Part 7

2717 Words
"Anak, kumusta ni Laurence?" Tanong ni papa saken habang nag aalmusal kaming tatlo nila mama. "Okay naman po, magkaibigan naman kami" sabi ko. "Utut mo, nakita ko kayong magkahalikan sa kotse niya kagabi!" Jusko, eto na naman si papa, umaatake pagiging baliw. "Ma, ano ba to si papa! Wala akong privacy!" Sabi ko. Tumawa lang si mama sameng mag ama. "Privacy ka diyan, nasa tapat kayo ng bahay. Ohh, ano naman pakiramdam ng first kiss mo?" "Ang sarap talagang asarin netong si Julian" sabi ni papa sa isip niya. "Pa, di kami nagkiss kagabi!" "We? Kita ko kaya!" "Pauso ka pa, hindi kaya, hindi natuloy!" "Nako, buti naman kung ganun, kung hindi baka hanap hanapin mo na yun! Tapos sa susunod iba na hahanapin mo, tapos makikita ko na lang marami ka ng bibilhin ng condom kasi hinahanap hanap mo na..." "Pa!!!! Ano ba yang pinagsasasabi mo" "Hahahahhaahhaa, hinahanda ko lang sarili ko sa mga possibilities" sabi ni papa. "Baliw na naman ang mag ama!" Sabi ni mama sa isip niya. "Ewan ko sayo pa!" "Haha biro lang anak, ayoko lang ng nagtatago ka samen, share mo samen lahat, makikinig kami ng mama mo, diba honey?" "Oo naman, excited na nga ako sa mga kwento niya eh" sabi ni mama. Kahit baliw mga magulang ko, sobrang swerte ko sakanila at tanggap nila ako at saka nagmamahalan kaming lahat. "Pinagbaunan kita ng pagkain ha?" Sabi ni mama. "Salamat naman less gastos ako today!" "Sus, ang konyo mo magsalita today, di bagay!" Singit ni papa. Mababaliw na ako rito kay papa eh. Pati iniisip niya puro kalokohan. Maya maya, may kumatok sa pinto namen na pinagbuksan naman ni mama. Nagulat naman ako ng hawakan ni papa kamay ko tapos lumapit siya saken para bumulong. "Anak, kung gusto mo maging lalaki, tutulungan kita, gusto mo punta tayo ng bar kung saan maraming nakahubad na babae" "Papa! Nakakadiri to, hindi mo na naisip si mama" "Hoy, ikaw lang papapasukin ko dun tapos hintayin kita sa labas hahaha, joke lang yun ah wag mo ko sumbong sa mama mo!" Bago pa ako makasagot, narinig kong sinigaw ni mama pangalan ko. "Julian anak, may naghahanap sayo" sabi ni mama. "Sino daw po?" Nakita kong palapit sila mama samen at kasama si Tracy. Sht, anong ginagawa niya rito! "Hi Julian" bati ni Tracy. Ang ganda ganda talaga ni Tracy, cute cute. Naka Tshirt lang siya at pants, simple pero pansinin. Yung reaksyon naman ni papa yung kakaiba, natulala siya kay Tracy. "Aba! Napakagandang bata naman neto!" Sabi ni papa sa isip niya. "Uy Tracy bakit ka nandito?"   "Wala naman, yayain lang sana kitang lumabas?" "Ahh. May klase pa ako eh" "Okay lang, sabay na tayo papunta ng school" sabi niya. "Wag ka na lang kaya pumasok tapos dito na lang kayong dalawa, ang ganda ng kaibigan mo anak" singit ni papa samen. Bumalik na naman sa kabaliwan si papa. "Nako pa, yan ka na naman, aakyat nako uli at magbibihis," sabi ko. "Sige, iwan mo muna rito yung kaibigan mo para mainterrogate namen!" "Nako, sumama ka na lang saken sa taas Tracy" sabi ko. Tumawa lang silang lahat saken, nakakainis kasi si papa, pero okay naman na ganun siya, basta ang alam ko okay siya na ganito ako. "Hehe, sige po akyat na po kami" sabi ni Tracy kina mama at papa. "Ayan, may pag asa pa anak ko!" Sabi ni papa sa isip niya. Nako, umakyat na lang kami para di ko na sila marinig. +++ "Paano mo nalaman bahay namen?" Tanong ko kay Tracy. Nakabihis na ako. "Tinuro ni Greco, hehe cool ng parents mo ah?" "Hehe, mga baliw nga eh!" "Well, magpasalamat ka kasi meron ka pa" sabi niya. "Hehe, pero bakit ka pala nandito?" "Ahm, wala lang. Gusto lang sana kitang makita hehe," Ang weird din ni Tracy eh pero okay lang, maganda naman siya. Maya maya, nagulat naman ako ng umilaw yung libro ko sa drawer. Bigla rin napatingin si Tracy dun. Sht!!! Mukhang mahuhuli ata ako. "Uyy ano meron diyan sa drawer mo?" Tanong niya Sa sobrang kaba ko, hinawakan ko siya sa braso at niyaya ko palabas. "Wala yun, laruan ko lang hehe tara na pasok na ako male late na ako eh" sabi ko. Buti na lang di siya nagtanong tungkol sa libro at sumama na siya saken. ++++ "Di ko naman alam na may girlfriend pala si Greco" sabi ko kay Tracy habang naglalakad kami papuntang school. "Ahhh, hindi naman kami talagang dalawa" "Huh?!!" "Haha, bakit? Akala mo kami?" "Hinalikan ka kaya niya!" "Kapag ba hinalikan ka ng isang tao, kayo na kaagad?" Tanong niya. May point naman siya, pero akala ko eh silang dalawa talaga. "We were together, pero naghiwalay dahil sa isang tao hehe, I really don't like to talk about it, hehe ikaw ang bida rito, balita ko may nanliligaw sayo ah?" Sht, kalat na kalat na pala talaga. "Naririnig ko lang, usap usapan, hehe. Laurence daw?" Napangiti naman ako bigla nung sinabi niya si Laurence. "Ohmygosh, you're blushing Julian, you like him???" Di naman ako sumagot sa tanong niya pero ngumiti lang ako. "Well, mukhang bagay naman kayo hehe. " Nahihiya ako kapag inaasar ako kay Laurence eh, kaya binago ko kaagad yung topic. "Pero bakit di kayo nagkatuluyan ni Greco?" Bigla kong tanong. "Ahhhhh, binabago ang topic para di mapagusapan, I like that, I like that!" Sabi niya pa. "Hehe, no, just curious, gusto ko lang malaman, kahit hindi detailed" sabi ko. Tumingin siya saken na parang gusto niyang ishare yung nangyari sakanilang dalawa. "Well, yung importante lang naman, naghiwalay kami kasi gusto niya. Ayun lang, alam ko naman na di niya ako mahal kasi may iba siyang mahal, ang gusto ko lang nun, lumayo sakanya. Kaso kasi di pwede eh, di kami pwedeng maghiwalay, kailangan magkasama lang kami. Kaya sinundan ko siya rito" "Parang medyo magulo ata?" "Hmmmm, basta hindi kaming dalawa, pero mahal ko pa rin siya, may mahal siyang iba kaso ayaw lang niyang aminin sa sarili niya" kwento niya. Medyo mysterious nga tong si Greco. Gusto ko sanang si Greco nalang kausapin ko mamaya para malaman ko lahat. Nakarating na kami sa school, pero syempre di siya pwedeng pumasok kasi hindi naman siya estudyante dito. Umakyat na ako sa room, saka ko naman nakasalubong si Matteo, mukhang masaya gising niya ngayon dahil sa napakaaliwalas niyang mukha. "Ju!!! Hahhahha, andiyan na 'bestfriend' mo hahaha" bungad niya saken. "Bestfriend?" "Hahaha, yung pinaka bestfriend mo haha" Mukhang kilala ko na tinutukoy niya. Si Jerick, ang baklang may crush na crush kay Matteo pero dahil saken sumasama si Matteo, dun siya nagsimulang magalit saken. Kaklase din namen si Jerick kaso nga lang pinadala siya ng school namen sa ibang bansa para sa isang conference, akala ko next week pa siya makakarating eh. "Hahahaha, nag iba na naman itsura mo ju, hahaha ang saya na naman sa classroom neto, magpaparinigan na naman kayo!" Sabi ni Matteo. "Keme mo, basta ako behave!" "Hahahah wag ka mag alala ju, asusual, sayo ako kakampi para mas mainis siya sayo hahahha" "Wag na kasi Matteo, wag mo na iprovoke" sabi ko. "Wag ka mag alala, akong bahala sayo!" Sabi niya. Inakbayan niya ako sabay pasok nameng dalawa sa room. Nakita ko siya, naka uniform at mukha paring nakakairita. Yung baklang makapal mag lagay ng blush on at lipstick at may makapal na eyeliner, jusko nakakairita talaga. Hindi kasi bagay sakanya.   "Yeah, I was like, no stop that kuya, and he was like , what's kuya? Hahahha americans, so nakakainis minsan" putek, ilang araw lang nag ibang bansa, umarte pa lalo pananalita. "Hahaha ang saya ng bestfriend mo ju ah" bulong ni Matteo saken. Saktong nakita ni baklang Jerick yung pagbulong saken ni Matteo. Nakita kong lumapit siya samen, habang kami naman nakaupo na sa pwesto namen. "Hi Julian, how are you?" Plastikada niyang tanong saken. "Bakla ka, kung makabulong sayo si Matteo akala mo kung sino kang maganda!" Sabi niya sa isip niya. "Okay na okay naman, masaya, si Matteo kasi eh ang hilig mag joke" sabi ko sabay kurot kay Matteo, buti na lang sumakay si Matteo sa ginawa ko tapos kinurot din ako sa braso ko. "Hinahighblood talaga ako ng baklang Julian na to ah!!!" Sabi sa isip ni Jerick. "Well, I've missed you, wala kasi akong friend dun eh" sabi niya saken. Friend?! "Yeah, I've missed you too, wala na kasing clown sa room eh hehehe." Sabi ko. Naginit naman dugo niya saken sa sinabi ko. "Just kidding hehe," pahabol ko. "Hahaha, patawa ka talaga Julian, wala akong pasalubong sayo, sorry, di ko naman nakalimutan, di ko lang kasi alam kung ano yung gusto ng mga linta, alam mo na, yung dikit ng dikit sa kung sino sino" pataray niyang sabi. Nameke ako ng ngiti sa sinabi niya. "Ooops, just kidding hehe, di ka na mabiro friend" pahabol niya pa. "Hehe that's okay friend, wala naman talagang bearing lahat ng sinasabi mo kaya okay lang hehe" sabi ko naman. "Nakakatuwa naman palaban pa rin tong baklang to, hehe" sabi niya sa isip niya. "Ohhh, andiyan na si mam, friend, balik ka na sa lungga, este sa seat mo hehe" sabi ko sakanya. Tinarayan niya lang ako pagbalik niya sa upuan saka naman ako pinisil ng malakas ni Matteo sa hita ko habang pinipigilan yung tawa niya. "Hahahhahah, infairness ju, ang galing mo ng lumaban!" Sabi ni Matteo. "Haha tuwang tuwa ka eh no? Ayan, kasi may gusto sayo, kaya tuwang tuwa ka?" "Haha, nakakatawa kaya kayo, dalawang baklang nag aaway!" "Maka bakla ka naman!" "Haha sorry ju, pero wag ka mag alala, mas cute ka sakanya ng sobra sobra hehe" Fvck naman, bigla naman akong kinilig sa sinabi niya, kaya napangiti lang ako. Tumitingin tingin pa si Jerick sa pwesto namen ni Matteo tapos mang aasar si Matteo sa pagkurot kurot sa pisngi ko. Medyo natutuwa rin ako sa ginagawa ni Matteo kaso kailangan kong pigilan sarili ko dahil bestfriend lang niya ako. +++++ Nakita ko naman na nag uusap si Jerick at saka si Greco, hindi pa pala sila nagmemeet kaya naman iba kung makalapit si bakla kay Greco. Mukhang hindi komportable si Greco kay Jerick kaya lumapit ako sakanilang dalawa. "Uy Greco" bati ko. "Bwisit kang bakla ka, lumayo ka!!!" Sabi ni Jerick saken sa isip niya. "Hi Julian" bati ni Jerick. Peste, napaka plastik!! "Uy Julian, kain na tayo hehe" sabi ni Greco saken. "Ahhh, close kayong dalawa?" Tanong ni Jerick. "Yeap, siya kasi kasama ko simula ng lumipat ako rito" sabi ni Greco. "Una si Matteo, ngayon naman si Greco, sino naman kaya isusunod mong bakla ka?!" Galit na galit saken si Jerick sa isip niya pero sa itsura niya ngayon, nakangiti siya na parang walang problema. "Ah ganun ba, gusto mo ako na lang sumama sayo?" Alok ni Jerick. "Nope, okay na ako kay Julian hehe, sige!" Paalam ni Greco kay Jerick. Tinaasan ako ng kilay ni Jerick pero gumanti lang ako ng ngiti sakanya. "Grabe, sobrang annoying niya!" Sabi ni Greco. "Hahaha sobra!" "Pero mukhang mainit dugo sayo nun ah?" "Ahh oo, eh paano may gusto kay Matteo yun!" "Ahhh, tapos gusto mo rin si Matteo kaso sayo sumasama si Matteo kaya siya galit sayo ganun ba?" "Haha, oo parang ganun na nga" "Masaya siguro sa classroom kapag nagsasagutan kayo no?" "Haha, tignan mo nalang sa mga susunod na araw hehe" sabi ko. Naglakad lakad kami hanggang sa nakararing kami sa McDo Mendiola katabi ng school. Palagi na kaming tumatambay ni Greco dito. + "Nasaan pala si Matteo?" Nakaupo na kami at nanlibre uli siya ng bff fries. "Baka kasama si Maddie" sabi ko. "Sila na ba?" "Hindi pa ata, wala pa naman nakekwento saken si Matteo" sabi ko. "Ahh buti naman" Nagulat ako sa sinabi niya. "Huh??" "Ahhh wala...." "Ay teka, may gusto ka siguro kay Maddie ano?" Tanong ko. "Hala wala, haha syempre, masasaktan ka kapag naging sila, syempre may gusto ka sa bestfriend mo diba?" "Haha, ipamukha mo pa saken!!" Sabi ko. "Haha sorry sorry" Natahimik kaming dalawa habang kumakain. At naalala ko si Tracy. "Di pala kayo ni Tracy no?" Bigla kong sabi. "Huh?" "Sorry kung personal masyado, I mean, magkasama kasi kami kanina....." "What? Magkasama kayo? Anong mga sinabi niya sayo?" Mukhang big deal sakanya na magkasama kami kaninang dalawa. "Ahhh eh wala, sabi niya di naman daw kayo...." "Wala siyang sinabi about saken maliban dun?" Tanong niya. "Ahhh, wala naman...." "About kay Laurence???" "Huh? Bakit naman mapapasok si Laurence? Magkakilala ba kayo?" Tanong ko sakanya. Natahimik siya bigla tapos kumain ng fries. "Hindi yung Laurence mo, ibang Laurence hehe, wala siyang ibang nabanggit talaga?" Tanong niya. "Wala nga! To naman, masyado kang defensive, nahahalata ko tuloy na may tinatago ka!" "Haha, sorry, maingay lang kasi yan si Tracy eh" kwento niya. "Nakwento lang naman niya na hindi pala kayong dalawa, pero mag ex kayo, pero bakit mo siya hinalikan nun?" Tanong ko. "Wala lang, namiss ko lang kasi siya" "Pero bakit hinalikan mo? Kapag ba namimiss mo ex mo dapat mong halikan?" Tanong ko. "Good point haha, basta magulong kwento hehe" sabi niya. "Tapos may nasabi pa siya na may iba ka raw na gusto kaya kayo naghiwalay?" "Aw, akala ko ba wala na siyang nabanggit?" "Ayy sorry, ayun lang talaga yun" sabi ko. Natahimik lang siya at patuloy na kumakain, mukha atang di niya kayang sagutin yung tanong ko sakanya kaya di ko na siya kinulit. Pero bigla siyang nagkwento. "Masaya kami ni Tracy nun, sobrang saya. Siya yung source of happiness ko nun, kaso isang araw, umalis siya, di ko alam kung saan siya pumunta basta umalis lang siya. Syempre, ako naghihintay kaso di ko alam kung babalik siya." Kwento niya. Naging seryoso yung usapan namen. "Taga Zambales kasi ako Julian, medyo malayo kami sa siyudad pero di naman ako mangmang, mas okay lang talaga saken dun kasi tahimik." "Mas gusto ko nga ng ganun eh" sabi ko. Sumangayon siya sa sinabi ko. "Tapos ayun, biglang may nakilala akong iba dun sa lugar namen, mukhang taga Maynila at nagbabakasyon lang, napadpad kasi siya sa lugar namen, tapos nakipagkaibigan naman siya saken" kwento niya. Eto na siguro yung sinasabi ni Tracy na nagustuhan ni Greco. "Alam mo na siguro sunod na nangyari? Nainlove ako sakanya, tapos nung nainlove na ako, saka naman dumating si Tracy uli." Napatingin lang saken si Greco at mukhang pinipigilan niyang umiyak. "Alam mo yung feeling na okay na ako, yung naka move on na ako kaso bigla siyang babalik na parang walang nangyari" Di ko naman alam tinutukoy niya kasi never pa akong nagkaroon ng karelasyon. "Pero mahal ko rin si Tracy, mahal ko rin yung isa, pero yung isa, umalis din, iniwan din ako...." "Kaya si Tracy yung pinili mo.?" Sabi ko. Umoo lang siya at bumalik siya sa pagkain ng rice. Wow, may ganitong back story pala si Greco, di ko alam. Pero ramdam ko naman yung lungkot niya kaya pinasaya ko siya ng konti. "Oh, nandiyan naman si Jerick, mukhang type ka niya!" Sabi ko. Tumawa lang siya ng malakas. "Nakakatakot nga eh, ang kapal ng make up niya, haha" Buti naman napatawa ko si Greco kahit papano. Ayokong isipin yung storya ni Greco, nakakalungkot kasi kaya nagkwentuhan kami ng ibang topic na masaya. Habang nasa kalagitnaan ng kwentuhan, napansin kong tumatawag si Laurence saken. "Julian?"   "Oyy" "Busy ka? Pwede ba kitang makita?" Tumingin ako kay Greco at sumenyas ng tanong kung sino kausap ko at sinabi kong si Laurence. "Hello?" Sabi ni Laurence. "May lakad kayo? Sige okay lang, magkikita rin kami ni Tracy" sabi niya. Bumalik ako kay Laurence. "Ah sige sige, nasaan ka ba?" "Ako na punta sayo, sunduin kita nasaan ka ba?" "Sa McDo lang" sabi ko. "Sige see you, ready mo sarili mo ha, may ibibigay kasi ako sayo" sabi niya. "Huh? Ano naman yun?" "Edi yung sarili ko ibibigay ko" sabi niya. Sht! Parang baliw ako na nakangiti sa pagsabi niya nun!! "Hehe sorry, iba pala ibibigay ko sayo!" Sabi niya. "Eh ano pala?" Sht, ang pabebe ng boses ko nun!! "Yung puso ko pala" Bskwpwkflalqpejfjkfl!!!! Kinikilig ako kay Laurence, nakakainis siya! Para akong baliw na nakangiti! "Sige, palabas na ako ng school, see you later" sabi niya pa. Di pa rin ako makamove on sa banat niya. "See you" sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD