Chapter 3

1041 Words
Isang katok ang nagpatigil sa amin kaya agad na tumayo si Hiro para lumapit sa pinto tsaka binuksan iyon at bumungad sa amin ang isang lalaki na pamilyar sa paningin ko. Teka! Siya iyong lalaki na dapat ay papasok sa maling kwartong pinasukan ko kanina! Anong ginagawa niya dito? "Xio?" kumunot ang noo ni Sein nang makita ang lalaking iyon. "Dude, anong atin?" Nilapitan niya ito at nag-shake hands pa sila. Oh? Kilala pala ito nila Sein at base sa nakikita kong pag-uusap nila ay hindi maipagkakaila na ka-close nito ang mga kaibigan ko. Bumaling ako kay Aldean. "Sino iyon?" "Pamangkin ni Tita Klea." sagot nito sa akin. "Sa Miracle University din siya nag-aaral kaya nakakasama namin minsan. Mahilig din siya sa drums kaya madalas din siyang tambay sa band room." "Talaga?” sabi ko. “Magaling naman ba?" Tumango si Drek. "May banda din siya noong nasa high school pero na-dissolve dahil magkakaiba ang university na kanilang pinasukan. Pero kung ikukumpara naman siya sa drummer ng Mnemosyne, mas magaling at mas astig pa din ang drummer namin." Napangisi ako sa sinabi ni Drek. Kapag talaga bolahan ay walang pinapalampas ang isang ito. Muli kong ibinalik ang tingin kina Sein, Hiro at doon sa lalaking tinawag nilang Xio. May kung ano pa kasi silang pinag-uusapan. Nabaling ang tingin nito sa akin kaya bahaya ko siyang tinanguan bago ibinalik ang tingin sa alak na iniinom ko. Aba, hindi ako suplada noh, lalo na sa mga kaibigan ni Sein. Syempre, para hindi din mga suplado si Sein kapag mga kaibigan ko naman ang makakaharap nya. "Oy! May nag-request ng last song." Tumingin uli kami sa pintuan at maliban doon sa tatlo at naroon na din ang may-ari ng bar. "Ano? Kaya nyo pa ba?" "Sige." Agad tumayo sina Kenneth, Drek at Aldean. "Tatawagan ko uli iyong drummer namin," sabi ni Sein tsaka pasimpleng tumingin sa akin. "Akala namin ay tapos na ang performance namin kaya maaga siyang nagpaalam." "Sige.” sagot noong may-ari. “Sabihan nyo ako kapag naka-ready na kayong lahat, okay?" Akma kong kukunin ang jacket ko ngunit wala akong maabot sa pinaglagyan ko nito kaya agad na akong tumayo at sinimulan itong hanapin sa ibang parte ng silid. Ngunit agad din akong natigilan nang maalala na inilapag ko iyon sa unang silid na napuntahan ko kanina at hindi ko na maalala kung nadala ko ba iyon nang umalis ako doon. Shit! Muli akong lumingon kina Sein at sa kausap niyang lalaki at nakita kong ibinabalik pala nito iyon jacket at gloves na naiwan ko kanina. Anak ng! Ang katangahan ko nga naman. Agad akong lumapit kay Kenneth. "Neth, may problema." Kumunot ang noo niya. "Bakit anong problema?" Ibinulong ko sa kanya ang nangyari. "s**t nga iyan," bulong niya. "Pero sige, ako nang bahala. Hindi na ikaw ang magpe-perform dito dahil siguradong makakahalata iyan kapag hindi ka nakita sa labas at biglang susulpot ang drummer." Tumango ako. "Sige, ikaw na ang bahala,” sabi ko sa kanya tsaka ginulo ang kanyang buhok. “Thank you. Babawi ako na lang ako sa susunod." Ngumiti siya tsaka ginulo din ang buhok ko. "Sabi mo iyan, huh.” aniya. “Sige na, kakausapin ko muna iyong papalit sayo at lalabas na kami. Mamaya ka na din lumabas. Baka may makahalata pa." At tuluyan na nga silang lumabas habang ako ay naiwang mag-isa dito. Kung bakit kasi nausuhan ako ng katangahan ngayong gabi. Mabuti na lang at mabilis nakaisip ng plano si Kenneth. Inubos ko lang ang laman ng bote ng beer na hawak ko at nagpalipas ng ilang minuto tsaka lumabas na ako ng silid. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na mapapanood ko na mag-perform ang Mnemosyne nang wala ako doon. Pumwesto ako sa bar counter kung saan tanaw ang buong stage na ngayon ay tinutungtungan na ng Mnemosyne at inaayos ang kanilang mga instrumentong gagamitin. Lumipat ang tingin ko sa pwesto ng drum at nakita kong si Xio ang nakaupo sa harap noon kaya medyo na-excite ako dahil sinabi nilang magaling din ito mag-drums. "Good evening, everyone," masayang bati ni Hiro sa lahat. "We are here again to play a very special song." “You all know that we rarely release our original song and we always do cover songs but this time, it will be different,” dagdag ni Sein. “We dedicate this song to the person who keeps our band together. Hindi man namin siya madalas makasama ay napapanatili pa din siya ang pagiging miyembro ng bandang ito.” Bumaling ang tingin nila sa direksyon ko at dahil pasimple lang iyon at sandali ay hindi na napansin ng mga nanonood ang ginawa nilang iyon. At sa ginawa nilang iyon ay alam kong ako ang tinutukoy nila kaya tinaasan ko na lang sila ng kilay. Aba’y hindi ko naman inaasahan na mayroon pa lang ibang original composition song si Drek. Dalawang buwan na din kasi noong huling tinugtog ng banda namin ang original composition ni Drek kaya inakala kong hindi pa din siya nakakagawa muli ng bago. Iyon pala ay mukhang hinihintay lang nila ang ganitong pagkakataon kung saan hindi ako makakasama na tumugtog sa kanila at nasa audience lang para i-release nila ang kanyang ito. "Bago ko makalimutan, hindi na nga pala natin makakasama ang original drummer ng Mnemosyne para sa huling kanta na ito dahil kinailangan na niyang umuwi,” singit ni Drek. “Kaya itong itong bagong kanta na lang ang ipambabawi namin sa inyo.” Marami ang nadismaya sa narinig kaya nakaramdam tuloy ako ng tuwa. Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon nila kapag wala ako. Pero marami pa din ang naghihintay ng kanilang pagsisimula dahil nakuha din ng banda namin ang interest ng mga ito sa bagong kanta na kanilang ire-release. "Pero may substitute naman siya and I assure you that he is also great at playing drums so give him a chance,” ani Sein pagkuwa’y sinenyasan na ang mga kasama niya sa stage upang magsimula. At ang unang bumungad na tugtog ay ang beat ng drums na ikinalaki ng mga mata ko. I know this melody! “I hope you are hearing this one,” sigaw ni Hiro kasunod ng pagsisimula ng iba sa pagtugtog ng kanilang instrumento. “Oh damn.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD