Part 4

1724 Words
Unang tao na bumati saken sa room ay si Greco, tumabi siya saken at tinanong kung anong nangyari sa date ko. "Para kang papa ko!" Sabi ko. "Haha, sorry, kung ayaw mo okay lang" "Basta, lumabas lang kami. Then ayun hinatid niya ako pauwi" kwento ko. "Ahh, okay okay. Hinahanap ka pala kanina ni Matteo, tapos tinanong niya ako kung natuloy daw ba kayo nung sabado?" "Oh sht, ano sinabi mo?" Tanong ko. "Ahh, eh. Oo, dapat ba hindi ko sinabi?" Di ako papansinin netong si Matteo sigurado ako. Nung pumasok nga sa room si Matteo, di niya ako pinansin. Di siya tumabi saken, pumwesto siya sa likod at naglaro lang sa cellphone niya. Bakit ba ako magpapa apekto sakanya? Eh masaya naman ako tsaka wala naman kaming ginawa kaya okay lang. "LQ again?" Sabi ni Greco. "Tigilan mo ko diyan sa kaka LQ mo ah! Haha" sabi ko na lang. Tumawa lang siya at dumating na yung prof namen. ++++++ "Di pa rin ba kayo magpapansinan ni Matteo?" Tanong ni Greco habang kumakain kaming dalawa sa McDo sa Mendiola. "Pabayaan mo siya, nakakainis siya!" Sabi ko. "Hahaha, I see, may gusto ka talaga sakanya no?" Pangungulit ni Greco. "Ang kulit neto, haha." "Di mo ko maloloko Julian, I know everything" I know everything? "I mean, diba sabi mo mahal mo siya? Kaya hindi mo matatanggal sa isip kong mahal mo talaga siya" sabi niya. Ang weird neto ni Greco pero okay naman kasi siya kasama kapag hindi si Matteo yung topic namen. Maya maya, nagkaroon ng ingay dun sa may kabilang dulo mula sa table namen, mukhang may nagtatalo. "No, natapunan mo yung pagkain namen kaya palitan mo to!!" Sumisigaw yung estudyante sa isang crew. "Sir, hindi po ako nakatapon" sagot ng crew. "So, sinungaling ako ganun?" Sinubukan kong basahin yung nasa isip nila. "Gosh, para sa libreng fries to!!!" Sabi nung.estudyante sa isip niya. May mga kasama pala yung student na tropa niya na mukhang nagtatawanan sa gilid, binasa ko rin nasa isip nila. "Haha ang galing talagang umarte netong si Robin hahaha" "Sige lang bin, para sa bff fries!!" "Di ko na kaya hahahhahahahahahahhahaha" Sht, awang awa naman ako sa crew. Sinubukan kong basahin yung kanya. "Lagot na naman ako neto kay Manager" Di ko alam pero naawa talaga ako lalo sa crew, kaya tumayo ako para lumapit sakanila. "Uy, wala namang ginagawa si ateng crew sainyo ah? Tigilan niyo nga siya" sabi ko. Puro lalaki yung mga estudyante at kita sa mukha nilang mga bully sila. "Ano bang paki mo? Nakita mo ba nangyari ha?!" Sigaw niya saken. Di naman ako nakasagot. Di ko naman kasi nakita. "Sa susunod kasi wag kang makikialam!" Sigaw pa niya saken. "Bwisit na lalaking to, humahadlang pa sa libreng fries ko!" Sabi nung lalaki sa isip niya. Sht, dahil sa fries, handa siyang mag ganito. "Ano na miss? Kapag walang fries na bago sa lamesa namen sa loob ng limang minuto, magrereklamo kami!" Sabi uli ng estudyante sa crew. Wala na akong magawa, wala naman akong ebidensiya eh. "Hoy Robin tumigil ka diyan!!" Rinig kong sabi ni Greco sa likuran ko. Sht, anong ginagawa ni Greco. "Hoy, sino ka ? Paano mo nalaman pangalan ko?!" Sigaw nung Robin kay Greco.   "Kilala ka naman ng lahat eh! Lahat kayong magtotropa, ikaw, si Lester, Si Mark at si John. Kayong mga hampaslupang magtotropa ng namamahiya ng crew para lang sa fries!!" Sabi ni Greco. Tinignan ko yung apat at kung ano ano tumatakbo sa isip nila. "Sht, sino naman tong lalaking to" "Sikat na pala kami!" "Sarap sapakin neto ah##" "Patay, anong alibi ko neto!" "Tapos diba Robin? Hindi ka nagbabayad ng pamasahe sa jeep?" Sabi ni Greco. Halos lahat ng katabi namen, nakatingin na samen at nakikichismis. "Hoy, ano bang pinagsasasabi mo diyan!!!" Sabi ni Robin. "Sino ba tong lalaking to" sabi naman niya sa isip niya "Ohhh, hahahhaha meron pa. Diba, ikaw yung tumae sa CR nila Lester nung nag inuman kayo nun tapos di mo binuhusan? Nagalit pa nga yung nanay ni Lester sakanya!!" Sabi pa ni Greco. "Hoy pare, totoo ba yun? Ilang araw din akong utusan sa bahay dahil sa ginawa mo!!!!" Sigaw ni Lester kay Robin. "Hoy, di totoo yun!! Saan mo nalaman yang mga yan!!!" Sigaw ni Robin. "Putek, nakakahiya, kailangan ko ng umalis!" Sabi niya uli sa isip niya. "Hahaha at meron pa, diba ikaw yung kumuha ng pera ni John sa wallet niya kahapon? Tapos pinambili mo pang merienda mo? Tapos di mo pa siya binigyan diba? Hahahahha" saan ba nakukuha ni Greco tong mga impormasyong to. Naririnig kong nagtatawanan na yung mga tao sa paligid namen sa pagpapahiya ni Greco kay Robin. "Ano pare, talo talo ba tayo rito?#!!" Sigaw naman ni John kay Robin" "Hala pare hindi!" Sabi ni Robin. "Arghhhhh nakakagigil tong lalaking to!!!" Galit na galit na si Robin sa isip niya. Bigla niyang sinugod si Greco at hinawakan ng mahigpit sa polo niya. "Sino ka ba at bakit mo alam yung mga ganung bagay tungkol saken ha?!!!!!" Gigil niyang sabi. Tumawa lang si Greco tapos naging seryoso uli sa pagtingin kay Robin. "Baka gusto mo pang malaman yung tungkol sa girlfriend ni Mark? Diba hinalikan mo yun sa labi tapos tinakot mo na kapag sinabi niya kay Mark, sisiraan mo siya?" Nagulat naman talaga si Robin sa sinabi ni Greco. "Ang weirdo netong lalaking to, paano niya nalaman lahat ng yun!!!" Sabi sa isip ni Robin. "Kapag di ka pa umalis sa harapan ko at dito, ipagsisigawan ko pa lahat ng baho mo!" Babala naman ni Greco. Di narinig nung Mark yung tungkol sa girlfriend niya kaya hindi siya masyadong nag react. "May araw ka rin saken!" Sabi ni Robin sa isip niya. Iniwan niya na si Greco tapos umalis na silang apat na magtotropa. Naririnig ko pa silang nagtatalo palabas. Naupo na uli kami sa pwesto namen tapos lumapit yung crew na babae samen. "Maraming Salamat po sa pagtatanggol saken" sabi niya. Ma cute din tong si ate. "No prob, penge na lang kaming bff fries hahahhahaha" biro ni Greco. "Hehe joke lang yun" sabi ko. "Hehe, salamat po talaga!" Sabi nung crew tapos umalis na siya. Patuloy naman sa pagkain si Greco na parang walang nangyari. "Paano mo nagawa yun Greco?" Tanong ko sakanya. "Ano yun?" Parang di siya aware sa ginawa niya. "Anong ano yun? Paano mo nalaman yung mga yun?? Grabe!!" "Ahhh yun? Haha, wala, hula ko lang" sabi niya. "Anong hula ka diyan, eh totoo kaya lahat ng sinabi mo!" "Eh paano mo naman nalaman na totoo yung sinabi ko?, nabasa mo ba iniisip nila?" Sabi niya. Yung way ng pagtanong ni Greco saken parang kakaiba, may laman. Pero di ko pwede sabihin sakanya kaya humindi ako. "Ohh diba, hula lang yun at saka ganun dapat. Takutin mo para umalis!" Sabi niya pa. Pero ang weird talaga, paano kaya niya nalaman..... At bigla akong natulala. What if may 'regalo' rin siya katulad ko? Kaya di ko mabasa iniisip niya, kasi katulad ko rin siya. Nasa rules kasi yun na bawal ko malaman eh, pero siguro alam niya na yung tungkol saken! "Hmmmm.... mamaya, alam mo na rin sikreto ko ah" bigla kong sinabi. Napatingin lang siya saken na parang binabasa niya nasa isip ko. "Trust me Julian, I'm trying. Pero di kita mabasa hehe napaka unpredictable mo" ayun na lang sabi niya. Kumain uli siya pagkasabi niya nun. Pero di ko pa rin mawari kung ano talaga pinopoint out netong si Greco. Maya maya, lumapit samen yung babaeng crew kanina na may dalang bff fries. "Sir, pinapabigay po ng manager" sabi ng crew. "Ay, binibiro ka lang namen kanina" sabi ni Greco. "Hehe alam ko po, pero si Manager po nagpapabigay" sabi ng babae. Wala na kaming nagawa ni Greco kundi tanggapin yung binigay na fries. "Salamat ha?" Sabi nameng dalawa. "Hehe, walang anuman sir" sabi nung crew. Binasa ko iniisip ng babae. "Nakakatuwa at may mga katulad nila. Cutie na nga, ipaglalaban ka pa" "Wag ka mag alala, ganun talaga kami" sabi ni Greco bigla sa crew. "Po??" Sabi ng babae. "Ahhh wala, wala hehe" sabi ni Greco. Nagtaka ng bahagya yung crew tapos umalis na siya. Di pa rin ako sure pero.... Nakakabasa rin ng isip si Greco.    +++++ Pagkauwi ko, dumiretso na ako sa kwarto ko at may napansin kaagad akong kakaiba. Umiilaw yung drawer ko! Eh tanging nandun lang naman yung libro na "Julian's Guide to Mind Reading" na libro na nakuha ko nun sa Kubo. Pagkabukas ko ng drawer, biglang nawala yung ilaw. Kinuha ko yung libro at naupo sa kama. Pagkabukas ko ng libro, may bagong nakasulat sa bandang likuran. "1 point" Di ko naman kung para saan yun pero ayun lang yung bagong nakasulat dun. Di pa rin ako maka getover sa kapangyarihan na meron ako, di ko nga mamaximize kasi may mga tao akong di ko mabasa basa yung isip. Maya maya, may kumatok sa kwarto ko. "Julian!" Boses ni papa yun. "Po?" "Pwede bang pumasok?" Sabi niya. "Sige po" Pagpasok ni papa tumabi kaagad siya saken. "May problema ba pa?" "Wala naman, pero galing dito si Matteo kanina" "Ay bakit daw pa?" "Wala naman, hinahanap ka lang" sabi niya. "Ahhh, ayun lang ba sasabihin mo pa?" "Sana tinext na lang kita kung yun lang diba?" Napakapilosopong kausap neto ni papa, pero natatawa naman ako sa banat niya. "Nako si papa" "Haha biro lang anak" "So, ano nga pa?"   Nakatitig lang siya saken, na parang may gusto siyang sabihin na di niya masabi. "Ang laki laki mo na. Dati, umamin ka lang samen na bakla ka tapos ngayon may nanliligaw na sayo. Ayoko pang tumanda ka anak" Ayun tlaga sinabi ni papa sa isip niya! Nalungkot naman ako bigla kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Ganun din naman ginawa niya.   "Hay, buti na lang sweet tong anak ko" sabi niya uli sa isip niya. "Hoy anong drama tong pagyakap mo!" Bigla niyang sinabi. Natawa na lang ako kasi alam ko kung ano iniisip niya. "Ang gusto ko lang sabihin sayo, kung si Laurence, si Laurence lang. Kung si Matteo, si Matteo lang okay?" "Pa, ano ba, bestfriend ko lang si Matteo" sabi ko.   "Pero kung paano mo tignan si Laurence, ganun mo rin tignan si Matteo. Alam mo anak, wala kang matatago saken. Tatay mo ko eh, kaya ngayon pa lang umamin ka na saken" "Sabihin mo na kung sino gusto mo" sabi niya sa isip. "Pa, ang focus ko ngayon mag aral at makapagtapos," "Sus, ang landi ng sagot mo!" Nakakatawa si papa talaga, ang laking tao tapos ganito magsalita. "Basta mahal na mahal kita anak, ikaw ang nag iisa kong kayamanan." Sabi niya sa isip niya.   Parang tumagos naman sa puso ko yung sinabi niya, kahit di niya sinabi, ramdam ko naman. "Sige na, ayaw mo naman magkwento eh, bahala ka diyan!" "Haha next time na papa ha?" "Hha, sige, kapag nagkwento kang una sa mama mo, magtatampo rin ako bahala ka!" "sabay akong magkekwento sainyong dalawa okay?" "Good. Goodnight!" "Goodnight pa, I love you" sabi ko. "Bleh!" Sabi niya.  Pero ang sabi ng isip niya "I love you too anak" Lumabas na si papa at natulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD