"Mukhang napuyat ang baby ko, huh." Sinalubong ako ni Mommy pagpasok ko pa lang ng dining room. "Anong oras na ba kayo nakauwi?"
Humalik ako sa pisngi niya. "Past three na din po, Mom. Pasaway kasi sina Sein at nagpilit pa na mag-stay ng matagal sa bar porket wala silang pasok ngayon,” sagot ko “Anyway, good morning po." Nilapitan ko si Daddy at humalik sa pisngi niya tsaka naupo at nagsalin ng kape.
"Lasing ba si Sein?" tanong ni Daddy na tinanguan ko.
"Silang lima ang lasing at ako ang driver nila pauwi." Ipagpasalamat ko na lang na van ang dinala nilang sasakyan kundi, mahihirapan akong pagkasyahin sila sa sports car nilang two seater lang.
Kaya iyong kotse ko ang naiwan pa sa bar. Ipapakuha ko na lang sa driver namin at iyong kay Sein ang gagamitin ko ngayon nang makabayad sila sa pagpapahirap sa akin.
"Why don't you skip your class just for this day?" sabi ni Mommy. "Para makabawi ka naman ng tulog. Ilang araw ka ding puyat dahil sa projects nyo at iyong pahinga mo sana kagabi ay inistorbo pa ng kapatid mo."
"Mommy, you know that I can't do that,” sabi ko. “Even if I am the academy's rank 1, hindi ako bibigyan ng special treatment sa school ko. Kaya hahanapan nila ako ng valid reason kung bakit ako umabsent at kapag wala akong naipakita, they will suspend me."
Yeah, rank 1 ako sa school namin pero walang kaibahan ang katayuan ko sa ibang ka-schoolmate ko.
"Then, why don't you transfer in different school?" tanong ni Daddy. "Sa Miracle University kung nasaan ang kabanda mo. Hindi iyon nagtitiis ka dyan sa school na dinaig pa ang military sa dami ng pinagbabawal. Kahit ang pagbabanda mo, kailangan mo pang itago at hindi mo maipagmalaki ang talento mo dahil baka makaapekto sa buhay mo doon."
Suportado nila ang pagbabanda namin pero hindi gusto ni Daddy kung saan ako pumapasok. Ang dahilan nya?
Siya itong magulang ko pero hindi niya pinipigilan ang bagay na nakakapagpasaya sa akin kaya anong karapatan ng iba para pigilan ang mga bagay na gusto kong gawin sa buhay ko?
And I really love them because of that.
They really support me with everything that I want to do as long as I know that it will make me happy.
"Daddy, you know that I can't too." Napakamot na lang ako ng ulo nang makita ang pagngiwi niya dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
Pero umiling-iling na lang siya tsaka bumuntong hininga. "Yeah. May magagawa pa ba ako? Just do what you want."
Alam naman niya ang dahilan kung bakit kahit ayoko talaga sa school ko dahil sa mga nakakasakal nitong rules ay nananatili pa rin ako doon. At ipinagpapasalamat ko na lang na iniintindi nila ako kahit pa hindi sila sang-ayon sa desisyon kong ito.
Ngumiti ako. "Thanks, Dad."
Ang swerte ko talaga dahil sila ang naging magulang ko. Though there are still times when I wish I had a chance to meet my biological parents.
Tanging mula sa mga kwento lang ni Daddy ko sila nakikilala at sa mga picture dahil wala naman akong kahit na anong alaala sa kanila dahil masyado pa akong bata noong namatay sila.
But don’t get me wrong, okay?
Mahal na mahal ko ang mga magulang ko na umampon sa akin at kahit na anong mangyari ay hindi ko sila ipagpapalit sa kahit na sino pa.
Matapos kong kumain ay agad na akong umalis para pumasok pero bago dumeretso sa school ay kakailanganin kong sunduin ang isa sa kaibigan ko na siyang dahilan kung bakit nga ba ako nasa isang all-girls school.
"Good morning, Tito Larry," bati ko sa daddy ni Sumi.
"Nandito ka na pala. Pababa na si Sumi," sambit nito nang makita ako. "Anyway, kumain ka na ba?"
"Opo. Nagbreakfast na ako sa bahay."
Tumangu-tango ito. "Kamusta ba ang pag-aaral nyo ni Sumi?"
"Hmm, ayos naman po.” mabilis kong sagot. “Mabilis ding mag-adjust si Sumi sa bago niyang environment ngayon and I think in no time, makakahabol na din siya sa mga top ranking ng school namin."
Ngumiti siya. "Good to hear that and I am also glad because you are doing what you promised me. Hindi ako nagkamali sa pagtitiwala sayo."
"Thank you din po sa tiwala."
"Hey, nandito na ako."
Napalingon kami kay Sumi na kakababa lang ng hagdanan. "Let's go?"
Tumango siya tsaka lumapit kay Tito Larry at humalik sa pisngi nito. "Bye, Dad. See you later."
"Take care, baby."
Sumakay na kami ni Sumi sa kotse ko tsaka ito pinaandar.
"Kamusta ang bonding nyo ni Sein?" she asked.
"Hmm, it's good." Sabi ko habang diretsong nakatingin sa dinadaanan namin. "Wala silang pasok ngayon kaya nagkapuyatan kagabi."
Anyway, she's Sumi Toshiba, 19 years old at isa sa dalawang kaibigan na mayroon ako sa school. Siya din ang dahilan kung bakit nag-aaral ako sa isang all girls school.
Dahil sa klase ng trabahong mayroon si Tito Larry at sa nangyari sa nanay ni Sumi ay naging protective ito sa anak kaya naman mula pagkabata ay nakakulong lamang siya sa kanilang mansion.
Walang ibang kalaro kundi mga stuff toys sa malaki niyang kwarto.
Kahit ang ilang tauhan ng kanyang ama na nagtatrabaho sa mansyon nila ay hindi din nagtangkang lumapit sa kanya sa takot na baka may magawa sila na ikasasakit niya.
Kaya naman lumaki talaga siyang malungkot at mag-isa.
But everything changed when I sneaked inside their house.
Yeah, inakyat ko ang mataas na pader ng bahay nila para makapasok dahil naku-curious ako sa mga naririnig kong balita tungkol sa isang bata na ikinulong sa loob ng mataas na bahay na iyon.
At si Sumi ang nakahuli sa akin ng araw na iyon pero hindi niya ako agad sinumbong sa kahit na sino.
Doon kami naging magkaibigan at siya ang naging look out para walang makahuli sa akin kapag umaakyat ako sa pader ng bahay nila.
Pero dumating din kami sa point na nahuli kami ni Tito Larry at tinangka pang paglayuin. Hindi lang ako pumayag at talagang ipinagpilitan ko sa kanya na kaibigan ako ni Sumi.
Nagpilit din si Sumi na hayaan ang pagkakaibigan namin kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi hayaan kaming magkasama ng anak nya.
At dahil hindi ko kontrolado ang isip ni Sumi, nagsimulang tumaas ang kuryosidad niya sa nangyayari sa labas kaya nagulat ako nang pilitin niya si Tito Larry na mag-aral sa school.
Pumayag ito dahil sa pagmamahal niya sa anak pero bilang kapalit ng kanyang pagpayag ay kinailangan niyang lumayo sa mga lalaki kaya sa all girls school siya ipinasok nito.
Na kahit ang mga teacher at staffs nito ay puro babae din. At ang pinakamahirap sa kundisyon nito, kailangang magkasama kami.
Ayoko sanang pumayag dahil alam ko kung gaano kahigpit sa St.Clair University pero dahil nakita kong gusto talagang makita ni Sumi ang mga nangyayari sa labas ng mansyon nila ay pumayag din ako.
Actually, hindi nila alam ang pagbabanda ko.
Ayaw ni Tito Larry na gumagawa ako ng mga bagay na makakadagdag sa curiosity ni Sumi sa iba pang pwedeng mangyari sa labas ng mansion at school kaya hangga't maaari, hindi na lang ako nagkukwento.