"Kapag talaga pumunta ka sa date niyong yan di kita kakausapin ng matagal!" Banta saken ni Matteo, binigyan kasi ako ni mama ng pambili ng damit para naman daw bago isuot ko sa date ko.
Supportive parents talaga sila.
"Bahala ka nga, buti pa nga sila mama supportive saken, dapat ikaw rin!" Sabi ko na lang.
Nasa mall kasi kami ngayon, nagpasama ako sakanyang mamili ng damit.
"Kasi di nila kilala si Laurence, ako kilala ko na yun. Ganun lang gagawin sayo nun!"
"Bakit ba galit na galit ka kay Laurence? Siguro may past kayong dalawa no?!"
"Hala si juju, kumekeme na naman. Hindi no kadiri ka, kilala ko lang talaga yun, at bilang bestfriend mo, dapat protektahan kita!"
Ayan na naman yung keme niya, ang cute talaga pero nabanggit na naman niya yung bestfriend kaya medyo nainis ako.
"Bahala ka, basta tutuloy ko date ko sa sabado, tapos ituloy mo date mo kay Maddie!!"
"Osige, ganito nalang juju, di ko na itutuloy date ko kay Maddie, wag ka lang tumuloy diyan. Okay ba?"
Tinignan ko siya, hala. Seryoso nga siya, ano ba problema neto kay Laurence.
Pero ang gwapo talaga ni Matteo, kung hindi lang talaga to straight, iisipin ko may gusto saken to. Medyo feeling lang.
"How about, ituloy mo yung date mo tapps itutuloy ko yung akin, para masaya tayo pareho, okay? Okay! End of convo!" Sabi ko na lang.
"Basta, kapag tinuloy mo yan, di kita papansinin. Tignan mo, kaya ko yun!"
"Edi wag!" Sabi ko.
"Edi sige!!" Sabi naman niya.
Di na niya ako sinamahan dun at umalis na siya, ewan ko ba sa lalaking yun, napaka moody rin minsan.
Tinignan ko yung sales lady na nakatingin pala samen.
"Ang dami na talagang baklang gwapo ngayon"
Natawa ako sa sinabi sa isip ni ate.
"Hindi po siya bakla ate" sabi ko sakanya.
Nagulat naman si ate sa sinabi ko.
"Buray ni ama neto, paano niya nalaman yung iniisip ko"
Tumawa lang ako sa sinabi niya.
"Ate, hindi po bakla yung kaibigan ko, ako medyo medyo lang" sabi ko.
"Uhm, sir di ko po alam sinasabi niyo hehe" sabi ni ate.
"Mga bakla talaga ngayon, di mo na kilala kung sino!"
Tawang tawa ako kay ate, kung alam lang niya na nababasa ko nasa isip niya.
"Julian?" Tawag saken nung nasa likod.
Si Greco.
Marunong pala pumorma to, ang cute niya tignan, pero di ko talaga siya type.
"Uy Greco" sabi ko.
"LQ kayo ni Matteo ha?" Sabi niya.
"Huh? Anong LQ...."
"Easy, nagbibiro lang ako hehe"
Nakakainis, kapag ba pogi di ko mababasa nasa isip nila?
"Saan ka? Kain tayo gusto mo?" Yaya niya.
"Ahhh, namimili pa kasi ako..."
"Sige, samahan na muna kita tapos kain tayo pag tapos hehe" sabi niya.
Bakit kaya saken nakikipagkaibigan tong si Greco, pero okay na rin, masyado kong palaging kasama si Matteo, baka mas lalo akong ma fall sakanya.
+++++
Kumain kami ni Greco sa KFC, natawa siya kasi akala niya sa mamahalin kami kakain.
"Akala ko rich kid ka haha" sabi ni Greco.
"Rich kid ka diyan hehe"
"Sorry hehe, hmmm. Napansin ko, ang sweet niyo ni Matteo no?"
"Ah yun? Bestfriend ko lang yun."
"Bestfriend lang ba talaga?" Sabi niya.
"Huh?"
Ang weird kasi makatingin ni Greco, parang marami siyang nalalaman.
"Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kanya na gusto mo siya? Kitang kita naman sa mga mata mo!"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Dude! You're inlove with your bestfriend!"
Nagulat ako lalo sa sinabi niya. Paano niya nalaman lahat ng to.
"Admit it, come on, mapagkakatiwalaan mo ko. Sa tingin ko masyado kang nag focus sa kanya, kaya wala kang masyadong kaibigan. Diba?"
"Teka, paano mo....."
"Sa tingin ko lang naman Julian, di ko naman talaga alam. Hinuhuli lang kita, nagpapahuli ka naman haha"
Jeskelerd, ang weird pala netong si Greco.
"Nakakatuwa lang yung lovestory niyo, nagsimula kayo as mag bestfriend." Kwento niya.
Ewan ko pero sa kwento ni Greco natutuwa ako, nakakatuwang isipin na naiisip niyang magiging kami ni Matteo.
"Ohh tignan mo, nakangiti ka, so gusto mo nga siya?" Sabi pa niya.
Sa tingin saken ni Greco, parang ang gaan ng loob ko sakanya.
"Oo, gusto ko siya kaso kasi....."
"Ang problema kasi sayo, di mo sinasabi, try mo kayang sabihin sakanya"
"NO!!!!" Sabi ko "Isa pa, masisira lang friendship namen, straight yun, mamaya mag iba pa tingin nun saken. At saka sinusubukan kong tanggalin nararamdaman ko" pahabol ko pa.
"Well, you can't play with destiny" sabi niya.
"Destiny?"
"Hehe nothing. So, can we hang out? Wala kasi akong friends dito eh." Sabi niya.
"Oo nga, saan ka ba nanggaling?"
"Taga Zambales pa ako, lumipat lang kami rito sa Manila kasi nandito na work ni papa" kwento ni Greco.
"I see, hmm. Kumusta naman yung Manila?" Tanong ko.
"Okay naman, wala nga lang akong kaibigan, kaya nga kung pwede sana, tropa tayo?"
"Sure sure, ayun lang pala eh!"
"Thank you Julian!" Sabi niya sabay ngiti.
Di ko alam, basta magaan loob ko rito kay Greco at okay siyang maging kaibigan.
+++++
"Ayan ang gwapo ng anak ko!!"
Napakasupportive nila mama at papa na kahit pag bihis eh ginagawa nila saken.
"Ayan, gwapo kaso gwapo rin yung hanap. Paano ako neto magkaka apo?!" Singit naman ni papa.
"Pa, nako , wag na kayo umasa, ako lang ang anak at apo niyo in one!"
"Nako, sana makayari ka ng babae tapos iiwan sayo yung anak, okay na saken yun!" Sabi uli ni papa.
"Papa naman!!"
"Bukas pag uwi mo, may babae na sa kama mo tapos aakitin ka niya tapos magiging lalaki ka na uli"
"Papa, nakakadiri to, pupunta ako ng date kasama ang lalaki tapos sisingit ka ng babae sa topic. Pa!!"
"Hahaha, ang arte naman ng anak kong to, oo na sige na sorry na" sabi naman ni papa.
Binasa ko isip nilang dalawa para malaman kung anong nasa isip nila nung mga oras na yun.
"Loko loko talaga tong mag tatay na to" sabi ni mama.
"Hay nako, sana safe tong mga batang to! Ay oo yung condom pala"
"Anak oh, regalo ko sayo!" Sabi pa ni papa.
Inabutan ako ni papa ng isang condom at nilagay sa bulsa ko.
"Pa para saan yan?!!!!"
"Gusto mo bang ielaborate ko pa anak?"
"Hindi yun pa, bakit mo ko binigyan niyan?!" Sabi ko.
"Aba, syempre, mahirap na anak. Mapupusok pa naman mga kabataan ngayon, alam ko na yang mga ganyan. At mas okay na safe ka palagi, nung panahon namen ng mama mo, never kaming gumamit, marunong lang ako ng withdrawal....."
"Pa!!! Nakakadiri, di ko kailangan malaman yan!" Sigaw ko.
Narinig ko naman na tumatawa si mama at papa.
"Hahaha, sige sorry na anak, haha" sabi naman ni mama.
Narinig namen na may kumakatok sa pinto namen.
"Ohh ayan na date mo!" Sabi ni papa.
Nagngitian kami ni mama at nagmadali akong bumaba para salubungin siya.
Nakasuot ako ng white na polo tapos fit pants at white shoes, nakaayos din ako ng buhok para naman new look.
Pagbukas ko ng pinto, sobrang nakakamangha kagwapuhan ni Laurence.
Nakasuot siya ng longsleeve na white din tapos skinny jeans at white shoes. Halos parehas lang kami ng suot.
"Wow, destiny hehe" sabi niya.
Sht, ewan ko ba, napaka cute ni Laurence ngayon.
"Lord, bantayan niyo sana anak ko" narinig kong sabi ni papa sa isip niya.
Niyakap ko lang si papa at si mama saka nagpaalam.
"In case of emergency, meron ka sa bulsa mo ha?" Bulong saken ni papa.
"Papa naman, di namen kailangan nun" sabi ko.
"In case lang naman, hehe sige, magingat ka anak!" Sabi pa ni papa.
Nagulat ako ng akbayan ako ni Laurence papunta sa sasakyan niya, sht, ang bango bango niya.
"Ahhh, baka marami ng tao sainyo ah" sabi ko pa.
"Hehe, don't worry konti lang" sabi niya pa.
Pinagbuksan niya ako ng pinto.
Sht, ang gentleman. Argh, nakakainis, ano ba to.
"Tara na?" Sabi niya.
"Tara!"
Pag dating namen sa kanila, nagulat ako sa laki ng bahay niya. Grabe, mayaman pala talaga sila Laurence.
Pinagbuksan kami ng gate ng isang lalaki, pati pala katulong meron sila.
"Umiinom ka ba?" Tanong niya.
"Ayy sorry, hindi"
"Wine? Di naman siya nakakalasing, gusto mo itry?" Sabi niya.
Nakatitig siya saken na parang niyayaya niya ako, grabe, parang ang hirap tumanggi.
"Sure" sabi ko na lang.
Pagbaba namen ng sasakyan, pumasok kami sa bahay niya at mas lalo akong nagulat sa ganda. Sobrang yaman nila talaga, napakaganda kasi ng bahay nila, maaliwas at napakalinis, sobrang bango pa.
"Nasaan na yung mga bisita?" Sabi ko.
"Sa tingin ko umalis na sila"
"Huh? 7 pa lang ah" sabi ko.
Naupo kami sa sala tsaka may lumapit na babae samen, katulong siguro nila.
"Nasaan po mga bisita?" Tanong ko.
"Ay, wala naman po, sabi naman po ni Sir Laurence isa lang po bisita niya"
Napansin kong tinignan ni Laurence yung katulong niya tapos napangiti na lang si ate.
"Lalaki pala ang gusto ni sir Laurence" sabi ng babae sa isip niya.
Natawa naman ako bigla sa nabasa ko.
"Bakit ka natatawa? Hehe nalaman mo tuloy sikreto ko" sabi ni Laurence saken.
"Hehe, bakit mo ba ako niyaya rito?"
"Wala lang, hehe. Kung ayaw mo, uwi na kita"
"Syempre gusto" sabi ko.
Nagngitian kaming dalawa na parang baliw. Shtttt, kinikilig din kaya siya saken? Feeling ko oo!
"Sir?" Tawag ng lalaki naman kay Laurence, matanda na rin to at mukhang katulong nila.
"Ohhh??"
"Ready na po" sabi niya pa.
Tumingin saken si Laurence.
"Ano? Tara?"
"Saan naman???"
"Edi kakain na, I hope gutom ka" sabi niya sabay ngiti uli.
Pwede ba, wag mo ko pakiligin ng ganito Laurence. Please lang!!!
Inakbayan niya ako palabas sa may likod ng bahay nila.
Napakaganda ng likod ng bahay nila, may garden at fountain at may pool pa! Tapos may lamesa dun at kandila na nakahain. Sobrang ganda talaga.
"Okay lang ba?" tanong niya saken.
"Okay na okay!" Sabi ko sakanya.
Hinatid niya ako sa upuan ko at umupo siya sa harap ko.
Lumapit uli yung matandang lalaki na may dalang pagkain.
"Bago na naman dala ni sir Laurence, at lalaki pa" sabi sa isip ng matanda.
Sht, totoo kaya sinasabi saken ni Matteo.
Naghain siya ng steak at mashed potato saken.
"Kumakain ka ba niyan?" Tanong saken ni Laurence.
"Oo naman!"
"Good, hehe"
Nagsalin pa ng wine yung matanda sabay alis. Naiwan na kami ni Laurence na dalawa dun.
"So, what's your story?" Panimula ni Laurence.
"Story? Hmmmm. Well, I'm single hahaha"
Sht, single? Ayun talaga una kong sinabi.
Napansin kong natawa si Laurence sa sinabi ko kaya naman binawi ko kaagad.
"I mean, ahhhh... single pero di ko pinapamukha...."
"Haha easy easy, don't worry it's okay" sbi niya.
Tumingin siya saken at ngumiti.
"It's good to know that you're single by the way" sabi niya pa sabay kain uli ng steak, pero kita ko sakanyang nakangiti siya.
Sht, mamamatay na ako sa kilig neto.
"Uhm, ikaw ba?" Sabi ko sakanya.
"Hulaan mo"
"Hmmm, well, pogi ka tapos ang yaman, I guess, taken?"
"Taken? Come on, tayong dalawa lang, sa garden namen, and sasabihin mong taken ako?" Sabi niya.
"Well....."
"I'm single Julian. Very much single" sabi niya pa.
"Ohhh..." kumain uli ako ng steak. "Good to know" pahabol ko pa.
Sinilip ko rin siya saka ko napansin ngumiti siya.
Sht talaga, parang nilalamon yung tyan ko sa kaba at kilig.
"What's with you and Matteo though? Parang bakod na bakod ka sakanya?" Sabi niya.
"Ahhh, overprotective lang"
"Ohh, akala ko talaga kayo"
"Straight yun!" Sabi ko.
"Haha, I know, kaya nga nagulat ako ehhh"
"Hehe, ikaw ba straight ka?" Tanong ko.
Natahimik naman siya sa tanong ko, at mukhang naoffend ko siya.
"Sorry sorry...."
"Ano sa tingin mo?" Seryoso niyang tanong.
Fvck, kahit seryoso, ang gwapo gwapo niya. Lalo na't magkatitigan kami ngayon.
"I.... don't know" sabi ko.
"You'll figure it out" sabi niya pa.
Ininom niya yung wine niya ng straight sabay tumayo.
"Halika" inabot niya yung kamay niya saken.
"Huh? Saan tayo pupunta?"
"Sa taas, may papakita ako" sabi niya.
Inabot ko kamay niya tapos sht, hinawakan niya ako ng mahigpit. Sht, ang lambot ng kamay niya!!! Nakakahiya sa kamay ko, medyo pawisin.
Umakyat kami sa kwarto niya pero nakasalubong ko pa yung dalawang katulong niya na nagbubulungan, aba pwede ko rin pala mabasa yung pinaguusapan nila kahit nagbubulungan sila.
"Sabi sayo bayot si Sir Laurence eh!"
"Oo nga eh, sayang ka gwapo pa naman"
"O kaya gagalawin lang niya yan, alam mo naman, ilang babae na nauwi ni Sir Laurence, baka gusto lang ng iba"
"Totoo, pero sana galawin din ako ni Sir Laurence"
"Mandiri ka nga diyan, may anak ka oh. Tse, dyan ka na nga"
Matatawa na sana ako sa usapan nila pero mas nangibabaw yung kaba ko.
Kinapa ko yung bulsa ko, nandun pa rin yung condom na nilagay ni papa.
This is it. Kung gagawin saken ni Laurence, ready ako. May basbas ni papa eh!
Pag akyat sa kwarto niya, nakakamangha sa laki at ganda.
Lalaking lalaki yung kwarto niya, kulay blue halos lahat ng makikita mo, tapos may mga playboy pa na poster na nakadikit sa pader.
"Sht, sorry sa poster hehe" sabi niya.
"Hehe, ayos lang" sabi ko.
Tinignan ko pang mabuti yung kwarto niya.
May nakita akong picture frame na mukhang kasama yung girlfriend niya.
"Oh akala ko ba single ka?" Tanong ko.
"Hahahaha, akala mo girlfriend ko yan?"
"Eh ano mo to? Nanay?"
"Oo, si mommy yan!" Sabi niya.
Wow, nagulat ako kasi sobrang bata tignan ng mommy niya na halos kasing edad niya lang.
"Wow!"
"I know, sobrang ganda diba, pinagkakamalan talaga kaming mag jowa o kaya magkapatid palagi hehe"
"Nasaan na siya?"
"Ibang bansa, dun siya nagwowork."
"Ehh yung daddy mo?" Tanong ko.
"Kasama niya, hehe"
"Ikaw lang talaga dito no?" Sabi ko.
"Oo, ako lang hehe, kasama ko sila manang, mababait naman sila, natutulog na eh, gusto ko sana pakilala sayo" sabi niya.
"Hehe, sige wag na, next time na" sabi ko.
"So may next time pa to?" Tanong niya, nakaupo siya sa kama niya ngayon.
"Kung magyayaya ka uli" sabi ko.
"Sure, bukas uli?"
"Haha adik!"
"Hehe joke lang"
Nabaling yung tingin niya sa may pantalon ko. Sht, ano kaya tinitignan niya dun.
Tumalikod ako uli at nagtingin tingin sa lamesa niya.
Tumayo naman siya at halos yumakap sa likod ko.
Nagulat ako ng hawakan niya ako sa hita ko at may kinapa sa bulsa ko.
Sht!!!! Yung binigay ni papa!!
"Oh god, hahahahhahaha bakit may ganito ka Julian?! Hahahaha"
"Waaa, sorry, si papa naglagay...."
"Your dad gave you this? Wow! Hahahhahaha"
Sht, nakakahiya, tawa siya ng tawa.
Bakit kasi ako nagfit na pantalon eh, bumakat tuloy.
"Hahahaha, napaka supportive ng daddy mo no? Hahaha nakakatuwa" sabi niya.
Sobrang nahihiya talaga ako ng mga oras na yun sakanya kaya natahimik ako.
"Hahaha sorry for laughing hahaha, I don't really use this stuff hahhaa"
"Sorry, nahihiya talaga ako" sabi ko.
Nilapag ko yung picture tapos lalabas na sana ako ng pinto.
Pero pinigilan niya ako. Ni lock niya yung pinto at sinandal niya ako.
"Not unless, gusto mo" sabi niya sabay tingin sa mga mata ko.
Eto na, kukunin na niya virginity ko, sht. Kinakabahan ako. Napapikit na ako at hinihintay gagawin niya.
"Pero kung gusto mo next time na lang, hehe" sabi niya. Sabay umalis na siya at bumalik sa kama niya.
Muntikan ng mawala virginity ko.
"Hehe, you're funny, really. I like that" sabi niya pa.
Nanatili ako dun nakatayo, pero siya naman tumatawa lang sa kama niya.
++++
Hinatid na ako ni Laurence sa bahay.
"Ayan, mag 12 palang ha, may ilang minuto pa tayo" sabi niya. Nakatayo kami sa tapat ng pinto, habang magkatitigan.
"Hehe, salamat sa masarap na pagkain" sabi ko.
"Sure, sana maulit uli yun" sabi niya.
"Hehe, sure" sabi ko.
Nakangiti lang kami pareho sa isa't isa, naghihintay sa kung anong mangyayari.
Hinihintay kong halikan niya ako, yes Laurence, kahit nakawan mo ko ng halik okay na okay na, ikaw pa first kiss ko.
"Uhm, so uuwi na ako? Hehe salamat uli ah?" Sabi niya.
"Salamat!"
"Hehe, Goodnight Julian"
"Goodnight Laurence" sabi ko uli.
Di pa rin siya umaalis, magkatitigan pa rin kami. Hinihintay ko kung anong gagawin niya.
Maya maya, yung moment namen nasira ng sumingit si papa.
"Kung maghahalikan kayo, maghalikan na kayo" sigaw ni papa samen sa loob ng bahay. Nakasilip pala siya sa bintana.
"Papa naman!!!!!!" Sigaw ko sakanya.
Tumawa lang si Laurence sa sinabi ni papa.
"Hehe, Goodnight Julian, alis na talaga ako, hehe. Salamat talaga" sabi niya, niyakap niya ako sabay bulong "I like you Julian" tinignan niya ako sa mata tapos ngumiti.
Umalis na kaagad siya tapos nagpaalam din kay mama at papa.
Sumakay na siya ng sasakyan at naiwan akong kinikilig sa tapat ng pinto namen.
Bumukas naman yung pinto at hinila ako ni papa papasok.
"So kumusta first date ng anak ko?" Tanong ni papa.
"Ano kayang kalokohang ginawa netong batang to" sabi ni papa sa isip niya.
"Pa, kailangan ko bang ikwento???"
"Oo, lahat lahat!" Nakakainis, interesado talaga si papa.
Bigla niyang kinapa yung bulsa ko.
"Oh bakit di niyo ginamit to? Nako anak, dapat palaging may proteksyon!"
"Pa, ano ba, di namen ginawa yun."
"We?"
"Ma, ano ba to si papa!"
"Haha pabayaan mo na anak, excited lang talaga papa mo" sabi ni mama.
"Well, ako naman pagod, kaya matutulog na ako"
"Ohhh bakit ka pagod?!"
"Pa naman, matutulog na ako!"
Narinig kong tumatawa silang dalawa. Di ko rin mapigilang hindi matawa.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at naglinis ng katawan.
Paghiga ko, tumawag pa si Laurence saken.
"Hello?" Sagot ko.
"Kakauwi ko lang" sabi niya.
"Ahhh, kakatapos ko lang magshower" sabi ko.
"Ahh, ang bango mo kanina, alam mo ba"
"Ikaw rin kaya"
"Hehe, pero mas masarap kang amuyin" sabi niya pa.
Mamamatay na ako sa kilig dito sa higaan ko.
"Uhmmm, inaantok ka na ba?" Tanong niya.
"Medyo"
"Ako rin eh. Hmm, goodnight" sabi niya.
"Goodnight din"
"Hehe, baba mo na yung call" sabi niya.
"Hindi ikaw na ,hehe , di ako nagbababa ng tawag eh"
"Ay, parehas tayo ehhh. Edi hintayin na lang natin maputol" sabi niya.
"Ayy ganun, sige sige hehe"
"Thank you uli ah???"
Ang kulit ni Laurence pero sobra akong kinikilig talaga.