Matapos kong makausap si Sein kahapon ay hindi na ako nakabalik sa bahay nila Sumi kaya inagahan ko na lang ang punta dito ngayon para masigurong maaabutan ko si Tito Larry at hindi naman ako nabigo. Iyon nga lang, hindi ko inaasahan na hinihintay din pala nya ang pagdating ko.
Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa garden.
"Nabanggit na sa akin ni Sumi ang tungkol sa mini concert at party na magaganap sa school nyo next month." panimula nya. "Iyon ba ang gusto mong sabihin sa akin?"
Agad akong tumango. Hindi uso kay Tito ang paligoy-ligoy.
"Alam ko pong kasama sa usapan natin ang pag-iiwas sa kanya sa mga ganitong event lalo na't magiging open para sa mga outsiders ang school sa araw na iyon kaya't maraming hindi taga-doon at mga lalaki ang pupunta pero -" Ilang beses akong lumunok bago sinalubong ang tingin nya. "Gusto po sana naming pumunta. Iyon ay kung papayag kayo."
Tumangu-tango sya at uminom muna ng kape bago muling tumingin sa akin. "Paano kung hindi ako pumayag?"
Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi nya pero pinilit ko pa ding maging okay. Ito din naman ang inaasahan namin eh. "Hindi naman po kami magpipilit kung ayaw nyo talaga. Sinubukan ko lang magpaalam."
"Hindi mo man lang ba susubukan na gumawa ng paraan para makapunta kayo doon dahil halata naman na gustong-gusto nyong pumunta."
Marahas akong umiling. "Tito, kung gagawa kami ng bagay na hindi nyo magugustuhan, hindi ba't parang kami lang din ang mahihirapan pagkatapos noon?" sabi ko. "Oo nga po, makakapunta kami. Magiging masaya sa gabing iyon pero pagkatapos, anong maghihintay sa amin? Hindi ko ipagpapalit ang isang gabing kasiyahan para sa posibilidad na muling paglungkot ni Sumi kaya kahit siya pa po ang makaisip nito ay hindi ako magdadalawang-isip na pigilan siya."
Sigurado akong isa-suggest talaga ni Sumi ang tumakas kami sa gabing iyon dahil maraming beses na niya akong sinubukang kumbinsihin kapag ginugusto niyang lumabas ng gabi pero lagi lang siyang bigo dahil ako mismo ay hindi pumapayag sa ideya niya.
Lagi ko namang pinapaliwanag sa kanya kung anong posibleng mangyari kapag nahuli kami ni Tito pero sadyang makulit ang babaeng iyon eh. Gustong gumawa ng kalokohan, eh siya itong higit na mapaparusahan kapag nagalit sa amin ang daddy nya.
“As you know, mula nang mamatay ang mommy ni Sumi ay grabe na ang pagiging protective ko sa kanya at alam ko naman na sumosobra ang ginagawa k,” aniya. “Well, hindi mo naman din siguro ako masisisi lalo na kung malalaman mo na maliban kay Sumi ay mayroon pa akong isang anak na babae na hindi ko nagawa na protektahan kaya nawala siya sa akin at hindi na muli pang nakita.”
Nanlaki ang mga mata ko. “May kapatid po si Sumi?”
Tumango siya. “But this is not about my other daughter,” sabi pa niya. “This is about Sumi and all the things that will make her happy while I am keeping her safe.”
Kumunot ang noo ko nang makitang ngumiti si Tito. “W-what do you mean po? And why are you smiling, Tito?”
Umiling-iling siya. "You just really amaze me, Sanna," aniya. "The love that you have to Sumi is far from what I can imagine to the point na nagagawa mong isakripisyo ang maraming bagay sa buhay mo para lang maging masaya siya."
"She's my friend, Tito,” sambit ko. “Natural lang na gumawa ako ng mga bagay na makakapagpasaya sa kanya dahil iyon lang naman ang maiaambag ko sa sitwasyong hindi niyo naman parehong ginusto."
"Kahit ang pagtatago ng identity mo para magawa mong makatugtog?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya na ikinatawa naman niya.
"Yeah, alam kong ikaw ang drummer ng Mnemosyne," aniya. "At bihira lang kayong magperform hindi dahil past time nyo lang. Iyon ay dahil hindi ka makakuha ng time para makaalis na hindi napapansin ni Sumi."
Napayuko ako sa sinabi nya.
Yeah, hindi nga lang namin pastime ang pagbabanda.
Gusto talaga namin iyon at kung pu-pwede nga ay mas madalas kaming tumugtog dahil kaya naman namin itong isabay sa pag-aaral. Gusto naming i-pursue ang talento na mayroon kami pero dahil hirap akong humanap ng maayos na oras na hindi ako mapapansin o hahanapin ni Sumi ay bihira lang kaming makatugtog.
"Naiintindihan ko kung bakit mo nagawang itago iyon sa amin so you don't have to feel guilty about it," sabi niya. "Ang totoo nyan, ako pa nga itong nagi-guilty dahil sa pagiging makasarili ko ay hindi ko na inisip na napipigilan na pala kita sa mga pangarap mo."
Inangat ko ang ulo ko para tingnan siya.
"Si Sumi na lang ang natitira sa akin at ayoko na may mangyari pang masama sa kanya dahil sa kapabayaan ko tulad nang nangyari sa nauna kong anak pero naisip ko, hindi naman habang buhay ay maikukulong ko siya dito sa bahay,” kwento niya. “Darating din ang araw na kailangan noyang lumabas para mas matuto ng mga bagay na hindi ko kayang ituro sa kanya. Darating din ang araw na kakailanganin niyang masaktan para matuto. Dahil hindi habang buhay ay mananatili ako sa tabi niya para iiwas siya sa lahat ng sakit at panganib na maaari niyang harapin sa buhay kaya naman naisip ko--" Tumingin siya sa akin. "I will give her the freedom that she wanted."
"Po?" Bahagya akong natigilan dahil sa huli niyang sinabi.
"I want her to experience everything she wanted, but of course, she needs to make sure her limitation at alam kong nandyan ka para ipaalala iyon."
"Ibig po bang sabihin nyan--"
Nakangiti siyang tumango. "Simula ngayon, kapag gusto nyong umalis at mamasyal ni Sumi ay papayagan ko kayo. Magsabi lang kayo kung saan kayo pupunta and please, kung magba-bar naman kayo, make sure na uuwi kayo before 3am at hindi kayo wasted."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Tito at marahil dahil sa tuwa ay napayakap ako dito. "Thanks, Tito." Kumalas ako ng yakap sa kanya. "I promise hindi mapapahamak si Sumi kung sakaling mag-bar kami or kahit saan man po kami magpunta."
This is what I have always prayed for ever since I met Sumi.