CHAPTER 65 - I TRUST YOU

1535 Words

"Raf! Raf! Baby, dumilat ka.." Alala ko siyang tinapik-tapik sa pisngi. "Ayos lang ako, 'wag kang umiyak," hirap niyang sagot. "Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Mabilis akong umiling habang nagpupunas ng luha. Ininat niya ang kanyang katawan bago tanggalin ang seatbelt na suot. Lumabas siya at sinunod akong pinuntahan para ibaba. "Ayos ka lang ba talaga??" Sinalo ko siya sa pisngi nang bigla siyang kumapit sa pinto. "Oo, nahilo lang ako." "Oh, God! Buhay sila!" umiiyak na sabi ni Mommy at bigla na lang siyang hinimatay. Sinapo siya ni Daddy. Niyakap naman ako ng akbay ni Raf habang lumalakad kami patingin sa kalsada. Wala na ngayon 'yung dalawang truck na humarang sa magkabilang daan at sumalubong sa amin. Siya na naman ba? Tinatakot niya ba ulit kami? Pare-pareho kaming tahimik na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD