"Hinayaan ka ba talaga nilang lumabas o tumakas ka?" mapangdudang tanong ni Dina na tinawanan ko. "Seryoso, Lory. Ayoko pang matakwil nila Tita Sally kapag nalaman nilang kasama mo ko ngayon." Huminto ako at sinulyapan siya. "Masyado kang nag-iisip, Dina." "Syempre, 'no! Delikado kaya 'yung buhay mo ngayon!" "Syempre, pinayagan nila ko." Muli akong tumawa at tumuro sa harapan namin. "See? Nandito ko para mag-aral." "Self defense class," basa niya. "Hoy, bruha! Baka nakakalimutan mong buntis ka!" Habol niya sa akin. "Manunuod lang naman ako. For emergency use lang." Dumiretso ako sa loob ng isang malaking gym. Konti lang ang tao sa loob, puro nag-eensayo. Sipa dito, suntok doon at may bumabagsak din sa sahig. Bigla akong na-excite. "Bawal ka dito," bulong ni Dina, kinakabahan. "T

