Chapter 5

1369 Words
"Sanna! Sumi!" Nilingon ko ang tumawag sa amin at nakita ko si Ara, my girl bestfriend. Magkakilala na kami since elementary days kaya alam niya ang tungkol sa Mnemosyne at sa pagiging drummer ko. Nakilala ko siya dahil sa pagiging clingy niya sa pinsan na si Drek at tulad ko ay hindi niya din gustong mag-aral dito. Pero pinilit niya ang sarili para lang makasama ako. Agad siyang kumapit sa braso ko nang makalapit siya sa amin. "Nakasagap ako ng balita," bungad niya. "Alin sa mga balitang alam ko ang nasagap ng antena mo?" "Magkakaroon ng mini concert ang isang banda dito sa school natin," masaya nyang sabi. "At ang okay dito ay open ang school for outsiders na mabebentahan ng ticket." "What the hell?" Agad akong sumulyap kay Sumi at tulad ng inaasahan, mukhang nakuha ng sinabi ni Ara ang atensyon niya. "Talaga? Kailan ang band concert na iyan?" masayang sambit ni Sumi. "Next month pa after ng finals natin. Parang year end celebration na din daw kaya excited ang lahat,” paliwanag niya. “Mag-o-organize din kasi ang party ang school para sa lahat ng pupunta sa concert at required na magkaroon tayo ng ka-date." "Oh no," pareho naming sabi ni Sumi at nagkatinginan kami. Syempre, ayaw nga ni Tito Larry na lumalapit siya sa mga lalaki at kapag nilabag niya iyon ay muli siya nitong ikukulong sa bahay nila. At ang masama nito, siguradong kapag hindi nakapunta si Sumi ay mapipilitan akong hindi din pumunta para samahan siya sa kanila dahil ako ang dahilan kung bakit nagsimula siyang ma-curious sa mga nangyayari dito sa labas. "Oh, nakalimutan kong hindi pala kayo pwede doon." malungkot na sabi ni Ara. "Pero bakit kaya hindi nyo pa din subukan na magpaalam kay Tito Larry. Mas maganda kung sasabihin nyo agad ng mas maaga para kapag hindi siya pumayag ay makakagawa tayo ibang paraan sa mga susunod na araw para magbago ang isip niya." Nagkatinginan kami ni Sumi tsaka bumuntong hininga. "Yeah, iyon nga siguro ang gagawin namin," sabi ko. Hinatid muna namin si Sumi sa classroom niya dahil iba ang klase namin sa kanya tsaka kami naglakad papunta sa room namin. "Sanna, we should do our best para mapapayag si Tito Larry. Kailangan, makapunta kayo lalo ka na dahil importante ka sa gabing iyon." ani Ara na ikinakunot ng noo ko. "What do you mean?" "Itanong mo na lang sa kapatid mo." Nag-iwas siya ng tingin sa akin at bumuntong hininga. "Mas mabuting siya ang magpaliwanag para hindi ka masyadong ma-beastmode." At nauna na siyang pumasok sa room. Napakamot na lang ako ng ulo pero nagsisimula nang maglaro sa isip ko ang mga posibleng iparating ng mga ikinilos ni Ara. Pumasok na din ako sa room namin at sakto namang nandito din pala si Yvette, ang president ng student council ng St. Claire University kaya agad akong naupo. "Since nandito na ang lahat, sasabihin ko na ang ilang details para sa mangyayaring mini concert s***h year end party next month,” ani Yvette. “Ang klase nyo ang maa-assign para sa pagde-decorate ng buong gymnasium kung saan gaganapin ang event." Kung ganito kaaga ang pag-a-announce nila nito ay nakasisiguro akong hindi lang isang mini concert ang mangyayari sa gabing iyon. Kasi talagang pinaghahandaan nila eh. "Ang bandang magko-concert ay hindi pa gaanong sikat pero masasabi kong magaling sa larangan ng musika kaya magiging worth it ang pagbili nyo ng ticket.” dagdag pa ni Yvette. “Besides, ang pagbebentahan nito ay mapupunta naman sa limang charity institution na mapipili ng banda so nag-enjoy na kayo, nakatulong pa kayo." "Anong pangalan ng bandang iyon?" tanong ng isa sa kaklase ko. "The Mnemosyne." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. s**t! "Sa mga piling events at bars lang sila tumutugtog at ito ang unang pagkakataon na magkakaroon sila ng concert sa ibang school kaya dapat lang na paghandaan natin iyon,” sabi pa niya. “Darating ang dalawa sa miyembro nila para magbigay ng ilang details na kakailanganin natin sa pagde-decor ng buong place at ngayon pa lang, sinasabihan ko na kayong mag-behave habang nandito sila, okay?" "Yes, Yvette." "Anyway, Sanna." Bumaling sa akin si Yvette matapos niyang banggitin ang pangalan ko. "Darating sila sa makalawa at ikaw na ang bahalang kumausap sa kanila, okay?" "Ha? Ah, okay," sabi ko tsaka ako palihim na tumingin kay Ara na agad nag-iwas ng tingin sa akin. Yari talaga ito mamaya! Sana man lang ay sinabi na sa akin kanina nang hindi ako nagulat pa sa announcement na ito. "So, iyon nalang muna sa ngayon. Mag-isip na kayo ng possible theme para sa year end party." Umalis na din agad si Yvette. Habang ako naman ay akma sanang tatayo para kausapin si Ara pero dumating na ang teacher namin kaya hindi ko na itinuloy. Mamayang lunchtime ko na lang siya kakausapin. ________ Dapat pala hindi ko na ipinagpaliban ang pagkausap kay Ara. Ang bilis ba namang nawala ng bruha kanina pagka-dismissed ng klase. At hindi ko na alam kung saan pa siya nagsuot. Halatang umiiwas dahil alam niyang may kasalanan siya sa akin eh. Kaya pagkahatid ko kay Sumi ay agad na akong umuwi. Babalik na lang ako mamayang gabi para kausapin si Tito Larry tungkol sa magaganap na party sa school pero sa ngayon ay kailangan ko munang makausap si Sein. Hindi ako natutuwa sa kalokohan ng mga lalaking iyon eh. Pagdating ko sa bahay ay agad akong dumeretso sa kwarto niya at eksaktong pagbukas ng pinto ay agad ko syang sinuntok. Pero nagawa niyang masalo ang kamao ko bago pa man ito tumama sa mukha niya. "Damn! Muntik na ako, huh!" Binitiwan niya ako tsaka lumayo sa akin. "Anong trip mo at suntok agad ang isinasalubong mo?" "Hindi nakakatuwa ang kalokohan nyo huh!” singhal ko sa kanya.”Bakit magkakaroon ng concert ang Mnemosyne sa school namin?" Sasapakin ko pa sana siya pero agad niyang hinawakan ang kamay ko at itinulak ako paupo sa sofa niya. "Kumalma ka muna, pwede?" Ginulo niya ang buhok tsaka nakapamewang na tumingin sa akin. "Una sa lahat, hindi po ako ang nagplano ng concert na iyon kaya huwag kang magalit sa akin. Nagulat lang din ako nang ibalita iyan ni Kenneth kanina paggising ko. Pangalawa, ano namang masama kung mag-concert tayo sa school nyo. Hindi ka naman nila makikilala." "Sein, mahirap sumugal sa bagay na iyan. Paano kung may makahalata. At alam mong hindi ako pwedeng umalis sa tabi ni Sumi lalo na't open gate ang school sa araw na iyon." Bumuntong hininga ako. "Hindi ko pa sigurado kung makakapunta ako dahil hindi pa kami nakakapagpaalam kay Tito Larry. Paano kapag hindi siya pumayag? Eh di, hindi ako makakapunta dahil siguradong pipilitin ako ni Sumi na mag-stay sa bahay nila para hindi naman siya ma-boring." Muli niyang ginulo ang buhok niya at naupo sa tabi ko. "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sobra-sobra ang pagsasakripisyo mo para kay Sumi,” aniya. “Talagang nagagawa mong magpakahirap ng ganyan para lang masigurong hindi na siya muling ikukulong ng Daddy nya." "Kaibigan ko siya at alam mo naman na ako lang ang kaibigan niya kaya ginagawa ko ang lahat ng pwede kong gawin para matulungan siya kahit paano," sabi ko. "Sigurado din namang ganito din ang gagawin mo kung sakaling isa sa mga kaibigan mo ang nasa sitwasyon niya eh." Muli siyang bumuntong hininga tsaka nahiga sa hita ko. "Si Daddy." Kumunot ang noo ko. "Anong mayroon kay Daddy?" "Siya ang dahilan kung bakit magkakaroon ng mini-concert ang banda.” aniya. “Siya din ang nag-decide na sa school nyo ito ganapin para hindi ka ma-hassle dahil nasa mismong venue ka na din naman." "Bakit ginawa ni Daddy iyon?" "Alam niya kung gaano mo kamahal ang pagbabanda at suportado nila iyon. Pero naiinis siya sa ginagawa mong paglilimita sa sarili mo para gawin ang bagay na gusto mo kaya nagdesisyon na siyang makialam." Hindi na ako nakasagot dahil hindi ko din naman alam ang isasagot. "It's your choice kung tutugtog ka sa araw na iyon. Magsasama kami ng posibleng pumalit sayo kung sakali," aniya at tumayo. "Pero kakayanin mo bang malungkot si Daddy dahil sa takot mong may makapansin na ikaw ang kasama namin sa banda?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD