"Sabi na, Ezekiel, the best ka talaga." Nag-thumbs up ako nang lumapit siya sa akin pagkatapos ng training. "Kaya ikaw 'yung una kong naisip, e. Alam kong kayang-kaya mo 'yan." "Ako ba talaga 'yung una?" mapangduda niyang tanong bago uminom ng tubig. "Oo, kasi ikaw 'yung unang pumasok sa isip ko." Pang-uuto ko sabay ngiti ulit. "Akala ko si Dina 'yung una mong sinama," bulong niya pagkalingon na narinig ko. "Paano mo nalaman?" taka kong tanong habang tinitignan siya nang maigi. Muli siyang uminom at bumalik na doon na para bang hindi ako narinig. "Nagseselos ba siya kay Dina? Dalawa naman silang tinuturing ko ng bestfriends. Tsk. Seloso pala si Ezekiel." Napaisip ako habang tinitignan siya. Para sa baguhan, masyadong magaling si Ezekiel sa pakikipaglaban. Wala lang sa kanya kapag bi

