Ipagpasalamat ko na lang na hindi naapektuhan ng pag-iisip ko ang naging pagtugtog ko kanina pero mukhang alam ng kabanda ko ang nangyayari sa akin kaya humingi muna sila ng break kay Ninang Marga.
Na agad din namang pumayag dahil tingin ko, maging siya ay alam na apektado din ako ng ibinalita niya sa akin,
At kasalukuyan na kaming nandito sa music room.
Ang alam ko ay ang dj muna na na-hired ni Ninang ang nag-aasikaso ng music para sa mga bisita para hindi pa din maapektuhan ang party.
Hinatiran na din kami ng pagkain dito kaya hindi na namin kinailangan na lumabas pa. And as of Sumi, in-assure ako nila Ara na hindi nila ito pababayaan at hindi ko din kailangang mag-alala dahil kasama nito si Ate Daphne, ang kapatid ni Drek, kaya siguradong malilibang ito at hindi na ako hahanapin pa.
"So, care to tell us. What happened to you?" tanong ni Sein. "Alam namin kapag may kakaiba sa pagtugtog mo. Hindi man iyon basta mahahalata ng nanonood pero kami, madali naming mahalata iyon."
“Aba’y ilang taon na tayong magkakasamang tumugtog,” ani Kenneth. “Kaya dapat ay inaasahan mo na ding mapapansin agad namin kapag may biglang pagbabago sa tugtog mo.”
Bumuntong hininga ako. "I saw him."
Natigilan sila at napatingin sa akin.
"Nakita ko siya kanina na nakasilip sa pintuan pero saglit lang iyon kaya madaling baliwalain pero kanina, habang tumutugtog tayo, bigla siyang sumulpot at pumwesto sa gitna kaya kitang-kita ko siya." Muli akong bumuntong hininga. "Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko."
"Gusto mo pa din siya?"
Nagkibit balikat ako. "May part sa akin na masaya dahil bumalik na siya,” hindi na ako nagdalawang-isip pa na aminin kung ano ang tunay kong nararamdaman sa mga oras na ito. “After all, naging kaibigan ko din siya. May part din na nasasaktan kasi ‘di ba, bakit ngayon lang? Umalis siya ng walang paalam kaya babalik siya ng wala ring pasabi. Nakakaloka, ‘di ba? Pero mas nakakaloka ako dahil may part din na galit at walang pakialam." Bumuntong hininga ako tsaka ginulo ang buhok ko. "Naloloka ako ngayon eh."
"Kaya mong tumugtog?" ani ni Kenneth. "It's not that I don't know you pero baka kailangan mo munang magpahinga at makapag-isip. Biglaan ang pagpapakita nya sayo after two years."
"Iyon nga siguro ang kailangan ko,” sabi ko.
Kung tutuusin ay kaya ko naman talagang tumugtog pero nananada yata ang lokong iyon dahil talagang pumupwesto siya sa mga lugar kung saan talagang makikita ko siya.
Kaya siguro mas mabuti na munang ipahinga ko ang sarili ko dahil ayoko din naman na masira ang birthday party ni Ninang Marga.
Minsan lang mag-relax iyon sa dami ng trabahong ginagawa at ayokong ako pa ang makasira nito.
“Pero may papalit ba sa akin?"
"Remember Xio?" tanong ni Aldean. "Iyong pamangkin ni Tita Klea na nag-sub sayo last time. Nandito siya at mukhang willing maging sub uli."
"Okay. Mabuting magpahinga na lang muna ako kaysa makagulo ako sa gig." Nahiga ako sa sofa. "Wala din naman akong planong ipahiya ang Mnemosyne sa harap ng mga bisita ni Ninang."
Kinurot ni Sein ang pisngi ko na ikinasimangot ko. "Huwag mo akong simangutan diyan, Sanna Rhein. Matulog ka na lang muna dito. Babalikan ka namin kapag tapos na ang party."
Tumango ako. "Wala din akong planong makisali sa kanila sa baba noh."
"Sige, kami nang bahala." Tumayo sila tsaka nag-wave sa'kin pagkuwa'y tuluyang lumabas habang ako ay ipinikit na ang mga mata para matulog.
*********
Ara Shane Milan's Pov
Alam kong malakas pa ang epekto ni Saber kay Sanna kaya inaasahan kong hindi na siya ang tutugtog pagkatapos nilang magpahinga saglit. At hindi ako nagkamali dahil iba na ang at nakaupo sa harap ng drum set pagbalik ng Mnemosyne sa ibabaw ng stage.
"Iyan ba ang drummer kanina?" tanong ni Sumi. "Iyong naka- jacket?"
"Nope," sabi ko. "He's Xio, barkada at schoolmate nila Sein." Kilala ko ang lahat ng barkada ni Drek at madalas niyang ikwento ang tungkol kay Xio na tumatambay sa band room dahil hilig nito ang pagda-drums.
Magaling din daw kasi ito tulad ni Sanna kaya ito ang madalas nilang gawin na substitute kapag may gig sila sa mga lugar at gabi na hindi napupuntahan ni Sanna.
"Ay, sayang. Gusto ko iyong kaninang drummer. Though, hindi ko alam ang itsura niya pero ang galing kasi," aniya. "Wala akong alam sa mga banda pero masasabi kong mas magaling siya kaysa dyan sa Xio."
Tumangu-tango ako. "Agree ako dahil mas magaling talaga iyon." Aba, si Sanna yata ang usapan dito at alam kong magaling ang bestfriend ko.
Tumingin siya sa'kin. "Kilala mo kung sino iyong mysterious drummer?"
"Ha?" Umiwas ako ng tingin at umiling. "Si Sein lang ang nakakakilala sa kanila dahil nga kapag natatapos ang performance nila ay agad itong ume-exit bago pa siya maabutan ng mga fans nila. Nabanggit kasi nila na hilig talaga nito ang tumugtog pero wala itong planong maging sikat."
"Pero hindi naman maiiwasang hindi sila sumikat lalo na't ganito sila kagaling," sabi niya tsaka muling ibinaling ang tingin kina Sein. "Pero sana makilala ko ang drummer na iyon. Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha nya, feeling ko, crush ko na siya."
Napangiwi ako sa sinabi niya. Kung alam lang niyang babae ang tinutukoy niya, masasabi pa kaya nya iyan?
Well, on the other hand, crush lang naman. At sa inosenteng tulad ni Sumi, hindi ganoon kalalim ang depinisyon niya sa salitang iyon.
"Ara."
Agad kong nilingon ang tumawag sa pangalan ko at dahil pamilyar ang boses nito ay hindi na ako nagulat pa nang tuluyan ko itong makita pagkuwa’y matamis na ngumiti sa kanya.
"Saber."
Lumapit ako sa kanya at agad siyang sinuntok sa sikmura tsaka siya niyakap para hindi mapansin ng iba ang ginawa ko.
Sa katarantaduhan na ginawa niya kay Sanna, sa tingin ba niya ay sasalubungin ko siya ng maayos?
"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa muling sa akin pagkatapos ng ginawa mo kay Sanna." Sinuntok ko uli siya sa sikmura tsaka humiwalay ako ng yakap sa kanya. "You shouldn't have come back here, Saber. Or at least you don’t show your f*****g face to her.”
Damn this man! Hindi ko inaasahan na ganito pala kagago ang isang ito.