Part 6

2219 Words
Di ako makasabay sa harutan ni Tracy at Greco, kaya umalis na lang ako at tumambay sa library maghapon ng wala akong kasama, inenjoy ko yung sarili ko sa tahimik na lugar na yun. Pag uwi ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto at nanatiling mag isa. Wala naman akong problema pero bakit parang feeling ko meron? Gusto ko maghanap ng kausap. Tatawagan ko sana si Matteo kaso baka magkasama sila ni Maddie, kaya si Laurence muna tinawagan ko. Di naman niya sinasagot, si Greco sana kaso baka kasama rin si Tracy, kaya naman si Matteo na talaga tinawagan ko. "Wow, bago to, tumatawag ka" sagot niya sa tawag ko. "20mins lang to hehe" "Ahhh, okay, bakit napatawag ka?" Tanong niya. "Wala naman, parang maghapon lang akong mag isa tapos bigla akong nalungkot ngayon ng walang dahilan" sabi ko. "Nako, di mo lang ako nakasama ganyan ka na, tsk tsk, sabi ko sayo dapat dumikit ka saken palagi eh." "Hehe, siguro nga" sabi ko. Narinig ko lang siyang tumawa. "Kwento ka naman, about kay Maddie, bakit parang binabakuran ka ata?" Tanong ko. "Oh, selos ka ba?" Tanong niya. "Keme mo, bakit nga? Di ka na nagkekwento saken!!" "Hehe, hmmmm. Wala naman, alam mo ba yung nangyari samen, di ko naman ginusto yun, parang bigla na lang nangyari" "Eh bakit kasi di ka nakapagtimpi?" Sabi ko. "Basta, biglang ganun eh. Wag ka ng matanong, baka mamaya ikwento ko pa sayo yung exact details ng ginawa namen eh!" "Yak, kadiri ka!!!" "Haha makakadiri ka, sigurado naman akong pinagpapantasyahan mo ko minsan!" Asar niya pa. Ewan ko ba, kahit sobrang nakakaasar mang asar to, natatawa pa rin ako. "Oh, may joke na lang ako!" Sabi niya. "Siguraduhin mong matatawa ako ah?" "Haha, sige, anong aso ang maagang nanganganak?" Pagkasabi pa lang niyang ganun, natatawa na ako. "Hahaha, sige ano?!" "Edi tutang ina!" Tinakpan ko muna yung phone ko para makatawa. Hahhahaha, ewan ko ba, bentang benta naman kasi talaga ni Matteo saken! "Hahahaha, oh alam ko tumatawa ka diyan!!!" "Nakakatawa kasi kakornyhan mo!" Sabi ko. "Haha, meron pa akong tatlong joke!" Sabi niya. "Sige sige, siguraduhin mong matatawa ako ah!!" Sabi ko. "Joke. Joke, joke" sabi niya. Natahimik ako bigla, di masyadong nag sink in sinabi niya saken. "Ayun na yun, tatlong joke, joke, joke, joke!" "Tama na, naglolokohan na tayo!" Sabi ko. Medyo nakakainis kasi yung joke niya, lalo na yung tono ng boses niya. "Hahahahaha, sige sorry na!" Sabi niya. Natahimik kami bigla, pero nakangiti ako, ewan ko kung bakit. "Ikaw naman magkwento, ano status niyo ni Laurence ngayon?" Tanong niya saken. "Hmmm, di ko rin alam eh. Alam mo yung, nandun ako sa stage na 'ayokong mag assume at ayokong magtanong', mahirap kasi eh" sabi ko. "Bakit naman? Mukha namang gusto ka niya ah?" "Mukha lang, pero baka kasi nabibigla lang siya, ano bang nangyari dun bakit biglang nagkaganun saken?" "Hehe, di ko kasi nasabi sayo, kaya talaga kita sinama nun sa Pampanga kasi nagpapasuyo si Laurence, gusto ka niya kasing makilala" "Hala, bakit naman ako?!!" "Ewan ko, type ka raw niya eh, nagulat nga ako eh, napa 'keme' tuloy ako sakanya, tignan mo, kakasabi mo ng keme nahahawa na ako!" "Haha, sinisi mo pa ako!" "Hehe, tapos ayun na nga, pumayag ako, kasi alam ko naman na crush mo rin yun eh, nung pageant namen nun mas malakas sigaw mo sakanya kesa saken, rinig na rinig ko pa!!" Sabi niya, "Haha, so, di niya ako pinagttripan?" Tanong ko. "Bakit ka naman niya pagttripan? Edi sinaktan ko na ng todo yun." "We???? Kaya mo??" "Oo naman, ayoko kayang nasasaktan bestfriend ko!!" Sabi niya. Bestfriendzoned na naman. "Bakit naman ako? Ayun kasi yung akin, parang out of nowhere biglang, magic na nagkagusto siya saken" "Hindi ko alam ju, tsaka kung ako rin naman, kung okay lang saken mainlove sa lalaki, baka ganun din ako sayo, type kaya kita!" Sabi niya. Bigla akong natahimik sa sinabi niya. Fvck!!!! Type ako ni Matteo!!!! "Type kita kung babae ka, kaso may lawit ka rin eh hhahaha" bigla naman niyang bawi. Pero walang epek yung joke niya, mas nangibabaw yung sinabi niya. "Matteo" tawag ko. "Bakit biglang seryoso ju?" "Bakit ayaw mo saken?" Tanong ko. "Ha? Anong klaseng tanong yan??" "Hindi, I mean, wala ka ba talagang chance na magkagusto ka saken?" "Hoy Julian, saan nanggagaling yan?" "Sagutin mo please?" Sht, ewan ko kung saan nanggagaling yung lakas ng loob ko sa pagsabi ko ng ganun. "May Laurence naman na nagpapasaya sayo eh, tsaka kaibigan mo naman ako diba? Mas okay yun" Bigla akong natauhan sa mga pinagtatatanong ko. "Sorry, haha, nabigla lang ako!" Sabi ko. "Pero kung gusto mo....." SHT!!!!! NAPUTOL NA YUNG CALL!!!! Ubos na yung C20 ko!!!!!! Argh, may sasabihin pa siya eh. Tinext ko si Matteo kung ano yung sasabihin niya, pero hindi siya nagrereply, kilala ko to eh, di talaga nagloload to unless important. Nainis na lang ako at natulog. Ayokong mainlove sa bestfriend ko. +++++ Di ko alam kung paano ko kakausapin si Matteo dahil sa pinag usapan namen kagabi. Nakakainis lang baka kasi mailang na siya saken simula ngayon. "Hoy Ju!!! Bakit ka nagmamadaling maglakad, hintayin mo ko!!!" Sigaw saken ni Matteo habang paakyat ako sa room. Sht, eto na siya. Ano kayang sasabihin ko?! "Hoy, malungkot ka pa ba? Bakit ang tahimik mo ngayon?!" Sabi niya. "Ahhh... wala..." parang wala lang sakanya yung pinagusapan namen kagabi. "Ju, pag nakita mo si Maddie, tago mo ko ah?" "Ayan, tignan mo kalokohan mo, gagawa ka ng masama tapos kapag ayaw mo na, tataguan mo lang!" "Hoy, wag ka ngang judgemental diyan, pinrovoke niya ako no, di naman ako basta bibigay!" "Kahit na, may nangyari pa rin!" Sabi ko. "Di ka talaga supportive no?" "Hindi!! Kasi dapat di ginagawa yun basta basta!" Sabi ko. "Heto na naman tayo" "Haha, oo di ko na sisimulan yan, basta kapag nakita ko si Maddie, ituturo kita!" Ang cute ni Matteo kapag ngumingiti, ayoko talagang tinitignan to eh, bumabalik kasi yung feelings na dapat wala naman. "Julian!" Boses ni Laurence yun. Nasa tapat siya ng room at mukhang hinihintay ako. "Uy pre" bati naman ni Matteo sakanya. "Pre" Pumasok na si Matteo sa room, tapos naiwan kami ni Laurence. "Bakit ka nandito?" Tanong ko. "Wala, gusto lang kitang makita" sabay ngiti ng malaki. Fvck, napaka gwapong nilalang. Nakakainis, bakit kasi ganito siya saken, umaasa tuloy ako. "Ohh bakit ka nakangiti diyan?" Tanong niya saken. "Wala lang hehe" "Miss ka na sa bahay hehe, gusto mo bang pumunta mamaya?" Tanong niya. Sht, niyayaya na naman niya ako sakanila. "Ah, ewan ko lang, di ba nakakahiya?" "Sus, parang yun lang eh. Hehe, ano? Wala ka ng magagawa, sunduin na lang kita mamaya ha?" "After school?" "Yeap, nakapagpaalam na ako sa papa mo, pero ayaw niya overnight kaya uuwi rin kita kaagad, okay?" Seryoso nga siya!!!! "Ahhh, sige...." "Good, see you later Julian!" Ngumiti na naman siya na pamatay saken. Grabe! Ang gwapo niya talaga. Ang bilis mag shift ng nararamdaman ko, ewan ko kung bakit. ++ "So, ano gusto mong kainin? Pasta? Rice or pizza?" Tanong saken ni Laurence, pagdating namen sa bahay nila. Naka suot pa rin kaming dalawa ng uniform. "Ang dami namang choices!" "Hehe, ano ba gusto mo?" "Hmmm. Pizza na lang" sabi ko. "Pizza it is, manang, order naman kayo ng pizza then paakyat na lang sa kwarto ko!" Sigaw ni Laurence. Tumingin saken si Laurence tapos hinawakan kamay ko paakyat sa kwarto niya. Shttt talaga!!! Ang lambot ng kamay ni Laurence. Eksena pa yung mga katulong nilang chismosa. "Wow, naka dalawang beses na siyang pinunta ni Sir Laurence. Siguro may gusto talaga siya diyan!" "Ang swerte ni bakla! Sir Laurence pa may hawak ng kamay niya" Nakakainis na ewan yung naririnig kong sinasabi nila sa isip nila, kaya minabuti kong di na lang sila pansinin. Pagdating namen sa kwarto niya, dumiretso kaagad siya sa kama niya at naupo. "Wala ka namang dalang condom diyan diba?" Sabi niya. "Ahh, wala wala!" Nakakahiya!! Naaalala niya pa yung condom. "Haha good, baka mamaya matemp na akong gamitin yun" Namula naman ako sa sinabi niya, nakakahiya talaga. "Tabihan mo naman ako rito, mangangalay ka diyan" sabi niya. Para naman akong kaladkarin pero di ko siya mahindian! Talagang napapasabay niya ako sa mga sinasabi niya. Umupo ako sa kama niya, tapos may kinuha siyang board game at nilapag niya sa pagitan namen. "Marunong ka naman mag scrabble diba?" "Oo naman!" Naglaro kami ng scrabble habang nagkekwentuhan. "Julian, nagkaroon ka na ba ng karelasyon?" Tanong saken bigla ni Laurence sa gitna ng paglalaro namen. "Hmm, wala pa" "Talaga? Ever since wala pa?" "Wala pa talaga" "Wow, sa ganitong generation pala may mga katulad mo pa" "Haha oo naman no!" "Tell me atleast may nahalikan ka na?" "Sila mama" "Oh, as in, wala ka pa talagang alam sa mga ganung bagay???" Mukhang gulat na gulat siya sa mga sinasabi ko. "Oo nga, haha grabe ka!" "Haha, sorry Julian, sorry" "Hehe ayos lang, ganyan din reaksyon ni Matteo nung tinanong niya saken yan eh" sabi ko. "Ohh, so tinanong ka rin ni Matteo about sa ganitong bagay?" "Uhm, napagusapan namen noon" "And you're telling me na hindi talaga siya interesado sayo? Mamaya may hidden feeling siya sayo" "Haha ang kulit mo, wala nga talaga, kaibigan ko lang yun, tsaka siya yung tipong di naman..... alam mo, pumapatol" sabi ko pa. "Sabagay, kilala ko rin yan, machicks din yan, buti nga nagbago na eh!" "Hehe sinabi mo pa!" Sabi ko. Natahimik kami, ayoko talagang pinaguusapan si Matteo eh. Maya maya dumating na yung pizza na dala ni manang tapos dinala ni Laurence saken. "Sorry ang tagal ah?" Sabi niya. "Sus yun lang ehhh hehe" Ako naman yung nagtanong sakanya. "Ikaw ba? May nakarelasyon ka na ba?" Tanong ko. "Yeap, isa lang hehe, yung iba naman fling fling lang hehe" Gusto ko sana itanong kung lalaki o babae kaso di na baka maoffend. "Ohh, ano nangyari? Bakit hind kayo nagkatuluyan?" "May mga bagay talaga na di para sayo, parang siya, di siya para saken" Nagkatinginan lang kaming dalawa na parang may sinasabi siya. Argh!!!! Gusto ko malaman nasa isip niya!!!!! "Malay mo may ibang nakalaan para saken?" Bigla niyang sabi. Sht!! Eto na naman ko sa mga salita niyang nakakadala! "Ahhh, eh hehe. Malay mo nga" sabi ko na lang. "Malay mo nasa paligid lang, kumakain ng pizza"nung mga oras na yun, kumakan ako ng pizza. Sht talaga!!!! Bigla naman siya ngingiti ng malaki, shtt naman Laurence!!!! "Eh friends ba kayong dalawa?" Binago ko na agad yung topic. "Ofcourse not!!!" Bigla niyang sabi. "Ohh, sorry, hindi ko intensyon" "It's okay hehe" "Bakit parang galit ka?" Tanong ko. "No I'm not, asking someone if they're friends with their ex is just wrong. You can never be friends with your ex. Maling mali" Wow, iba ang hugot neto sa ex niya. "Naniniwala rin ako na ang taong nkikipagfriends sa ex niya, dalawa lang ang dahilan. It's either di nila minahal isa't isa or mahal pa nila isa't isa. Ayun lang yun" pahabol niya Parang malakas ang tama ni Laurence sa ex niya, gusto ko sana tanungin kung sino kaso nahihiya ako. "Sorry, bigla akong nag drama haha" sabi niya pa. "Ayy hindi okay lang hehe" "Wag kang mag alala, I'm okay. May nagpapasaya na kasi saken ngayon eh, someone special ikanga" sabay tingn saken. Nung nagkatinginan kami sa mga mata, bigla siyang umiwas tapos ngumiti. Bkit sobra akong kinikilig kay Laurence. Bakit?!!!! ++++ "Salamat sa masayang gabi, uli. Kotang kota ka na sa pagpapasaya saken ah" sabi ni Laurence, nasa kotse niya kami sa tapat ng bahay namen. "Aw, hindi kaya, ako kaya yung masaya" sabi ko. "Ohh, doblehin mo yan, tapos plus 4 times 2 uli, ganun naman ako kasaya!" Fvck Laurence, can you not?!!! Lumapit siya saken para tanggalin yung seatbelt na suot ko. Ngayon, mas naamoy ko pa siya ng todo. Ang bango bango niya!! Magkaharap kami ngayon, magkatitigan sa mata. Sht, anong gagawin niya????? "Thank you uli" sabi niya saken. Bakit ang perfect niya, lalo na kapag magkaharap kaming dalawa. Ang fresh pa ng hininga niya. "Thank you rin" sbi ko. Ngumiti lang siya uli. Sht sht!!!dahan dahan niya nilalapit yung mukha niya saken. Bigla siyang pumikit at napakagat ng labi. No!!! Sht, hahalikan niya ako!!! "Uhm.... Goodnight" bigla kong sinabi. Napadilat siya bigla tapos umayos ng upo. "Ahh, hmmm.. sorry, Goodnight Julian" sabi niya saken. Sht ,ang tanga tanga ko naman, first kiss na yun ehh!!!! "Ahhh sorry...." "No, okay lang, ako dapat mag sorry, masyadong mabilis eh" sabi niya. No, hindi!!! Isa pa, dali!! Para mahalikn na kita!!!! "Hatid na kita sa tapat niyo hehe" Hihindi pa sana ako kaso lumabas na siya ng pinto, pinagbuksan ako at hinatid sa may tapat namen. "Salamat talaga" sabi niya. "Hehe, salamat din!!" Please halikan mo pa ako uli, bibigay na ako!!! Pero lumapit lang siya para yakapin ako. "Goodnight julian" "Goodnight Laurence" ++++ "Bakit di mo hinalikan?!!" Sabi ni Matteo. Makausap kami sa phone ngayon, iniisip ko yung nangyari kanina. "Ehhh ang weird, pero parang ang sarap sa feeling, ewan ko" "Aba, hahalikan ka sa kotse, akala ko ba gusto mo yung 'kiss me under the light of a thousand stars' ?" "Hhaha nakakainis ka! Naalala mo pa yun!!" "Hahaa oo, ang romantic nga ng gusto mo eh, ayan tignan mo, single ka pa rin ahhaaha" asar niya saken. "Ewan ko sayo!! Sasabihin ko skanya na ganun gusto ko para paghandaan niya sa susunod!!" "Haha, wag ka na umasa hahaha" "Ang sama mo!!!" "Hehe, joke lang ju, matulog ka na lang para di ka nag iisip ng kung ano ano" "Yeap, matutulog na ako, ikaw din" "Yes yes, antok na ako eh bigla ka lang tumawag!" "Hhaha sorry" "Don't worry, para sa bestfriend ko" sabi niya. Sht, bestfriend na naman! "Sige, Goodnight ju!" "Goodnight Matty" "Wow, bago yang Matty ah hehe" "Hahaha bye!" "Ohhh wait Ju" sbi niya. "Ow?" "Buti na lang hindi mo binigay first kiss mo" sabi niya. Para naman akong baliw na napangiti sa sinabi niya. Napayakap ako ng mahigpit sa unan ko. "Okay bye Ju!!" Sabi niya uli sabay baba na ng tawag. Masyadong maraming kakiligan na nangyari ngayong gabi, gusto ko na lang magpahinga. Pero bigla kong napansin na umiilaw na naman pala yung magic book ko sa drawer. Kinuha ko yun at may napansin na naman akong bagong nakasulat. "Congratulations! You are now level 2 with 5 points. Continue to help others to gain more points" Nakakabaliw tong librong to! Ano naman kung level 2 na ako, at bakit biglang 5 points, ano bang ginawa ko para maging ganun. Masyadong maraming iniisip, gusto ko na lang magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD