindi! Naiinis ako kasi pumunta sila rito para tumulong at hindi para lumandi. Pero bakit si Matteo pa hinaharot nila? Aba, gusto ata makatikim saken ng mga babaeng to ah.   Pwes, sige. Yung bagong lugar kasi parang center. Nasa isang kwartong malaki kami at nandun yung mga pamilya na bibigayan namen ng pagkain.   Nung napansin kong humiwalay yung dalawang babae kay Matteo, saka ko binasa isip nung isang babae para malaman ko pinag uusapan "Beh no na? Naka iscore ka na kay Matteo?" "Ano na te, mukhang bakla rin tong isang to" "Gaga, kilala mo si Maddie? Yung magandang candidate ng pagent saten? Ex niya yun!" "Ayy true ba? Gosh, edi mapusok pala tong si Matteo. Knowing Maddie tho" "Oh talaga? Gosh. Kahit kiss? Wala ka pa te?" "Wala talaga. Baka gusto niya sabay tayo. If you know what I mean hahahha" "OMG girl, sabay tayo you want? Go tara!" "Tara! Hehe. It'll be fun!" Halos mang gigil ako sa convo nilang dalawa. Balak pa tikman si Matteo ng sabay sila. Nkakadiri sila. Kapag talaga pumayag si Matteo, ewan ko na lang. Pinagmasdan ko yung kilos nung dalawang babae kay Matteo. Eagle eye. Matanglawin. Di ko inalis paningin ko sakanila. Kumuha ng juice si isang babae. Anong gagawin niya sa juice? Itatapos kunwari kay Matteo tapos dadalhin niya sa CR tapos dun niya lalandiin? Omg. Subukan mo lang. Pero mali ako, uminom lang siya ng juice.   Mapanghusga lang pala ako. Pero yung isang babae naman palapit kay Matteo. Aba, mukhang nakikipagkwentuhan. "Matteo, busy ka ba?tapos naman na magdistribute diba? You make sama naman to me there sa labas oh"  Conyo magsalita punyemas. Nakakainis!!!!!   Aba, si Matteo sumama!! Aba!!   Aba!! Napansin ko naman na nginitian niya yung isang babae. Teka, ano bang pangalan ng dalawang to. Ginamit ko gift ko para malaman.   Rica and Sheila pala. So lumabas silang tatlo.   Sa labas kasi may magandang garden na tambayan, wala naman tao kaya super tahimik tapos nakita ko sa may bandang dulo yung tatlo. Nakahawak sila sa dibdib ni Matteo. Argh. Nakakainis. Buti napansin ako ni Matteo na nakatingin kaya dali dali siyang umalis at lumapit saken. "Ju...."   "So ganun pala pinunta mo rito?!" "Hala Ju, nagpasama lang dun saken tapos biglang ganun na kaagad. Grabe" "Tuwang tuwa ka nga eh!" Bago pa siya makasagot, napansin ko naman na lumapit yung dalawa samen. Aba, at tatarayan pa ako. "Anong problema mo bakla?" Omg! Omg. Talagang ganun tinawag niya saken? Fine! "Rica name mo diba?" Sabi ko. "Oo, bakit?" May pag taas siya ng kilay saken. Aba talaga. Sinusubukan ako neto ah.   Sige! Time to use my gift against these btches.   "Diba boyfriend ka ni Laurence na apparently gay din? Gosh. And pati si Matteo gusto mong kunin?!" Sabi ni Sheila. Diko alam kung paano ko sisimulan ng pakikipagaway pero, sinumulan ko sa pagkontrol ng sinasabi nila. Kaso, bigla akong pinigilan ni Matteo. "Ju, wag mo ng patulan. Tara na sa loob" sabi ni Matteo. "Nako, pasalamat ka at niligtas ka ng friend mo pero kung wala siya baka kung ano na nagawa ko sayo!" Inis na sabi ni Rica saken. Tumatawa lang si Matteo pero di na niya ako hinayaang makasagot at hinila niya na ako papasok sa loob. "Ano ba yun, gusto kong lumaban!" "Hahaha. Wag na Ju, panalo ka na. Ako naman premyo eh, sayo lang naman ako"   Yung inis ko, napalitan kaagad ng kilig.   "Hayaan mo na sila. Di nman ako papatol sa mga yun." Pahabol niya pa. "Tse, eh bakit ka kasi sumama sakanila?" "Hala..." bigla niyang sabi habang nakangiti.   "Anong hala?" "Hala talaga?" "Anong hala ka ng hala diyan?" Inis kong tanong.   "Nagseselos ka ba Ju?" Bigla niyang tanog. "Selos ka diyan!" "Hala!" "Isa pang hala mo!" "Hala!" "Argh!!" "Pero nagseselos ka talaga Ju? Haha. Wag ka ngang ganyan. Kinikilig ako eh haha" "Tigilan mo ko!"   "Ayieee. Ju, nag bblush ka!" Na concious ako bigla sa sinabi niya, napatakip tuloy ako ng mukha. "Haha, Ju. Namumula ka na! Haha. Ang cute mo." "Ayoko na!! Lalabas na ako!"   "Yie, nagseselos siya. May feelings talaga siya hahaha"   Di na natapos yung asar niya. Mas lalo namang di rin natapos yung asar ko kay Rica at Sheila.    Pero kinalma ako sarili ko kasi alam kong di worth it. +++   Pauwi na kami, alasyete na ng gabi at medyo pagod na ako. "Nagselos ka talaga kanina Ju?"bulong niya saken sa bus.   "Matty, please. Tama na sa asar, pagod na ako eh"    "Hehe, how about serious talk?" Sabi niya. "Sige."  "So, ano ba tayo?" Bigla niyang tanong.   Natameme ako ng konti sa tanong niya. "Akala ko serious talk? Bakit no talk ka diyan?" Bigla niyang tanong. "Ahhh. Biglaan kasi" "Hehe, so ano nga Ju?" "Hmmmm. Di ko alam ehh" sabi ko. "Bestfriend?" Sabi niya.   "Ofcourse! Bestfriend tayo, di naman mawawala yun" "Ehhh mahal ko bestfriend ko? Paano yun?" Tanong niya.   Seryoso talaga siya.   Kita ko sa mata. Sa kilos.   Sa galaw.   Seryoso siya.   "Matty...." "Alam ko complicated. Pero...." "Mahirap Matty. Please, wag mo ko pressurin" sabi ko. Ngumiti lang siya ng bahagya at umoo. "Sorry, sorry. Hehe. Pero Love mo ko?" Tanong nya. Para naman akong ewan na biglang napangiti. "Ju.. love mo ba ako?" Pangungulit niya pa. "Yieh, silence means yes?" Ngumiti lang uli ako. "Love mo ko?" "Oo nga!" Sabi ko. Siya naman yung ngumiti ngyon.   "Love din kita" bulong niya naman saken. Mali? Pero gusto ko to. Gusto ko si Matteo. +++   Kakadating lang ng bus sa lugar namen. Mas naramdaman ko yung pagod at parang gusto ko na lang matulog. "Ju, basahin mo na yung letter ko pag punta mo sa kwarto. Mag CR lang ako sandali hehe" sabi ni Matteo.   "Ahh sige sige. Bilisan mo hehe" "Saglit lang naman ako, mamimiss mo ko kaagad no?" "Haha mag CR ka na!!"   Dumiretso na ako sa kwarto ko at ako lang nandun. Pagdating ko sa kwarto, may nakita akong bulaklak sa higaan ko. Wow! Si matteo ba nagbigay neto? Bouquet of roses. Napakaganda. Kinuha ko nman yung letter ni Matteo saka binasa. "Hi Julian.   Happy Birthday! Kung nababasa mo to, edi siguradong alam mo na na.... alam mo na, may gusto ako sayo haha. Nung una palang tayong nagkita, iba na dating mo saken. Ikaw lang nagsabi saken na Harry Potter makes you gay hha hnding hindi ko makakalimutan yun. Pero salamat kay HarryPotter at dahil dun mas naging close tayo. Hindi ko lang naman ineexpect na maiinlove ako sayo. Ang bait mo, ang sipag, palagi mo pa ginagawa assignment ko haha. At syempre, sobrang mapagkakatiwalaan ka. Hindi ko akalain na yung katulad mo pala ang magpapaseryoso sa napakaloko loko kong buhay. Sinulat ko tong letter na to kasi alam kong di ko to masasabi sayo ng personal. Pero kahit ganun, gusto ko malaman mo na totoo nararamdaman ko sayo. Happy Birthday! I love you Ju. Yes, I'm inlove with my bestfriend haha! ❤"   Birthday? So matagal na pala tong letter na to. So totoo ngang matagal na akong mahal ni Matteo. Bakit kasi di ako umoo noon sakanya? Bakit kasi di ako umamin sakanya? Bakit kailangan pang may masaktan? Nag momoment pa ako sa letter ni Matteo pero biglang bumukas yung pinto.   At nagulat ako sa nakita ko. "Nagustuhan mo ba yung flowers?" Nakatitig lang ako sakanya ng diretso habang palapit siya saken. "I think nagustuhan mo hehe" Pasimple kong tinago yung sulat. "Oh babe? Bakit nagulat ka?hehe" "Ahhhh... ehhh" "Sorry babe, di ko na kaya. Miss na miss na kasi kita eh hehe" Si Laurence yun! Nasa Ilocos din siya. Tumabi saken sa kama si Laurence at hinalikan ako sa labi. "I miss you babe!"   Pero di ako makapagsalita. Di talaga. Bumukas uli yung pinto at nkita kong pumasok si Matteo.   Napatingin si Laurence kay Matteo. "Oh nandito ka rin pala pre?"sabi ni Laurence. May dalang bulaklak si Matteo, bouquet din ng roses katulad ng kay Laurence. "Ahh ehhh... oo pre, may kukunin lang ako sa bag ko hehe"sabi ni Matteo. Habang palapit siya sa kama, di namn naalis tinginan nameng dalawa. "Pagod ka na ba babe? Tara labas muna tayo. Pahangin tayo hehe" yaya ni Laurence. Iniwas ko na tingin ko kay Matteo at tumingin na lang ako kay Laurence. Tumayo na kami at lumabas pero kunwari may nkalimutan ako sa kwarto ko kaya pinauna ko na siya. Nakita ko si Matteo sa taas ng kama at parang umiiyak.   Nilapitan ko siya. "Matty...." Dali dali siyang nagpunas ng luha. "Hoy, dun ka. Nandun na boyfriend mo"napaka casual ng boses niya. "Matty.." "Please Ju, tapos na yung masasayang araw ko sayo. Dun ka na sa tama hehe. Dun ka na sa boyfriend mo" "Matty...." "Ju, wag mo ng dagdagan yung sakit please. Lumabas ka na, puntahan mo siya tapos kausapin mo siya. Sige na Ju." Di na niya ako pinagsalita at dumapa siya at nagtakip ng unan.   Tinignan ko yung flowers na dala niya sa kama niya at may note pa dun. "To my bestfriend that I love and will always love, Julian :)"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD