Gusto ko lang namang maging masaya pero bakit ang hirap? "Papatayin mo naba ko?" kabado kong tanong habang nakatalikod sa kanya. Humawak ako nang mahigpit sa kunang malapit sa akin. "Hindi ba pwedeng maghiganti ka kapag nakalabas na siya sa akin?" Matapang akong humarap. Malambing siyang ngumiti bago dahang-dahang lumapit sa akin. Hinawakan niya ko sa pisngi. "Please?" naiiyak kong pagmamakaawa. "Ito ang gusto ko." Turo niya sa tiyan ko. [18 HOURS AGO] "Bakit nandito ka? Hindi ba sabi ko sa'yo 'wag kang lalabas?!" "Oo, pero nalilito na ko, Stephen. Anong ibig mong sabihin na 'wag akong magtitiwala sa nakapaligid sa akin?" "Excuse me, ma'am." Pinadaan ko ang ilang nurse. Hindi siya sumagot sa akin kaya naman nanatili ako at naghintay. Kagabi pa ko hindi mapakali at ngayong naki

