Part 8

2698 Words
Umalis na si Greco sa McDo pero naiwan ako para hintayin si Laurence na di pa naglulunch. Pagdating niya sa McDo, ang ganda ganda ng ngiti niya pagkakita ko sakanya. Naka school uniform pa rin siya pero ang hot niya tignan, lalo na yung mga mata niyang ngumingiti kapag ngumingiti siya. "Sorry, dumaan pa ko sa faculty eh, nasaan na yung kasama mo?" Tanong niya saken. Tumabi siya saken at umupo sa bandang kanan ko. "Umalis na eh. May dadaanan pa daw" sabi ko. "Ahhh, kumain ka na ba?" "Oo eh, sige kain ka lang, samahan kita" "Promise? Di mo ko iiwan?" Tanong niya. Iba yung tono ng boses niya nung tinanong niya yun, parang may hugot. Tinignan ko siya, tapos nakatingin siya saken na nakangiti. Putek, ang lakas talaga magpa cute netong si Laurence. Effective na effective. "Oo nga, dito lang ako di kita iiwan" sabi ko. Ngumiti naman siya na parang natuwa sa sinabi ko. "Hehe, Ganyan nga. Order lang ako ah," sabi niya. Tumayo siya tapos umorder ng kakainin. Maya maya, nasanggi ng mop ng naglilinis na crew yung shoes ko na kinagulat ko. Akala ko magsosorry si Kuya kaso nakatingin lang siya saken na nakangiti, di ko pa alam kung ano iniisip niya. "Pwede bang makiupo?" Sabi niya lang. Since di ko mabasa iniisip niya, alam kong isa siya sa may kinalaman sa nangyayari at mangyayari saken kaya pumayag na lang ako. "Sige" sabi ko. Di naman siya mukhang matanda, siguro nasa early 30's lang. First time ko rin siya makita rito sa McDo. Basta nakasuot siya ng uniform ng McDo, medyo maliit, moreno at mukhang mabait naman. "Kumusta ka naman?" Tanong niya saken. "Ah, magkakilala po ba tayo?" Tanong ko. "Oo, kasi ako nagbigay ng regalo mo" sabi niya sa isip ko. Sht! Si Lolo to! "Ay bakit po ganyan itsura niyo?!" Nagulat kong tanong.   "Hehe, nakakasawa kasi maging matanda eh, kaya ganito naman ako" sabi niya. "Hala, kaya niyo pong magbago bago ng itsura?" "Hehe, aba oo naman. Nako, hindi mo pa nga ako kilala" "Eh hindi naman po kayo nagpapakilala, tapos kapag hinahanap ko kayo bigla kayong nawawala" "Sorry, ganun talaga. Dapat pa mysterious tayo" sabi niya. Tawa na lang nasagot ko sa sinabi niya. "Eh bakit po kayo nagpakita saken?" Tanong ko. "Aba syempre kinakamusta lang kita" "Hehe. Hmmm. Okay naman po ako, nasasanay na ako na nakakabasa ako ng isip" sabi ko. "Good good. Mabuting nag eenjoy ka!" "Ay bakit po? Meron po ba kayong nabigyan ng regalo na di nila kinatuwa?" Tanong ko pa. "Marami. Sobrang dami. Akala nila sumpa yung regalo ko sakanila" kwento niya. Medyo naintriga naman ako sa sinabi niya kaya kinulit ko pa siya. "Ehh ano naman pong masama sa makabasa ng isip? Ang cool naman po nun ah?" "Kapag kailangan mo ng tanong, hawakan mo lang yung libro mo at tawagin mo ko, siguradong darating ako, okay?" Sabi niya. Hindi naman nasagot yung tanong ko eh bigla na siyang tumayo at kinuha yung mop saka naglampaso uli. Tatawagin ko sana siya kaso nakita ko ng palapit si Laurence sa pwesto namen. "Sorry ang tagal, ang daming tao eh" sabi niya, may hawak siyang tray na maraming foods. Pero di ko siya pinansin masyado, kasi hinanap ko si Kuya na bigla nalang nawala sa paningin ko. "Ohh, sino hinahanap mo?" Tanong niya. "Ahhh, yung naglilinis kanina...." "Wala namang naglilinis ahhhh?" Hinanap kong mabuti pero wala na si Kuya. Bigla na lang siyang nawala na parang bula. +++++ Pag uwing pag uwi ko sa bahay, una kong plano ang kunin ang libro para tawagin si Kuya o lolo o kung sino man siya. Pero hinarangan ako ni papa bago pa ako makaakyat. "Oops oops, bakit nagmamadali kang umakyat?" Sabi ni papa. "Hala ano kaya yun si papa, nag bless na ako ahh" sabi ko. "Alam ko, eh hindi ka na nagkekwento samen eh, ano ba nangayayari sa lovelife mo?" Sabi pa ni papa. "Nako, sana magsalita na tong batang to!" Sabi ni papa sa isip niya. "Pa naman, secret muna yun!" "Anong secret secret, hindi, halika sa sala at ikwento mo samen! Mamaya kung ano ano na ginagawa mo eh" hila saken ni papa papunta sa sala. Nako talaga tong mga magulang ko oh! Umupo kaming tatlo sa sala. Ako yung nasa kabilang dulo, at parang iniinterogate nila ako na parang may kaso ako. "Sino ba talaga ang gusto mo? Si Laurence o si Matteo?" Si mama naman yun. "Hala, ma naman pati ikaw?" "Aba oo, interesado rin ako no!" "Kaya umamin ka na samen!" Si papa naman yun. Nakakahigh blood silang dalawa, pero yung itsura nila mukhang naghihintay talaga ng sagot. Okay rin to na may pakielam ang magulang ko saken. "Ma, si Matteo, kaibigan ko lang siya. Si Laurence naman po, di ko alam kung anong ginagawa namen, basta palagi kaming magkasama" sabi ko. "Denial!!!" Sabi ni mama sa isip niya. "Safe answer. Nakakainis!" Sabi ni papa sa isip niya. Pero yung itsura nilang dalawa, nakangiti lang at mukhang plastik. Heto yung mahirap kapag alam mo binabasa isip eh, alam mo kung natutuwa sila sayo o hindi eh. "Ma, Pa, alam ko excited.kayo. Pero excited din ako sa una kong lovelife, kaso wala pa talaga, ayoko lang madaliin baka matapos kaagad. Kung bibigay na saken, edi ibibigay. Basta kapag meron na, kayo una kong sasabihan, pangako yun" sabi ko naman. Natuwa naman sila sa sinabi ko, kita ko sa expression ng mukha nila. "So, pwede na po ba ako umakyat?" Tanong ko sakanila. "Ops, di pa pwede!" Sabi ni papa. "Hala, ano pa po yun???" "Halika, kiss mo kami ng mama mo!" Sabi niya. Hehe, nakakatuwa talaga to sila papa at mama. Palagi ko naman sila kinikiss kaya di na bago to, pero yung sila magdedemand, parang ang cute lang. Lumapit ako sakanila at hinalikan ko sila sa pisngi. "Make good choices anak ah, tandaan mo yan. Bata ka pa, marami ka pang pagdadaanan kaya tama yan hinay hinay muna ah?" Sabi ni mama saken. "Opo ma, hehe" sabi ko. "Sige na, umakyat ka na. Kanina kapa kating kati eh!" Sabi ni mama. Naalala ko, yung libro! Kailangan ko makausap si Lolo o Kuya o kung ano pa yun about sa ibang katulad ko. Kaya dali dali akong umakyat sa kwarto ko pero sobrang nagulat ako ng makita ko si Matteo dun sa kwarto ko, nakahiga nagtetext. Napalunok ako ng laway ng makita ko siya, naka sando lang siya at boxer shorts. Ang laki ng braso ni Matteo, ang sarap! Pero teka. Shhhh shhh, bestfriend. Okay, bestfriend. "Pag bestfriend, bawal pagnasaan okay. Behave Julian!" Sabi ko sa isip ko. "Ju, kanina pa kita tinatawagan pero di kita macontact, ang tagal mo naman!" Sabi ni Matteo. Aba, hindi siya nagbago ng pwesto, nakahiga pa rin siya at nakatingin sa phone niya. "Aba, teka, bakit ka nandito?!!" Sabi ko. "Eh, kinausap ko lang parents mo, sabi ko kung pwede bang makitulog dito, pumayag naman sila, kaya dito ako matutulog ah?" "Aba, ako ba pumayag?!" Bigla siyang umupo sa kama ko at tumingin saken. "Ju, ang sexy ko. Ang yummy ko, ako na tatabi sayo, lugi ka pa?" Ang yabang din neto eh pero totoo, sobrang yummy niya. Grabe, batak na batak sa gym, grabe talaga!! "Eh sa sahig ka matulog!" Sabi ko. "Nako naman, ang damot magpatabi!" "Take it or leave it?" "Hmp. Daya, sige na nga, basta penge unan!" "Tse!" Sabi ko. Naisip ko yung libro, hindi ko pala makakausap yung nagbigay saken ng regalo dahil nandito si Matteo. Bahala na, bukas na lang. "Magbibihis ako, wag kang tumingin!" Sabi ko. "Jusko kadiri mo ju, kahit sa harapan ko pa kaw magbihis, hindi kita gagalawin." Tumalikod ako para magbihis ng damit. Pagkabihis, naupo ako sa kama katabi siya. "Bakit ba nandito ka ha?" Tanong ko. "Nako, wala kasing tao sa bahay, naiwan ko pa susi ko. Hassle lang pauwi sa Cavite tapos Mendiola, may pasok pa bukas. Hehe" "Eh araw araw ka naman ganun, bakit nagrereklamo ka ngayon?" "Wag ka na nga maraming tanong!" Bigla siyang humiga at nakatingin sa phone niya. Ang bango ni Matteo, nakakainis. Yung kahit galing sa school eh mabango, yung amoy na nakakaadik. Ganun si Matteo, plus pa yung magandang katawan niya. "Ju, nagugutom ako, pwede bang makikain?" Bigla niyang sabi. "Nako, dapat bayaran mo ko rito eh!" Sabi ko. "Hehe, kuha mo ko foods, nahihiya ako bumaba eh" "Nako, may bayad talaga to ah!!! Hmp" Bumaba ako at kumuha ng pagkain sakanya, sakto pakbet ulam namen, alam kong favorite to ni Matteo kaya kumuha ako ng marami pati ng kanin. Pag akyat ko, nagulat ako ng hawak niya phone ko at may kausap siya. "Hoy, sino yan?!!" Sabi ko. "Ah, si Laurence!" Sabi niya. Dali dali kong kinuha yung phone ko para kausapin si Laurence. "Hello?" Sabi ko. "Bakit si Matteo sumagot, magkasama ba kayo?" "Ahh eh oo nasa bahay siya" "Alas nwebe na ah, bakit nandiyan pa siya?" Sht, ayokong sabihin na dito siya matutulog eh pero bigla akong nadulas. "Dito kasi siya matutulog, pumayag sila mama" sabi ko. "Hala bakit diyan??!" "Hmm, di ko rin alam eh, basta dito siya matutulog" "Ehhh...." "Wag ka mag alala, di naman to gagawa ng kalokohan eh" sabi ko. Kung makasagot ako, akala mo kami eh. "Ganun ba? Sige sige, wait lang ah?" Sabi niya. Pero bigla niyang binaba yung tawag. "Ohh ano daw sabi?" Tanong ni Matteo habang ang sarap ng kain niya. "Bakit mo kasi sinagot? Nakakainis to, mamaya kung ano isipin niya!" "Ay bakit? Bestfriend mo naman ako...." "Kahit na!! Privacy na lang diba?" Medyo nasigawan ko siya dun. "Uy ju, sorry. Wala naman akong intensyon" sabi niya. Medyo naawa ako sa expression niya at medyo nainis din ako sa pagsigaw ko sakanya. "Sorry, nabigla lang ako, kasi naman ikaw ehhh!!" Bumalik na sa masayahin yung tono ng boses ko. Bumalik na rin yung ngiti ni Matteo. "Sus, baka nagtatago ka na saken ah. Mamaya kayo na di mo pa sinasabi saken!" "Baliw! Di pa nga nanliligaw eh" sabi ko naman. "Sus, ayaw mo lang sabihin eh!" Patuloy lang siya sa pagkain. Di na ako sumagot para makapag focus siya sa kinakain niya, tinext ko naman si Laurence kung ano nangyari, pero di siya nagrereply saken. Pagkatapos kumain ni Matteo, kinuha ko pinagkainan niya at bumaba. Sinabay ko na paglinis ng katawan ko bago ako umakyat. May CR naman sa kwarto ko pero nasa baba yung toothbrush ko kaya sa baba ko na ginawa yun. "Matutulog na ba kayo?" Tanong ni mama saken. "Opo" "Okay lang ba na diyan sa matulog?" Tanong ni mama. "Ahh opo naman, tsaka pumayag naman kayo eh!" "Hehe, magaan kasi loob namen ng papa mo kay Matteo kaya sige lang kami. Mukha naman di kayo gagawa ng kalokohan eh" "Ma naman!" "Hehe biro lang, sige anak oh...." inabutan niya ako ng tatlo pang unan. ".... para kay Matteo" sabi niya pa. "Hehe, salamat po!" Sabi ko. Umakyat na ako uli pero bago ko mabuksan yung pinto, may narinig akong kausap niya sa phone. Iba yung tono ni Matteo, parang malungkot at pinipigilang umiyak. "Nandito ako kina Julian, ayokong umuwi Kuya, di ko na kaya dun" "Basta dito lang ako, bukas bahala na kung saan ako." "Nakakahiya kay Julian, maghahanap ako ng ibang matutuluyan, ayoko talaga sa bahay" "Wala!! Inubos lahat ni papa. Si mama naman wala ring ginagawa!" "Kuya, kailan ka ba uuwi? Miss na kita. Wala akong kakampi dito" "Alam ko po, sige Kuya." "Okay lang ako, mamaya maabutan pa ako ni Julian na ganito, sige na po" "Opo Kuya, sige po." Binaba na niya yung tawag tapos nakita ko siyang umupo sa higaan at nagpunas ng mga luha niya. First time kong makita si Matteo na ganito, parang ang hina hina niya. Nasanay ako na palagi kaming nagtatawanan at walang problema. Sinadya kong iparinig sakanya na paakyat ako, nagmadali naman siyang mag ayos ng sarili niya at humiga uli sa kama. "Saan ka ba galing? Ang tagal tagal mo, nakakatakot sa kwarto mo feeling ko may nakatingin saken eh!!" Sabi niya. Ang galing magtago ng feelings ni Matteo, di halatang umiyak siya. "Tse, ewan ko sayo, oh..." inabot ko yung unan sakanya. ".... si mama nagbigay!" "Tignan mo nga naman, mahal talaga ako ng mama mo!" "Assuming ka na naman!" Naglatag na siya sa sahig, ako naman dumiretso sa kama ko at nahiga. Pinatay na namen yung ilaw. ++++ "Matty?" Tawag ko sakanya. Di ako mapakali, parang gusto ko siyang kausapin ng masinsinan. "Yes juju" Maliwanag naman yung buwan kaya kita ko siya sa sahig. "Kapag may gusto kang ikwento saken, ishare mo na, makikinig ako" sabi ko sakanya. Bigla siyang napangiti. Kahit medyo madilim, ang gwapo niya pa rin. "Narinig mo pinagusapan namen ni Kuya?" Tanong niya. "Uhm, oo" sabi ko. "Nakakahiya, hehe" "Ano ka ba ,bakit ka naman mahihiya saken? Akala ko ba bestfriends? Bakit di mo sinasabi saken yan??" Tanong ko. "Kasi nakakahiya...." "Dito ka nga sa kama, nahihirapan akong yumuko!" Kinuha naman niya yung mga unan niya at tumabi siya saken sa kama. Kasyang kasya naman kaming dalawa dito. "Oh, dali na magkwento ka na!" Sabi ko. "Hmmmm. Ano ba?, Hmmm. Si kuya yung kausap ko kanina, nasa ibang bansa siya, siya yung source of income namen sa bahay. Siya rin nagbabayad ng tuition ko." Ang seryoso ni Matteo! Sobra, ngayon ko lang talaga siya nakitang ganito. "Tapos syempre, andun sila mama at papa sa bahay. Si papa, sugarol si mama naman paiba iba ng lalaki. Ewan ko, nakakadiri talaga dun sa bahay.  Si papa, maglalasing tapos magsusugal. Si mama, paiba iba ng inuuwing lalaki." Medyo utal na magsalita si Matteo, alam kong pinipigilan niya lang umiyak. "Ilang taon ko ng tinitiis yun. Nung nag college ako, sakto naman may offer kay Kuya sa ibang bansa, si Kuya lang yung kakampi ko sa bahay. Kami lang magkasama sa bahay palagi, tapos bigla pa siyang umalis, kaya sobrang laki ng nabagi sa buhay ko" May nakita na akong luha sa mga mata niya. "Pinag aral niya ako rito sa Mendiola para naman daw lumawak yung mundo ko. Para magkaroon ako ng bagong kaibigan. Natuwa naman ako sa environment dito" Bigla siyang tumingin saken tapos ngumiti habang naluluha. Grabe yung lungkot na nararamdaman ko habang nagkekwento siya. "Nagpadala daw si Kuya ng 30K, para pang tuition ko, kaso ginastos nilang dalawa, kagabi pa nga ako di kumakain eh, kaya gutom na gutom ako kanina." Mas lalo naman akong naawa sa kwento niya. Ibang iba talaga si Matteo. "Sorry Julian, nakikita mo kong ganito ah. Hehe" sabay punas sa luha niya.   Tinawag niya ako ng Julian, ibig sabihin malaki talaga dinaramdam niya. "Hehe ,ano ba okay lang yan." "Nakakahiya talaga hehe" "Saken ka pa nahiya, kilalang kilala mo na ako!" "Ayun nga eh, kilalang kilala na kita. Sobrang natutuwa nga ako sa pamilya mo, lalo na sa parents mo, mahal na mahal ka nila, kapag nakikita ko kayo, minsan naiiyak ako. Nakakainggit kasi kayo" "Hala, baliw ka!" "Hehe, nakakainis ka Ju, pinaiyak mo ko!" Sabi niya. "Hahaha, hindi kaya..... hmmm. Kaya pala di mo nakekwento saken about sa bahay niyo dahil pala diyan" "Oo, ayoko talaga silang pinaguusapan" "Sa sobrang masayahin mo at mapang asar, di ko talaga maiisip na may ganyan kang pinagdadaanan" "Kaya nga nagpapasalamat ako sa talent kong to, talent kong magtago ng tunay na nararamdaman haha" "Haha. Loko loko ka talaga!!" Buti naman tumawa na uli siya kahit papano. "Narinig ko, namomroblema ka kung saan ka matutulog bukas. Gusto mo dito ka na lang uli? Ako na magpapaalam kay mama at papa!" "Hala wag na...." "Di bagay, wag ka na mag inarte, dito ka na hanggang sa maging okay ka." Sabi ko. Tumawa lang siya sabay kurot sa braso ko ng malakas. Ang lakas ng tawanan namen ng mga oras na yun. Ang hirap na tuloy pagkatiwalaan ng ngiti ni Matteo, hindi ko alam kung totoo o hindi. "Masaya ka ba talaga o pilit lang yan?" "Masaya kaya ako, lalo pa't kasama kita!" Sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Bigla naman niyang hinawakan mga kamay ko at tumitig siya saken. "Salamat Julian ha? Pinaka dabest kang kaibigan" sabi niya. "Ayan, bestfriend lang daw. Kaya wag kang mag assume ha!" Sabi ko sa isip ko. "Oo naman," "Hehe, secret lang natin to ah?" "Yeap yeap" Pero di niya binibitawan kamay ko. Nakatitig pa rin siya sa mata ko. Bigla naman siyang bumitaw at hinawi yung buhok ko. Sht, anong ginagawa ni Matteo "Julian......" sabi niya. Dahan dahan niyang nilalapit mukha niya saken habang nakatitig siya sa labi ko. Sht!!!! Hahalikan ba ako ni Matteo. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Sht, palapit na kami ng palapit. Di ako makagalaw. Gusto kong tumayo pero parang naka glue katawan ko sa higaan ko. Buti na lang biglang may kumatok sa pinto na kinagulat din ni Matteo. Napaayos tuloy siya ng higa samantalang tumayo naman ako para pagbuksan kung sino man kumakatok. "Ma!" Sabi ko. "Tulog na ba kayo?" "Hindi pa naman, 11 palang naman eh" "Good, oh may bisita ka uli" sabi ni mama. "Sino po?" Bigla kong nakita si Laurence na may dalang bag. Nakapambahay lang siya pero mukha pa rin siyang sosyalin. "Nagpaalam ako sa mama at papa mo, dito rin ako matutulog ngayong gabi" sabi niya. Tumingin ako kay mama. "Kung gusto mo lang naman" Tumingin uli ako kay Laurence. "Ahh eh sige sige!" Sabi ko. "Oh sige, matulog na kayong tatlo ha? Goodnight na, matutulog na kami ng papa mo" sabi ni mama. "Sige po, goodnight po" sabi ni Laurence. Nasa kwarto ko si Matteo at Laurence!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD