"Pwede bang sumali sa sleepover niyo?" Tanong ni Laurence samen.
"Sure pre, jusko, ikaw lang naman hinihintay namen!!" Sabi naman ni Matteo.
Ano bang ibig sabihin ung bigla na lang akong hahalikan ni Matteo!! Ang gulo!
"Hehe, gusto ko lang makasama si Julian pre, buti pumayag magulang niya" sabi ni Laurence.
"Oo, nakakahiya nga eh hehe"
"Sobra... hmm.... so, san tayo matutulog?" Tanong ni Laurence.
"Ahhh, gusto mo sa kama ka na lang, tapos sa sahig nalng ako" sabi ko.
"Hala, edi sana sa bahay na lang ko natulog, hmmm.. okay lang ba kung.mag tabi tayo?" Sabi ni Laurence.
Tumingin naman ako kay Matteo, tapos bigla siyang umalis sa kama.
"Oo, dito ka na pre, nagkekwentuhan lang kami ni Julian kanina" sabi niya. Bumaba uli siya at humiga sa sahig. Sapin niya yung kumot ko.
"Ayun, good hehe. Salamat pre!"
Magkatabi naman kami ni Laurence ngayon. Ang bango bango niya, amoy sabon. Naka pajama siya at Tshirt na puti.
"Sorry ha, naligo pa kasi ako tapos nagpaalam kina mommy, umaga pa naman dun kaya nagalit hehe"
Di ako makapag focus. Gusto ko sana kausapin si Matteo about dun sa nangyari kaninang muntikang kiss.
"Ohh, bakit ang tahimik niyo bigla?" Sabi ni Laurence.
"Ah hindi, patulog na kasi kami kanina eh. Hehe" sabi ko.
"Ahhh ganun ba, hmmm. Sige tara matulog na tayo"
Di naman nagsasalita si Matteo, alam ko naman na hindi pa siya tulog at nakikinig lang sa usapan namen.
"Julian, nasabi kong kausap ko sila mama kanina diba? Sabi din nila, gusto ka nila mameet pag balik nila"
Sht, meet the parents kaagad!
"Ay bakit naman daw?"
"Palagi kasi kitang nakekwento sakanila lately eh, kaya ayun. Palagi daw kitang bukambibig"
Humarap saken si Laurence at nagkatinginan kaming dalawa. Nagugulo tuloy isip ko, hindi ko alam ano bang meron samen.
Ano bang meron samen ni Matteo? Ano rin ba meron samen ni Laurence.
Ang hirap mag isip!!
"So, ano? Okay lang ba?" Tanong niya.
"Eh, kailan ba sila uuwi?"
"Matagal pa yun, baka sa Pasko pa hehe"
"Eh kung ganon, edi sige" sabi ko.
"Nice, good good!"
Medyo tumahimik sa loob ng kwarto ko, pero biglang umubo si Matteo. Hindi ko alam kung sinadya o talagang naubo siya.
"Uy pre, gising ka pa ba diyan?" Tanong ni Laurence.
"Ahhh... hmmmm, inaantok na ako" sabi niya.
"Nako, ikaw ha, hinahanap ka saken ni Maddie, bakit di ka raw nagtetext sakanya"
"Nakalimutan ko lang" maikling sagot ni Matteo.
"Ganun ba, text mo yun ah. Iba rin kasi kamandag mo pre eh, patay na patay tuloy sayo pinsan ko haha"
Ay di ko alam yun ah! Na mag pinsan si Laurence at Maddie.
"Hehe, sige, papaload din ako bukas"
"Sige pre"
Ang taas pa ng energy ni Laurence, mukhang gusto pa niyang makipagkwentuhan samen, kaso mas gusto ko talagang kausapin si Matteo ngayon.
"Mukhang inaantok ka na Julian ah, hmmm. Sige, matulog na tayo" sabi ni Laurence.
"Hehe, sige antok na ako eh" sabi ko na lang.
Inayos ko yung kumot tapos humiga akong nakatingin sa kisame.
Si Laurence naman, nakatingin pa rin saken.
"Ang cute mo pala lalo pag naka side view no?" Bulong ni Laurence saken.
Di ko naman maiwasan mapangiti sa binulong niya. Sinilip ko tuloy siya tapos nakita kong pumikit siya pero nakangiti, ang cute niya.
Binuksan niya yung isa niyang mata tapos nung nakita niya akong nakatingin pa rin sakanya, pumikit uli siya.
Bigla ko na lang naramdaman na hinahawakan niya yung kamay ko.
"Okay lang ba?" Bulong niya uli.
Di naman ako makasagot.
"Tingin ka nga saken" bulong niya uli.
Tumingin naman ako kaagad habang hawak niya kamay ko.
"Ang sarap pala sa feeling ng may kahawak ng kamay no?" Sabi niya.
"As if naman na di mo pa naeexperience yan" sabi ko.
"Iba kasi yung feeling kapag gusto mo yung taong kahawak mo ng kamay" sabi niya.
Gusto niya ako!!
Naramdaman ko pang humigpit yung hawak niya saken ng kamay.
"Ano bang nararamdaman mo para saken Julian?" Sabi niya.
Sht, ang bilis mag change ng topic. Di tuloy ako makasagot sa tanong niya.
"Ano palang naiisip ng magulang mo saken?" Tanong niya pa.
Di pa rin ako makasagot sakanya.
"Nabigla ba kita? Sorry. Alam ko di ka pa ready sa mga ganito kasi di mo pa naeexperience yung pakikipagrelasyon. Gusto ko lang kasi talaga yung feeling kapag kasama kita." Sabi niya saken.
Ano ba tong nararamdaman ko, parang mababaliw ako.
Feeling ko ang ganda ganda ko.
"Uhm, sige next time na lang natin pag usapan to, pero pwede bang wag mo tanggalin yung pagkakahawak ng kamay natin? Sobrang kinikilig kasi ako eh"
Ibang iba yung itsura ni Laurence kapag ngumingiti siya, sobrang gwapo niya.
"Ahh, oo sige" sabi ko na lang.
"Goodnight" sabi niya.
"Sige goodnight din" sabi ko.
Pumikit na siya at kita ko yung ngiti niya sa labi niya habang natutulog.
Somehow, natutuwa ako kay Laurence. Kasi sobrang crush na crush ko to tapos biglang ganito rin pala nararamdaman niya saken.
Di ko namalayang, nakatulog na rin pala ako.
++++
Nagising ako ng marinig kong bumukas yung pinto ng kwarto ko. Nakita kong lumabas si Matteo.
Si Laurence naman, ang sarap pa rin ng tulog sa tabi ko. Di na kami magkahawak ngayon kaya dahan dahan akong tumayo para di siya magising.
Pumunta ako sa CR para umihi. Bakit kaya di na lang dito nag CR si Matteo sa kwarto ko.
Maya maya, pumasok na uli si Matteo sa kwarto ko at nagulat siya nung makita niya akong lumabas ng CR.
"Bwisit ka naman ju!! Ginulat mo ko!!" Pabulong niyang sigaw saken.
"Eh bakit kasi sa labas ka pa nag CR, meron naman dito"
Nagbubulungan kaming mag usap para hindi magising si Laurence.
"Uminom ako ng tubig no, alam ko naman may CR ka diyan!"
"Ahhh"
Natahimik kami pareho, babalik na sana ako sa higaan kaso pinigilan ako ni Matteo.
"Siguro kinikilig ka kasi katabi mo crush mo no?" Pabulong niyang sabi saken.
"Keme mo! Hindi kaya"
"Sus, sinabihan ka ngang 'cute mo pag naka sideview' eh"
"Eto, nakikinig ka sa usapan namen!!"
"Hehe, ayun lang naman narinig ko" sabi niya pa.
"Promise?"
"Hehe, uy salamat pala ju sa pagpatuloy saken dito ah? Di na ko dito tutuloy mamaya. Uuwi na lang ako samen"
"Akala ko ba ayaw mong umuwi sainyo?"
"Hmmm, eh, ayaw din ni Laurence na nandito ako, tignan mo sinundan ka pa niya rito."
Iba na naman tono ni Matteo. Hindi to si Matteo na palabiro eh, parang may problema rin siya sa pagpunta ni Laurence dito.
"Hindi yan, maiintindihan niya rin bakit dito kita pinapatuloy"
"Sabi mo di mo sasabihin about sa family problems ko diba?"
"Oo nga pala. Pero dito ka na matulog, okay lang...."
"Shhh, promise Julian, okay lang ako. Lock ko na lang kwarto ko sa bahay pag uwi, para di ko na marinig sila mama"
"Kaso sabi mo...."
"Promise, okay lang ako!"
Pero yung tinawag niya akong Julian, alam kong hindi yun okay.
"Hmmm. Sige, matutulog na ako uli" sabi ko sakanya.
"Sige ako rin, kulang pa yung handsome rest ko" sabi niya pa.
Natawa lang ako sa sinabi niya.
Humiga na uli siya habang nakatingin saken.
"Goodnight uli Ju" sabi niya.
Nung nakita ko yung labi ni Matteo, saka ko naalala yung muntikan niya akong halikan kagabi.
"Uy teka!" Sabi ko.
"Oh bakit?"
"Hmmm. Bakit mo ko.... hahalikan dapat kagabi?" Sabi ko sakanya.
"Hahalikan ka diyan, binibiro lang kita eh haha matulog ka na nga!" Sabi niya pa.
Binibiro lang pala. Buti na lang at sinabi niya yun atleast ngayon di na ako mag iisip kung para saan yung 'muntik na halik' na yon.
++++++++++++
Pagdating namen ni Matteo sa classroom, nagtinginan lahat ng kaklase ko samen na parang may ginawa kaming masama ni Matteo.
Kahit si Greco nakatingin samen kaya siya yung tinanong ko.
"Bakit ganyan kayo makatingin?" Tanong ko.
"Eh si Jerick kasi kanina pa nagwawala dito hinahanap ka, ang sabi, magkasama daw kayo ni Matteo kagabi matulog sa kwarto mo" sabi niya.
"Eh paano niyo nalaman yun?"
"SO TOTOO NGA?!" Boses ni Jerick yun sa likuran ko.
Nilingon ko siya.
"Oo, eh ano naman?" Sabi ko.
"Gosh Julian, ganyan ka na ba kalandi?" Sabi niya saken.
"Anong sabi mo?!!" Sigaw ko sakanya.
"Gosh Julian, ang landi mo, alam naman ng lahat na may gusto ka kay Matteo. Anong ginawa mo? Ginapang mo? Gosh!!!!"
"Hoy ikaw, kung ano ano pinagsasasabi mo sa klase!!!" Sabi ko naman.
"Next time kasi, wag kang malandi!"
Nabibwisit na ako sa pinagsasasabi netong baklang to ah!
"Tse, diyan ka na nga!" Sabi niya nalang.
Tinarayan niya pa ako na parang ang laki ng kasalanan ko sakanya.
Susugurin ko pa sana siya kaso pinigilan na ako ni Matteo.
"Hayaan mo na ju, baka kasi madulas mo pang sabihin yung problema ko kapag nakipag away ka" sabi niya.
"Eh nakakainis..."
"Hayaan mo siyang mamatay sa selos kakaisip saten haha. Ikaw pa rin naman panalo, sa susunod saktan mo pa siya, okay lang haha, pero ngayon, maniwala ka ikaw panalo"
"Hindi naman ako nakikipagtalo eh..."
"Hayaan mo na kasi ju, okay na rin yun atleast iniisip niya na tayo haha."
So ibig sabihin, gusto ni Matteo na pinagiisipan kaming dalawa na, kami?!
"Pabayaan mo na siya Ju ah? Makakaganti ka rin sakanya sa susunod!" Sabi pa ni Matteo.
Napakalma ako ni Matteo sa sinabi niya kaya naupo na ako. Sakto naman dumating na yung prof namen.
++++++++++
"Nakakainis talaga yang Jerick na yan jusko!!!"
"Haha, ang dami pa niyang sinabi kanina, ang isip bata naman nung Jerick na yun" sabi naman ni Greco.
Kapag after class talaga, kaming dalawa magkasama. Magkasama kasi ata si Matteo at si Maddie ng ganitong oras.
"Ano pa sinabi ng baklang yun?!"
"Hahaha, easy lang. Basta kung ano ano lang, wag mo ng isipin" sabi niya.
Ang lumanay talaga magsalita ni Greco, nakakadala siya ng emosyon.
Palagi kong sinusubukang basahin yung isip ni Greco pero di ko magawa, gusto ko malaman talaga iniisip niya.
"Palagi mo kong tinitignan ng ganyan Julian, haha. Konti na lang iisipin kong crush mo ko haha" biro niya.
"Haha, sorry. You're just so....."
"Unreadable?" Sabi niya.
"Unpredictable" sabi ko.
"Haha, may mga secrets talaga na dapat manatiling sikreto hehe. Maybe soon, you'll find out. But now, let's be friends okay?"
May kakaiba sa sinabi niya pero di ko na lang pinansin. Nakakaramdam ako na may regalo rin tong si Greco pero dahil sa rules, di ko siya matanong about dun.
And bigla kong naalala yung book ko.
Sht, kailangan ko pala makausap yung nagbigay saken ng regalo!!!!
"Ah, Greco uuwi na pala ako ah. Sige sige" paalam ko sakanya.
"Sige, alam kong in a hurry ka hehe" sabi niya.
Di ko napinansin yung kaweirduhan ni Greco at nagmadali na akong umuwi at umakyat sa kwarto ko, kinuha ko yung libro at lumabas ako ng bahay.
Niyakap ko yung libro, pumikit at binulungan ko. Ang weird ko ng mga oras na yun pero di ko na pinansin sarili ko.
Pag mulat ng mga mata ko, wala naman akong nakitang tao sa paligid ko.
"Kuya kuya," kalabit saken ng batang babae. Siguro mga 12 years old lang siya, morena at gusgusin.
"Oh bakit gutom ka ba?" Tanong ko sakanya.
"Diyos ko naman Kuya Julian, nagpapanggap lang akong pulubi, tinanong mo kaagad kung gutom ako, ano po ba ako, mukhang patay gutom?" Sabi nung bata.
Medyo naguluhan ako sakanya kaya napatitig lang ako sakanya. At kilala niya ako!!
"Ako to, si Lolo, yung Janitor sa McDo. At ngayon, ang munting pulubi ng kanto niyo!"
"Eh bakit naman kasi ganyan disguise mo?"
"Eh bakit? Bawal ba? Bigla mo kasi akong tinawag eh, eto na yung anyo ko nung tinawag mo ko, kaya di nako nagpalit. Tutal, wala ka namang mabibigay na puntos saken!" Sabi niya pa.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sa kada tawag mo saken, mababawasan ka ng 10 puntos" sabi niya.
"Ha? Grabe naman, 10 kaagad?!"
"Oo ganun talaga, kaya wag mo ko tatawagin, busy akong tao!"
"Eh bat nagpakita ka ngayon?"
"Kasi first time mo to, sa second time may bayad na okay. Kaya hit me with your questions!" Sabi niya.
Since mukha siyang batang babae na gusgusin, naglakad kaming dalawa na parang nagkekwentuhan lang na magkuya.
"Eh kasi ganito...."
"Kada tanong, isang puntos!"
"Ay grabe naman oh"
"Haha joke lang, sige ano ba yun?"
"Nako, nakakainis ka naman eh. Hmmm kasi ganito, gusto ko malaman kung bakit bigla akong naka 5 pts? Diba sabi sa rule, sa kada taong matutulungan ko, may 1pt. Bakit biglang 4pts yung dagdag saken nung natulungan ko si Tracy?" Tanong ko.
"Hmmmm. Interesting...."
Mukhang nag iisip lang siya pero di pa niya sinasagot yung tanong ko.
"Nakikita mo yang lalaking yun?" Turo niya sa lalaki na makakasalubong namen.
"Oh? Ano meron?"
"Try mong basahin yung isip niya" sabi niya.
Tinignan ko si Kuya ng maigi habang palapit samen. May itsura naman si Kuya, cutie nga eh kaso mga nasa 25 pataas na, out of my league na yan.
"Ayos makatingin tong twink na to ah. Mukhang trip ako!" Sabi nung lalaki sa isip niya nung nagkasalubong kami.
"Tignan mo, napagkamalan pa akong bakla!" Sabi ko sakanya.
"Haha hindi ba?" Sabi niya.
"Ay grabe naman oh!"
"Hahaha, biro lang, ang point ko, nabasa mo ba isip niya?"
"Oo! Sinabihan pa akong twink!!"
"Ehhh si Tracy? Nababasa mo ba isip niya??"
"Nung una oo, pero nung bigla niya sinabi sa isip niya na 'binabasa ko daw isip niya' bigla ko ng di nabasa"
"Exactly! Iba yung points na nakukuha mo sa normal na tao at sa taong may regalo rin katulad mo!" Sabi niya.
"So ibig sabihin....."
"Ooops, bawal yan, bawal banggitin yang gusto mong sabihin, instant mawawala kaagad yang regalo mo!" Sabi niya.
Oo nga, nasa rules. Bawal sabihin yung about dun.
"Ahhh okay okay. So ganun pala yun, eh ano naman yung level level keme? Sabi sa book level 2 na ako?"
"Nice nice, level 2 ka na? Sa kada puntos kasi, tumataas ang level. Iba iba kasi kayo, check mo pa yung libro mo about diyan, kung paano ka maglelevel 3 o 4 o pataas pa"
"Ehh ano naman kung level 2 ako?"
"Let's say na madadagdagan yung gift mo"
"Ang sabi sa libro, in exhange yung points na nakukuha ko sa special gifts ko ah?"
"Yes, kaso may certain levels yung mga yun para magamit mo ng unlimited. Pero since level 2 ka pa lang, ieexchange mo yung points para magamit mo yun, gets mo ba Kuya?"
"Ang dami ko namang nalalaman sayo"
"Syempre, ako may bigay niyan sayo eh!"
"Haha, sabagay, pero meron pa...."
"Hay nako, ano pa??"
Sa kakalakad namen, nakarating na kami sa Luneta at napagpasyahan nameng maupo muna kay Lapu Lapu.
"Ehh kasi ganito, di ko nababasa isip ng iba, si Greco, Laurence at Matteo. Kapag cute boys ba di ko nababasa???"
"Ay, malanding bata ire talaga!"
Yung galing sa mukhang 12yrs old na bata yung salitang yun, jusko, kung di lang siya bata nabatukan ko na siya.
"Grabe naman! Nagkataon lang ba na talagang di ko nababasa naiisip nila??"
"Hmmm. No, You can read everyone's mind. Guaranteed yun, except nga sa mga taong may regalo rin, o kaya may malaking part ng future mo"
"So ibig sabihin, pwedeng yung future partner ko na forever yung di ko nababasa yung isip?" Tanong ko.
"Yeap, yeap, ganun na nga."
So, isa kina Laurence o Matteo yun? O kaya naman, may regalo rin sila katulad ko, either way, gusto ko pa rin malaman kung ano ba sila sa buhay ko.
"I really need to earn points, paano ba yun???"
"Oh diba, ineenglish mo na ako. Hmmmm. Just help others, kung paano mo ko tinulungan sa gubat nun nung nagugutom ako, ganun. Alam ko naman malaki yung puso mo sa kabaitan kaya di mahirap sayo ang tumulong"
Ang sweet ng batang to.
"O kaya malaki puso mo kaya kasya tatlong lalaki diyan, pwe, malandi."
Biglang ang sarap niyang konyatan.
"Ooops, di mo ko pwedeng konyatan, bata ako. Child abuse remember"
"Hay nakoooo!!!!"
"Hehe, ayun lang ba tanong mo?"
"Ano ba pangalan mo, para naman alam ko"
"TB na lang, short for Taga Bigay haha"
"Korny, parang sakit lang haha"
"Okay na yan, wag ka na maarte. So, wala ng tanong?"
"Hmmmm, what if may idea ako na may regalo rin siya kaso sabi nga sa rules, bawal sabihin yung about dun, pero malakas talaga kutob ko na meron din siya, paano ko sasabihin sakanya na magkaprehas kami???"
Tumingin siya sa paligid na parang may sasabihing sikreto.
"Wala pa akong sinasabihan neto, pero pwede mo yun masabi sakanya!" Medyo pabulong niyang sabi.
"Ohh talaga? Paano?"
"Kailangan mong ipahawak sakanya yung libro mo, at pag nahawakan niya yun, mababasa mo na isip niya. Ganun lang kasimple yun, may mga tricks talaga sa libro na maraming di nakakaalam" sabi niya pa.
"Ay grabe! Ganun lang pala, di ko kasi dinadala yung book ko eh"
"NO!!!!Dalhin mo palagi yan, umiilaw yan kapag may ginagawa ka, kaya dapat dala dala mo, kapag nakuha yan ng iba, lagot ka"
"Ehh paano kapag nakuha ng iba???"
"Teka, pumikit ka muna" sabi niya.
Tinakpan ng kamay niya yung mga mata ko para mapapikit ako.
"Para saan naman to?" Sabi ko.
Pero di siya sumagot.
Di ko pa rin binuka mata ko, at kinakausap ko siya, pero di pa rin siya sumasagot.
Pag dilat ko, wala na siya sa tabi ko. Ako na lang nandun!
Parang magic na nawala siya.
Di ko tuloy nalaman kung paano kapag mawala ko yung libro, anong mangyayari.
Ang dami kong natutunan sakanya, sa powers ko. Ganun pala yun. So alam ko na.
++++++
Bagong Paalala Regarding sa Powers ko:
1. Mas malaki ang points na makukuha kapag may 'regalo' rin yung natulungan.
2. Pwede mong ipahawak ang libro mo sa iba para mabasa mo naiisip nila.
3. Di ko pwedeng iwala ang libro.
Ano pa kaya ang madadagdag sa paglipas ng panahon? Ano pang malalaman ko?
Basta ang alam ko, ipapahawak ko yung libro ko kay Greco para malaman ko kung may regalo rin siya.